Saturday , July 27 2024
Cebu Pacific plane CebPac

Caticlan operations ng Cebu Pacific sususpendehin (Sa pagsasara ng Boracay)

PANSAMANTALANG susus­pendehin ng Cebu Pacific ang lahat ng flights patungo at mula sa Caticlan, Aklan bunsod ng mahinang demand dahil sa pagsasara ng Boracay Island. Ang suspensiyon sa lahat ng operasyon ay epektibo sa 17 Mayo 2018 hanggang 27 Oktubre 2018.

Bago ito, pinanatili ng Cebu Pacific ang daily flights sa pagitan ng Manila at Caticlan; gayondin ang Cebu at Catcilan makaraan isara ang Boracay noong 26 Abril.

Ibabalik ng Cebu Pacific ang full commercial service sa Caticlan kapag binuksan ang Boracay sa huling bahagi ng Oktubre 2018.

Ang mga apek­­tadong pasa­hero ay maaaring pumili sa sumu­sunod na opsiyon: Kunin ang full refund; ilagay ang buong halaga ng ticket sa travel fund para magamit sa hinaharap; i-rebook ang flight sa loob ng 30-araw nang walang multa, depen­de sa flight/seat availa­bility; i-reroute sa alin mang domestic destination sa loob ng 30-araw nang walang multa, depende sa flight/seat availa­bility.

Ang Cebu Pacific ay nasa proseso ng pagbibigay ng impormasyon sa mga pasa­herong apektado ng flight cancellations. Ang mga apekta­dong pasahero ay maaaring ayusin ang kanilang rebooking o refund via “Manage Booking” section sa CEB website, www.cebupacificair.com.

Ang guests na nag-book sa travel agent o alin mang third party ay hinihikayat na magsu­mite ng kanilang sariling contact details upang direktang maabi­so­han ng ano mang flight changes.

Para sa ano mang tanong, ang mga pasahero ay maaaring magbigay ng mensahe sa official Cebu Pacific Facebook (https://www.facebook.com/cebupacificair) or Twitter (@CebuPacificAir) accounts.

Maaari rin makipag-ugnayan sa CEB hotline at +632 702 0888, gayonman dahil sa heavy volume ng mga tawag, ang pinakamabilis na paraan sa pag-rebook o pag-refund sa apek­tadong flights ay sa pamama­gitan ng “Manage Booking” section sa Cebu Pacific website.

About hataw tabloid

Check Also

Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA  
2 iniulat na nasawi

PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted person sa Bicol Region naaresto sa Zambales

ISANG personalidad na nakatala bilang isa sa Most Wanted Persons sa Bicol region ang naaresto …

Bulacan Police PNP

Sampung wanted na kriminal sa Bulacan nasakote

HINDI alintana ng kapulisan sa Bulacan ang malakas na ulan at baha dulot ng bagyong …

Honey Lacuna Manila Baha Ulan Bagyo Carina

Bilang tugon sa problemang dala ni ‘Carina’:
SERYE NG DIREKTIBA IPINALABAS NI MAYOR HONEY

NAGPALABAS ng serye ng direktiba si Manila Mayor Honey Lacuna bilang tugon sa mga problemang …

Honey Lacuna Pangan Manila baha ulan carina

Pag-kalinga ni Action Lady, Mayor Lacuna kahit bagyo naramdaman ng mga Manileño!

BALEWALA kay Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang mataas na tubig baha na kanyang nilusong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *