Sunday , November 24 2024

News

Caloocan police, barangay officials tandem vs krimen

caloocan police NPD

ANG “familiarity” ang nakikitang solusyon ng pamahalaang lungsod at pamunuan ng Caloocan City police, kaya’t ipa-partner ang mga bagong talagang pulis sa mga opisyal ng barangay sa kanilang paglaban sa kriminalidad partikular sa ilegal na droga. Sinabi ni Caloocan City Police chief, Sr. Supt. Jemar Modequillo, batid nila ang problemang ito dahil pawang mga baguhan o mga Police Officer 1 …

Read More »

P1.5-M ari-arian natupok sa sunog (Sa Caloocan)

fire sunog bombero

TINATAYANG aabot sa P1.5 milyon halaga ng mga ari-arian ang natupok makaraan masunog ang tatlong palapag na gusali sa Caloocan City, nitong Martes ng hapon. Ayon kay Caloocan City Bureau of Fire Protection (BFP) arson investigator FO3 Alwin Culianan, dakong 3:45 pm nang sumiklab ang sunog sa gusali na pag-aari ni Lina Catacutan sa Brgy. 36, ng lungsod. Umabot sa …

Read More »

5 Termite gang members arestado (Nanloob sa China Bank sa QC)

LUTAS na ng Quezon City Police District (QCPD) ang panloloob ng Termite gang sa China Bank Fairview Branch nitong 2 Oktubre makaraang madakip ang limang miyembro ng grupo sa follow-up operation sa Cubao ng nasabing lungsod. Sa pulong balitaan, iniharap ni QCPD director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, ang mga suspek na sina Jordan Duldulao, 29; Gilbert Bautista, 26; Allyson …

Read More »

Dadalaw sa GF natagpuan sa morgue

dead

BANGKAY na nang matagpuan sa morgue ng mga magulang ang 21-anyos anak na lalaki na nagpaalam gamit ang kanilang kotse na dadalaw sa kasinta-han, sa Teresa, Rizal kamakalawa. Sa ulat ng Rizal PNP, kinilala ang biktimang si Jimwell Ca-rigma, tricycle driver, at naka-tira sa Brgy. San Guillermo sa bayan ng Morong, lalawigan ng Rizal. Sa pahayag ng ama na si …

Read More »

5 apartment natupok sa Sta. Mesa

NASUNOG ang limang two-storey apartment matapos sumiklab ang sunog sa Road 1, V. Mapa St., Sta. Mesa, Maynila, nitong Martes ng hapon. Batay sa imbestigas-yon ng Bureau of Fire Protection, 3:00 pm nang magsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng nirerentahang apartment ni Roger Uchi, 75 anyos. “Wala lang po, nakita lang po namin na umaapoy sa ibabaw e, hindi …

Read More »

Sumaklolo sa kaibigan natodas sa ratrat

PATAY agad ang isang pedicab driver habang sugatan ang sinaklolohang kaibigan nang pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek na nakasakay sa motorsiklo sa kahabaan ng Velasquez St. corner Herbosa Ext. Tondo, Maynila, 3:30 am, kahapon. Kinilala ang napaslang na biktima na si Luciano Lucena, 47 anyos; at si Edward Joson, 27 anyos, tricycle driver, sugatan. Sa salaysay ng live-in partner …

Read More »

Dalagita tinangkang gahasain sa Kadamay

BUGBOG-SARADO ng mga kapitbahay ang isang lalaki makaraan pagtangkaang halayin ang isang dalagita sa opisina ng grupong Ka-damay sa inookupahan nilang pabahay sa Pandi, Bulacan, nitong Miyerkoles. Sa ulat mula sa Pandi police, kinilala ang suspek na si Albert Barcenas, kapitbahay ng 16-anyos biktima. Ayon sa ulat, nalasing ang dalagita makaraan makipag-inoman sa mga kaibigan sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan. …

Read More »

Paddock 2 beses namalagi sa bansa

DALAWANG beses pumasok sa bansa ang suspek sa Las Vegas mass shooting na si Stephen Paddock, 64 anyos, noong 2013 at 2014. Nabatid ito kay Bureau of Immigration (BI) Ports Operation Division chief Marc Red Mariñas, at kinompirma rin na ang Pinay girlfriend ni Paddock na si Marilou Danley ay umalis sa bansa nitong gabi ng Martes sakay ng Philippine …

Read More »

Hamon ni Binay: Mocha blogger ba o gov’t official?

HINAMON ni Senadora  Nancy Binay si Communications Assistant Secretary Mocha Uson na magdesisyon kung itutuloy ang pagiging opisyal ng gobyerno bilang assistant secretary o bumalik bilang full time blogger. Ayon kay  Binay, may conflict ang mga pahayag ni Uson sa personal niyang opinyon sa kanyang blog at ang mga patakaran ng gobyerno, na kanyang kinabibilangan. “It’s high time for you to …

Read More »

‘Yellow-Red’ alliance itinuro sa destab plot

NAGSASABWATAN ang mga dilawan at mga pulahan para pabagsakin ang administrasyon, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon sa Pangulo, may alyansa ang maka-kaliwang grupong Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) sa Liberal Party para patalsikin siya sa puwesto. Bahagi aniya sina Ombudsman Conchita Carpio-Morales at Chief Justice Ma. Lourdes Se-reno sa pagsusumikap para pabagsakin ang kanyang gobyerno. “In fairness also to the …

Read More »

Filipino ‘pinadugo’ ni Sereno (Sariling bayan niyari) — Digong

NIYARI ang sariling bayan at ‘pinadugo’ ang Filipino ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno nang maging abogado ng gobyerno sa kaso laban sa Philippine International Air Terminals Co. Inc. (PIATCO). Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte sina Sereno at Ombudsman Conchita Carpio-Morales na magbulatlatan sila ng bank accounts at isama ang kinita ng Chief Justice sa PIATCO case. “I’m giving the …

Read More »

BSK polls tuluyang iniliban sa 2018

MANANATILI sa kanilang puwesto ang mga kasalukuyang nakaupong opisyal ng barangay hanggang mahalal ang mga papalit sa kanila sa 14 Mayo 2018, alinsunod sa batas. Ito’y matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 10952 na pinahihintulutan ang pag-urong sa BSK elections hanggang sa ikalawang Lunes ng Mayo 2018. Iniusog ang halalan na dapat sana ay gagawin ngayong 23 …

Read More »

Ebidensiyang ilegal ‘pinindot’ — Duterte

ILEGAL ang pangangalap ng ebidensiya ng Office of the Ombudsman laban kay Pangulong Rodrigo Duterte at idinaan lang sa ‘pindot.’ Ito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakalawa sa harap ng mga sundalong binisita niya sa Marawi City. Ang paglalabas aniya ni Overall Deputy Ombudsman Arthur Carandang ng umano’y bank account niya na galing sa Anti-Money Laundering Council (AMLAC) ay …

Read More »

Retraining sa 1,143 Caloocan cops sinimulan na

caloocan police NPD

SINIMULAN na ang retraining kahapon sa 1, 143 pulis Caloocan  sa Camp Bagong Diwa, Taguig City, na tinanggal sa puwesto makaraan ang sunod-sunod na kontrobersiyang kanilang kinasangkutan. Ayon kay Chief Insp. Kimberly Molitas, Public Information Office chief ng National Capital Region Police Office (NCRPO), tatagal ang nasabing retraining ng 30 hanggang 45 araw. Sila ay muling isasalang sa physical training, …

Read More »

Isnilon Hapilon, Omar Maute nasa Marawi pa

NASA loob pa ng war zone ang natitira sa Maute brothers at si Isnilon Hapilon, nanguna sa ilan buwan nang pagkubkob sa Marawi City, pagkompirma ng militar nitong Lunes. Napag-alaman, lagpas na ang militar sa itinakdang October 1 deadline para tapusin ang kaguluhan sa nabanggit na lungsod. Ang sinagip na mga bihag ay nagbigay ng “consistent information” hinggil sa kinaroroonan …

Read More »

Bebot itinumba sa Kyusi (Sumuko sa Tokhang)

PATAY noon din ang isang babaeng hinihinalang sangkot sa ilegal na droga at dati nang sumuko sa pulisya sa ipinatupad na Oplan Tokhang, makaraang barilin sa ulo ng hindi kilalang suspek sa Brgy. Batasan Hills, Quezon City, kahapon ng umaga. Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar, dakong 9:00 am, nang barilin si …

Read More »

Bebot ginahasa, niligis sa kiskisan ng palay sa Bocaue (May diperensiya sa pag-iisip)

rape

HINIHINALANG ginahasa bago pinatay ang isang babaeng may diperensiya sa pag-iisip, makaraan matagpuang walang buhay sa Bocaue, Bulacan, nitong Linggo. Sa ulat mula sa Bocaue police, sa isang abandonadong kiskisan ng palay natagpuan ang bangkay ng biktimang kinilala lamang sa pangalang Kim. Tadtad ng pasa at sugat ang katawan ng biktima, tanda nang sobrang pagpapahirap ng hindi kilalang suspek. Ayon …

Read More »

Mag-asawa niratrat, misis patay (Mister dating asset ng pulis)

dead gun police

PATAY ang isang ginang habang kritikal ang kanyang mister makaraan pagbabarilin ng riding-in-tandem habang lulan ng motorsiklo sa Kasiglahan Village, Rodriguez, Rizal, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang namatay na si alyas Nene, habang agaw-buhay sa Amang Rodriguez Medical Center ang mister niyang si Benedicto Talpe, dating police asset, kapwa nakatira sa Phase-1F Suburban, Brgy. San Jose, sa nabanggit na lugar. …

Read More »

Bus nahulog mula flyover, 26 sugatan (Sa Alabang, Muntinlupa)

SUGATAN ang 26 pasahero nang mawalan ng preno ang sinasakyan nilang pampasaherong bus at nahulog sa Alabang flyover sa Muntinlupa City, nitong Linggo ng gabi. Isinugod sa magkakahiwalay na pagamutan ang mga biktimang sina Allan Ansay, 38; Elma Guintaran, 40; Lyka Rivad,14; Estrilita Rivad, 60; Juanito Rivad, 59; Mildred Raquino, 47; Cesar Ramos, 49; Francis Sisro, 29; Matthew Katigbak,12; Lizer …

Read More »

9 kabataan tiklo sa hotel (Nagre-repack ng damo)

ARESTADO sa mga pulis ang siyam kabataan at nakompiska ang mahigit 500 plastic sachet at 200 gramo ng hinimay na marijuana sa loob ng isang hotel sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw. Ayon kay MPD Station 1 commander, Supt. Jay Dimaandal, dakong 4:00 am, nakatanggap ng impormasyon ang Station Drug Enforcement Team (SDET), na pinamumunuan ni C/Insp Gilbert Cruz, at …

Read More »

2 pulis itinuro ng taxi driver (Sa pagpatay kay Arnaiz)

ITINURO ng taxi driver na sinasabing hinoldap nina Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo De Guzman, ang dalawang pulis na siyang bumaril kay Arnaiz. Sa pagdinig sa Senado, sinabi ng taxi driver na si Tomas Bagcal, kitang-kita niya nang barilin nina PO1 Jeffrey Perez at PO1 Ricky Arquilita si Arnaiz habang nagmamakaawa at nakaluhod. Naunang isinalaysay ni Bagcal, makaraan nilang mahuli …

Read More »

Sen. Hontiveros inasunto ng wire tapping ni Aguirre

NAGHAIN ng kasong paglabag sa Anti-Wire Tapping Law sa Pasay City Prosecutor’s Office si Justice Secretary  Vitaliano Aguirre II laban kay Senadora Risa Hontiveros sa Pasay City, kahapon ng umaga. Dumating si Aguirre sa Hall of Justice ng Pasay dakong 8:00 am upang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act (RA) 4200 o Anti-Wire Tapping Law si Hontiveros. Nanumpa si …

Read More »

LP-Morales-Sereno, tactical alliance para pabagsakin si Duterte (Bistado ng Palasyo)

MAY tactical alliance ang Liberal Party, at sina Ombudsman Conchita Carpio-Morales at  Chief Justice Ma. Lourdes Sereno para pabagsakin ang administrasyong Duterte, ayon sa Palasyo. “Maybe, in effect, that seems to be the implication,” tugon ni Presidential Spokesman Ernesto Abella hinggil sa sinasabing sabwatang LP-Morales-Sereno na may layuning patalsikin sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ni Abella, naniniwala ang …

Read More »

Arrest warrant vs misis ni Enzo Pastor pinagtibay ng CA

PINAGTIBAY ng Court of Appeals (C) ang arrest warrant na inisyu ng Que-zon City court laban kay Dalia Guerrero-Pastor kaugnay sa pagpatay sa kanyang mister, si international race car driver Ferdinand “Enzo” Pastor noong 2014. Sa resolusyon na may petsang 14 Setyembre, ibinasura ng CA Seventh Division ang apela ni Dalia na pigilan ang arrest warrant na inilabas ng Quezon …

Read More »

10 armadong lalaki tinangkang pasukin si Sec. Lorenzana

NAPIGILAN ang sampung lalaki sa pagpasok sa Gate 6 ng Camp Agui-naldo makaraan makitang may mga baril, nitong Lunes ng madaling-araw. Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Office chief, Col. Edgard Arevalo, dinampot ang mga miyembro ng Southeast Asia Collective Defense Treaty bunsod nang ipinaiiral na election gun ban. Papunta umano sa opisina ni Defense Secretary …

Read More »