Saturday , December 6 2025

News

P1.1-B shabu kompiskado sa buy bust sa Alabang (3 Tsinoy, lolo arestado)

TATLONG Chinese nationals kabilang ang isang 79-anyos lolo na hinihinalang sangkot sa operasyon ng Golden Triangle syndicate ang inaresto ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa magkasunod na buy bust operation at nakakompiska ng 168 kilo ng shabu na nagka­ka­halaga nang mahigit P1.1 bilyon sa Muntinlupa City kamakalawa. Sa unang operasyon ng mga tauhan ni Director General …

Read More »

2 PDEA agents 2 pa sugatan sa buy bust

Philippine Drug Enforcement Agency PDEA

SUGATAN ang apat katao kabilang ang dala­wang agents ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isina­ga­wang buy bust ope­ration sa Pasay City, kahapon ng umaga. Nasa San Juan de Dios Hospital ang mga biktima na si PDEA Agent 3 Charlemaine Tang, nasa hustong gulang at PDEA Agent 2 Richard Seure, 44, upang  lapatan ng lunas sanhi ng tama ng bala …

Read More »

GRP peace panel nilusaw ng Malacañang

NILUSAW na ng Malacañang ang Government of the Republic of the Philippines (GRP) negotiating peace panel. Sa harap ito ng realidad na wala namang nangyayaring nego­sa­syon sang gobyerno sa pagitan ng (Communist Party of the Philippines-News People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF). Sa liham na ipinadala ng Office of the President, may petsang 18 Marso 2019, at pirmado ni Executive Secretary …

Read More »

Budget Bill ‘di babawiin ng Kamara — GMA

HINDI babawiin ng Kamara ang panukalang budget mula sa Senado lalo na kung may mga lump sum na pondo na pinagbabawal ng Saligang Batas. Ayon kay House Speaker Gloria Maca­pagal-Arroyo, hindi nila binawi ang kanilang bersiyon ng panukalang budget taliwas sa paha­yag ng mga senador. “No, we have not withdrawn our version. We’re in discussions about what is the pro­posed …

Read More »

MWSS execs pinulong sa Palasyo

IPINATAWAG ni Pangu­long Rodrigo Duterte sa Malacañang ang mga opisyal ng Metropolitan Waterworks and Sewe­rage System (MWSS). Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na pasado 6:00 pm kahpon nakatakdang humarap kay Duterte ang mga opisyal ng MWSS para iulat ang sitwasyon ng tubig sa Metro Manila. Noong nakalipas na Biyernes ay nagbaba ng direktiba si Pangulong Duterte sa MWSS na …

Read More »

2019 budget baka maging unconstitutional (Hindi kami papayag — GMA)

SA KABILA ng kumalat na balita na ibabalik ng Senado ang panukalang batas sa Kamara dahil sa umano’y, ‘pagkalikot’ dito, sinabi ni House Speaker Gloria Maca­pagal Arroyo na inirati­pika na ito sangayon sa Saligang Batas. Ani Arroyo, wala itong lump sum funds na ipinagbawal ng Korte Soprema. “What we can say is that the process that we followed was cons­titu­tional. …

Read More »

Kalusugan ni Duterte nasa maayos na kondisyon

NASA mabuting kondi­syon ang kalusugan ni Pangulong Rodrigo Du­ter­te matapos ang mi­graine attack noong Biyernes. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, tatlong oras na pahinga ang ginawa ng Pangulo matapos maka­ra­nas ng migraine at hindi nakadalo sa dalawang pagtitipon. Nanatili aniya sa kanyang bahay ang Pa­ngu­lo at doon na nagtra­baho. “He is okay. As I said, he concentrated on his …

Read More »

Nanggulpi ng ginang, Padyak drayber kulong

arrest posas

ARESTADO ang isang 27-anyos padyak dray­ber  makaraang mang­gulpi ng isang ginang sa Malabon City kahapon ng tanghali. Kritikal sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktimang kinilalang si Mildred Arias, 43-anyos, residente sa P. Aquino St., Gozon Com­pound, Brgy. Tonsuya sanhi ng mga tama ng suntok sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Nahuli ang suspek na kinilalang si Dande Al­cantara, ng Block …

Read More »

Manila Water dapat magbigay ng rebate — Solon

PINAGBABAYAD ng rebate ni Mandaluyong City Rep. Quennie Gon­zales ang Manila Water­ sa pagkabigong magbi­gay ng tubig sa kanilang concessions areas. Ayon kay Gonzales nakaranas ng putol na serbisyo ng tubig ang ilan sa mga  lugar sa Mandaluyong mula noong 7 Marso 2019. “Mandaluyong City was made to endure the catastrophe and the disaster of this water crisis. It has …

Read More »

Kaliwa Dam, sa Japanese firm dapat ipagkatiwala

PINAG-AARALAN ng Palasyo ang pagbuhay sa panukala ng Japanese firm na itayo ang Kaliwa Dam . “Well, I think, every proposal should be considered. The objective should always be the welfare of the people. The most beneficial, the most advantageous to the government and to the people should be the primordial consideration in any contracts involving the government and other …

Read More »

Pinoys sa NZ pinag-iingat

PINAG-IINGAT ng pamunuan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang nasa 5,000 Filipino sa New Zealand matapos ang pag-atake at pamamaril ng isang lalaking suspek sa loob ng mosque na nagresulta sa pagkamatay nang halos 50 katao. Inatasan kahapon ni DFA Secretary Teodoro Locsin si Philippine Ambassador Jesus Gary Domingo na makipag-ugnayan sa Philippine Honorary Consulate sa Christchurch leaders at sa mga …

Read More »

2 La Salle students arestado sa P1.5-M party drugs

MATAPOS ang isinaga­wang operasyon ng mga operatiba ng Makati City Police nahuli ang dala­wang graduating student ng De La Salle University na nakuhaan ng P1.5 milyong iba’t ibang uri ng party drugs kahapon ng umaga. Kinilala ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Director Guillermo Elea­zar ang dalawang inares­to na sina Adriel Ryoichi Temporosa Suzuki, 24, half Japanese ng …

Read More »

Graft, plunder vs Fresnedi inihain sa Ombudsman

INIREKLAMO ng isang grupo ng mga mamamayan sa Muntinlupa ang kanilang alkaldeng si Atty. Jaime Fresnedi sa Ombudsman dahil sa mga iregularidad na kinasasangkutan ng ilegal na kontrata at kickback na mahigit sa P65 milyones. Nitong 11 Marso 2019, naghain ng reklamo sa Ombudsman ang mga kilalang lehitimo at taal na mamamayan ng Mun­tinlupa dahil sa pagpa­pahintulot ni Fresnedi ng …

Read More »

Manila Water ipinatawag ng Kamara

congress kamara

IPINATAWAG ng Kamara ang mga opisyal ng Manila Water at iba pang may kinalaman sa pagkawala ng tubig sa ilang parte ng Metro Manila sa isang joint-hearing ng komite ng Metro Manila Develop­ment at ng Housing and Urban Development na pinamumunuan ni Negros Occidental Rep. Albee Benitez. Si Quezon City Rep. Winston “Winnie” Caste­lo, hepe ng komite ng Metro Manila …

Read More »

VP Leni nanawagan ng agarang solusyon sa krisis sa tubig

QUEZON PROVINCE – Nanawagan si Vice President Leni Robredo na matugunan sa lalong madaling panahon ang problema tungkol sa supply ng tubig sa Metro Manila, lalo sa gitna ng mga tanong tungkol sa pagpapatakbo at pagpa­patayo ng mga dam na pinagkukuhaan ng tubig. Sa kaniyang pagbisita sa bayan ng Infanta, na balak pagtayuan ng Kaliwa Dam, idiniin ni Robredo ang …

Read More »

Bingbong muling inilampaso ni Joy (Sa Quezon City)

QC quezon city

MULING nailampaso ni mayoralty bet QC Vice Mayor Joy Belmon­te ang mga magiging ka­tung­gali na sina QC First District Rep. Vincent Crisologo at Ismael “Chuck” Mathay Jr., sa pagka-mayor ng lungsod. Ito ay makaraang makakuha si Belmonte ng 75 percent votes na malaking lamang kay Crisologo na nakakuha lamang ng 24 percent votes habang si Mathay ay one  percent. Ang survey ay kuma­katawan …

Read More »

Senador Bam, top choice ng religious groups

SI Senador Bam Aqui­no ang pinakaunang kan­di­datong gustong ma­ka­balik sa senado ng People’s Choice Move­ment (PCM) ma­ta­pos busisiin ng iba’t ibang religious group ang karakter, kakaya­han at mga nagawa ng mga kumakandidato para sa nalalapit na eleksiyon. Ang PCM na kina­bibilangan ng mga religious group tulad ng Catholic, Evangelical at Protestant ay nagsa­gawa ng isang con­vention sa pangunguna ng mahi­git …

Read More »

Master plan ikakasa ng Palasyo… Superbody vs ‘water crisis’

tubig water

MAGBABALANGKAS ng national water manage­ment master plan ang administrasyong Duterte na inaasahang magbibi­gay lunas sa mga pro­blema sa supply ng tubig sa bansa. Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles ang master plan ay gaga­win ng National Water Resources Board (NWRB) na tatanggalin sa super­bisyon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ililipat sa Office of the President. Sinabi …

Read More »

Libreng ‘house to house’ health care (Target ng Ang Probinsyano Party-list)

HOUSE to house delivery ng libreng health care sa pintuan ng bawat pamilyang Filipino ang target ng Ang Probinsyano Party-List sa oras na maupo sa House of Representatives. “Ang kalusugan at kapakanan ng ordinar­yong pamilyang Pinoy ang aming prayoridad,” sabi ni Ang Probinsyano Party-List (AP-PL) nominee at health advo­cate na si Edward delos Santos. Hangad niya sa lalong madaling panahon, …

Read More »

‘Krisis’ sa supply ng Manila Water artipisyal — Palasyo

NAGHIHINALA ang Palasyo na artipisyal ang nararanasang kakapu­san ng supply ng tubig ng mga kliyente ng Manila Water sa ilang bahagi ng Metro Manila, Rizal at Cavite. Sa press briefing sa Palasyo, sinabi ni  Pre­sidential Spokesman Salvador Panelo dapat imbestigahan ang pang­ya­yaring ito. Nakapagtataka aniya na may supply ng tubig ang Maynilad habang  ang Manila Water  ay walang maisuplay ga­yong …

Read More »

El Niño kontrolin — Manicad

heat stroke hot temp

NANAWAGAN ang broad­cast journalist at kandidato para sa Senado na si Jiggy Manicad sa pamahalaan na radikal na aksiyon ang kailangan upang ikontrol ang epekto ng El Niño sa suplay ng tubig lalo para sa sektor ng agrikultura. Ayon kay Manicad, maaaring mawalan ng bilyon-bilyong piso ang sektor ng agrikultura kung hindi magpapatupad ng agarang aksiyon upang pahupain ang pinsalang …

Read More »

14-anyos rider sumalpok sa poste todas

road traffic accident

BUMANGGA sa isang poste nang sumampa sa center island ang sina­sakyang motorsiklo ng isang 14-anyos rider na ikinasugat ng kanyang angkas, iniulat kahapon sa Muntinlupa City. Bigong sagipin ang buhay ng 14-anyos rider nang idating sa Ospital ng Muntinlupa na kinilalang si Patrick Obispo, dahil sa grabeng pinsala sa kata­wan habang nilalapatan ng lunas ang angkas na si Oscar Mogate, …

Read More »

Sports coliseum sa QC Memorial Circle sinopla

TINUTULAN ng chair­person ng Metro Manila Development Committee sa Kongreso ang plano ni Quezon City Congress­man Vincent Crisologo na magtayo ng coliseum sa Quezon Memorial Circle (QMC) dahil sa pinsalang maaaring idulot nito sa QMC bilang monumento at liwasan. Ayon kay Rep. Winnie Castelo, hepe ng nasabing komite, hindi magiging angkop ang isang mala­king estruktura tulad ng coliseum sa QMC. …

Read More »

Paslit nalunod sa QC resort

HINDI nakaligtas sa kamatayan ang isang 5-anyos totoy makaraang malunod sa swimming pool ng isang resort sa Quezon City, iniulat ng pulisya  kahapon. Kinilala ni P/Insp. Roldan Dapat ng Cri­minal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) ang biktima na si Melvin Mira­sol Mariano Jr.,  daycare pupil, at residente sa Barcelona St., Project 8, Bahay Toro, …

Read More »

Palasyo sa Kongreso: ‘Stalemate’ sa 2019 budget tapusin

NANAWAGAN ang Pa­lasyo sa mga senador at kongresista na wakasan na ang iringan sa panu­kalang 2019 national bud­get at ibigay sa samba­yanang Filipino ang isang pambansang budget na makatutulong sa gob­yerno na iangat ang antas ng buhay tungo sa kaun­laran ng bansa. Ang pahayag ay gina­wa ng Malacañang isang araw matapos ang pu­long ni Pangulong Rodrigo Duterte sa liderato ng …

Read More »