Monday , July 4 2022
NAGKALAT ang mga katawan ng tao (patay at sugatan), habang ang isang biktima ay nakasampay sa bus, at ang isa pa ay sa concrete barrier, ang driver – nagpupunas sa mukha --- ay nakasandal sa kabila, sa North Luzon Expressway (NLEX) sa bahagi ng Torres Bugallon Interchange, Karuhatan, Valenzuela City, nang umikot at tumagilid ang Del Carmen Bus matapos banggain ang Isuzu Crosswind, may plakang ZGG 985, sa kasagsagan ng malakas na ulan, na ikinamatay ng walong pasahero at ikinasugat ng 15 katao. (Ekslusibong kuha ni GLORIA GALUNO)

Operator ng bus sa NLEX crash, suspendido (8 patay, 15 sugatan)

NAGLABAS ang Land Transportation Fran­chising and Regulatory Board (LTFRB) ng preventive suspension order laban sa operator ng bus na sangkot sa mala­king insidente ng bang­gaan sa North Luzon Expressway (NLEX) sa bahagi ng Valenzuela City nitong nakaraang Biyernes ng gabi sa kasagsagan ng malakas na ulan.

Sinuspende ng LTFRB ang Buena Sher Tran­sport, may-ari ng Del Carmen bus na nadis­grasya at tumagilid sa kahabaan ng NLEX  sa bahagi ng Karuhatan sa Valenzuela City, na iki­namatay ng walong pasa­hero at ikinasugat ng 15 iba pa.

Iniimbestigahan ng LTFRB ang insidente upang matukoy ang pa­na­nagutan ng kompanya ng bus.

Kung mapapa­tuna­yan na may pagkakamali ang Buen Asher Tran­sport, maaaring maharap sa kanselasyon ng kani­lang prankisa, ayon pa sa LTFRB.

Sa paunang imbes­tiga­syon ng mga awto­ridad, nabatid na isang Isuzu Crosswind ang nagbagal ng takbo sa kahabaan ng NLEX dahil sa lakas ng ulan kaya nabangga ng bus ang likurang bahagi nito.

Pumaling pakaliwa ang bus bago tumama sa concrete barrier, umikot saka tuluyang tumagilid.

Kinilala ni Valenzuela acting chief of police P/Col. Carlito Gaces ang mga biktimang dead on-the-spot na sina Leo Victorino, 38, ng Sta. Maria Bulacan; Jennifer Fernandez, 32, residente sa 7-KJJ St., Brgy. East Kamias, Quezon City; Joan Garcia, taga-Rodriguez, Rizal; Mary Grace Alvarez, Maria Paz Mariano, Zeus Lapig, pawang mga residente sa Bulacan.

Hindi umabot nang buhay sa Rogaciano Mer­ca­do Memorial Hospital sina Norbero Ancajas, 48, residente sa Bago Bantay, Quezon City; at John Christopher Ednave, 36, ng Bundukan, Bocaue, Bulacan.

Sa pahayag ni Gaces, dead on-the-spot ang anim na biktima matapos tumilapon palabas ng bintana at madaganan ng bus habang ang dalawa ay hindi na umabot sa hospital.

Kinilala ang mga sugatan, kabilang ang bus driver na si Victorio Delos Reyes, 39, residente sa 38-B Kanto Balasing, Pulong Buhangin, Sta. Maria, Bulacan.

Ang siyam na pas­herong nasaktan at nasu­gatan ay sina Cherilyn Del Rosaio, 23, Michael Abogadie, 28, Nikki Agustin, 27, RJay Mark Mallari, 31, John Patrick Gayon, 10, Justin Gayon, 7, Neil Bryan Antonio, Jaykee Arriesgado, at Leonila Hermogenes na isinugod sa magkakaibang hospitals.

Habang pasahero ng AUV sina Redhel Lucas, 41, Jully Ann Jose, 32, Sujan Shretha, 33, Rafael Mohan Giron, 7, at ang driver na si Marvin Joseph Giron, 32, pawang residente sa San Antonio, Cavite City ay dinala sa MCU hospital.

Sa ulat, naganap ang insidente, dakong 7:10 pm, sa kasagsagan ng malakas na ulan sa sa kahabaan ng Kilometer 12+800 Southbound NLEX, Gen. T. De Leon habang tinatahak ng dalawang sangkot na sasakyan ang kahabaan ng kalsada patungong Manila.

Sinabi sa ulat, maba­gal umano ang takbo ng Isuzu Crosswind (ZGG 985) na minamaneho ni Giron, nang mabangga sa likuran ng mabilis ang takbong DelM Carmen Bus , may plakang AGA 8610, na naging dahilan upang mapunta sa ka­nang bahagi ng kalsada ang saksakyan.

Nawalan ng control ang driver ng bus hang­gang ararohin ang concrete barrier bago bumaliktad.

Kasong reckless im­prudence resulting in multiple homicide, mul­tiple physical injuries at damage to property ang isinampa ng pulisya kay Delos Reyes sa Valen­zuela City Prosecutor’s Office. (May kasamang ulat ni Rommel Sales)

About Rommel Sales

Check Also

Bulacan Airport Special Economic Zone

Bulacan Airport Special Economic Zone ibinasura ni Marcos, Jr.

IPINAWALANG BISA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang House Bill No. 7575 na naglalayong gawing …

Malacañan

Palasyo dumistanya
Bonggang birthday party ni Imelda Marcos, binatikos ng netizens

DUMISTANSIYA ang Office of the Press Secretary sa napaulat na bonggang birthday party ni dating …

Nasamsam ng PDEA P1.7-B  SHABU HULI SA 2 CHINESE NAT’L

Nasamsam ng PDEA
P1.7-B  SHABU HULI SA 2 CHINESE NAT’L 

UMAABOT sa 260 kilo ng hinihinalang shabu, nakasilid sa tea packs at nagkakahalaga ng kabuuang …

ni ROSE NOVENARIO TODO-SUPORTA si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa pagtatayo ng Bulacan Airport City Special Economic Zone and Freeport at ang kanyang desisyon na i-veto ang House Bill 7575 ay may layuning ayusin ang mga depekto ng panukalang batas. “Presidential Veto is fastest way to cure the defects of HB 7575 especially the provision which exempts the Commission on Audit to look into the financial transactions on the special economic zone and freeport,” sabi ni Press Secretary Trixie Cruz- Angeles. “Had the President not vetoed the HB 7575, it would have lapsed into law on July 4 or 30 days after the bill was sent by the legislature to Malacañang,” dagdag niya. Giit ng kalihim, kapos ang panukalang batas ng mga sangkap upang iugnay sa ibang batas, patakaran at regulasyon dahil hindi nakasaad dito na sakop ito ng audit provisions ng Commission on Audit (COA), “procedures for the expropriation of lands awarded to agrarian reform beneficiaries and a master plan for the specific metes and bounds of the economic zone.” Binigyan diin ni Angeles, lahat ng transaksiyon sa pananalapi ng gobyerno ay isinasailalim sa audit procedures ng COA at hindi dapat absuwelto sa naturang proseso ang Bulacan Airport City Special Economic Zone and Freeport. “Without those necessary amendments indicated in the veto explanation, the law may be vulnerable to constitutional challenge. The delegation of rule-making power on environmental laws which is unique to the special economic zone is of particular concern,” ani Angeles. Inilinaw ni Angeles, tuloy ang konstruksiyon ng P740-billion international airport sa Bulacan dahil ang “San Miguel franchise to operate the airport” ay aprobado ng Senado at Kamara noong 11 Oktubre 2020. “The construction of the Bulacan international airport and aero city is not affected by the veto. The presidential veto was meant to include the necessary corrections and include the missing processes that might render HB 7575 entirely unconstitutional,” paliwanag niya.

Sa Bulacan Airport City Special Economic Zone and Freeport
‘DEPEKTO’ NG HB 7575 AAYUSIN NG VETO 

ni ROSE NOVENARIO TODO-SUPORTA si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa pagtatayo ng Bulacan Airport City …

ombudsman

Kasong plunder at graft isinampa vs Lipa City Mayor Africa, 7 empleyado

SINAMPAHAN sa Office of the Ombudsman ng kasong kriminal at administratibo si re-elected Lipa City …

Leave a Reply