Sunday , November 24 2024

News

Pacman next president (Inulit ng Pangulo)

MULING tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte si Sen. Manny Pacquiao bilang susunod na presidente ng bansang Filipinas. Ito ang sinabi ng Pangulo sa pagdalo niya sa ika-38 kaarawan ng eight division world champion kamakalawa ng gabi sa General Santos City. Ayon kay Pangulong Duterte, nakikita niya ang landas na tatahakin ng boxing champion sa susunod na mga taon. Magugunitang noong …

Read More »

PRRD sa US: “Pera-pera na lang tayo”

PERA na lang ang magiging pundasyon sakaling ituloy ng Filipinas ang al-yansa sa Amerika, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte. Makaraan magbanta sa tropang Amerikano na pauuwiin na sa US dahil ibabasura na niya ang Visiting Forces Agreement (VFA), inihayag ng Pangulo, papayagan niyang manatili pa sila sa bansa basta magbayad. “You want to come back here? You pay us. You …

Read More »

Kondisyon sa UN Special Rapporteur iginiit ni Duterte

IBINASURA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala ni UN Special Rapporteur Agnes Callamard na hayaan muna siyang magsagawa ng imbestigasyon sa extrajudicial killings saka siya bigyan ng pribadong briefing sa kanyang magiging findings at magsagawa ng joint press conference. Una nang tinanggihan ni Callamard ang mga kondisyon ni Pangulong Duterte dahil labag aniya ito sa “code of conduct” ng kanyang …

Read More »

Media binanatan ni Duterte (Biro sineryoso)

KINUTYA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang media na madalas aniyang sakyan o seryosohin ang kanyang mga biro. Sinabi ng Pangulo sa birthday party ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao, pagod na pagod siya sa mga biyahe sa ibang bansa bilang presidente ng bansa ngunit iniintriga pa rin siya ng media. Gaya na lang nang ihayag niya sa Wallace Business Forum na …

Read More »

Kaso vs showbiz personalities tuloy-tuloy (Sa illegal drugs)

TINIYAK ng pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD), patuloy ang kanilang ginagawang pangangalap ng mga ebidensiya laban sa showbiz personalities na isinasangkot sa ilegal na droga. Ayon kay QCPD Director, C/Supt. Guillermo Eleazar, hawak pa rin nila ang listahan ng showbiz personalities at patuloy na nangangalap ng mga ebidensiya bago nila isagawa ang operasyon. Dagdag ni Eleazar, bukod sa …

Read More »

Demolisyon sa ‘lumang palengke’ tinutulan ng vendors

NAGKAGULO ang mga miyembro ng Department of Public Safety and Traffic Management (DPSTM) at mga nagtitinda sa Langaray Market nang magsimula ang demolisyon para sa nabinbing pagsasaayos nitong Sabado. Nagkasakitan ang magkabilang kampo, dahil sa pambabato at puwersahang pagsasara ng palengke sa pamamagitan ng paglalagay ng mga yero sa mga stalls ng nasabing palenge. Dakong 8:00 am nang sumiklab ang …

Read More »

P.7-M alahas, cash tinangay ng dugo-dugo

UMABOT sa P700,000 halaga ng mga alahas at cash ang natangay ng hindi nakilalang babaeng hinihinalang miyembro ng “Dugo-Dugo” gang, mula sa isang 18-anyos estudyante sa Caloocan City kamakalawa ng hapon. Sa nakatala sa blotter ng Caloocan Police Station Investigation Division (SID), nakatanggap ng tawag sa telepono ang biktimang si Chelsea Ericka Colaniba sa kanilang bahay sa 220 San Pedro …

Read More »

Brgy. Chairman timbog sa buy-bust (Sa Sta. Maria, Bulacan)

shabu drug arrest

  ARESTADO ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang barangay chairman sa buy-bust operation sa lalawigan ng Bulacan kamakalawa. Kinilala ni PDEA Director General Isidro S. Lapeña ang suspek na si Henry D. San Miguel, 45, chairman ng Barangay Mag-asawang Sapa, Sta. Maria, sa naturang lalawigan. Ayon sa ulat, si San Miguel ay kasama sa listahan …

Read More »

Rider tigbak sa truck

road traffic accident

Rider tigbak sa truck PATAY ang isang lalaki nang mahagip ang minamanehong motorsiklo ng kasalubong na truck sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi. Inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktimang tinata-yang 50-anyos. Habang kusang-loob na sumuko ang driver ng truck na si Helario Blanco, 67, residente ng Radial Road 10, Baseco Compound, Vitas, Tondo, Maynila. Batay sa ulat ni …

Read More »

Sumpa ni Digong: 2022 prexy malaya na sa salot na droga (Narco-politics panahon pa ni Erap)

  LABIMPITONG taon o panahon pa ng administrasyong Estrada ay umiiral na ang narco-politics sa bansa . Ito ang isiniwalat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talum-pati sa The Outstanding Filipino Awards (TOFIL) kahapon sa Palasyo. Anang Pangulo, nanghilakbot siya nang maupong Pangulo na umabot na sa apat na milyon ang drug addicts na Pinoy at libo-libong tila mga ‘zombie’ …

Read More »

2 dedo, 3 sugatan sa P4-M hold-up sa Capiz

ROXAS CITY – Dalawa ang patay habang tatlong iba pa ang sugatan sa panghoholdap sa bayan ng President Ro-xas, Capiz kamakalawa. Napatay ng mga suspek ang negosyanteng si Arnel Bucayan, habang patay rin ang suspek na si Roger Estrella ng Misamis Oriental, nang mabaril ng security guard na nagtatrabaho sa hardware ng negosyante. Sa imbestigasyon, pauwi na sana si Arnel …

Read More »

Lady jail officer, 1 pa todas sa buryong na preso (Sa Tarlac jail)

DALAWA ang kompirmadong patay, kabilang ang isang jail officer, makaraan magkaroon ng putukan sa loob ng isang selda sa Camiling, Tarlac na humantong sa hostage-taking nitong Linggo. Sinabi ni Chief Supt. Aaron Aquino, hepe ng Central Luzon Police, dakong 10:20 am nang mang-agaw ng baril ang presong kinilalang si Rolly Falcon at pinaputukan ang hindi pa pinangalanang babaeng jail officer …

Read More »

Walang sasantohin sa BI exec probe — Malacañang

TINIYAK ng Malacañang, walang sasantohin sa isasagawang im-bestigasyon laban sa da-lawang associate commissioners ng Bureau of Immigration (BI) na tumanggap ng P50 milyon kapalit nang pagpapalaya sa 600 mula sa 1,316 Chinese nationals na ilegal na nagtatrabaho sa online casino sa Fontana Resort sa Clark, Pampanga. Ang dalawang immigration officials at kasama ni Pangulong Duterte sa fraternity sa San Beda …

Read More »

24-oras ultimatum sa 3 BI officials (Sa pay-offs sa online casino)

TINANINGAN ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente ng 24-oras ang tatlong opisyal na isinasangkot sa sinasabing ‘lagayan’ para makalaya ang ilang Chinese nationals na nahuli sa illegal online casino sa Clark Freeport, Pampanga. Ayon kay  Morente, tinaningan niya at pinagpapaliwanag sina Associate Commissioners Al C. Argosino at Michael B. Robles gayondin si Acting BI Intelligence chief,  Director Charles …

Read More »

Bagong sin tax reform act balanse at angkop — Rep. de Vera

PATAS at makatuwiran ang panukalang batas na amiyendahan o baguhin ang Sin Tax Reform Act dahil bukod sa tataas na ang koleksiyon sa buwis makatutulong pa sa kalusugan. Ayon kay Quirino Rep. Dakila Carlo Cua, chairman ng House committee on ways and means, mas angkop ang two-tier structure kaysa unitary tax system dahil depende ang koleksiyon ng buwis sa uri …

Read More »

Bolante absuwelto sa plunder (Sa P723-M fertilizer fund scam)

Bolante absuwelto sa plunder (Sa P723-M fertilizer fund scam) INABSUWELTO ng Sandiganbayan Second Division si dating Agriculture undersecretary Jocelyn “Joc-Joc” Bolante kaugnay nang kinakaharap na sa P723 milyong fertilizer fund scam. Sa 24-pahinang desisyon ng anti-graft court, pinawalang sala si Bolante sa kasong plunder dahil sa kakulangan ng mga ebidensiyang isinumite ng prosecutors laban sa da-ting opisyal. “There is no …

Read More »

Political wannabe, 2 pa patay 1 sugatan (Christmas party niratrat)

TACURONG CITY – Tatlo ang patay at isa ang sugatan sa pamamaril dakong 6:55 pm kamakalawa sa probinsiya ng Sultan Kudarat. Kinilala ang mga namatay na si Peter Dumrigue, tumakbong alkalde noong nakalipas na halalan ngunit natalo, at mga kamag-anak ni Dumrigue na sina Ernesto Ayson at Florante Guillermo, habang sugatan si Oyet Mateo, pawang mga residente sa Brgy. Katiku, …

Read More »

Armas mula China darating na — Duterte

NAKATAKDA nang i-deliver ang mga baril na inorder ng Filipinas mula sa China. Sa kanyang pagsasalita sa pagbisita sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Northern Luzon Command sa Camp Aquino sa Tarlac City, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ng China, ang mga armas ay nakahanda nang ibiyahe patungo ng Filipinas. Ayon sa pangulo, gusto ng China na ibigay …

Read More »

Special body vs EJ killings isinulong ni Lacson

IMINUNGKAHI ni Sen. Panfilo Lacson na bumuo ang pamahalaan ng isang lupon na mag-iimbestiga sa mga kaso ng extrajudicial killings. Hiwalay pa aniya ito sa Internal Affairs Service (IAS) ng Philippine National Police (PNP) na sumisiyasat sa mga kasong kinasasangkutan ng mga pulis. Ayon kay Lacson, mai-nam na ang mag-imbestiga sa mga ganitong kaso ay hindi direktang bahagi ng organisasyon. …

Read More »

No. 10 most wanted drug personality timbog sa buy-bust

ARESTADO ng mga pulis ang isang babaeng tinaguriang no.10 most wanted drug personality at kanyang kasabwat sa drug buy-bust operation sa Malabon City kamakalawa ng madaling araw. Kinilala ni Malabon police chief, Insp. Lucio Simangan Jr., ang mga naaresto na sina Lucia Almario, alyas Lucy, 45, ng Blk. 12B, Lot 35, Phase 1, A3, Hasa-Hasa St., Brgy. Longos; at Frank …

Read More »

Mungkahi ng solon: Driver’s license ipadala sa koreo para sa aplikante

DAPAT ang Land Transportation Office (LTO) na mismo ang magpadala sa Koreo para sa mga aplikante ng mga hindi pa nailalabas na driver’s license. Sinabi ni Quezon City Rep. Winston Castelo, chairman ng House committee on Metro Manila Development, ang delay sa releasing ng driver’s license ay nagdulot nang matinding abala sa mga motorista na pabalik-balik sa opisina ng LTO. …

Read More »

Sandiganbayan justice itinalaga ng pangulo

ITINALAGA na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong mahistrado ng Sandiganbanyan. Sa transmittal letter ni Executive Sec. Salvador Medialdea kay Chief Justice Ma. Lourdes Sereno, hinirang ni Pangulong Duterte si dating Quezon City Branch 79 RTC Judge Bernelito R. Fernandez bilang bagong Sandiganbayan justice. Pinalitan ni Fernandez ang nagretirong si Associate Justice Teresita Diaz-Baldos. May tatlo pang mababakanteng puwesto sa …

Read More »

17-anyos dalagita natagpuang patay sa Cavite river (Narahuyong maging modelo)

NATAGPUANG walang buhay nitong Sabado ng umaga sa isang ilog sa Indang, Cavite ang isang 17-anyos dalagitang apat araw nang nawawala. Ang bangkay ni Melissa Magracia, ay natagpuang lumulutang sa ilog ng Brgy. Guyam Malako pasado 9:00 am malapit sa isang subdibisyon na kanyang tinitirahan. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, si Magracia, estudyante ng AMA College sa Dasmariñas City, …

Read More »

Paglago ng INC patuloy (Puspusang nagpapalaganap sa Africa)

MATAPOS makapagtayo ng mga bahay-sambahan sa Africa, inihayag kamakailan ng Iglesia Ni Cristo (INC) ang tagumpay ngayong taon na ang kanilang pagpapalaganap kasabay ng pana-nampalataya, pakikiisa, kawang-gawa at pagkakaunawaan sa harap ng maraming hamon sa mundo ay lalo pang nabig-yan ng pagpapahalaga sa pagtatapos ng taon. “Naharap sa mara-ming hamon ang INC sa taong ito, ngunit sa awa’t tulong ng …

Read More »