Saturday , January 11 2025

News

10 kls Marijuana nadiskobre sa bus terminal

UMAABOT sa 10 kilo ng pinatuyong marijuana ang nadiskobre ng pamunuan ng Florida bus company sa storage ng kanilang terminal sa Quezon City kahapon ng madaling araw. Ayon kay Supt. Wilson Delos Reyes, hepe ng Quezon City Police District (QCPD) Anonas Police Station 9, dakong  12:30 am nang matuklasan ang bagahe na naglalaman ng bulto-bultong marijuana, isang taon nang nakaimbak …

Read More »

3 tulak ng ecstacy, fly high arestado sa casino

arrest prison

ARESTADO ang tatlong lalaking hinihinalang nagbebenta ng illegal party drugs sa buy-bust operation sa isang casino sa Makati City, nitong Lunes ng gabi. Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) spokesperson Derrick Carreon, ikinasa nila ang operasyon makaraan manmanan ang mga suspek na sina Jeff Ching, Allan Genesis Castillo, at Richard Tan. Nakuha mula sa tatlo ang 103 piraso ng …

Read More »

Leila guilty (Tukso hindi nakayanan)

SA pag-amin na nakiapid sa kanyang driver-bodyguard ay maaaring mapatalsik bilang mambabatas, matanggalan ng lisensiya bilang abogado at makulong dahil sa illegal drugs case si Sen. Leila de Lima. Ito ang pahayag kahapon ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo hinggil sa pag-amin ni De Lima kamakalawa na naging karelasyon niya ang dati niyang driver-bodyguard na si Ronnie Dayan na …

Read More »

P1-M patong sa ulo ni Dayan

NAG-ALOK ang isang grupo ng mga indibidwal ng P1 milyon pabuya para sa impormasyon kaugnay sa kinaroroonan ni Ronnie Dayan, ang dating security aide at hinihinalang bagman at lover ni Senator Leila de Lima. Inihayag ito ng grupong Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) at abogado nilang si Atty. Ferdinand Topacio nitong Martes sa press conference sa Quezon City at …

Read More »

6th OFW and Family Summit dinagsa

BUO ang paniniwala ni Senador Cynthia Villar, director ng Villar SIPAG, isa sa mga sagot upang manatili sa bansa ang isang overseas Filipino worker (OFW) kapiling ang kanyang pamilya ang patuloy na paglulunsad nila ng OFW at Family Summit. Ito ang isa sa mga bi-nigyang diin ni Villar sa kanyang pahayag sa pagdalo sa 6th OFW and Family Summit na …

Read More »

Grade 1 pupil sinakal tattoo artist kalaboso (Nabuwisit sa ‘Tatlong Bibe’)

ARESTADO ang isang 55-anyos lalaking tattoo artist makaraan sakalin ang isang grade 1 pupil habang kumakanta ng “Tatlong Bibe” sa harap ng tindahan sa Sta. Mesa, Maynila kahapon. Kasong physical injuries in relation to Republic Act 7610 (Anti-Child Abuse Law) ang isinampang kaso sa suspek na si Florante Contemplacion, naninirahan sa 23 Santol Street, Sta. Mesa Maynila, nakapiit ngayon sa …

Read More »

Buntis sugatan sa ligaw na bala

SUGATAN ang isang 35-anyos buntis makaraan tamaan ng ligaw na bala mula sa dalawang lala-king nag-aaway kamaka-lawa sa Tondo, Maynila. Nilalapatan ng Lunas sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Alma Evora ng 2937 H. Pilar Street kanto ng Gagalangin, Tondo. Habang tinutugis ng pulisya ang suspek na si Eric Naval, alyas Eric Bunganga, residente ng Guido Uno …

Read More »

1 patay, 4 arestado sa Galugad

BINAWIAN ng buhay ang isang lalaki makaraan makipagbarilan sa mga pulis, habang apat hinihinalang tulak ng droga ang naaresto sa isinagawang “Oplan Galugad” sa Caloocan City kamakalawa ng hapon. Agad nalagutan ng hininga si Sandae Corsino, 24, residente ng  264 Marulas-A, Brgy. 36 ng lungsod. Sa imbestigasyon nina PO3 Romel Bautista at PO2 Alvin Pascual, dakong 4:40 nang magsagawa ng …

Read More »

2 sangkot sa droga todas sa vigilante

PATAY ang dalawang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga makaraan pagbabarilin ng pinaniniwalaang mga miyembro ng vigilante sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City. Agad binawian ng buhay si Regie Antonio, 35-anyos, ng 433 Umba Bagbaguin, Brgy. 165, makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek sa NPC Road, Brgy. 166, Kaybiga dakong 11:00 pm nitong Lunes. Nauna rito, dakong 7:00 …

Read More »

PACQUIAO FOR PRESIDENT.

Itinaas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kamay ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao sabay pabirong sinabing “Pacquiao for President!” nang mag-courtesy call ang senador kahapon sa Palasyo. Iginiit ng Pangulo na tama ang depensa ni Pacquiao kay PNP Chief Director Gen. Ronald Bato na walang criminal liability ang panlilibre ng senador sa heneral at pamilya nito para panoorin ang kanyang laban …

Read More »

Live Jamming with Percy Lapid

PINANGUNAHAN ni “Tawag Ng Tanghalan” finalist Rufino ‘Lucky’ Robles (pang-apat mula sa kaliwa) ang mga naging panauhin sa nakaraang “Live Jamming with Percy Lapid” na napapanood tuwing Sabado ng gabi sa 8Tri-TV via Cablelink TV Channel 7, mula 11:00 ng gabi hanggang 1:00 ng hatinggabi. Nasa larawan sina: Rene Tolentino, Joey at Dada Cañeja ng grupong The Rhythm of Three; …

Read More »

4 patay, 6K homeless sa 2 sunog (Sa Mandaluyong at QC)

TATLO katao, kabilang ang isang sanggol, ang namatay at mahigit 6,000 katao ang nawalan ng bahay sa pitong oras na sunog sa Mandaluyong City, habang isang 7-anyos batang lalaki ang binawian ng buhay nang masunog ang kanilang bahay  sa Brgy. Tagumpay, Quezon City nitong Linggo ng gabi. Ayon sa Bureau of Fire, mahigit 500 bahay ang natupok sa sunog na …

Read More »

Fake claimant ng 1.5 kilo shabu arestado sa NAIA

ARESTADO sa mga opisyal ng Bureau of Customs (BoC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Sabado ng hapon ang pekeng claimant ng limang kilong package mula sa Congco, Africa, naglalaman ng 1.5 kilo ng shabu. Ayon kay  NAIA Customs District Collector Ed Macabeo, ang limang kilong package ay nakalagay sa …

Read More »

Duterte handa sa Writ of Habeas Corpus

HINOG na ang situwasyon para suspendihin ang writ of habeas corpus. Ito ang ipinahiwatig ng Pangulo kahapon sa kanyang talumpati sa ika-80 anibersaryo ng National Bureau of Investigation (NBI) ilang araw matapos magbabala na maaari niyang suspendihin ang writ of habeas corpus. Nakasaad sa Article VII Section 18 ng Saligang Batas na puwedeng suspendihin ng Pangulo ang writ kapag may …

Read More »

Tumino o mamatay (Babala sa scalawags sa NBI) – Digong

NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga scalawag ng National Bureau of Investigation (NBI) na huwag sumawsaw sa illegal activities kung gusto pang magtagal sa mundo. Sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa ika-80 anibersaryo ng NBI kahapon, ibibigay niya ang lahat ng suporta sa mga ahente at opisyal ng kawanihan sa pagganap sa kanilang tungkulin. Ngunit kapag sumali sila …

Read More »

Trillanes nais wakasan endo sa public sector

PARA matigil ang laganap na kontraktuwalisasyon sa gobyerno, inisponsoran ni Senador Antonio ‘Sonny’ F. Trillanes IV ang Senate Bill No. 1184, o ang panukalang naglalayong magbigay ng security of tenure sa lahat ng kuwalipikadong casual o contractual na kawani ng gobyerno. Ayon kay Trillanes, chairman ng Senate committee on Civil Service, Government Reorganization, and Professional Regulation: “Gumawa ang pamahalaan ng …

Read More »

Pagkiling sa NPA minana ni Digong kay Nanay Soling

AMINADO si Pangulong Rodrigo Duterte na kaya maka-kaliwa ang paniniwalang politikal niya at maganda ang kanyang relasyon sa New People’s Army (NPA) ay bunsod nang pagi-ging tagasuporta ng kilusang komunista ng ina niyang si Soledad “Nanay Soling” Roa Duterte. Sa kanyang talumpati sa paglulunsad ng Pilipinong May Puso Foundation, Inc., kamakailan bilang paggunita kay Nanay Soling, inihayag ni Duterte, kaya …

Read More »

Kelot hinalay ng therapist

BAGUIO CITY – Nahaharap sa kasong rape through sexual assault ang isang lalaking masahista makaraan halayin ang kanyang kustomer na lalaki sa Lungsod ng Baguio kamakalawa. Ang massage therapist na suspek ay 30-anyos, habang ang biktima ay 34-anyos, may asawa. Batay sa salaysay ng biktima, nagtungo siya sa massage center ngunit bago minasahe ay pinainom siya ng sleeping pills upang …

Read More »

Tinanggihan ni misis mag-sex, mister nagbaril sa sentido

KALIBO, Aklan – Patay ang isang mister makaraang magbaril sa sentido nang tumangging makipagsiping ang kanyang misis sa Brgy. Agmailig, Libacao, Aklan kamakawa. Agad binawian ng buhay ang biktimang si Ernani Santiago, 33, residente ng naturang lugar. Base sa imbestigasyon ng pulisya, galing sa isang okas-yon ang biktima kasama ang kanyang misis na si Marialyn at bunsong anak at nang …

Read More »

3 todas, 1 sugatan sa tandem

TATLONG lalaking hinihinalang sangkot sa krimen ang napatay habang isang ginang ang sugatan nang pagbabarilin ng riding-in-tandem suspects sa magkahiwalay na insidente sa Pasay City kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang mga napatay na sina Fernando Allarse, 36; Richard Amor, 24, kapwa pedicab driver, ng Malibay, Pasay City, at isang ‘di nakilalang lalaki. Habang nilalapatan ng lunas sa Pasay City General …

Read More »

3 drug users todas sa boga ng maskarado

BINAWIAN ng buhay ang tatlong hinihinang drug users habang nakatakbo ang isang lalaki nang pasukin ng isang maskarado at pinagbabaril sa loob ng isang bahay sa Marikina City. Sa ulat ng Marikina PNP, kinilala ang mga biktimang sina Jesus Martin, 60; Danilo Sercula, 46, at Rodel Aguilar, 41, habang nakatakbo si Wilfredo Martin makaraan paluin ng puluhan ng baril sa …

Read More »

3 tulak tigbak sa shootout sa drug den

TATLONG hinihinalang tulak ang napatay nang lu-maban sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa buy-bust operation sa isang drug den kahapon ng madaling-araw sa nasabing lungsod. Sa ulat ni Supt. Igmidio Bernaldez, hepe ng QCPD Masambong Police Station 2, kay QCPD director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, kinilala ang mga napatay na sina Glen Pangan alyas …

Read More »

Misis patay, mister kritikal sa motorsiklo vs truck

PATAY ang isang 27-anyos misis habang kritikal ang kanyang mister makaraan mabangga ng truck ang sinasakyan nilang motorsiklo Caloocan City  kahapon ng madaling-araw. Hindi na umabot nang buhay sa Dr. Jose N. Rodriguez Hospital si Jenelyn Olazo, habang inoobserba-han sa naturang pagamutan ang mister niyang si Jesus Emmanuel, 30, kapwa ng Phase 4C, Package 6, Blk. 41, Excess Lot, Bagong …

Read More »

Shabu lab/warehouse nadiskobre sa Pampanga

BULTONG mga sangkap at kagamitan sa paggawa ng hinihinalang shabu ang kinompiska ng mga awtoridad kamakalawa ng umaga sa isang hinihinalang shabu lab/warehouse  sa Apalit, Pampanga. Ayon sa ulat mula sa Camp Olivas, nadiskobre ni Sheriff lV Enrique Calaguas ng RTC 3, Branch 79, Ma-lolos, Bulacan, ang mga bultong sangkap ng hinihinalang shabu dakong 9:00 am nang isilbi ang “writ …

Read More »

Law students nagrambol sa manila hotel (Aeges Juris vs Gamma Delta Epsilon)

SUGATAN ang apat na miyembro ng Gamma Deta Epsilon Fraternity habang pitong miyembro ng Aeges Juris Fraternity, pawang kabilang sa “Bar Ops Group” ng mga estudyanteng kumukuha ng Bar exam sa UST, ang iniimbestigahan makaraan magpang-abot ang da-lawang grupo sa labas ng Manila Hotel sa Ermita, Maynila kahapon ng ma-daling-araw. Isinugod sa San Juan de Dios Hospital ang mga biktimang …

Read More »