NANGANGANIB mabaklas sa kanyang puwesto si Bise Presidente Leni Robredo ngayong dinidinig na ng Presidential Electoral Tribunal ang protesta laban sa kanya ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. Isang 81-pahinang preliminary conference brief na isinumite ng legal team ni Bongbong sa Korte Suprema, umuupong PET, ang magpapatunay na hindi si Robredo ang totoong nanalo sa 2016 vice presidential contest. …
Read More »Batang terorista papatulan ng militar
HINDI mangingimi ang militar na barilin ang isang batang terorista kapag nanganib ang buhay ng sundalo sa larangan. Ayon kay AFP Spokesman B/Gen. Restituto Padilla, pinapayagan sa Geneva Convention ang pagdepensa ng isang sundalo kapag nalagay sa panganib sa harap ng isang armadong bata. “When our soldiers’ lives are at risk, they take appropriate measures to defend themselves and that …
Read More »Na-sheboom na ABB hitman ng JUSMAG col lalaya na
PALALAYAIN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang umutas kay Col. James Rowe, hepe ng Army Division ng Joint RP-US Military Advisory Group (JUSMAG), ano mang araw alinsunod sa mga napagkasunduan ng pamahalaan at National Democratic Front of the Philippines (NDFP), ayon kay Labor Secretary at government peace panel chief Silvestre Bello III. Makakapiling na ng kanyang pamilya si Juanito Itaas, ang …
Read More »Marines ipapalit sa SAF sa Bilibid
PAPALITAN ng mga kagawad ng Philippine Marines ang mga miyembro ng Philippine National Police- Special Action Force (PNP-SAF) bilang mga guwardiya sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City dahil sa ulat na masiglang muli ang drug trade sa piitan. Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, kinausap ni PNP chief, Director General Ronald dela Rosa si Pangulong Rodrigo Duterte hinggil …
Read More »Suspek sa Bulacan massacre tinortyur (Kaya umamin)
IBINUNYAG ng suspek sa Bulacan massacre na binalutan siya ng plastic sa ulo at pinahirapan ng mga pulis kaya napilitan siyang akuin ang brutal na pagpatay sa limang miyembro ng pamiya. Binawi nitong Miyerkoles ni Carmelino “Mi-ling” Ibañez ang kanyang pahayag na siya ang pumatay sa lola, nanay at 3 bata sa isang bahay sa San Jose del Monte, Bulacan. …
Read More »Alok na backchannel talks sa Maute tinabla ni Digong
TINANGGIHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang alok na backchannel talks ng Maute terrorist group, ayon sa Palasyo. Sa press briefing kahapon sa Palasyo, kinompirma ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na ang ina ng Maute brothers na si Farhana Romato Maute, ang nag-alok ng backchannel talks sa Pangulo, taliwas sa inihayag ni Agakhan Sharief, isang prominent Muslim leader, na isang senior …
Read More »Leyte niyanig ng lindol (2 patay)
DALAWA ang patay kasunod ng magnitude 6.5 earthquake na tumama sa isla ng Leyte nitong Huwebes ng hapon. Isa sa mga biktima ang iniulat sa Kananga, Leyte, ayon kay Mayor Rowena Codilla. “Ngayon nagre-rescue na sila, may na-retrieve na kami na isang dead saka isang wounded. I don’t know the age pero ‘yung namatay is lalaki, tapos ‘yung wounded is …
Read More »Duterte kay Joma sa peace talks: Kapayapaan bago kamatayan
“HINDI ka ba magiging masaya kung bago mo ipikit ang iyong mga mata ay may kapayapaan na sa bansa?” Ito ang mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang da-ting propesor na si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison na self-exiled sa The Netherlands sa nakalipas na tatlong dekada. “Here comes Sison, I hope you …
Read More »WBO kinuwestiyon ng GAB sa PacMan vs Horn fight (Dapat agad tugunan — Sen. Pacquiao)
NAIS ni Senador Manny Pacquiao na madaliin ng World Boxing Organization (WBO) ang pagtugon sa hiling na paliwanag ng Games and Amusement Board (GAB) na kumukuwestiyon sa mga aksiyon ng referee at judges sa kanilang laban ni Jeff Horn. Ayon kay Pacquiao, hindi niya intensi-yong mabaliktad ang resulta ng championship match kundi nag-aalala lamang siya na baka masira ang kredebilidad …
Read More »Dulay, 17 BIR official kinasuhan ng Plunder
ISANG mataas na opisyal ng pamahalaang Duterte ang nasa balag ng alanganin matapos magsampa ng kasong Plunder ang isang taxpayer laban kay Commissioner Ceasar Dulay at 17 pang opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na nagsabwatan upang dayain ang gobyerno nang halos P30 bilyon. Sa Ombusdman Case No. IC-OC-17-1109, inireklamo ng taxpayer na si Danilo Lihaylihay, residente ng Quezon …
Read More »Ina, sanggol natagpuang patay sa Kyusi
PALAISIPAN sa Quezon City Police District (QCPD) ang pagkamatay ng isang ina at sanggol, nadatnan ng kanilang padre de familia na wala nang buhay sa loob ng kanilang bahay sa nabanggit na lungsod, kamakalawa ng gabi. Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), ang mag-ina ay kinilalang sina Lea Grace Belga, 25, Honethea, isang buwan gulang, residente sa …
Read More »P134-M illegal drugs sinira ng PDEA
SINIRA ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Martes ang P134 milyon halaga ng ilegal na droga na nakompiska sa mga serye ng operasyon. Gumamit ang PDEA ng thermal decomposition para sirain ang 44 kilo ng marijuana at shabu, sinunog ang mga ito sa loob ng dalawang chamber hanggang maging abo. Ayon kay PDEA Director General Isidro Lapeña, nakom-piska ang …
Read More »P3.8-T budget sa 2018 aprub kay Duterte
BINASBASAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inirekomendang panukalang P3.767 trilyong budget ng pamahalaan para sa susunod na taon, sa ginanap na cabinet meeting kamakalawa. Sinabi ni Budget Secretary Benjamin Diokno, inihahanda niya ang pinal na bersiyon ng proposed 2018 budget upang maisumite ni Pangulong Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA) sa 24 Hulyo. Sa ginanap na press …
Read More »Solons may iba’t ibang reaksiyon sa SC decision
IBA’T IBA ang naging reaksiyon ng mga mambabatas sa naging desisyon ng Supreme Court (SC) patungkol sa deklarasyon ng martial law sa Mindanao. Para kina Davao Rep. at Committee on Appropriations Chairman Karlo Alexei Nograles, ACTS-OFW Party-list Rep. Ani-ceto John Bertiz, at Kabayan Party-list Rep. Harry Roque, dapat pasalamatan at hindi kondenahin ang naging ruling ng mga mahistrado sa naturang …
Read More »SC justices vs martial law iginagalang ni Duterte
IGINAGALANG ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkontra ng ilang mahistrado ng Korte Suprema sa idineklara niyang martial law sa Mindanao para sugpuin ang terorismo. “Well, I would give due respect to the opinions, the dissenting… ng tulad ng questioning the martial law power of the President. Alam mo it’s a very short sighted thing,” anang Pangulo sa media interview sa …
Read More »Alyas Inggo sa Bulacan massacre itinumba
HINIHINALANG sangkot sa Bulacan massacre ang isang lalaking natagpuang patay sa Brgy. Sto. Cristo, San Jose del Monte, Bulacan, dakong 5:30 am nitong Martes. Kinilala ang biktimang si alyas Inggo, nakitang patay at walang pang-itaas na damit sa ilalim ng puno sa Pal-mera Drive Road. May pump belt na nakatali sa leeg ng biktima at may karatulang nakasaad na katagang …
Read More »Sa Bulacan massacre: There will be many more to come — Duterte
NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte na madaragdagan ang mapa-patay na suspek na nagmasaker sa pa-milya Carlos sa City of San Jose del Monte, Bulacan. Ito ang inihayag ng Pangulo makaraan mapaulat na natagpuang patay ang isang alyas Inggo na inginusong kasama sa pumatay sa mag-anak na Carlos. “And there will be justice. Paano? I do not know how. Basta sabi …
Read More »Sapat na pondo sa Marawi rehab tiniyak ni Legarda
INIHAYAG ni Senadora Loren Legarda, chairman ng Senate Committee on Finance, titiyakin niyang mapaglalaanan nang sapat na pondo sa panukalang 2018 national budget ang rehabilitasyon ng Marawi. Ayon kay Legarda, dapat matiyak na manumbalik at maging matatag ang ekonomiya, sosyal at politikal na aspeto sa Marawi. Iginiit ng senadora, kahit anong uri ng plano kung walang sapat na pondo ay …
Read More »Illegal drug trade bumalik sa Bilibid
HINDI pa tuluyang nasusugpo ng mga awtoridad ang illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison (NBP), na ang gang leaders ang nagsasagawa ng 75 porsiyento ng drug transactions sa bansa, sa kabila ng pagbabantay ng police commandos. Sa katunayan, aminado si Justice Secretary Vitaliano Aguirre III, na naobserbahan ng prison officials ang pagbalik ng narcotics business sa loob …
Read More »CJ Sereno posibleng i-impeach
PINAG-AARALAN ni House Speaker Pantaleon Alvarez na ipa-impeach si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno sakaling totoo ang naging utos niya sa tatlong CA justices na huwag tumugon sa show cause order ng Kamara. Ayon kay Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, hindi malayong sampahan ng impeachment complaint ng Kamara si Sereno sa oras na totoo ang utos niya …
Read More »‘Kulungan’ ni Imee, 3 CA justices kinakamada na
TILA mga turistang ipinakita ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel sa media ang magiging kulungan ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos at tatlong mahistrado ng Court of Appeals kapag ipinaaresto sila ng Kamara. Unang ipinakita ni Pimentel ang para kay Marcos kasunod ang inihandang detention room ng tatlong justices ng Court of Appeals na posibleng ma-contempt sakaling hindi tumugon …
Read More »Task Force Bangon Marawi binuo ni Duterte
NILAGDAAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Administrative Order No. 03, nagbuo ng inter-agency task force na mamamahala ng rehabilitasyon sa Marawi City, Lanao del Sur. Ang Task Force Bangon Marawi ay pamumunuan ni martial law administrator at Defense Secretary Delfin Lorenzana, chairperson rin ng National Disaster Risk Reduction and Management Council. “I just got the [Administrative] Order No. 3 creating …
Read More »ISIS East Asia emir nagtatago sa mosque sa Marawi City
NANINIWALA si Defense Secretary Delfin Lorenzana, nasa Marawi City pa si Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) East Asia Emir Isnilon Hapilon at nagtatago sa isa mga mosque sa siyudad. “According to our latest info, he’s still inside Marawi. In fact, there is an information we got this morning that he’s hiding in one of the mosques there in …
Read More »Narco-pol na supporter ng Maute ayaw sumuko (Columnist ng presidential envoy for int’l PR)
AYAW sumuko sa mga awtoridad ng isang dating mayor at kolumnista ng pahayagan ni Special Envoy of the President for International Public Relations Dante A. Ang, kahit tinukoy siya na supporter ng Maute Romato clan. Sa Mindanao Hour press briefing kahapon, isiniwalat ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, tinabla niya ang pakiusap ni dating Marawi City Mayor Omar Solitario Ali na …
Read More »Pulis, ex-US navy nagbarilan kapwa sugatan, bayaw nadamay (Sa away-trapiko)
TATLO katao ang sugatan makaraan magbarilan ang isang pulis at retiradong US Navy dahil sa away-trapiko sa Rodriguez, Rizal, kamakalawa ng gabi. Sa record ng pulisya, ang mga sugatan ay sina PO2 Rodel dela Cruz, nakatalaga sa Northern Police District (NPD), Narson Francisco, dating US Navy, at bayaw niyang kasama sa kotse na si Robert de Pedro. Ayon sa ulat, …
Read More »