Friday , October 4 2024

Kongreso may ‘say’ sa road users’ tax

INILINAW ni Senador Panfilo Lacson na kaila­ngan pa rin dumaan sa dalawang kapulungan ng kongreso ang plano ng Pangulong Rodrigo Duterte na gamitin ang pondo sa road users’ tax para sa infrastructure at flood control projects sa lalawigan ng Bicol na hinagupit ng bagyong Usman.

Ayon kay Lacson, tulad ng proseso, dapat itong idaan sa Senado at Kamara para aprobahan at saka lalagdaan ng pangulo.

Sang-ayon si Lacson sa planong ito ng Pangulo at suportado rin ang pahayag ni House Majo­rity Leader Rolando Andaya, Jr., na isama ito sa budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para madaling masubaybayan at hindi magamit sa kati­walian. Sa panig ni Sena­dor Joseph Victor Ejercito, suportado niya ang mungkahi ng pangulo na gamitin ang pondo ng road users’ tax para sa mga nasalanta ng bag­yong Usman sa lalawigan ng Bicol.

Ngunit iginiit ni Ejer­cito na hindi ang buong pondo ng road users’ tax ang ilaan para dito.

Aniya, dapat magtira pa rin ng pondo para sa road safety program dahil mahalaga ang kaligtasan ng mga motorista at ng mga pedestrian sa lansangan.

(CYNTHIA MARTIN)

About Cynthia Martin

Check Also

DOST capacitates 39 DA-SAAD farmers with food safety, good manufacturing practices

DOST capacitates 39 DA-SAAD farmers with food safety, good manufacturing practices

TANGCAL, LANAO DEL NORTE—To provide modern technical guidance and assist farmers in value-adding production, the …

Converge Brgy S2S-Cebu, Matagumpay Mga Cebuano Nagalak sa Pinabilis Na Prepaid Fiber Internet

Brgy S2S – Cebu, Matagumpay: Mga Cebuano Nagalak sa Pinabilis na Prepaid Fiber Internet

Talisay City, Cebu – Nagtipon-tipon ang mga pamilyang Cebuano sa Talisay City Plaza noong Setyembre …

Mindanao gears up for disaster challenges with DOST’s ‘Handa Pilipinas’

Mindanao gears up for disaster challenges with DOST’s ‘Handa Pilipinas’

THE Department of Science and Technology (DOST), through its office in Region XII, has launched …

QCPD Belmonte

Kaligtasan ng QCitizens tiyakin tagubilin ni Mayor Joy sa bagong QCPD

SA PAGPAPALIT ng liderato ng Quezon City Police District (QCPD) kahapon, mahigpit na tagubilin ni  …

RSTIW In CaLaBaRzon

2024 Regional Science, Technology, and Innovation Week (RSTIW) in CALABARZON

Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa at Panatag na Kinabukasan. Providing Solutions and …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *