Sunday , January 12 2025

News

P1 fare hike, P40 flag-down rate sa taxi tuloy

KINOMPIRMA ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), tuloy ngayong linggo ang pagtaas ng pasahe sa mga pampublikong sasakyan sa Metro Manila, at ilang rehiyon sa bansa. Ayon kay Atty. Aileen Lizada, Board Member at Spokesperson ng LTFRB, posibleng sa Huwebes ipatupad ang P1 dagdag pasahe. Dahil dito, magiging P8 na ang minimun na pasahe, epektibo sa National Capital …

Read More »

Police scalawags ‘gumimik’ sa Palasyo

APAT na oras makaraan paliguan ng mura ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mahigit 200 pulis na pasaway ay naglabasan sila na nagtatawanan, at nakipag-selfie pa kay Philippine National Police (PNP) chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa. “Maghanap kayo ng mali para magkapera. Gusto ko kayong ihulog diyan p******nang Pasig na iyan. Pero huwag na lang kasi itong Human Rights …

Read More »

SSS nagpaliwanag sa P1K pension hike delay

SSS

INILINAW ni Social Security System (SSS) chairman Amado Valdez, hinihintay pa nila ang atas ng Office of the Executive Secretary (OES), para maibigay ang P1,000 dagdag sa pensiyon ng mga retiradong miyembro ng SSS. Magugunitang maraming pensioners ang natatagalan sa dagdag na pensiyon, dahil naipangako sa kanilang ibibigay ito simula ngayong Pebrero. Sinabi ni chairman Valdez, bagama’t aprubado ni Pangulong …

Read More »

5 ASG patay, 1 huli sa AFP ops sa Sulu

dead gun

ZAMBOANGA CITY – Patay ang limang kasapi ng teroristang Abu Sayyaf Group (ASG), habang isa ang naaresto sa operasyon  ng militar sa Sitio Talok Talok, sa munisipyo ng Capual, sa lalawigan ng Sulu kahapon. Inihayag ni Maj. Gen. Carlito Galvez, commander ng Western Mindanao Command (WestMinCom), ang mga napatay at naaresto sa operasyon ng mga sundalo ng Joint Task Force …

Read More »

Police official, kritikal sa ambush

KRITIKAL ang kalagayan  ng isang opisyal ng pulisya, makaraan pagbabarilin ng riding-in-tandem, habang lulan ng motorsiko sa Caloocan City, kahapon ng madaling-araw. Nilalapatan ng lunas sa Chinese General Hospital ang biktimang si Insp. Paul Dennis Javier,  41, residente sa Severino Reyes St., Sta. Cruz, Maynila, nakatalaga bilang hepe ng Station Investigation Division Management Branch (SIDMB), sa Malabon City Police. Ayon  …

Read More »

9 senador tutol sa death penalty

dead prison

SIYAM senador ang tutol sa pagpapabalik sa death penalty, bilang parusa sa karumal-dumal na krimen. Nagpahayag ng pagtutol sa pagpapabalik sa death penalty, sina Senador Richard Gordon, Senador Franklin Drilon, Senador Francis Pangilinan, Senador Bam Aquino, Senadora Risa Hontiveros, Senadora Leila De Lima, Senador Ralph Recto, Senador Antonio Trillanes IV, at Senador Francis Escudero. Sinabi ni Escudero, delikado at nakatatakot …

Read More »

De Lima, Topacio nagkainitan sa Senado

NAPIKON si Sen. Leila De Lima kay Atty. Ferdinand Topacio ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), nang  mabanggit sa pagdinig ang drug trafficking issue tungkol sa senadora. Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate committee on justice and human rights, pinamumunuan ni Sen. Richard Gordon, isa sa ipinatawag ang grupo ni Topacio, upang magbigay ng posisyon kung bakit sila pabor …

Read More »

Dumagat sa Bulacan natuwa sa DENR (Sa ipinasarang minahan)

TUMIGIL na sa operasyon ang isang malaking minahan sa Bulacan, kasunod ng utos mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa pagpapasara ng mga minahan sa bansa. Ayon sa ulat, nagsimula nang hakutin ng Ore Asia Development and Mining Corporation, ang kanilang heavy equipments o sa Brgy. Camachin, Doña Remedios Trinidad (DRT), sa naturang lalawigan mula noong …

Read More »

5 patay, 2 sugatan sa AFP (Sa labanan sa Sta. Cruz, Mindoro Occidental)

TIMOG KATAGALUGAN – Lima ang patay, habang 2 ang sugatan sa hanay ng 76th Infantry Battalion of the Philippine Army sa labanang naganap sa Sitio Libon-libonan, Brgy. Pinagturilan, Sta. Cruz, Mindoro Occidental nitong 5 Pebrero. Ibinunga ang naturang labanan sa paglulunsad ng 76th IBPA ng mga serye ng operasyong militar sa tabing ng drug related operations, police related operations, civil-military …

Read More »

Waiter arestado sa marijuana

ARESTADO ang isang waiter ng National Press Club (NPC), nang mahulihan ng pinatuyong dahon ng marijuana nang nagpapatrolyang barangay tanod sa Sta. Cruz, Maynila Ang suspek na si Daniel Quibral, 19, residente sa 1281, Int. 43, Tambunting Street, Sta. Cruz, ay sasampahan ng kasong paglabag sa Section 11, Article 2, ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act …

Read More »

3 drug pushers itinumba (Sa Misamis Oriental)

CAGAYAN DE ORO CITY – Pinagbabaril hanggang mapatay ng hindi nakilalang armadong kalalakihan, ang tatlong suspected drug pushers at users, sa Brgy. Tagoloan, Misamis Oriental kamakalawa. Ito ay habang nasa loob ng isang shanty, at may transaksiyon sa illegal drugs sa nasabing lugar. Kinilala ang mga suspek na sina Rolly Ello, Mark Lester Dacudor, at Carlo Dacudor, pawang mga residente …

Read More »

Softdrink dealer utas sa tandem (Nanalo ng P.5-M sa sabong)

PATAY ang isang softdrink dealer, habang sugatan ang kanyang driver, at ang garbage collector, makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang riding-in-tandem sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Agad binawian ng buhay si Alvin Delpin, 46, ng 683 Franvill-II Subd., Area A, Brgy. 175, Camarin, ng lungsod. Habang nilalapatan ng lunas sa Dr. Jose Rodriguez Hospital si Lemen Grana, 56, residente ng …

Read More »

JASIG tuluyang ibinasura ng GRP (Benito, Wilma Tiamzon nakabalik na sa PH)

IPINAWALANG bisa ng gobyernong Duterte ang safe conduct pass ng 181 National Democratic Front (NDF) consultants at guerilla leaders na magbibigay-daan sa pagdakip sa kanila ng awtoridad. Sinabi kahapon ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza, ipinadala niya sa NDF ang notice of termination ng Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG). Ito aniya ay alinsunod sa …

Read More »

Sa one text away ni Kris kay Digong, PNoy hindi na ipakukulong

MUKHANG magiging mailap ang inaasam na katarungan ng mga naulila ng 44 Special Action Force (SAF) commandos dahil sa isang text ni Queen of All Media at dating presidential sister Kris Aquino kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte. Sa kanyang talumpati sa Bureau of Internal Revenue (BIR) Large Taxpayers Service Tax Campaign Kick Off sa Reception Hall sa PICC, Pasay City …

Read More »

Mayor Asistio pumanaw na

PUMANAW na si dating Caloocan City Mayor Macario “Boy” Asistio, 80-anyos, nitong Lunes, dakong 10:55 am, makaraan ang halos isang linggong comatose. Nitong 1 Pebrero, isinugod sa Metro Antipolo Hospital sa Infanta Highway, ang dating alkalde nang mahilo at sumuka, sinasabing mga sintomas ng mild stroke. Sinikap i-revive ng mga doktor si Asistio, ngunit na-comatose ang alkalde. Nitong Sabado, ayon …

Read More »

9 airport police, taxi driver, 18 airport civilian personnel pinarangalan

KINILALA ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa harap ng airport officials at media, ang siyam airport police officers, isang taxi driver, 18 airport civilian personnel, karamihan ay nakatalaga bilang building attendants sa apat Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals, kahapon. Naluluhang sinabi ni MIAA General manager Ed Monreal, “marami pa palang mabubuting tao na nagtatrabaho sa airport,” ang tinutukoy …

Read More »

Duterte napundi CPP top honchos ibabalik sa hoyo (Peace talks tinuldukan)

HALOS dalawang buwan mula nang ipangalandakan na nakahanda ang mga komunista na mag-alay ng buhay para manatili siya sa poder, nag-iba ang ihip ng hangin, inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na tugisin, arestohin at ibalik sa kulungan ang 17 lider-komunista dahil tinuldukan na niya ang peace talks. “The Reds would never demand my ouster. They will die for me, believe …

Read More »

Uuwing NDF panel (Mula sa Italy) ipinaaaresto ni Digong sa BI

INATASAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bureau of Immigration (BI) na arestohin ang mga lider-komunista, na tinawag niyang mga terorista, pagtapak sa paliparan mula sa paglahok sa peace talks sa Rome, Italy at Oslo, Norway. “Nagmamagandang loob ka na nga, ipapahiya pa ako sa mga sagot ng p***** in*** akala mo kung sino. “You give them all the leeway and …

Read More »

Left-inclined cabinet member dadalo pa rin sa pulong

Malacañan CPP NPA NDF

HINDI pagbabawalan dumalo sa mga pulong ng gabinete ang mga opisyal ng administrasyon mula sa maka-kaliwang grupo. Ito ang tiniyak kahapon ni Communications Secretary Anna Banaag, tiwala pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte sa kakayahan ng mga progresibong miyembro ng gabinete kahit pa kanselado ang unilateral ceasefire ng pamahalaang Duterte sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front …

Read More »

Peace talks ituloy kahit nagbabakbakan — Bayan

ITULOY ang peace talks habang nagbabakbakan. Ito ang panawagan ng militanteng grupong Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) kahapon, sa administrasyon at sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP), makaraan tuldukan ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakalawa ang peace talks. Ang pasya ni Duterte na kanselahin ang peace talks ay makaraan kanselahin ang unilateral ceasefire, na idineklara ng pamahalaan noong Agosto 2016. …

Read More »

Lider komunista ‘di ipaaaresto — Palasyo

Duterte CPP-NPA-NDF

INILINAW ng Malacañang, hindi ipadarakip muli ang pinakawalan nang mga lider ng National Democratic Front-Communist Party of the Philippines-New People’s Army (NDF-CPP-NPA). Ito ay ayon kay Communications Assistant Secretary Ana Maria Paz Banaag, sa kabila nang kautusan na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakalawa ng gabi, na ipadakip sa mga awtoridad ang mga lider ng komunistang grupo. Sinabi ni Banaag, …

Read More »

LTFRB nakahanda sa tigil-pasada

ltfrb traffic

NAKAHANDA ang pamunuan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), sa transport strike ngayong araw, Lunes, sa kalakhang Maynila. Ayon sa LTFRB, 5,000 personnel mula sa iba’t ibat ahensiya, ang naka-deploy para tiyakin na hindi maabala ang commuters, at hindi ma-stranded. Magde-deploy ng mga pribadong bus, government vehicles, at maging mga motorsiklo para pagsilbihan ang commuters. Pahayag ng LTFRB, …

Read More »

Fire victim sa Japanese factory pumanaw na

fire dead

PUMANAW na ang isa sa mga biktima ng sunog, sa isang Japanese factory sa loob ng Cavite Export Processing Zone, kamakalawa ng gabi. Ito ang kinompirma ni Cavite Governor Boying Remulla kahapon. Kinilala ni Remulla ang pumanaw na biktimang si Jerome Sisnaet, empleyado ng House Teachnology Industries (HTI), dumanas ng severe burns. Pahayag ng gobernador, bandang 11:28 pm nang pumanaw …

Read More »

Tindera utas sa boga, suspek dedbol sa bundol

dead gun

PATAY ang isang tindera makaraan pagbabarilin ng riding-in-tandem, ngunit namatay rin ang isa sa mga suspek, nang habulin ng live-in partner ng biktima at binundol, sa Marilao, Bulacan, kamakalawa ng umaga. Ayon sa pulisya, nagbubukas pa lamang ng tiangge si Ma. Luz Guirao, nang lapitan ng isang armadong lalaki, at pinagbabaril sa Ruby St., Villa Consuelo Subdivision, Brgy. Abangan Sur, …

Read More »

Misis ginahasa ng bayaw sa harap ng 2 anak

rape

TINUTUGIS ng mga awtoridad ang isang lalaking gumahasa sa kanyang hipag, sa harap ng dalawang menor de edad ni-yang anak, sa Minalabac, Camarines Sur. Ikinuwento sa mga pulis ni ‘Jessa,’ 5-anyos, anak ng biktima, ang panggagahasa ng kanyang tito sa kanyang inang si ‘Ma-ria.’ Ayon sa bata, hindi pa umuuwi ang kanyang ama nang pumasok ang kanyang tito, sa kanilang …

Read More »