Sunday , November 24 2024

News

3 patay, 12 sugatan sa bakbakan sa Marawi

TATLONG miyembro ng mga tropa ng gobyerno ang patay habang 12 iba pa ang sugatan sa pakikisagupa sa mga miyembro ng Maute Group sa Marawi City, kamakalawa. Kinompirma Defense Secretary Delfin Lorenzana sa briefing sa Moscow, kinontrol ng Maute fighters ang main street ng lungsod at sinunog ang mga paaralan, chapel at kulungan. “As of tonight, there were three killed …

Read More »

Martial law gagamiting proteksiyon ni Duterte para sa bayan

HINDI mangingimi si Pangulong Rodrigo Duterte na isailalim sa martial law ang buong bansa kapag hindi naglubay sa pag-atake ang teroristang Islamic State of Iraq and Syria (ISIS). “If I think that the ISIS has already taken foothold also in Luzon, and terrorism is not really far behind, I might declare martial law throughout the country to protect the people,” …

Read More »

Ayuda vs terorismo hirit ni Duterte kay Putin

MOSCOW, Russia – HUMIRIT ng “soft loan” si Pangulong Rodrigo Duterte kay Russian President Valdimir Putin upang ipambili ng mga armas para gamitin sa kampanya ng Filipinas kontra-terorismo. Sa kanilang bilateral meeting kamakalawa ng gabi bago bumalik sa bansa mula sa pinaikling official visit sa Russia , humingi ng paumanhin si Duterte dahil kailangan niyang bumalik sa Filipinas upang harapin …

Read More »

Bagets itinumba sa computer shop

gun dead

PATAY ng isang 17-anyos binatilyo makaraan barilin sa ulo ng hindi nakilalang lalaki sa loob ng isang computer shop sa Tondo, Maynila nitong Lunes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Marvin Galicio, isang out of school youth, at residente ng Parola Compound. Ayon sa ulat ng Manila Police District, naglalaro ang biktima sa “pisonet”cafe sa lugar nang bigla siyang binaril …

Read More »

Pagsugpo sa ISIS ‘di madali — Digong

duterte gun

MOSCOW, Russia –  Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte, hindi madali ang paglaban sa teroristang grupong Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) at kailangan ang matinding pagkombinsi sa mga mamamayan upang hindi malason ang isipan at lumahok sa terorismo. Sa panayam ni Marina Finoshina ng Russian TV, sinabi ng Pangulo, hindi nabigo ang pamahalaan sa kampanya kontra-terorismo nang magkaroon ng …

Read More »

Surgical ops, gagamitin vs Maute sa Marawi City

MOSCOW, Russia –  HINDI mangingimi ang militar na maglunsad ng “surgical operations” laban sa teroristang Maute Group na kumubkob sa Marawi City kahapon. Ito ang sinabi kahapon ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. kasunod nang pag-atake ng Maute Group sa Marawi City. “When opportunity presents itself,” ani Esperon. Ang  ”surgical operation” ay nangangahulugan na tukoy ang targets at babagsakan …

Read More »

PNP todo-tutok sa Ariana Manila concert (Kasunod ng Manchester attack)

MAGSASAGAWA ng “security adjustment” sa Manila concert ni Ariana Grande kasunod nang pagsabog na ikinamatay ng 22 katao sa Manchester concert leg ng pop star, ayon sa mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) nitong Martes. “The organizers of the Ariana Grande concert (in the Philippines) must involve the local PNP unit so that appropriate security arrangements and assistance can …

Read More »

Walang Pinoy sa Ariana concert blast — DFA

WALANG Filipino na kabilang sa mga binawian ng buhay at nasugatan sa naganap na pagsabog sa Ariana Grande concert sa Manchester City nitong Martes, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA). “So far, fortunately, no reports of Filipinos among the casualties. Embassy still closely monitoring the situation,” pahayag ni DFA acting spokesperson Robespierre Bolivar. Ayon sa ulat, umabot sa 22 …

Read More »

Pakikiramay sa UK ipinarating ni Duterte

MOSCOW, Russia – Nagpahatid ng taos-pusong pakikiramay si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pamilya ng mga namatay sa pagsabog sa Ariana Grande concert sa Manchester, United Kingdom, kamakalawa. Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, hinangaan ni Pangulong Duterte ang maayos na pagtugon ng mga awtoridad sa madugong insidente. “Philippine President Rodrigo R. Duterte sends his deepest sympathies and concern to …

Read More »

Duterte itutumba ng CIA (Dahil sa independent foreign policy)

MOSCOW, Russia –  INAASAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte na may plano ang Central Inteligence Agency (CIA) ng Amerika na ipatumba siya dahil sa pagpapatupad ng independent foreign policy na mas nakakiling sa China at Russia kaysa Uncle Sam. “They do it. Does it surprise you? They can even take the president out of his country for him to face trial …

Read More »

Duterte nag-sorry sa Quiapo blasts

HUMINGI ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko sa prehuwisyong dulot nang tatlong pagsabog sa Quaipo, Maynila kamakailan. Sa pilot episode ng kanyang programa sa PTV4 “Mula sa Masa, Para sa Masa” noong Biyernes, tiniyak ni Pangulong Duterte na ang pagsabog ng pipe bombs sa Quiapo ay walang kinalaman sa te-roristang grupong Islamic State of Iraq and Syria (ISIS). …

Read More »

Callamard sinungaling (Hihilahin sa kulungan) — Digong

IPADARAKIP ni Pangulong Rodrigo Duterte si UN Special Rapporteur Agnes Callamard pagbalik sa bansa sa kasong perjury o pagsisinungaling. Anang Pangulo, titiya-kin niyang babagsak sa kulungan si Callamard dahil sa paglalako ng maling impormasyon sa Filipinas na walang masamang epekto sa isipan ang paggamit ng shabu. Kung nais aniya ni Callamard na tumestigo laban sa kanya sa kahit anong kaso, …

Read More »

Gen. Danny Lim bagong MMDA chair

ITATALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si retired military general Danilo Lim bilang bagong chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Kinompirma ni Exe-cutive Secretary Salvador Medialdea kahapon, lalagdaan bukas ni Pangulong Duterte ang appointment papers ni Lim bago magtungo sa official visit sa Russia. Mananatiling general manager ng MMDA si Thomas Orbos na nagsilbing acting chairman nang ilang buwan. Natalo …

Read More »

‘Rosaryo’ bawal din sa rearview ng sasakyan (Hindi lang gadgets, mobile phones)

KAHIT ang Rosario na ginagamit ng mga Katoliko sa pagdarasal ay ipinagbabawal ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa windshield ng mga sasakyan. Bibigyan ng isang linggo ang mga driver ng pampubliko at pribadong sasakyan na tanggalin ang ano mang abubot sa kanilang dashboard at windshield, ayon sa LTFRB nitong Biyernes ma-ging ang Rosario. Maraming motorista ang nagtanong …

Read More »

Red carpet kay Duterte sa Russia

NAGHIHINTAY ang red carpet sa Russia para sa tatlong araw na official visit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 23-26 Mayo 2017. Sa pre-departure briefing ni Foreign Affairs Secretary Maria Cleofe Natividad kahapon sa Palasyo, sinabi niyang tiyak sisigla ang relasyong Filipinas at Russia sa pagbisita ng Pangulo makaraan ang 41 taon, nga-yong malapit sa isa’t isa sina Pangulong Duterte at …

Read More »

Localized peace talks mas kursunada ni Duterte (Usapan habang may bakbakan sayang)

Duterte CPP-NPA-NDF

NANGHIHINAYANG si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pagsusumikap ng pamahalaan at liderato ng Communist Party of the Philippines-National Democratic Front of the Philippines (CPP- NDFP) sa pagdaraos ng peace talks, gayong tuloy ang bakbakan sa tinaguriang larangang gerilya ng New People’s Army. Sa kanyang talumpati sa groundbreaking ceremony sa Biyaya ng Pagbabago Housing Project sa Brgy. Los Amigos, Tugbok District, …

Read More »

Multiple syndicated estafa vs ABS-CBN (PRRD desidido na)

ILULUNSAD ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang legal na opensiba laban sa ABS-CBN, sa paghahain ng kasong multiple-syndicated estafa laban sa pamilya Lopez, nang hindi ilabas ang kanyang political advertisement kahit tinanggap ang bayad niya. Paliwanag ng Pangulo sa kanyang talumpati sa groundbreaking ceremony ng Armed Forces of the Philippines-Philippine National Police housing design and modalities sa Madayaw Residences, Kadayawan …

Read More »

Kelot patay sa heat stroke

heat stroke hot temp

NATAGPUANG walang buhay isang 53-anyos lalaking hinihinalang inatake ng heat stroke sa Sta. Mesa, Maynila, kahapon ng umaga. Ayon sa Manila Police District (MPD) Homicide Section, base sa LTO non-professional drivers license, kinilala ang biktimang si Teddy Sauler, ng 136-K 7th St., Kamias, Quezon City. Base sa imbestigasyon, natagpuan ng isang construction worker na si Jonel Duenlag, 23, ang biktima …

Read More »

Lolo binoga sa tagayan

gun shot

BUMULAGTA ang isang 59-anyos lolo makaraan pagbabarilin ng riding-in-tandem habang nakikipag-tagayan sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktimang si Dophy Rito, residente sa Linampas St., Dagupan, Tondo, binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Metropolitan Medical Center. Mabilis na tumakas lulan ng motorsiklo ang dalawang suspek makaraan ang pa-mamaril. Sa imbestigasyon ni SPO2 John Charles Duran,ng Manila …

Read More »

Bagong batas-trapiko handa nang ipatupad (Sa Caloocan City)

HANDA na ang lokal na pamahalaan ng Caloocan City sa pagpapatupad ng kapapasang mga batas na nagbabawal gumamit ng gadgets ang mga nagmamaneho at nagbabawal magsakay ng maliliit na bata sa motorsiklo. Ayon kay Engineer Gilberto Jay Bernardo, tagapamahala ng Department of Public Safety Office and Traffic Management (DPSTM), nagpatawag siya ng pulong sa transport groups sa lungsod, at inihayag …

Read More »

Pastol patay sa kidlat

kidlat patay Lightning dead

BINAWIAN ng buhay ang isang 35-anyos lalaki nang tamaan ng kidlat habang nagpapastol ng hayop sa Albay, nitong Miyerkoles ng hapon. Isinugod sa ospital ngunit binawian ng buhay ang biktimang si Antonio Oropesa, residente ng Brgy. Napo sa Polangui, Albay. Ayon sa pulisya, dakong 5:00 pm nang tamaan ng kidlat si Oropesa habang nagpapastol ng hayop sa gitna ng palayan …

Read More »

Magdyowang karnaper/holdaper arestado sa QCPD

INARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang live-in partners matapos mabigong tangayin ang isang taxi na kanilang hinoldap sa Brgy. Doña Mariana, Quezon City, kahapon ng madaling-araw. Iniharap ni QCPD director, Chief Supt. Guil-lermo Lorenzo T. Elea-zar, sa media ang dalawang suspek na sina Jade Bertoldo, 18, at Jessa Lopez, 23, kapwa nakatira sa Denmark St., …

Read More »

Magkapitbahay niratrat, patay

dead gun police

PATAY noon din ang magkapitbahay makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang mga lalaki sa Brgy. East Kamias, Quezon City, kahapon ng madaling araw. Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) director, C/Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, kinilala ang mga biktimang sina Niko Ledesma, 25, ng 55 K St., at Nelver Inano, 25, residente ng 65 K St., kapwa ng Brgy. …

Read More »

Drug raps vs Marcelino, Chinese nat’l ibinasura ng DoJ

INIUTOS ng Department of Justice (DoJ) ang pag-atras sa drug charges laban kay Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino at kasama niyang isang Chinese national, na nakabinbin sa Manila Court. Ito ay makaraan pagbigyan ng DoJ ang petition for review na inihain nina Marcelino at Yan Yi Shou kaugnay sa September 2016 resolution, nagresulta sa pagsasampa sa kanila ng kasong possession …

Read More »

Seguridad sa Quiapo kasado na (Paghahanda sa Ramadan) — MPD

NAKATAKDANG ipatupad ng Manila Police District (MPD) at pamahalaang lungsod ng Maynila ang “foolproof” o 24/7 walang palyang security detail sa Muslim community, bilang paghahanda sa nalalapit na Ramadan sa Quiapo, Maynila. Ang ilalatag na security plan ay bunsod ng pangamba ni Mayor Erap Estrada, makaraan ang tatlong magkakasunod na pagsabog sa Quiapo, sinasabing dahil sa su-miklab na “religious war” …

Read More »