Wednesday , October 5 2022

66th FAMAS awards tuloy na tuloy sa June 10 sa Solaire

ANG taunang FAMAS awards ay gaganapin ang 66th edition – Gabi ng Parangal sa June 10, sa The Theatre sa Solaire. Itinatag noong 1952, ang FAMAS ay itinuturing na isa sa pina­ka­popular na tagapagbigay parangal sa industriya ng pelikula sa Filipinas. Ang lahat ng mga pelikula na ginawa ng Filipinas na ipinalabas noong 2017 ay kailangang magkaroon man lang ng isang araw na commercial screening para maging kuwalipikado para sa mga parangal sa taong ito.

Sa unang pagkakataon, ang mga nanalo ng FAMAS Awards ay pipiliin ng isang independent jury na binubuo ng mga movie practitioners, academicians, at critics sa pamumuno ng award winning script at literary writer na si Ricky Lee. Ang Megavision Integrated Resources Inc., ang producer ng Famas Gabi ng Parangal kasama si Donna Sanchez bilang Executive Producer. Para sa mga kata­nungan magpadala lamang ng email sa [email protected]

Ang FDCP ang official government partner ng 66th Famas Awards.

Narito ang ilan sa mga nominado: Best Picture-Ang Lara­wan, Birdshot, Respeto, Balangiga: Howling Wilderness, Love You to the Stars and Back, Paki, Nervous TranslationTu Pug Imatuy (The Right to Kill), The Chanters, at Yield. Best Actor-Nonie Buencamino (Smaller and Smaller Circles), Abra (Respeto), Dingdong Dantes (Seven Sundays), Joshua Garcia (Love You to the Stars and Back), Bem­bol Roco (What Home Feels Like), Allen Dizon (Bomba), Justine Samson (Balanggiga), Jojit Lorenzo (Changing Partners), Noel Comia (Kiko Boksingero), at Timothy Castillo (Neomanila). Best Actress – Gloria Diaz (Si Apple at Si Chedeng), Joanna Ampil (Ang Larawan), Iza Calzado (Bliss), Agot Isidro (Changing Partners), Dexter Doria (Paki), Julia Barretto (Love You to the Stars and Back), Angeli Bayani (Bagahe), Nathalie Hart (Historiographika Errata), Maja Salvador (I’m Drunk, I love You), at Max Eigenmann (Kulay Lila Ang Gabi na Binudburan pa ng Mga Bituin). Best Director — Khavan dela Cruz -Balangiga, Mikhail Red – Birdshot, Top Nazareno -Kiko Boksingero, Antoinette Jadaone – Love You To the Stars and Back, Shireen Seño – Nervous Translation, Treb Monters-Respeto, Arnel Barbarona – Tu Pug Imatuy, at Victor Delotavo Tagaro/Toshihiko Uriu, Yield.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Barbie Imperial

Barbie sa netizens: Bakit ako naging malandi? ‘Hindi ako laspag?

MA at PAni Rommel Placente SINAGOT ni Barbie Imperial ang mean comments sa kanya ng ilang netizens, …

Anthony Taberna Ka Tunying's Cafe

Resto ni Ka Tunying ipinabo-boykot din

I-FLEXni Jun Nardo PINASALAMATAN  at humingi ng paumanhin ang broadcaster na si Anthony Taberna o mas kilala …

Mariel Padilla Robin Padilla

Robin ligtas na, operasyon sa puso matagumpay  

I-FLEXni Jun Nardo LIGTAS na si Senator Robin Padilla. Isinugod sa ospital ang aktor-senador dahil sa …

Blind Item, Men

Audition ni male star sa movie company pinaghubo’t hubad

ni Ed de Leon WALANG nagawa ang isang baguhang male star. Pinapunta siya sa office ng …

Mike Tan

Mike Tan gradweyt na ng BS Psychology  

HATAWANni Ed de Leon TALAGANG kung magsisikap, matutupad ang pangarap. Tingnan ninyo ang actor na …

Leave a Reply