Saturday , January 11 2025

News

5 tulak arestado sa buy-bust

ARESTADO ang limang lalaking hinihinalang tulak ng droga, sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Malate, Maynila, kamakalawa. Nakapiit sa Manila Police District PS9 Malate, ang mga suspek na sina Richard Rabe, 33; Bonifacio Lucion, nasa hustong gulang; Roa Jomar,  20; Ibrahim Asbi, 38, at Randy Rasali, 36, pawang mga residente ng 2184 Leveriza St., Malate, Maynila. Sa imbestigasyon ni …

Read More »

Police scalawags timbrado na

INIUTOS ni Interior and Local Government Secretary Ismael Mike Sueno, ang pag-aresto sa police scalawags na sangkot sa criminal activities. Sinabi ni Sueno, may natitiktikang mga tiwaling pulis at sa susunod na mga araw ay magkakaroon ng mga resulta. Mahigpit ang bilin ng kalihim, nais niyang sa loob ng isang linggo ay magkaroon nang magandang resulta at may mahuhuling police …

Read More »

Kelot kalaboso sa binugbog na partner (Tinanong sa relasyon)

SWAK sa kulungan ang isang lalaki makaraan pagsusuntukin at tutukan ng patalim sa leeg ang kanyang live-in partner nang magalit makaraan kausapin ng biktima hinggil sa kanilang pagsasama, sa Malabon City kahapon. Kinilala ang suspek na si Zedric Piquing, 21, ng 10 Alumiño St., Brgy. Tugatog ng nasabing lungsod. Salaysay ng biktimang si Ma. Lourdes Pedida, 25, kina PO2 Ma. …

Read More »

2 pagsabog sa Basilan pakana ng Abu Sayyaf

COTABATO CITY – Kombinsido si Lamitan City Vice Mayor Roderick Furigay, ang magkasunod na pagsabog kamakalawa ng gabi ay pakana ng isang urban terrorist group na may kaugnayan sa Abu Sayyaf. Una rito, nangyari ang unang pagsabog bandang 9:55 pm kamakalawa sa harap ng bahay ng pamilya Jacinto sa Flores Street, Brgy. Malakas, Lamitan City. Habang ang pangalawang pagsabog ay …

Read More »

2 detachment inatake ng BIFF, residente lumikas (Sa North Cotabato)

ALEOSAN, North Cotabato – Sinalakay ng armadong grupo ang dalawang detachment ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) sa lalawigan ng Cotabato kahapon. Ayon kay 34th Infantry Battalion Philippine Army Commanding Officer, Colonel Angelo Lodenar, magkasabay na ina-take ng tinatayang 50 miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang dalawang detachment ng CAFGU sa ilalim ng 38th IB sa Brgy. …

Read More »

Bangka lumubog sa CamSur, 10 katao nasagip

NAGA CITY- Nasagip ang 10 katao makaraan lumubog ang sinasakyan nilang bangka sa karagatang sakop ng bayan ng Caramoan, Camarines Sur, kamakalawa. Napag-alaman, patungo sana sa Matucad Island ang MB Camline,  sakay ang walong  turista at dalawang crew nito upang mag-island hopping. Nang makarating ang bangka sa bahagi ng Brgy. Paniman, hinampas ng malalakas na alon na ikinalubog nito. Agad …

Read More »

2 drug user, bebot utas sa ratrat (Sa Taguig)

BINAWIAN ng buhay ang tatlo katao, hinihinalang mga drug user, makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek sa Taguig City, kahapon ng mada-ling-araw. Sa imbestigasyon ng pulisya, pinagbabaril ang mga biktima sa rooftop ng kanilang bahay sa Osmeña St., Brgy. South Signal, Taguig City. Kinilala ang mga biktimang sina Edison Maburang, construction worker; isang alyas Rico John, isang seaman, at …

Read More »

Kelot nakitulog sa kapitbahay, patay sa boga

PATAY ang isang lalaki na sumuko sa Oplan Tokhang ng pulisya kamakailan, nang pasukin at pagbabarilin ng tatlong hindi nakilalang mga suspek habang natutulog sa bahay ng kapitbahay sa Malabon City, kamakalawa ng tanghali. Agad binawian ng buhay si Manuel Sari, 46, stay-in painter sa Daang Hari, Navotas City, at residente sa Damata, Letre, Brgy. Tonsuya, Malabon City. Ayon sa …

Read More »

Seguridad sa Miss U pageant kasado na (PCG magbabantay)

AABOT sa 2,000 pulis, sundalo, miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) ang ide-deploy para sa seguridad ng coronation night ng Miss Universe 2017 sa Lunes, 30 Enero. Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Director Oscar Albayalde, mahigpit na seguridad ang kanilang ipatutupad sa loob at labas ng venue. Sinabi ni Albayalde, nasa 1,500 uniformed PNP personnel ang …

Read More »

Balance of power kailangan imantena — Digong

Duterte CPP-NPA-NDF

NAIS ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na umiral ang “balance of power” sa kanyang administrasyon upang mapanatili ang katatagan ng gobyerno at makontrol ang magkakatunggaling puwersa. Sa kanyang talumpati kahapon sa Camp Siongco Hospital sa Maguindanao, sinabi ng Pangulo na hindi niya solo ang pagdedesisyon sa gobyerno, lalo sa aspekto ng armadong tunggalian sa kilusang komunista. Giit niya, hindi uubra …

Read More »

Duterte nakiisa sa Chinese New Year celebration

SUMENTRO ang pagbati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Tsino sa pagdiriwang ng Chinese New year ngayon sa mga naniniwala sa mga milagro ng simula at para sa mga pinili ang pag-asa kaysa takot. “To everyone who believes in the miracle of beginnings and who makes a choice for hope against fear, my best wishes on this auspicious season of …

Read More »

Terorista huwag ikanlong (Digong sa MILF at MNLF)

HUWAG ikanlong ang mga terorista sa inyong mga lugar para maiwasan ang pagdanak ng dugo. Ito ang apela kahapon ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) sa kanyang pagbisita sa mga sugatang sundalo sa Camp Siongco Hospital sa Maguindanao. Nagbabala ang Pa-ngulo na mapipilitan siyang utusan ang Armed Forces of …

Read More »

SSS execs wala nang salary increase

TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte, wala nang aasahang salary increase ang mga opisyal ng Social Security System (SSS) at iba pang government corporations na wala siyang approval. Sinabi ni Pangulong Duterte, ito ay dahil nagpakasasa ang mga opisyal sa pera ng bayan. Ayon kay Pangulong Duterte, nagpalabas na siya ng naturang kautasan na wala nang dagdag suweldo o bonus ang …

Read More »

Kaso sa SAF 44 ipinababasura ni Aquino

IPINABABASURA ni dating Pangulong Benigno Aquino III sa Office of the Ombudsman ang isinampang kaso laban sa kanya ng mga kaanak ng na-patay na 44 PNP-SAF members sa Mamasapano incident noong 2015. Nanindigan si Aquino, walang merito ang kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide na isinampa sa kanya dahil walang basehan ang argumento na siya ang dapat managot sa …

Read More »

Matobato kinasuhan ng kidnapping

MULING nadagdagan ng panibagong kaso ang umaming  miyembro ng Davao Death Squad na si Edgar Matobato. Ito ay makaraan ihain ng piskalya ang kasong kidnapping laban kay Matobato at sa isang Sonny Custodio dahil sa sinasabing pagdukot sa hinihinalang terorista na si Sali Muck Doom, 17 taon na ang nakalilipas. Ang kaso ay inihain sa Panabo Regional Trial Court sa …

Read More »

Yaman ng Ampatuan ipinababawi ng Ombudsman

ombudsman

IPINABABAWI ng Office of the Ombudsman ang yaman ng yumaong si Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr. Sa inilabas na 27 pahinang resolusyon na pirmado ni Ombudsman Conchita Carpio Morales, ang mga yaman ni Ampatuan noong 2002, 2003, 2005, 2006 at 2007 ay hindi tumutugma sa kanyang kita sa kanyang posisyon. Aabot ang nasabing yaman sa mga taon na iyon sa …

Read More »

Pulis sa tanim-ebidensiya sinibak na (Nakita sa video) – NCRPO

SINIBAK na sa puwesto ang mga pulis na nakita sa video na ipinakita ni Sen. Panfilo Lacson, na nagtatanim ng ebidensiya. Kinompirma ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Director Oscar Albayalde, sa isang lugar sa Metro Manila nangyari ang nasa video na isang operasyon. Nang makita ang video kamakalawa sa Senado, agad iniutos ni PNP chief, e Director …

Read More »

8-anyos anak ginahasa, ama arestado

CAUAYAN CITY, Isabela – Swak sa kulungan ang isang 39-anyos lalaki makaraan gahasain ang kanyang 8-anyos anak na babae sa Santa Fe, Nueva Vizcaya kamakalawa. Sa pagsisiyasat ng Santa Fe Police Station, ang biktimang si Nene ay hinalay mismo ng kanyang ama sa bukid. Makaraan ang panghahalay ay nagsumbong ang biktima sa kanyang ina na mabilis na nagreklamo sa Santa …

Read More »

12 sugatan sa 2 banggaan sa Maynila

UMABOT sa 12 katao ang sugatan sa dalawang insidente ng banggaan sa Maynila kahapon ng madaling-araw. Ayon sa imbestigasyon ng Manila District Traffic Enforcement Unit, nagbanggaan ang pampasaherong jeep (PWR-873) na minamaneho ni Bievenido Tabale, at Mitsubishi Galant (DTG-480) na minamaneho ni Rafael Gonzaga, 52, dakong 1:40 am sa Kalaw Avenue at Taft Avenue, Ermita, Maynila. Bukod sa dalawang driver, …

Read More »

Konsehal, 1 pa kalaboso sa Tokhang

CAMP OLIVAS, Pampanga – Dalawang opis-yal ng lokal na pamahalaan, itinuturing na high value target rank 1 and 2, ang naaresto sa ikinasang Operation Double Barrel nang pinagsanib na pu-wersa ng CIDG at Bataan PNP kamakalawa sa Morong, Bataan. Kinilala ni PRO3 director, C/Supt Aaron Aquino ang mga suspek na sina Morong municipal councilor Bienvenido Vicedo Jr., 42, rank 1, …

Read More »

2 HS teachers timbog sa drug ops sa CDO

CARMEN, Cagayan de oro City – Arestado sa drug buy-bust operation sa Lumbia ang dalawang guro na hinihinalang tulak ng droga kamakalawa. Hindi nakapalag ang parehong high school teachers na sina Alex Dela Vega at Velijun Perez nang maaresto makaraan ang buy-bust operation. Ang dalawa ay nakatakdang kasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Posible rin silang …

Read More »

Sekyu tiklo sa rape sa estudyante

ARESTADO ang isang security guard makaraan ituro ng isang estudyante na siyang gumahasa sa kanya sa Tondo, Maynila. Kinilala ang suspek na si Inocencio Sacro, 39, ng 237 Doña Aurora St., Kagi-tingan, Tondo. Sa report  ng Manila Police District (MPD) -Station 2 (Nolasco), dakong 8:00 am noong 24 Enero 2017, pinasok ng suspek ang biktima sa loob ng banyo at …

Read More »

48 katao sugatan sa tumagilid na bus

SUGATAN ang 48 katao, kabilang ang driver at konduktor, nang tumagilid ang isang pampasaherong bus dahil sa mabilis na takbo nitong Huwebes ng gabi. Sa kuha ng CCTV ca-mera ng MMDA, Metro Base, napag-alaman, dakong 9:00 pm nang mangyari ang insidente sa Southbound lane ng EDSA-Estrella, Makati City. Habang minamaneho ng driver na si Mark Angara ang RRCG Transport bus …

Read More »

Inmate nalapnos sa mainit na tubig ng pulis

LAOAG CITY – Nalapnos ang leeg at likuran ng isang preso makaraan mabuhusan ng isang pulis ng mainit na tubig sa bayan ng Sarrat sa lalawigan ng Ilocos Norte kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Errol Fiesta, residente sa Brgy. 14 sa nasabing bayan, habang ang pulis na nakabuhos ng mainit na tubig sa kanya ay si PO2 Baris. Ayon kay …

Read More »