Thursday , June 4 2026

Concepcion gun for hire group, niratrat sa Albay

LEGAZPI CITY- Masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pamamaril sa isang miyembro ng Concepcion gun for hire group sa Libon, lalawigan ng Albay kamakalawa.

Ito ay isang araw makaraan iutos ni Bicol Police Regional Director Chief Supt. Melvin Buenafe ang paghahanap at pagdakip sa miyembro ng notorious na Concepcion group.

Pinagbabaril ng dalawang armadong lalaki ang kasalukuyang nanunungkulan bilang barangay kagawad ng Bonbon na si Gilbert Misambique, 46-anyos.

Ayon sa Libon Municipal Police Station, nasa drug watchlist nila ang biktima at aktibong gumagamit at tulak ng shabu.

Agad itinakbo sa Bicol Regional Teaching and Training Hospital (BRTH) sa lungsod ng Legazpi ang biktima.

Sa ngayon, hindi pa malaman ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek sa nasabing pamamaril, habang nananatiling naka-full alert ang pulisya kaugnay sa panggugulo ng Concepcion group.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …