Monday , October 2 2023

1 pang killer ng ex-wife ni Kerwin, utas sa ambush

CEBU CITY – Wala pang 24 oras mula nang mapatay ang isa sa itinuturong nasa likod nang pagpatay sa dating misis ni Kerwin Espinosa na si Analou Llaguno, isa na naman sa tatlong itinuturong suspek ang bumulagta makaraan pagbabarilin.

Ang suspek ay kinilalang si Richard Jungoy, residente sa Brgy. Duljo Fatima, Cebu City.

Ayon sa mga saksi, lumabas ng bahay si Jungoy para bumili ng sigarilyo nang biglang dumating ang isang motorsiklong sakay ang dalawang hindi nakilalang gunman at siya pinagbabaril.

Sa imbestigasyon ng pulisya, posibleng isa si Jungoy sa mga tauhan ng big time drug lord na si Jaguar na dati ring nakarelasyon ni Llaguno.

Napag-alaman, si Llaguno ang nagbigay ng tip sa kinaroroonan ni Jaguar sa mga pulis kaya’t nahuli at napatay sa Las Piñas City.

About hataw tabloid

Check Also

SM 65 1 Feat

Experience Super-Sized Fun at SM’s 65th Anniversary this October

It’s October and it only means one thing at SM Super-Month! Suit up for some …

JUMPER BOY SA R-10 TONDO

Perwisyo sa mga trak atbp motorista JUMPER BOY SA R-10 TONDO KALABOSO!

HIMAS-REHAS ang isang 23-anyos “Jumper Boy” na siya rin nag-viral kamakailan nang akyatin at pilit …

arrest posas

2 kilabot na holdaper arestado gamit na gun replica kompiskado

NABAHAG ang buntot ng dalawang kilabot na holdaper nang pagsalikupan sila ng mga nagrespondeng pulis …

Bulacan solar-powered irrigation system DA NIA

Magsasakang Bulakenyo makikinabang sa 3 solar-powered irrigation system ng DA-NIA

MALOLOS CITY – Tinatayang 1,434 magsasakang Bulakenyo ang makikinabang sa katatapos na tatlong solar pump …

lovers syota posas arrest

Magdyowang tulak, dinamba sa drug bust

SWAK sa selda ang live-in partners na sinabing tulak ng ilegal na droga matapos makuhaan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *