Sunday , January 12 2025

News

Siklista utas sa motorsiklo

road traffic accident

PATAY ang isang 47-anyos factory worker makaraan bumangga sa motorsiklo ang sinasak-yan niyang bisikleta kahapon ng umaga sa Valenzuela City. Hindi na umabot nang buhay Valenzuela Medical  Center ang biktimang si Teodoro Gepolongca, residente sa Bautista St., Brgy. Mapulang Lupa, ng lungsod. Habang nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang suspek si Joe Wennie Logronio, 49, ng Malibong …

Read More »

7 katao dinampot sa cara y cruz

arrest posas

PITONG kalalakihan ang dinampot ng pulisya nang ma-tiyempohan habang naglalaro ng cara y cruz sa tabi ng kalsada sa Tondo, Maynila kahapon. Nakapiit sa Manila Police District Station 1, ang mga suspek na sina Jonald Postrero, 23; Donnis Espino, 24; Eugene Tayag, 40; Milandro Guerrero, 30; Salvador Martinez, 48; Jimmy Traso, 36; at Mavin Etang Capinding, 31, pawang ng nasabing …

Read More »

4 tulak laglag sa parak

shabu drug arrest

BAGAMA’T binuwag na ang anti-illegal drugs operation ng Philippine National Police (PNP), arestado sa mga awtoridad ang apat katao, kabilang ang isang babae, sa anti-drug operation sa Malabon City kamakalawa ng hapon. Kinilala ni District Anti-Illegal Drugs-Special Operation Task Group (DAID-SOTG) Chief Insp. Timothy Aniway, Jr. ang mga suspek na sina Thomas Ang, Jr., 35; Jinky Montebon, 30; Dominico Balat, …

Read More »

Bati ng Palasyo: Congrats Miss France, good job Miss Phililippines

MAINIT ang pagbati ng Malacañang kay Miss France Iris Mittenaere, bilang bagong Miss Universe. Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, labis ang kasiyahan at pagdiriwang ngayon ng mamamayan ng France, at maituturing na “proud moment” ito ng kanilang bansa. Ayon kay Abella, hindi lamang napanalunan ni Iris ang desisyon ng judges, kundi maging ang pagmamahal ng buong mundo. Kasabay nito, …

Read More »

Iris Mittenaere ng France Miss Universe 2016 (Maxine Medina, top 6)

ITINANGHAL bilang bagong Miss Universe ang pambato ng France na si Iris Mittenaere. Nangibabaw ang ganda at talino ng 23-anyos tubong Lille, France mula sa 86 kandidata na su-mabak sa 65th Miss Universe pageant. First Runner-up ang pambato ng Haiti na si Racquel Pelissier, habang second runner-up si Miss Colombia Andrea Tovar. Naging mahigpit ang laban nina Miss France at …

Read More »

‘Oplan Ahos’ kontra PNP scalawags

PAGPUPURGA sa kanilang hanay na mistulang “OPLAN Ahos” sa kilusang komunista noong dekada ‘80, ang gagawin ng Philippine National Police (PNP) upang malinis sa scalawags ang pambansang pulisya. Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang PNP ang pinakatiwaling organisasyon sa pamahalaan, nasa kaibuturan na ng kanilang sistema ang korupsiyon. “Kayong mga pulis, kayo talaga ang pinaka-corrupt. That’s why I said when …

Read More »

Digong tumutol maging arms depot ng US (PH para ‘di maging willing victim)

PUMALAG si Pangulong Rodrigo Duterte sa plano ng Amerika na gawin lunsaran ng giyera ang Filipinas kontra China. Sa press conference kamakalawa ng gabi sa Palasyo, nagbabala si Pangulong Duterte sa US, ibabasura ang Visiting Forces Agreement (VFA) kapag itinuloy ang plano na mag-imbak ng mga armas pandigma sa bansa, kasama ang mga armas nukleyar. “They are unloading arms in …

Read More »

2 kelot sa labas ng Miss U venue inaresto

INARESTO ng mga pulis ang dalawang lalaking kahina-hinala ang kilos, sa labas ng venue ng Miss Universe pageant sa (MOA) Arena sa Macapagal Avenue, Pasay City, kahapon. Kinilala ang mga inaresto na sina Hansel Hayag, at Jonathan Gutierrez. Namataan paikot-ikot si Hayag sa paligid ng coronation venue at nakuha mula sa mga gamit niya ang isang wig. Katuwiran ni Hayag …

Read More »

Pinoy TNT sa US bahala si Trump

HINDI kokonsintihin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Filipino na tinaguriang “tago nang tago” (TNT) o ilegal ang pananatili sa Amerika, maaaring tamaan ng bagong immigration policy ni US President Donald Trump. Sa press conference kamakalawa ng gabi sa Palasyo, binigyan diin ng Pangulo, bilang respeto sa patakaran sa hindi pakikialam ni Trump sa kanyang drug war, iginagalang niya ang …

Read More »

Condom laglag sa DepEd

HINDI papayagan ng Department of Education (DepEd), ang pamamahagi ng condoms ng Department of Health (DoH), sa senior high school students, binig-yang-diin ito ni Education Secretary Leonor Briones kahapon. Aniya, inabisohan niya si Health Secretary Paulyn Jean Ubial hinggil sa kanilang pagtutol sa nasabing hakbangin. Ayon kay Briones, hindi maaaring suportahan ng DepEd ang pamamahagi ng DoH ng contraceptives, naglalayong …

Read More »

Puganteng Briton arestado sa Bulacan

arrest prison

KALABOSO ang isang puganteng British national makaraan maaresto ng mga awtoridad sa lalawigan ng Bulacan, kaugnay sa kinasasangkutang kaso. Kinilala ng pulisya ang nadakip na si David Alan Sale, 69, pansamantalang naninirahan sa Brgy. Silangan, Sta. Maria, ng nabanggit na lalawigan. Ayon kay Supt. Raniel Valones, hepe ng Sta. Maria Police, si Sale ay tinutugis sa mga kasong grave coercion …

Read More »

17 packs ng shabu iniwan sa sasakyan

shabu

NATAGPUAN ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI), ang ilang kilo ng pinaniniwalaang shabu, mula sa isang abandonadong sasakyan sa Binondo, Maynila, kamakalawa ng gabi. Ayon kay Atty. Ric Diaz, regional director ng NBI-National Capital Region, nakatanggap siya ng impormasyon isang pulang Nissan Sentra (WNL-700) ang may kargang shabu, sinasabing ide-deliver sa katimugang bahagi ng Metro Manila. Agad …

Read More »

Lifestyle check sa PNP inaapura

DAPAT nang isailalim sa lifestyle check ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP). Inihayag ito ni Senadora Grace Poe, nang malantad na maraming tiwaling pulis ang kwestiyonable ang mga ari-arian partikular si SPO3 Sta. Isabel, sangkot sa tokhang for ransom ng Korean trader na si Jee Ick Joo Binigyang diin ni Poe, sa nakaraang pagdinig sa Senado, sinabi ni …

Read More »

Kelot kritikal sa tandem

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 54-anyos lalaki makaraan pagbabarilin ng riding-in-tandem sa harap ng kanilang bahay sa Caloocan City kahapon ng umaga. Ginagamot sa Caloocan City Medical Center ang biktimang si Emerito Bilacaol, residente ng Block 10, Lot 24, Tanigue St., Samatad Compound, Dagat-Dagatan, Brgy. 14, ng nabanggit na lungsod. Batay sa ulat ni Caloocan Police deputy chief …

Read More »

Lola itinumba ng hired killer (Lider ng informal settlers)

dead gun police

PATAY ang isang 68-anyos lider ng informal settlers makaraan pagbabarilin ng hinihinalang hired killer sa Malabon City kamakalawa ng gabi. Agad binawian ng buhay ang biktimang si Milagros Masalio, re-sidente ng Rosita St., Brgy. Santolan ng nasabing lungsod, sanhi ng dalawang tama ng bala sa ulo. Habang ginagamot sa Valenzuela Medical Center si Rey Quintana, 24, ng Kaingin St., Brgy. …

Read More »

Wow mali sa Miss U, Harvey ‘di na uulit

TINIYAK ni Miss Universe Organization (MUO) President Paula Shugart, hindi na mauulit ang mix-up controversy noong 2015, na mali ang naianunsiyong panalo. Magugunitang na-wow mali ang American host/comedian na si Steve Harvey nang unang maianunsiyo na ang Miss Colombia ang bagong Miss Universe 2015, gayong si Pia Wurtzbach pala ng Filipinas. Ayon kay Shugart, magiging mabagal lamang ang pag-anunsiyo sa …

Read More »

Fil-Am itinalagang Press AsSec sa white house

ITINALAGA bilang White House Assistant Press Secretary sa ilalim ng Trump administration, ang Filipino-American na si Ninio Fetalvo. Bago pinangalanang assistant press secretary si Fetalvo, siya ay nagsilbing Deputy Director of Strategic Media ng 58th Presidential Inaugural Committee, humawak sa inagurasyon ni US President Donald Trump. Nagkaroon din ng iba’t ibang posisyon si Fetalvo para sa Republican National Committee (RNC), …

Read More »

Immigration ban ni Trump inirerespeto ng Palasyo

INIHAYAG ng  Malacañang, inirerespeto nila ang immigration policies ni US President Donald Trump makaraan pansamantalang suspendehin ng American leader ang pagpasok sa Amerika ng mga refugee at mga bisita mula sa pitong Muslim-majority countries. “We respect the policy of the United States of America if they have prohibitions or they would be banning people from entering their country because that …

Read More »

Epileptic ‘tumalon’ mula 14/F nangisay

suicide jump hulog

PATAY ang isang 28-anyos lalaking Epileptic patient na sinabing tumalon mula sa ikaapat palapag ng isang gusali sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng madaling-araw. Agad binawian ng buhay ang biktimang si John Kerwin Lipurada, walang asawa, residente sa Unit 1404, España Tower sa Josefina St., kanto ng Espana St., Sampaloc, Maynila. Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Roderick Magpale ng Manila Police …

Read More »

15 patay, 7 sugatan sa mil ops sa Lanao Sur

dead gun

UMABOT sa 15 terorista ang patay habang pito ang sugatan sa panibagong operasyon ng militar laban sa teroristang grupo sa Butig, Lanao del Sur nitong Huwebes, iniulat ng pamunuang ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kahapon. Ayon kay AFP Public Affairs Office (PAO) chief, Marine Col. Edgard Arevalo, kabilang sa napatay ang isaNG banyagang terorista, mga kasamahan ni ASG …

Read More »

P121-M shabu nakompiska sa mag-asawa

shabu drug arrest

CEBU CITY – Aabot sa 10.2 kilo ng shabu, P121 milyon ang halaga, ang nakompiska ng mga operatiba ng Cebu City Police Station (CCPO) sa buy-bust operation sa Brgy. Basak, San Nicolas, dakong 9:00 pm kamakalawa. Nahuli sa operasyon ng pulisya ang mag-asawang kinilalang sina Mark at Mercy Abellana, sinasabing malaking supplier ng shabu sa lugar. Una rito, sinabi ni …

Read More »

Jobless nagbigti sa bahay ng BFF

ROXAS CITY – Masusing iniimbestigahan ng pulisya ang sinabing pagbibigti ng isang 43-anyos lalaki sa bahay ng kanyang kaibigan sa Brgy. Hanglid, President Roxas, Capiz, kamakalawa. Patay nang matagpuan ang biktimang si Ronald Bayson alyas Onald, ng kaibigan na si Ernesto Flores. Ayon kay PO3 Rez Bernardez, imbestigador ng President Roxas PNP, batay sa imbestigasyon ng pulisya, humingi ng pahintulot …

Read More »

P5 umento sa LPG sa Pebrero

oil lpg money

SASALUBONG ngayong Pebrero sa consumers ang malaking umento sa pres-yo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG). Ayon sa ulat, maglalaro sa P4.50 hanggang P5 ang dagdag-presyo kada kilo ng LPG o katumbas na P49.50 hanggang P55 sa kada 11 kilogram ng LPG tank. Asahang ipatutupad ang dagdag-presyo sa 1 Pebrero. Samantala, asahan din ang paggalaw sa presyo ng diesel. Base sa …

Read More »

Gun ban ipinatupad ng PNP sa 2 lungsod (Para sa Miss Universe coronation)

EPEKTIBO kahapon, 29 Enero 2017, ang ipinatutupad na gun ban ng pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO). Ang pagpapatupad ng gun ban ay bahagi ng security measures ng PNP para sa coronation night ng Miss Universe. Ayon kay NCRPO chief, Director Oscar Albayalde, suspendido ang PTCFOR o ang permit to carry firearms outside residence. Sinabi ni Albayalde, epektibo …

Read More »

PTCFOR suspension aprub kay Bato

INAPROBAHAN ni Philippine National Police chief, Director General Ronald “Bato” Dela Rosa ang suspensiyon ng permit to carry firearms outside residence (PTCFOR), sa mga lungsod ng Pasay at Parañaque, iniulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kahapon. Ayon kay NCRPO spokesperson, Chief Insp. Kimberly Molitas, epektibo ang PTCFOR simula kahapon hanggang 12:00 ng hatinggabi ngayong Lunes, 30 Enero. Tanging …

Read More »