Wednesday , June 24 2026

Sasakyan ng security ni Sec. Aguirre binaril

BINARIL ang sasakyan ng close in security ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre.

Taliwas sa unang impormasyon, nilinaw ni Justice Undersecretary Erickson Balmes, hindi ang bahay ni Aguirre ang binaril kundi ang pribadong sasakyan ni Senior Inspector Recaredo Sarmiento Marasigan.

Nagmamaneho sa expressway si Marasigan nang maramdaman niya na may tumama sa kanyang sasakyan.

Inakala niyang may bumato lamang sa kanyang sasakyan ngunit pagdating ng bahay ni Aguirre, doon niya nakita na may bala sa kaliwang headlight ng kanyang sasakyan.

Ipina-blotter agad ni Marasigan sa himpilan ng pulisya ang insidente.

Si Aguirre ay kasalukuyang dumadalo sa isang pagtitipon ng mga hukom sa Cagayan de Oro City.

( LEONARD BASILIO )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

Nartatez PNP

2 pulis timbog sa rape at pambubugbog ng misis

INARESTO ang dalawang aktibong pulis na may magkahiwalay na kaso ng rape at domestic violence …

Tacloban School Gun Shooting

Sa insidente ng pamamaril sa Tacloban
3 ESTUDYANTE NAPASLANG 20 PA NASAKTAN, SUGATAN
40 basyo ng bala nakuha sa crime scene

HATAW News Team TATLONG kabataang estudyante ang napaslang habang umakyat na sa 20 ang iniulat …

Amenah Pangandaman DBM Money

PH No.1 sa budget transparency – IBS

NAPANATILI ng Filipinas ang pagiging numero uno pagdating sa budget transparency  sa buong Southeast Asia, …

Janeena Chan David Licauco Fabio Ide, Ellen Frojd Teejay Marquez BlueWater Day Spa

Janeena Chan iwas na sa puyat at sobrang trabaho simula nang magka-Bell’s Palsy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAS pinahahalagahan na ngayon ni Janeena Chan ang sarili at kalusugan kaysa trabaho. …

san juan city

Wattah Wattah Festival ng San Juan kasado na

KASADO na ang San Juan City local government unit (LGU) sa lahat ng aktibidad para …