Saturday , January 11 2025

News

THUMBS DOWN! Tinutulan ng grupong Greenpeace Philippines Movement for Climate Justice ang mga planta ng uling. Idiniin nilang 2,400 Filipino ang namamatay kada taon dahil sa ibinubugang usok ng mga planta ng uling. ( BONG SON )

Read More »

SUMUGOD sa Senado ang mga retiradong pulis upang hilingin ang pag-aapruba sa batas na magkakaloob sa kanila ng dagdag sa kanilang pensiyon. ( JERRY SABINO )

Read More »

PINAKIKINGGAN ng pamilya Abalos at mga mamamayan ng Mandaluyong City ang “State of City Address” ni Mayor Benhur Abalos lalo na nang ilahad  niya ang mga proyekto tulad ng pabahay, pangkalusugan, progreso ng mga barangay sa siyudad at mga pumasok na negosyante sa kanyang huling termino. ( ALEX MENDOZA )

Read More »

UMAAPAW ang suporta kay Leyte (1st Dist) Rep. Martin Romualdez ng mga city and municipal officials matapos i-endoso ni Mabalacat City, Pampanga Mayor Marino Morales ang kanyang kandidatura sa pagka-senador. Nagpaabot ng suporta ang mga miyembro ng Federation of Senior Citizen Association of the Philippines sa selebrasyon ng  Our Lady of Grace in Mabalacat City Pampanga, kahapon.

Read More »

MISTERYOSONG SUICIDE. Natagpuang patay ang malamig na bangkay ng biktimang kinilala sa pangalang Renny Montibido, nakasabit sa puno nitong Martes ng umaga (Pebrero 2) sa compound ng Manila Boystown sa Marikina City. Ang biktima na itinatayang nasa edad 30-anyos ay kinuha umano ng mga tauhan ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) noong Lunes (Pebrero 1) para ‘umano’y i-rescue malapit …

Read More »

NAGSAGAWA ang Iglesia ni Cristo (INC) ng Lingap Pamamahayag sa General Santos City Polomolok Gymnasium nitong Enero 29, 2016. Namahagi ng 12,000 goodie packs, 7,500 piraso ng damit at 10,000 laruan sa mga kaanib at hindi kaanib. Nasa 30 doktor at dentista ang nakiisa na nagbigay ng libreng serbisyong medikal at dental assistance. Tumulong sa pamamahagi ang Kinatawan ng Saranggani …

Read More »

Romualdez: Gobyerno dapat manguna sa transisyon (Para sa malinis na enerhiya)

“PUWEDE namang maiksi at maliitang hakbang. Ang transisyon tungo sa mas malinis na enerhiya ay hindi kailangan biglaan. Ito ay dapat matatag na polisiya at suportang pinansiyal mula sa gobyerno. Panahon na upang lisanin ang pagkagumon ng bansa sa fossil fuel.” Ito ang mariing tinuran ni Leyte congressman at 2016 senatorial bet Martin Romualdez, kasabay ng pagbibigay-diin noong Miyerkoles na …

Read More »

Cancer patient tumalon sa 5/f ng ospital, patay

PATAY ang isang pasyenteng may prostate cancer sa East Avenue Medical Center sa Quezon City makaraang tumalon mula sa ikalimang palapag ng ospital kahapon. Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD) Kamuning Police Station 10, kinilala ang biktimang si Joselito Amor, 48, family driver, residente ng 18 Katangian St., Batasan hills sa lungsod, idineklarang namatay dakong 3 p.m. habang …

Read More »

Appointments ng DFA, CSC, CoA officials hinarang

BIGONG makalusot sa Commission on Appointments (CA) ang pitong opisyal mula sa Commission on Audit (CoA), Department of Foreign Affairs (DFA) at Civil Service Commission. Ito’y nang i-invoke ni Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile ang Sec. 20 ng CA rules para harangin ang kanilang ad-interim appointments. Kabilang sa naharang ang appointments ay sina Hon. Isabel Dasalla-Agito bilang Commissioner ng …

Read More »

Grade 4 pupil nadapa sa iskul, patay

VIGAN CITY – Binawian ng buhay ang isang Grade 4 pupil ng Guimod Elementary School sa Bantay, Ilocos Sur makaraang madapa sa loob ng nasabing paaralan. Ang biktima ay kinilalang si Jilian Dadap residente ng Guimod, Bantay. Ayon sa impormasyon, tumatakbo ang bata sa playground nang madapa sa mabatong bahagi at tumama ang dibdib sa batuhan na naging dahilan nang …

Read More »

Palasyo hugas-kamay sa ‘pinatay’ na FOI

HUGAS-KAMAY ang Palasyo sa pagkabigong lumusot sa Kongreso ng Freedom of Information (FOI) at anti-political dynasty bills, parehong kasama sa ipinangako ni Pangulong Benigno Aquino III noong 2010 presidential elections. Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., ginawa ng administrasyong Aquino ang lahat para maisabatas ang FOI at anti-dynasty bills ngunit ang aksiyon ng mga mambabatas na hindi ito ipasa …

Read More »

Aussie tiklo sa rape sa 2 nene

ARESTADO ang 48-anyos Australian national sa kasong panggagahasa sa dalawang dalagita sa Angeles City, Pampanga. Sinampahan ng kasong paglabag sa Child Abuse law at paglabag sa Dangerous Drug Acts ang suspek na si Paul Anthony Collin.  Sinabi ni SPO4 Edon Yalong ng Criminal Investigation and Detection Group sa Pampanga, nagtungo sa kanilang opisina ang ina ng 16 at 18-anyos biktima dahil …

Read More »

6 babae nasagip sa tourist sex parties

NASAGIP ng mga awtoridad sa operasyon kamakalawa ng gabi sa Malate, Maynila ang anim kababaihang sinasabing ibinebenta sa mga dayuhang turista para ilahok sa sex parties. Nasagip nang pinagsanib na puwersa ng mga elemento ng Women and Children Protection Center (WCPC), Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang kababaihan sa isinagawang entrapment operation laban sa trafficking in person dakong …

Read More »

US-PH joint patrol sa WPS posible — Goldberg

INIHAYAG ng US ang posibilidad nang paglulunsad ng joint patrol kasama ang Filipinas sa West Philippine Sea (WPS) ngunit ayaw munang ihayag ang mga detalye. Sa forum kahapon sa Quezon City, inihayag ni US Ambassador to the Philippines Philip Goldberg, hindi isasapubliko ng Washington kung magkakaroon at kailan magdaraos ng joint patrol sa WPS. “I’m not going to prejudge what …

Read More »

US nakatutok sa terror group (Sumusuporta sa ISIS sa PH)

TINUTUTUKAN ng US ang mga grupo sa Filipinas na nagpahayag ng pakikiisa sa international terror group na Islamic State of Iraq and Syria (ISIS). Sa isang forum sa Quezon City, sinabi ni US Ambassador to the Philippines Philip Goldberg, may commitment ang Amerika sa rehiyong Asya-Pasipiko sa kampanya kontra-terorismo. “We all have to be on guard against groups for example …

Read More »

2 bangkay nahukay sa bahay ng tulak

DALAWANG bangkay ng lalaki na napaulat na nawawala noong nakaraang buwan, ang nahukay sa ground floor ng isang bahay na pag-aari ng isang sinasabing sangkot sa ilegal na droga sa Caloocan City kahapon ng umaga. Halos naaagnas na ang katawan ng mga biktimang sina Reynaldo Velasco, 62, ng Blk. 10, Lot 7, Section 8, Phase 1, Muzon, Pabahay 2000, San …

Read More »

Seksing bebot binoga sa ulo

TUMIMBUWANG na walang buhay ang isang seksing babae makaraang barilin sa ulo ng hindi nakilalang lalaki sa Malabon City kahapon ng madaling-araw. Kinilala ang biktimang si Bianca Watson, tinatayang 18 hanggang 22-anyos ang edad. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng suspek na mabilis na tumakas makaraan ang pamamaril. Base sa imbestigasyon …

Read More »

600 pamilya homeless sa Muntinlupa fire

TINATAYANG aabot sa P3 milyon halaga ng mga ari-arian ang naabo at halos 600 pamilya ang naapektohan sa sunog sa Muntinlupa City kamakalawa ng gabi. Ayon sa ulat ng Muntinlupa Bureau of Fire Protection, dakong 11:30 p.m. nang magsimula ang sunog sa bahay ni Daniel Acubo, sa Bagong Sibol, Putatan at mabilis na kumalat sa katabing kabahayan na yari sa light …

Read More »

SINALUBONG ng kilos-protesta ng mga kabataang miyembro ng Anakbayan ang biglaang pagtaas muli ng presyo ng produktong petrolyo, at sabay-sabay na sinilaban ang logo ng tatlong mala-king kompanya ng langis sa Trabajo Market sa España, Maynila.  ( BONG SON )

Read More »

HINIKAYAT ni Pangulong Benigno Aquino III ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ipagpatuloy ang serbisyo at pagpapabuti sa pamumuhay ng nakararaming Filipino lalo na ang mga nangangailangan. Ipinagdiwang ng DSWD ang kanilang ika-65 anibersaryo sa Malacañang kahapon. ( JACK BURGOS )

Read More »

NADAKIP ng mga tauhan ni MPD Moriones Police Station 2 commander, Supt. Nicholas Pinon, sa pangunguna ng PS-2 Delpan PCP chief, Chief Insp. Roberto Mangune, ang suspek na si Joemar Cantilang, 25, miyembro ng kilabot na BCJ Gang, sa PPA Compound, Pier 2, Tondo, Maynila, sa kasong robbery hold-up. ( BRIAN BILASANO )

Read More »

Renewable energy hindi maruming koryente — Romualdez

SA banta ng tumataas na lebel ng tubig-dagat sa Filipinas sa karaniwang antas saan man sa mundo, muling iginiit ng House Special Committee on Climate Change member Rep. Martin Romualdez ang kanyang panawagan sa gobyerno na repasohin ang polisiya sa pagpapatayo ng mga planta ng koryente na coal-fired power plants kasabay ng babala sa peligrong kaakibat sa paggamit ng nasabing …

Read More »

INC kaisa ng ibang relihiyon vs kahirapan

KABALIKAT ng Iglesia Ni Cristo (INC) ang mga denominasyong panrelihiyong nagsisikap upang labanan ang kahirapan, ang nag-iisang kaaway na dapat sugpuin sa lahat ng sulok at kapuluan sa Filipinas. Ito ay ayon isang opisyal ng INC nitong Lunes kasabay nang pagsang-ayon sa sinabi ng ilang lider ng Simbahang Katoliko, kabilang na Ang Aprikanong Cardinal na si John Onaiyekan na mariing …

Read More »

Kolehiyala ginilitan sa leeg ng BF (Nang-block sa FB)

CEBU CITY – Ginilitan sa leeg ng isang 18-anyos lalaki ang kanyang girlfiend bunsod nang matinding selos sa Brgy. Puti-an, bayan ng Bantayan, Cebu kamakalawa. Ayon kay PO1 Jay Desucapan ng Bantayan Police Station, nag-away ang dalawa dahil nagduda ang suspek na may ibang minamahal ang 18-anyos nobya na nag-aaral ng kolehiyo sa bayan ng Madredijos sa nasabing isla. Ito’y …

Read More »