Thursday , December 1 2022
fire sunog bombero

P1.5-M ari-arian natupok sa sunog (Sa Caloocan)

TINATAYANG aabot sa P1.5 milyon halaga ng mga ari-arian ang natupok makaraan masunog ang tatlong palapag na gusali sa Caloocan City, nitong Martes ng hapon.

Ayon kay Caloocan City Bureau of Fire Protection (BFP) arson investigator FO3 Alwin Culianan, dakong 3:45 pm nang sumiklab ang sunog sa gusali na pag-aari ni Lina Catacutan sa Brgy. 36, ng lungsod.

Umabot sa ikalimang alarma ang sunog na idineklarang fire-out dakong 8:05 pm.

Inaalam ng fire investigators ang impormasyon na napansin ng mga residente sa lugar na may nag-spark mula sa kawad ng koryente bago magsimula ang sunog sa naturang gusali.

Walang napaulat na nasaktan o namatay sa insidente, maliban sa isang babaeng nahirapan huminga dahil sa makapal na usok, na agad inalala-yan ng mga tauhan ng Caloocan City Rescue Team.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

arrest, posas, fingerprints

Wanted sa Bicol nasakote sa Pasig

NADAKIP sa lungsod ng Pasig ang isang 48-anyos lalaking wanted sa kasong pamamaslang sa kanyang …

road accident

Bumangga sa barrier
11 PULIS SUGATAN SA TUMAOB NA PATROL CAR

SUGATAN ang 11 pulis nang sumalpok ang kanilang patrol car sa isang concrete barrier saka …

Bukidnon PPO Police PNP

Sa Bukidon
4 PATAY, 2 PA SUGATAN SA ALITAN SA LUPAIN

PATAY ang apat katao habang sugatan ang dalawang iba pa sa insidente ng barilan at …

dead gun police

Aresto nauwi sa enkuwentro, 2 suspek todas, 2 pulis sugatan,

TODAS ang dalawang miyembro ng isang criminal gang habang naaresto ang apat nilang galamay nang …

paputok firecrackers

Halos isang buwan sa pagtatapos ng 2022
PRESYO NG PAPUTOK PATULOY NA TUMATAAS

MAHIGIT isang buwan bago salubungin ng mga Filipino ang taon 2023 sumirit pa ang presyo …

Leave a Reply