NILINAW ni Health Secretary Janette Garin, hindi dulot ng anti-dengue vaccine ang pagkamatay ng 11-anyos batang lalaki na binakunahan bago binawian ng buhay. Ayon kay Garin, ang pangunahing sanhi ng pagkamatay ng pasyente ay pulmonary edema o pagkalunod ng kanyang baga. Posible rin aniyang ang sanhi ng pagkamatay ay bunsod ng congenital heart disease at acute gastroenteritis with moderate dehydration. …
Read More »Pumugot sa Canadian tugisin — PNoy
INATASAN ni Pangulong Benigno Aquino III ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na tugin at panagutin sa batas ang mga bandidong kasapi ng Abu Sayyaf Group (ASG). Ang pahayag ng Palasyo ay makaraan pugutan ng ASG ang bihag na Canadian na si John Ridsdel kamakalawa. “The President has directed the security forces to apply …
Read More »1 patay, 2 sugatan sa ratrat sa Kyusi
PATAY ang isang lalaki habang dalawa ang malubhang nasugatan makaraang pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin kamakalawa ng gabi sa Quezon City. Sa ulat ni Supt. Rodelio Marcelo, hepe ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), kinilala ang biktimang si Eduardo Deobago, 25, ng Sta. Maria St., Brgy. Holy Spirit, Quezon City, binawian ng buhay habang …
Read More »Recom sabit sa P72-M Insurance Scam
IBINUNYAG ngayon na idineklarang ‘irregular’ na transaksiyon ng Commission on Audit (COA) ang mga biniling insurance ni Cong. Recom Echiverri noong siya pa ang mayor ng Caloocan, na nagkakahalaga ng P72 milyon. Ayon kay Brgy. 62 Chairman at tumatakbong konsehal sa 2nd Dist. ng Caloocan na si Jerboy Mauricio, isinampa niya ang kasong malversation, violation of Anti-Graft and Corrupt Practices …
Read More »Digong bumagsak sa rape joke (Grace Poe tabla na kay Duterte)
UNTI-UNTI nang nawawala ang kompiyansa ng sambayanang Filipino kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte dahil makaraan ang mahabang panahong pagpuwesto sa No.1 spot bilang presidential candidate sa May 9 elections, nakahabol na sa kanya si Senadora Grace Poe bilang top choice sa huling survey. Nag-ugat ang pagbaba ng rating ni Duterte matapos gawin ang kontrobersiyal na biro sa panghihinayang niya …
Read More »Chiz manok ng OFWs (Tumaya sa pinakahanda)
HINDI pinalampas ang 18-taon track record sa gobyerno ni independent vice presidential bet Sen. Chiz Escudero sa pagsusuri ng overseas Filipino workers (OFWs) kaya inendoso ng 1.3 milyong miyembro ng Partido ng Manggagawa at Magsasaka (PMM) ng yumaong OFW Family Club party-list Rep. Roy Señeres ang beteranong Bicolanong mambabatas kasabay ng pahayag na siya ang pinakahanda at pinakakuwalipikado sa lahat …
Read More »De Lima not qualified maging senador — Sanlakas
SINABI nitong Lunes ng isang kilalang multi-sektoral na koalisyon na hindi kuwalipikadong maging Senador si dating DOJ Secretary Leila de Lima dahil kasapi siya sa baluktot na pamamaraan ng pamumuno ng umano’y “Daang Matuwid.” Ayon kay Leody de Guzman, first nominee ng grupong Sanlakas, taliwas sa adbokasiya ng “Daang Matuwid” ng administrasyong Aquino ang pinaggagagawa ni De Lima. Ilan dito …
Read More »Priority wards ibabalik din ni Mayor Alfredo Lim (‘Di lang libreng serbisyo sa ospital)
TINIYAK nang nagbabalik na si Manila Mayor Alfredo S. Lim, hindi lamang mga libreng serbisyo sa lahat ng ospital ng lungsod ang kanyang ibabalik kundi ma-ging ang pagbibigay ng ‘priority wards’ para sa mga pulis, bom-bero, guro, barangay officials, senior citizens, City Hall personnel at persons with disabilities (PWDs) o mga may kapansanan. Sa isang caucus, pinapurihan ni Lim ang …
Read More »Visayas, Region 8 candidates suportado sina Bongbong at Romualdez
KABILANG ang Visayas at Region 8 sa magdadala nang malaking boto kina vice presidential candidate Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at senatorial candidate Martin Romualdez. Ito ay makaraan isa-isang magtalunan at magbaliktaran ang mga kandidato ng Liberal Party (LP), at Nationalist People Coalition (NPC) para sa kandidatura nina Marcos at Romualdez. Kabilang sa mga naunang nagpakita ng kanilang suporta at …
Read More »Haponesa, live-in arestado sa pekeng pera
PINAYUHAN ng Pasay City Police ang publiko na maging maingat kaugnay sa pagkalat ng mga pekeng pera sa nalalapit na eleksiyon, makaraan makompiskahan ang isang Haponesa at ang kanyang live-in partner na Filipino ng fake na P500 bill na ipinambayad sa biniling T-shirts sa isang tindahan sa lungsod kamakalawa. Nasa kustodiya ng pulisya ang mga suspek na sina Yuki Koguchi, …
Read More »Anti-Bongbong campaign, flap
INIULAT na si Chiz Escudero ay naglaan ng P70 milyon para sirain si Bongbong Marcos habang ang Malacañang ay naglabas ng P35 milyon para pondohan ang Martial Law library na naka-exhibit ang sinasabing kalupitang naganap noong Martial Law. Ngunit ang sinasabing pakana ni Escudero ay hindi umubra dahil batid ng mga tao na ang buhay sa na-sabing era ay higit …
Read More »Environment friendly technology ipinakikilala ng Mapecon
ITUTULOY ng Mapecon Green Charcoal Philippines, Inc. (MGCPI) ang programang pinaniniwalaan nilang hihikayat sa mga mamamayan na magkaroon ng interest na makipag-ugnayan sa publiko kaugnay sa pangangasiwa ng kapaligiran sa pamamagitan ng thematic program na idinesenyo rin para matugunan ang problema sa mga peste, waste at iba pang environment problems. Umaasa ang kompanya na makukuha nito ang suporta ng publiko. …
Read More »Ex-DBP chair Nañagas ikulong (Hatol ng Sandiganbayan)
HINATULAN ng Sandiganbayan na makulong si dating Development Bank of the Philippines (DBP) Chairman of the Board Vitaliano Nañagas II dahil sa kasong estafa at katiwalian. Ayon sa ulat ng Office of the Ombudsman, hinatulan ni Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang si Nañagas na makulong ng anim hanggang 10 taon dahil sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, apat hanggang …
Read More »Arresting officer binoga ng tanod, suspek sugatan din
SUGATAN ang isang pulis makaraan pagbabarilin ng isang barangay tanod habang inaaresto ng mga awtoridad ang dalawang lalaking kapitbahay ng suspek sa bisa ng warrant of arrest kamakalawa sa Quezon City. Sa ulat ng Quezon City Police District – Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), kinilala ang sugatang pulis na si PO2 Eduard Paggabao, ng QCPD Lagro Police Station 5, …
Read More »Ex-LWUA Head Pichay, 3 pa swak sa graft
SASAMPAHAN ng patong-patong na kaso sa Sandiganbayan si dating Local Water Utilities Administration (LWUA) administrator Prospero Pichay at iba pa niyang mga kasamahan. Tinukoy ng Office of the Ombudsman ang paglabag ni Pichay sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Code of Conduct and Ethical Standards of Government Employee dahil sa paggamit ng P1.5 milyon fund para mag-sponsor sa isang …
Read More »Amok nanaksak sa PCP, todas sa parak (2 pulis sugatan)
PATAY ang isang hindi nakilalang lalaki makaraan barilin ng isang pulis nang mag-amok at saksakin ang dalawang parak sa loob ng police station sa Binondo, Maynila kamakalawa ng gabi. Hindi na umabot nang buhay sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang lalaking may gulang na 40 hanggang 45-anyos, 5’10 haggang 5’11 ang taas, malaki ang pangangatawan, kalbo at nakasuot ng itim …
Read More »INC mabilis na tumulong sa biktima (Sa pinakabagong lindol sa Japan)
MABILIS na tumugon sa pangangailangan ng mga biktima ng nakaraang lindol sa bansang Japan ang Iglesia Ni Cristo (INC) sa pamamagitan ng pagbigay ng libo-libong kahon ng relief goods sa ilalim ng programang Lingap o International Aid for Humanity nito. Sinabi ni Glicerio B. Santos, Jr., ng INC noong Linggo, naiparating at naipamigay ng INC ang relief packs sa mga …
Read More »Salceda: Si Chiz ang VP ko (Baliktaran sa Bicol, Leni laglag)
TILA pangitain sa politika na yayanig sa bansa sa huling dalawang linggo bago ang halalan, sumabog nitong Biyernes ang anunsiyo ni Albay Governor at Liberal Party (LP) regional chairman Joey Salceda na susuportahan niya ang kandidatura ng kapwa Bikolano na si Sen. Chiz Escudero. Ayon kay Salceda, ikinokonsidera niya sa kanyang pagpili ang 18-taong karanasan ng beteranong senador laban sa …
Read More »Batas Militar ibabalik ni Digong – Rosales (Justice system binabarya)
NAGKAKATOTOO na ang sinabi ng dating Commission on Human Rights (CHR) Chair Loretta “Etta” Rosales na ang sistema ng pamumuno ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang magsisilbing daan sa pagbabalik ng Martial Law noong rehimen ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos. Sa panahon ng kainitan ng pangangampanya ni Duterte, tahasan niyang sinasabi sa harapan ng kanyang mga supporters na …
Read More »P4.5-M pasuweldo swak sa bulsa ni Vice Mayor (Pasay City ghost employees buking)
NAIPALUSOT sa Pasay City council ang payroll ng tinatayang 100 ghost employees, dahilan kung bakit naibulsa ni Vice Mayor Marlon Pesebre ang halos P4.5 milyon halaga ng pasuweldo para sa unang quarter pa lamang ng kasalukuyang taon. Napaulat na nagsimula ang pagkakaroon ng ghost contractual employees nang maupo si Pesebre bilang vice mayor noong 2010 pero nabuking kailan lamang. Sa …
Read More »Mayor Lim pinapurihan ng communities
PINAPURIHAN ng mga residente ng ‘depressed communities’ sa Maynila ang nagbabalik na alkalde na si Alfredo S. Lim dahil sa pagiging katangi-tanging kandidato para alkalde, na bumisita nang personal sa kanilang mga tahanan. Sa kanilang pagtanggap sa alkalde, nagpahayag nang pagkagulat at pagkatuwa ang mga residente nang makita si Lim, na taliwas sa ipinakakalat ng mga kalaban, ay nananatiling malakas …
Read More »Protesta vs Duterte patuloy
MATAPOS bawiin ang paghingi ng sorry ng kanyang kampo, lalong nag-init ang women’s groups laban kay Davao City mayor Rodrigo Duterte. Nabunyag na ang paghihingi ng tawad sa kanyang pagbibiro na sana’y siya ang naunang mang-rape sa pinaslang na Australianang misyonaryo na si Jacqueline Hamil ay pakana lamang pala ng kanyang kampo. Si Mayor Duterte mismo ang nagbulgar na hindi …
Read More »Bongbong inendoso ng LP candidates sa Southern Leyte
MAASIN CITY, SOUTHERN LEYTE— Muling nabawasan ng tagasuporta ang pambato ng Liberal Party (LP) makaraan iendoso ng pamilya Mercado ang kandidatura ni vice presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. Mismong magkapatid at mag-amang Mercado ang nanguna para ikampanya si Marcos sa mga mamamayan ng Maasin nang bumisita siya rito. Kabilang sa mga Mercado na nag-endoso at nagtaas ng kamay ni …
Read More »Mayor Oca landslide win sa latest survey (280,000 votes lamang, buong Oca Team wagi rin)
TULOY-TULOY ang arangkada at pag-angat ni Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan sa pinakahuling survey na isinagawa noong nakalipas na buwan ng Marso. Sa Inilabas na pinakahuling survey ng Actual and Comprehensive Evaluators (ACE), nakakuha ng 69.2% si Mayor Oca samantala 24.8% lang si Enrico “Recom” Echiverri. Ganoon din ang inilabas na survey results ng Probe Data Processing & Research …
Read More »Duterte dapat idiretso sa Mandaluyong — 4k
TINAWAG ni Vice President Jejomar Binay na ‘abnormal’ si presidential bet at Davao City Mayor Rodrigo “Digong” Duterte at iginiit naman ng isang advocacy group na imbes sa Malakanyang ay sa National Center for Mental Health (NCMH) dapat idiretso ang kandidatong pangulo ng PDP-Laban. Sa kanyang talumpati sa mga tagasuporta sa Alaminos City, Pangasinan kamakalawa, iginiit ni Binay na dapat …
Read More »