Saturday , January 11 2025

News

Pambansang seminar sa pagtuturo ng panitikang gender-based

Magdaraos ng Pambansang Seminar sa Pagtuturo ng Panitikang Gender-Based sa dalawang lugar ang Komisyon sa Wikang Filipino sa paki-kipagtulungan sa Jose Rizal Memorial State University at La Consolacion College-Bacolod. Gaganapin ito sa 13-15 Abril 2016 sa Jose Rizal Memorial State University, Lungsod Da-pitan, Zamboanga Del Norte at 18-20 Mayo 2016 sa La Consolacion College, Lungsod Bacolod, Negros Occidental. Layunin ng …

Read More »

Bakuna vs dengue itutuloy ng DOH (Kahit walang WHO recommendation)

BAGAMA’T walang rekomendasyon mula sa World Health Organization (WHO), tuloy na simula sa Lunes ang pagbibigay ng libreng bakuna ng gobyerno sa mga estudyante ng pampublikong paaralan laban sa sakit na dengue . Tiniyak ni Dr. Rose Capeding, pinuno ng Department of Microbiology sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM), ligtas ang mga bakunang Dengvaxia. Unang makatatanggap ng libreng bakuna ang hindi …

Read More »

Mag-iina minasaker sa South Cotabato

KORONADAL CITY – Nakahandusay at wala nang buhay ang tatlong miyembro ng pamilya Recomite sa Prk. Ubas, Bo. 5, Banga, South Cotabato makaraan pagsasaksakin ng hindi pa nakikilalang mga suspek kahapon ng umaga. Ayon kay Barangay Kapitan Amado Villacanas ng Bo. 5,  duguang natagpuan ang magkapatid na sina Edward alyas Wating at Metchie gayondin ang kanilang ina na si Cresencia “Cresing” …

Read More »

Blackout-free election drill isinagawa

NAGSAGAWA ng table-top blackout drill ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) at energy stakeholders upang matiyak na may maayos na serbisyo ng koryente sa araw ng halalan sa Mayo 9, 2016. Sa naturang event, dumalo ang mga opisyal ng GCPs System Operations group, Department of Energy (DoE), TransCo, Distribution Management Committee (DMC), NPC at key power generation companies. …

Read More »

TILA nalimutan ng mga residente sa Parola Compound, Tondo, Maynila, ang buhay nilang lalong nasadlak sa kahirapan nang maglaho ang mga libreng serbisyo sa lungsod nang makita nila ang nagbabalik na tunay na Ama ng Maynila na si Mayor Fred Lim kasama ng kanyang bise alkalde na si Rep. Atong Asilo at mga kandidatong konsehal ng ikatlong distrito. Sinuyod ng …

Read More »

NAGBIGAY ng mensahe si Pangulong Benigno Aquino III sa ginanap na opening ceremony ng Publish Asia 2016 Conference, sa temang “Mapping Challenges and Opportunities in the New Asian Media Game,” ginanap sa ‘Manila Hotel in One Rizal Park’ sa Maynila. ( JACK BURGOS )

Read More »

DANGAL NG BAWAT FILIPINO – Ipinakita ng mga kapatid nating lider ng mga Muslim ang kanilang suporta para kay dating DILG secretary Rafael “Raffy” Alunan III na kanilang sinalubong sa Alnor Hotel, Cotabato City kamakailan. Sa panibagong yugto ng kanyang buhay na makapaglingkod bilang Senador kaya kumandidato sa nalalapit na May 9 national elections, layunin ni Alunan na manumbalik ang …

Read More »

Comelec ‘Knockout’ sa Pacman fight

IPINASYA ng Comelec na huwag nang pakialaman ang magiging laban ni Filipino boxing superstar Manny Pacquiao kay Timothy Bradley sa Abril 9 (Abril 10 sa Filipinas), na magaganap sa MGM Grand, Las Vegas, Nevada. Ito’y kahit kandidato si Pacman sa pagka-senador at may mga umiiral na patakaran ukol sa airtime limits ng bawat kalahok sa halalan. Ayon kay Comelec Chairman …

Read More »

Dayaan sa Maynila lulutuin sa Crame

MAGIGING piping saksi ang apat na sulok sa ‘selda’ ni Sen. Jinggoy Estrada sa lulutuing pandaraya sa Maynila sa nalalapit na halalan. Ito ang nabatid sa source ng Hataw mula sa kampo ni ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada. Anang source, nagbigay umano ng direktiba si Erap sa mga barangay chairman sa Maynila na magpunta sa ‘selda’ ni …

Read More »

NBI pasok vs hackers ng Comelec website

NAISUMITE na sa National Bureau of Investigation (NBI) ang report ng Commission on Elections (Comelec) hinggil sa nangyaring pag-hack sa kanilang official website nitong nakaraang weekend. Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, ipauubaya na nila ang kaso sa NBI Anti-Cybercrime Division para sa matukoy ang mga nasa likod ng insidente. Para kay Jimenez, hindi lang ang parusa sa mga may …

Read More »

$81-M inaasahan ng Bangladesh gov’t na maibabalik pa

UMAASA pa rin ang gobyerno ng Bangladesh na maibabalik sa kanila ang $81 milyon na ninakaw na pondong nakadeposito sa Federal Reserve sa New York na napunta sa Filipinas at isinailalim sa money laundering. Ito ay nang magkaroon na ng development sa imbestigasyon ng Senado at tiniyak ng casino junket operator na si Kim Wong na isasauli niya ang $4.63 milyon, …

Read More »

Pamilya Coloma minasaker sa Cagayan

TUGUEGARAO CITY – Inihahanda na ang kasong multiple murder laban sa lalaki na pumatay sa tatlong miyembro ng isang pamilya sa bayan ng Pamplona, Cagayan kamakalawa.  Kinilala ang biktimang mag-asawa na sina Emilio at Hilaria Coloma at kanilang anak na si Maria Christina. Batay sa imbestigasyon ng PNP Pamplona, sumugod ang suspek na si Ciano Bunag sa bahay ng pamilya …

Read More »

PH walang balak makigiyera sa China — PNoy

WALANG plano ang Filipinas na pumasok sa giyera laban sa China kaugnay ng sigalot sa teritoryo sa pinag-aagawang isla sa West Philippine Sea (WPS). Sinabi ni Pangulong Benigno Aquino III sa Publish Asia 2016 sa Manila Hotel, ayaw ng Filipinas ng giyera dahil walang panalo rito kaya ang ginamit na pamamaraan ng gobyerno upang resolbahin ang territorial disputes sa West …

Read More »

Singaporean tumalon mula 5/F ng condo

PATAY ang isang Singaporean national makaraan tumalon mula sa ikalimang palapag at bumagsak sa lobby ng tinutuluyan niyang condominium sa Pasay City kahapon ng umaga. Binawian ng buhay habang ginagamot sa San Juan De Dios Hospital ang biktimang si Kee Kian Eng, 48, ng Unit 5L, 5th floor, Montecito Residential Resort Condo, Resort Drive, New Port City, Villamor ng naturang …

Read More »

10 Indonesian crew, hawak na ng ASG sa Sulu

ZAMBOANGA CITY – Sinasabing nasa kamay na ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Sulu ang10 Indonesian crew na kamakailan lamang ay napaulat na dinukot habang sakay ng kanilang tugboat sa karagatan ng ZAMBASULTA area. Ayon kay incumbent Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Gov. Mujiv Hataman, base sa nakuha niyang ulat mula kay PRO-ARMM Regional Director, Chief Supt. Ronald Estilles, …

Read More »

Ex-Bukidnon solon et al ipinaaaresto (Sa pork barrel scam)

HAWAK na ng pulisya ang warrant of arrest na inilabas ng Sandiganbayan laban kay dating Bukidnon Rep. Candido Pancrudo Jr. Ito’y makaraan makitaan ng probable cause ang kasong graft at malversation laban sa dating kongresista kaugnay ng pagkakasangkot sa pork barrel fund scam. Hindi na rin maaaring makalabas ng bansa si Pancrudo dahil sa hold departure order. Bukod sa dating …

Read More »

3 bangkay natagpuan sa GenSan

GENERAL SANTOS CITY – Halos magkakasunod lamang nang matagpuan ang bangkay ng tatlong lalaki sa magkakaibang lugar sa lungsod kahapon ng umaga. Ang una ay natagpuan sa Diversion Rd., Brgy Apopong. Ang bangkay ay may tama ng bala ng baril sa ulo. Ang ikalawang bangkay ay natagpuan sa Prk-13, Brgy. Fatima, pinaniniwalaang ang sugat sa mukha ay natusok ng kahoy …

Read More »

Helper nagbaril sa sentido, kritikal

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 23-anyos helper makaraan magbaril sa sentido sa loob ng inuupahang bahay sa Tondo, Maynila kahapon ng umaga. Inoobserbahan sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Harold Panuncio, tubong Capiz, residente ng Gate 15, Area D, Parola Compound, Tondo, Manila. Sa ulat ni PO3 Tom Jay Fallar, dakong 6:45 a.m. nang maganap ang insidente …

Read More »

10 sugatan sa salpukan ng 2 tricycle sa CamNorte

NAGA CITY – Umabot sa 10 katao ang sugatan sa banggaan ng dalawang tricycle sa Brgy. Batobalani sa Paracale, Camarines Norte kamakalawa. Napag-alaman, habang binabaybay ng tricycle na minamaneho ni Elias David, 61, kasama ang anak niyang si Jennifer David, ang kahabaan ng nasabing kalsada nang mahagip ito ng humaharurot na tricycle na minamaneho naman ni Reynante Ybarola. Dahil sa …

Read More »

Mag-utol binoga ng kaanak (Dahil kay Luningning)

KAPWA sugatan ang magkapatid makaraan barilin ng kanilang kaanak na nakatalo ng isa sa kanila dahil sa girlfriend ng suspek na si Luningning sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.  Ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng mga tama ng bala ng kalibre .45 baril si Mark Gregory Vibar, 30, habang nilapatan ng lunas sa Caloocan City Medical Center …

Read More »

KASAMA ni vice presidential aspirant Senator Bongbong Marcos ang kanyang mga anak na sina William Vincent (pangalawa sa kanan), Joseph Simon (kaliwa); at kapatid na si Irene Marcos Araneta (kanan), sa kanyang campaign sorties kahapon (Marso 29) sa Pampanga. ( JERRY SABINO )

Read More »

INIHAYAG ni Leyte congressional candidate Yedda Romualdez, asawa ni senatorial candidate Martin Romualdez, ang kanyang plataporma de gobyerno sa harap ng 10,000 na tagasuporta sa proclamation rally sa RTR Gymnasium sa Tacloban City nitong Lunes. Ipinangako ni Mrs. Romualdez na itutuloy niya ang mga proyekto ng kanyang asawa sa district 1 sa edukasyon, kalusugan, agrikultura at women empowerment.

Read More »

SINALUBONG ni Mayor Jaime Fresnedi ang Linggo ng Pagkabuhay kasama ang mga kumakandidato sa lokal na posisyon sa isinagawang proclamation rally sa Bayanan Baywalk, Muntinlupa nitong Marso 27. Libo-libong tagasuporta ang dumalo sa programa na nagsuot ng mga dilaw na kasuotan upang ipakita ang kanilang pakikiisa sa Punonglunsod. ( MANNY ALCALA )

Read More »

NAGMARTSA ang mga miyembro ng Communist Party of the Philippines (CPP) kasama ang grupo ng Kabataang Makabayan bilang pagdiriwang ng ika-47 anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan (NPA) sa Mendiola Bridge sa San Miguel, Maynila kahapon. ( BONG SON )

Read More »

BILANG paggunita sa ika-47 anibersaryo ng New People’s Army (NPA), nagmartsa ang mga tagasuporta at miyembro ng Communist Party of the Philippines (CPP) dala ang abo ni CPP Spokesperson Gregorio “Ka Roger” Rosal sa Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA) sa Quezon City. Nakalagay ang urna sa isang transparent glass box na napapalibutan ng pulang rosas, bilang simbolo ng pagmamahal ng …

Read More »