Sunday , November 24 2024

News

Police patrol car inambus, 4 patay (Maute members ibinabiyahe)

road accident

PATAY ang apat miyembro ng Maute group makaraan tambangan ang police patrol car ng hindi nakilalang armadong kalalakihan sa Pantar, Lanao del Norte, nitong Sabado. Kinilala ang mga napatay na sina Zulkifli Maute, Alan Solai-man, Salah Abbas, at isang alyas Gar Hadji Solaiman, na unang inaresto kasama ng ina ng Maute terrorist leaders. Sinabi ng mga awtoridad, ibinabiyahe ng mga …

Read More »

Pagkaaresto sa inang Maute malaking dagok sa terorista

MAITUTURING na malaking dagok sa teroristang grupo ang pagkaaresto sa madre de familia ng Maute na si Ominta Romato Maute alyas Farhana, ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, nitong Linggo. Sa press conference, sinabi ni Lorenzana, ang pagkaaresto kay Farhana ay nagpahina sa operasyon ng grupo, dahil sa kanyang malaking koneksiyon sa bansa at sa ibayong dagat. “Farhana is known …

Read More »

Seguridad sa concert ni Britney Spears ikinasa ng NCRPO

INIHAYAG ng National Capital Region Police Office (NCRPO) nitong linggo, inihahanda na nila ang ibibigay na seguridad sa concert ni Britney Spears sa Pasay City sa Huwebes. “…Protocols set by the Southern Police District and event organizers du-ring concerts will be implemented,” pahayag ni NCRPO spokesperson Chief Inspector Kimberly Molitas. Sinabi ni Chief Supt. Tomas Apolinario, Southern Police District director,  …

Read More »

NCRPO full alert sa Independence Day

MANANATILING full alert ang mga awtoridad sa Metro Manila, bunsod ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ngayong Lunes. “We will celebrate our 119th Independence Day by remaining full alert. All security preparations remain in place,”  pahayag ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Spokesperson Kim Molitas. “Security protocols will be followed during the traditional celebration at the Luneta Park and …

Read More »

MRT, LRT may libreng sakay sa Freedom Day

MRT

BILANG bahagi ng pagdiriwang ng Independence Day, ang mga pasahero ay maaaring sumakay nang libre sa Light Rail Transit Lines 1 and 2, at Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ngayong araw, 12 Hunyo. Sinabi ng LRT-1, LRT-2, at MRT-3 sa Twitter, ang mga pasahero ay maaaring mag-enjoy sa free rides sa itinakdang mga oras, mula 7:00 am hanggang 9:00 …

Read More »

Pinoys maging mabuting mamamayan (Panawagan ni Digong sa ika-119 Araw ng Kalayaan)

NANAWAGAN si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Filipino na suklian ang kabayanihan at sakripisyo ng ating mga ninuno sa pamamagitan ng pagiging mabuting mamamayan. Sa kanyang mensahe para sa ika-119 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, inihayag ng Pa-ngulo ang kanyang paki-kiisa sa sambayanang Fi-lipino sa paggunita sa mga sakripisyo ng ating mga bayani na nagbuwis ng buhay para palayain ang …

Read More »

US troops kasama ng AFP vs ISIS sa Marawi (Kinompirma ng Palasyo)

KINOMPIRMA ng Palasyo ang presensiya ng tropang Amerikano sa Marawi City ngunit limitado ang kanilang pag-ayuda sa aspektong teknikal sa mga operasyon ng Armed Forces of the Phi-lippines (AFP) laban sa mga terorista. “The United States is assisting the Armed For-ces of the Philippines (AFP) in its operations in Marawi but this is limited to technical assistance,” pahayag kahapon ni …

Read More »

RWM gunman sangkot sa pagpaslang sa ex-pulis at abogado

MASUSING iniimbestigahan ng mga awtoridad ang posibleng pagkakaugnay ni Jessie Javier Carlos, ang gunman sa pag-atake sa Resorts World Manila, sa dalawang lalaking pinatay sa Paco, Maynila, nitong 1 Hunyo. Sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Oscar Albayalde, nakatanggap sila ng ulat na si Carlos at ang napaslang na sina Elmer Mitra, Jr., at Alvin Cruzin, …

Read More »

Pagkamatay ng 13 Marines ikinalungkot ng Palasyo

LABIS na ikinalungkot ng Palasyo ang pagkamatay ng 13 kagawad ng Philippine Marines sa paki-kipagbakbakan sa mga teroristang gupong Maute /ISIS  Marawi City noong Biyernes. Magiting na nakipag-hamok para sa mga kapa-tid nating Maranao ang mga sundalo para mapalaya ang Marawi City sa kamay ng mga terorista, ayon kay Abella. Ang insidente aniya ang lalong nagpaigting sa pagnanais ng gobyerno …

Read More »

“Plushie-making” ng Villar Sipag nakalilibang na kabuhayan pa

UMABOT sa 50 kababaihan mula sa National Housing Authority (NHA) relocation site sa Naic, Cavite ang lumahok sa plushie-making seminar na isinagawa ng Villar Social Institute for Poverty Alleviation and Governance (Villar SIPAG). Sa naturang programa ay nakatakdang sanayin sa paggawa ng handmade plush toys at unan ang mga lumahok na dating Las Piñas informal settlers. Ayon kay Senadora Cynthia …

Read More »

PUVs ‘wag isama sa dagdag-buwis

AMINADO Si Senador Sonny Angara na tiyak na tataas ang presyo ng mga sasakyan at tataas ang pasahe sa mga pampublikong sasakyan sa sandaling mapagtibay ang panukalang batas na panibagong dagdag na buwis. Layon ng panukalang dagdag na buwis na bawasan ang mga sasakyan sa kalye at upang magkaroon ng solusyon sa trapiko. “The government wants to reduce the number …

Read More »

Globe at Unionbank sanib-puwersa vs climate change

LUMAGDA ang UnionBank of the Philippines sa isang Memorandum of Agreement (MoA) sa Globe Telecom kaugnay sa Project 1 Phone (P1P) e-waste recycling program kasabay ng turnover ng 11,223.45 kilo ng iba’t ibang electronic waste  mula sa kanilang main office sa  Metro Manila at mga sangay sa buong bansa. Ang paglagda sa kasunduan at  e-waste turnover  ay pinangunahan ni  UnionBank’s …

Read More »

Love triangle sinisilip sa pagpatay sa Bohol lady mayor

INIIMBESTIGAHAN ang anggulong third party sa pagpaslang sa alkalde ng Buen Unido sa Bohol na si Gisela Boniel. “Since late last year, meron nang hindi pagkakaintindihan ang mag-asawa… mga problema sa pamilya, mga utang, at may third party na lumalabas. Ito ‘yung sabi no’ng board member,” ani Chief Supt. Noli Taliño, hepe ng pulisya sa Central Visayas. “Lumalabas sa investigation …

Read More »

BJMP personnel under ‘hot water’ (Droga itinapon sa inidoro)

ISINAILALIM sa imbestigasyon ang ilang mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) dahil sa mali nilang pag-dispose sa nasabat na ilegal na droga. Ayon sa ulat, nagkaroon ng greyhound operation sa Metro Manila District Jail (MMDJ), sa pamumuno ni Jail Inspector Rene Cullalad, at nakompiska ang siyam sachet ng shabu. Imbes dalhin sa safekeeping, itinapon ang mga …

Read More »

Anak ng sultan, 5 elders, 3 pinoys hinatulan ng bitay sa Sabah standoff

HINATULAN ng kamatayan ang siyam Filipino, na kinabibilangan ng isang anak ng sultan, limang matatanda at tatlo pang Pinoy, sa Malaysia bunsod nang pakikigiyera sa mga awtoridad sa nasabing bansa, ayon sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA), nitong Huwebes. Ayon sa DFA, iniulat ng Philippine Embassy sa Kuala Lumpur, pinagtibay ng Malaysia’s Court of Appeals ang desisyon ng …

Read More »

Vin d’honneur sa Lunes kanselado

KINANSELA ng Palasyo ang tradisyonal na Vin d’honneur  na nakatakda sa Lunes, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-119 Araw ng Kalayaan ng Filipinas. Ang Vin d’honneur ay dalawang beses na pagtitipon ng matataas na opisyal ng pamahalaan at diplomatic corps sa Palasyo, na ang Pangulo ang host. Ang unang Vin d’honneur ay tuwing pagsisimula ng taon at ang ikalawa ay …

Read More »

Massive arrest sa ASG, Maute BIFF members, spies iniutos

NAGPALABAS ang Department of National Defense nitong Biyernes, ng arrest order laban sa mga miyembro ng apat teroristang grupo bunsod nang paghahasik ng rebelyon. Sa pitong pahinang dokumento na nilagdaan ni Defense Secretary and martial law administrator Delfin Lorenzana, inatasan niya ang mga tropa ng gobyerno na arestohin ang 186 members, spies, at couriers ng Abu Sayyaf, Maute group, Bangsamoro …

Read More »

Hapilon nasa Marawi pa – AFP

ITINANGGI ng Armed Forces of the Philippines (AFP), na nakapuslit palabas ng Marawi City ang top Abu Sayyaf leader na si Isnilon Hapilon. Naniniwala ang Task Force Marawi, sa pangunguna ni Major General Rolando Bautista, si Hapilon ay nagtatago pa rin sa lungsod, ayon kay AFP spokesperson Brigadier General Restituto Padilla. “Tsinek natin ito at ang announcement ni Major General …

Read More »

AFP nakaalertosa pag-aresto sa amang Maute

HANDA ang puwersa ng gobyerno bunsod nang posibleng retaliatory attacks kasunod nang pag-aresto ng mga awtoridad sa ama ng magkapatid na Maute. Si Cayamora Maute ay inaresto nitong Martes kasama ang apat pang iba habang papasok sa Davao City. Ang kanyang mga anak na sina Omar at Abdullah Maute, ang nanguna sa pag-atake sa Marawi City. Si Cayamora ay inilipat …

Read More »

Politikong olat financiers ng terorismo

MAY 230 politiko, karamiha’y mga talunan noong nakalipas na halalan, ang tinutugis ng mga awtoridad dahil sa pag-ayuda sa Maute terrorist group. Ang pangalan ng supporters ng Maute ay nakatala sa inilabas na Arrest Order 1 at 2 ni Defense Secretary Delfin Lorenzana bilang martial law administrator sa Mindanao. Kabilang sa Arrest Order #1 ang 24 personahe at 20 naman …

Read More »

Destab plot probe iniutos ni Aguirre sa NBI

PINAKILOS ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang mga ahente ng gobyerno na imbestigahan ang opposition politicians na maaaring planong ibagsak ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. Nag-isyu si Aguirre ng Department Order No. 385 noong 7 Hunyo, nag-aatas sa National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng imbestigasyon at case build-up “against some senators and other opposition leaders” na …

Read More »

Marawi liberation asahan sa Lunes (Vin d’honneur kanselado)

UMAASA ang gobyerno na maitataas na ang watawat ng Filipinas sa Marawi City bilang simbolo ng paglaya ng siyudad sa kamay ng mga terorista. “Rest assured, our soldiers are doing their part, they’re doing their best and are continuing on with this effort on the ground to facilitate the liberation of Marawi hopefully by Monday,” ani Armed Forces of the …

Read More »

Drug suspect utas sa Tokhang ops

dead gun

PATAY ang isang 31-anyos lalaking nasa drug watchlist ng pulisya nang makipagbarilan sa mga pulis sa isinagawang Tokhang operation sa Montalban, Rizal, kamakalawa ng gabi. Sa ulat na tinanggap ni Supt. Hector Grijaldo, kinilala ni Mercedita Zapra ang anak niyang napatay sa drug operation na si Jeffrey Zapra, alyas Taloy, 31, nakatira sa Sitio Wawa, Brgy. San Rafael, ng nabanggit …

Read More »

P.7-M koleksiyon tinangay ng tandem

money thief

TINANGAY ng hindi nakilalang riding-in-tandem na holdaper ang malaking halaga ng salapi sa tatlong kawani ng isang establisiyemento sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon. Ayon sa ulat ng pulisya, habang sakay ng isang L-300 van (TGQ-791) patungo sa kanilang tanggapan sina Jhonny Eugenio, Danilo Bustamante at Dominic Llena makaraan kolektahin ang P700,000 cash sa mga kliyente ng kanilang kompanyang Tindahang …

Read More »

Mungkahi ni Angara: Rehab sa sugarol gawing simple

LUBOG sa utang, napababayaan ang pamilya at madalas, nadadamay  pa ang ibang tao sa isang indibidwal na lulong sa bis-yo tulad ng sugal. Ayon kay Senator Sonny Angara, ito ang dahilan kung bakit kailangang paigtingin ng mga awtoridad ang kaukulang mga hakbang laban sa pagkalulong sa sugal. Nanawagan ang senador sa mga kinauukulan na bigyan nang nararapat na pansin ang …

Read More »