Saturday , January 11 2025

News

1 patay, 1 sugatan sa trike vs van

road traffic accident

CAMP OLIVAS, Pampanga – Patay ang isang lalaki habang malubha ang kalagayan sa pagamutan ng kanyang misis makaraan araruhin ng isang van ang sinasakyan nilang tricycle kamakalawa ng umaga sa MacArthur Highway, Brgy. Capalangan, bayan ng Apalit. Base sa ulat ni Supt. Wilson M. Alicuman, hepe ng Apalit Police, sa tanggapan ni Chief Supt. Aaron N. Aquino, Police Regional Office-3 …

Read More »

Lady rider sugatan sa saksak ng 2 bagets

SUGATAN ang isang 21-anyos babaeng motorcycle rider makaraan saksakin ng dalawang binatilyo na humarang sa kanya sa madilim na bahagi ng Tondo, Maynila kamakalawa. Nilalapatan ng lunas sa Tondo Medical Center ang biktimang si Ria Rose Flores, garment worker, residente sa Guillermo St., San Rafael Village, Navotas City, habang pinaghahanap ng mga awtoridad ang dalawang suspek na hindi pa nakikilala. …

Read More »

Sa food stand Kelot pinatayan ng ilaw, nanaksak

knife saksak

SUGATAN ang isang 29-anyos food stand helper makaraan saksakin ng lalaking pinatayan niya ng ilaw habang nakikipag-inoman sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling-araw. Nilalapatan ng lunas sa Gat Andres Bonifacio  Medical Center ang biktimang si Charlie Mendoza, residente sa Wagas St., Tondo, Maynila. Mabilis na tumakas ang suspek na si alyas Jepoy makaraan ang insidente. Ayon sa imbestigasyon ni SPO3 …

Read More »

1 patay, 50 pamilya apektado sa sunog sa Muntinlupa

fire dead

PATAY ang isang lalaki makaraan matupok ng apoy ang 30 bahay sa naganap na sunog nitong Sabado ng gabi sa Bayanan, Muntinlupa City. Ayon sa ulat, hindi nakalabas sa nasusunog niyang bahay sa Block 10 ang biktimang si Gilyer Cinco dahil namamaga ang kanyang  mga paa, ayon kay City Fire Marshall Supt. Gilbert Dulot. Sumiklab ang sunog mula sa bahay …

Read More »

MMDA rider, 1 pa tiklo sa shabu

NAARESTO ang isang motorcycle rider ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at isa pa sa buy-bust operation ng Quezon City Police District (QCPD) Masambong Police station 2 kahapon ng madaling araw. Sa ulat kay QCPD director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, kinilala ang mga suspek na sina Dexter Lucas, 43, MMDA motorcycle rider, residente ng 77 Santan St., Pinkian, …

Read More »

Drug pusher binoga habang natutulog

TULUYAN nang hindi nagising sa kanyang mahimbing na pagtulog ang isang 34-anyos hinihinalang drug pusher makaraan barilin ng hindi nakilalang lalaki sa loob ng kanyang bahay sa Sta. Ana, Maynila kahapon ng umaga. Kinilala ang biktimang si Fabie de Asis, 34, residente sa Road 15, Fabie Estate, Sta. Ana,Maynila. Sa imbestigasyon ni SPO2 Jonathan Bautista, dakong 5:40 am nang maganap …

Read More »

2 salvage victim natagpuan sa Munti

NATAGPUANG patay ang dalawang lalaking hinihinalang tulak ng droga na pinaniniwalaang biktima ng salvage sa NBP Reservation Area, Muntinlupa City kahapon ng umaga. Kinilala ni Muntinlupa City Police chief, Sr. Supt. Nicolas Salvador, ang mga biktima sa alyas na Nonoy at Kalbo. Base sa pagsisiyasat ng pulisya, natagpuan ang bangkay ng mga biktima sa Old Piggery, Agro Production Section ng …

Read More »

Pulis sugatan 3 tulak utas sa shootout

DALAWANG hinihinalang drug pusher na kumikilos sa likurang bahagi ng Quezon City Police District (QCPD) General Headquarters sa Camp Gen. Tomas Karingal, ang napatay nang lumaban sa buy-bust operation ng pulisya kahapon ng madaling araw. Sa inisyal na ulat ni Supt. Rogarth Campo, QCPD District Special Operation Unit (DSOU), kinilala ang isa sa dalawang napatay sa alyas na LA, kapwa …

Read More »

5 drug suspect utas sa vigilante

LIMANG hinihinalang drug personalities kabilang ang isang babae, ang namatay makaraan pagbabarilin ng hinihinalang mga miyembro ng vigilante group sa magkakahiwalay na lugar sa Caloocan City. Kinilala ang mga napatay na sina Jimmy Montenegro, 46; Ronnie Sinadhan, 38; Gennilyn Malate, 42; Jaypee Quizon, at Alexander Ponciano. Samantala, namatay sa Rakim Romorus alyas Kim Baba, 35, makaraan makipagpalitan ng putok sa …

Read More »

100 DAYS NI DIGONG.

Sinalubong ng kilos-protesta ng iba’t ibang grupo ng mga manggagawa ang unang 100 ni Pangulong Rodrigo Duterte upang itulak ang administrasyon na magdesisyon para sa konkretong hakbang sa pagtupad sa pangakong tuldukan ang kontraktuwalisasyon kasabay ng kanilang kahilingang dagdag-sahod sa pamamagitan ng pagpapatupad ng minimum wage na P750 kada araw para sa mga pribadong manggagawa at P16,000 buwanan sahod para …

Read More »

Sa ika-100 araw ni Duterte: Endo ‘di pa tapos militante desmayado

DESMAYADO ang ilang grupo ng mga manggagawa tungkol sa hindi pagtugon ng Duterte administration hinggil sa pagtigil ng contractualization policy sa bansa. Ayon kay Wennie Sancho, labor sector representative sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board Western Visayas at secretary-general ng General Alliance of Workers Association (GAWA), nabigo sila sa hindi pagtupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ng kanyang pangako na …

Read More »

Giit ng NCRPO: Quiapo chairman na napatay protektor ng drug trade (Pamilya: Hindi drug pusher si chairman)

TODO-DEPENSA si NCRPO director, Chirg Supt. Oscar Albayalde sa pagkakapatay sa barangay chairman at anim pang iba sa drug raid sa Quiapo, Maynila. Ayon sa heneral, ang napatay na si Faiz Macabato, chairman ng Barangay 648, ay nagsisilbing protektor ng illegal drug trade sa lugar. Aniya, malaking bagay ang isinagawang operasyon sa dahilang huling nangyari ang raid sa Islamic Center, …

Read More »

Peace talk sa reds positibo sa EU

Duterte CPP-NPA-NDF

UMAASA ang European Union (EU) na maseselyohan na ang usapang pangkapayapaan ng administrasyong Duterte at Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) bago matapos ang 2016. Sinabi ni EU Ambassador Franz Jessen sa kanyang open letter sa Facebook website, kahit sa nakalipas na 100 araw ay tinadtad ng batikos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang EU, United Nations, …

Read More »

Rights concern dalhin sa tama at ukol na forum

SA kabila ng mga paalala ng mga kaalyado at bantang pagbawi sa foreign assistance, muling nagpakawala nang maaanghang na salita si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa US, United Nations (UN) at European Union (EU). Sinabi ni Pangulong Duterte, akala mo kung sino, lalo na ang US, na makapag-lecture kaugnay sa human rights. Ayon kay Pangulong Duterte, dapat dalhin sa tamang …

Read More »

Mark Anthony inilipat sa Angeles District Jail

INILIPAT na ng kulungan ang aktor na si Mark Anthony Fernandez habang dinidinig ang kanyang kaso sa Pampanga kaugnay sa pagkaaresto sa kanya ng mga pulis dahil sa nakuhang marijuana sa kanyang sasakyan. Umaga nitong Sabado nang ilabas si Mark Anthony sa Station 6 ng Angeles City-Police para ilipat sa District Jail ng nabanggit na bayan. Ang paglilipat ay ginawa …

Read More »

Rosanna Roces kakasuhan sa sex trade

Rosanna Roces

IPINAUUBAYA ni House committee on justice chairman Rep. Reynaldo Umali sa ibang lupon kung magsasagawa rin ng ibang imbestigasyon sa nabunyag na paghahakot ng prostitutes ng actress na si Rosanna Roces sa New Bilibid Prisons (NBP). Una rito, inamin ni Roces na kumikita siya ng P25,000 sa tuwing magdadala siya ng mga babae para sa high profile inmates. Para kay …

Read More »

Jaybee Sebastian tiyak na dadalo sa House inquiry

TINIYAK ni Department of Justice (DoJ) Secretary Vitaliano Aguirre II ang pagdalo sa Lunes, Oktubre 10, ng high profile inmate na si Jaybee Sebastian sa pagpapatuloy nang pagdinig ng Kamara hinggil bentahan ng droga sa National Bilibid Prison (NBP). Sinabi ng kalihim, wala nang magiging sagabal para sa pagdalo ni Sebastian. Ipinagtanggol niya na kaya hindi nakadalo si Sebastian noong …

Read More »

67-anyos taxi driver kinatay, binigti ng 2 holdaper

PATAY ang isang 67-anyos taxi driver makaraan pagsasaksakin at ibigti ng dalawang holdaper sa Valenzuela City kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Valenzuela City Police chief, Senior Supt. Ronaldo Mendoza ang biktimang si Wenceslao Alcantara, biyudo ng 201 Mabuhay Compound, Sauyo, Quezon City. Ayon kay SPO2 Rey Bragado, dakong 2:40 am, naghihintay ng pasahero ang tricycle driver na si Laurence …

Read More »

Flood alert nakataas sa Zambales

NAKATAAS ang initial flood alert sa Zambales dahil sa malakas na buhos ng ulan na nararanasan. Ayon sa ulat ng Pagasa, itinaas nila ang yellow rainfall alert dahil kahapon ng umaga pa nakapagtala nang malakas na ulan sa nasabing  lalawigan, pati na sa karatig na mga lugar. Apektado rin ng thunderstorm ang ilang parte ng Bataan, Bulacan, Pampanga, Batangas, Cavite …

Read More »

5 inmates pumuga sa Koronadal

KORONADAL CITY – Puspusan ang paghahanap ng mga awtoridad sa limang bilanggo na pawang may kasong ilegal na droga makaraan makatakas sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Koronadal City dakong 2:05 am kahapon. Kinilala ang inmates na nakatakas na sina Christoper Punzalan Manalang, 38; Roel Gubatonm Austria, 45; Federico Sarayon Abaygar, 48; Edgar Mariano Tiad, 42, at Rosilito …

Read More »

Kill plot vs Duterte itinanggi ng US

AMINADO si Defense Sec. Delfin Lorenzana, wala siyang pinanghahawakang impormasyon ukol sa sinasabing balak na pagpatay ng Central Intelligence Agency (CIA) kay Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang naging pahayag ni Lorenzana, kasunod nang pag-uusap nila ng ilang opisyal ng Estados Unidos. Kabilang sa mga nakaharap ng DND chief si US Ambassador to Philippines Philip Goldberg, na todo tanggi sa isyung …

Read More »

4th MPD Press Corps Horse Racing Cup

ISASAGAWA ngayong araw ng Linggo, Oktubre ang 4th Manila Police District Press Corps (MPDPC) Horse Racing Cup na gaganapin sa Philippine Racing Club sa Santa Ana Park, Naic, Cavite. Ang pakarera ay isang charity race na sponsor ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) para sa iba’t ibang proyekto ng MPDPC tulad ng regular na feeding  mission sa mga kapos-palad at mga …

Read More »

Mag-asawang sangkot sa droga utas sa ambush

PATAY ang isang mag-asawa na hinihinalang sangkot sa droga makaraan pagbabarilin ng pinaniniwalaang mga miyembro ng vigilante group sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw. Sa imbestigasyon ni SPO2 Eduardo Tribiana, dakong 2:00 am nagpapahinga si Randy David, 38, at misis niyang si Marnele Casido, 28, sa kanilang bahay sa Blk. 12-B, Lot 5, Sulib Street, Brgy. …

Read More »

3 dedbol sa ambush sa Malabon

PATAY ang tatlo katao makaraan pagbabarilin ng riding in tandem gunmen habang sakay ng L300 van sa Gov. Pascual Avenue, Malabon City dakong tanghali kahapon. Kinilala ang mga biktimang sina Rick Pablo, Ronaldo Sarquin at Carlo Rodriguez. Sa salaysay ng mga testigo, gumamit ang mga suspek ng sub-machine gun at cal. 45 sa pagpaslang sa mga biktima. Lumabas sa berepikasyon …

Read More »

2 holdaper, pusher todas sa shootout

DALAWANG hinihinalang holdaper at isang drug pusher ang napatay makaraan makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa magkahiwalay na operasyon kahapon ng madaling araw. Sa ulat kay QCPD District Director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, napatay ang dalawang hindi pa nakikilalang mga holdaper makaraan makipagbarilan sa mga tauhan ng Novaliches Police Station (PS-4) sa pangunguna …

Read More »