LAOAG CITY – Patay ang magpinsan nang mabangga ang sinasakyan nilang tricycle ng isang AUV nitong madaling araw ng Sabado. Sa imbestigasyon, pauwi ang mga biktima sakay ng tricycle nang banggain sila ng kasalubong na AUV sa national highway ng Brgy. Bengcag sa lungsod. Ayon sa pulisya, umagaw ng linya ang AUV na minamaneho ng 18-anyos na si Leand Mao …
Read More »Sa La Union Tangkang pagpuslit sa 500 sakong white sand naharang
HINARANG ng mga pulis sa Bacnotan, La Union ang isang 10-wheeler truck na may kargang 500 sako ng white sand bandang 10:00 ng umaga nitong Sabado. Walang maipakitang pass card at kahit anong permit ang driver ng truck na mula sa Pasuquin, Ilocos Norte. Ayon sa driver na kinilalang si Johnny Pascual, napag-utusan lamang siyang dalhin ang truck sa Novaliches, …
Read More »Presyo ng petrolyo, muling itataas
NAPIPINTONG muling tumaas ang presyo ng produktong petrolyo sa Martes. Maglalaro sa P0.90 hanggang P1 kada litro ang magiging dagdag sa presyo ng gasolina. Tinataya rin nasa P0.50 hanggang P0.60 kada litro ang itataas sa diesel. Sa kerosene, P0.90 hanggang P1 ang magiging dagdag sa presyo kada litro. Nitong nakaraang linggo, nagtaas din ang presyo ng mga produktong petrolyo.
Read More »Budol-budol nasa Kongreso na
BUNSOD nang sunod-sunod na kaso ng budol-budol na karaniwang nambibiktima ng mga senior citizen, retirado, at overseas Filipino workers (OFW), nagpasya ang isang kongresista na imbestigahan ito sa Kamara. Ang resolusyon ay inihain ni Negros Occidental Rep. Alfredo “Albee” Benitez. Giit ni Benitez, panahon na para marepaso ang batas na sumasakop sa budol-budol para maitaas ang multa at parusa laban …
Read More »Napagkamalang delegado Aktres gumamit ng ASEAN lane
UPANG hindi maabala sa prehuwisyong dulot ng matinding trapik dahil sa pagsasara ng malaking bahagi ng EDSA para sa mga delegado ng ASEAN Summit, sumuway sa mga patakaran ang aktres at beauty queen na si Maria Isabel Lopez. Sa posts na ibinahagi sa Facebook at Instagram, ikinuwento ni Lopez na tinanggal niya ang mga traffic cones na naghihiwalay sa ASEAN …
Read More »4 bagets tiklo sa CCTV (Sa nakawan ng motorsiklo)
ARESTADO ang apat menor de-edad na itinuturong sangkot sa pagnanakaw ng mga motorsiklo sa Pandi, Bulacan, kamakalawa ng gabi. Sa ulat ni Chief Inspector Manuel de Vera, hepe ng Pandi Police, inaresto ang 15-anyos binatilyo, sinasabing pasimuno sa pagnanakaw ng mga motorsiklo sa naturang bayan. Sa ulat, sinabing namukhaan ng isang concerned citizen sa CCTV footage ang pagtangay ng mga …
Read More »2 wanted na abusado arestado
NASAKOTE ng mga pulis ang dalawang wanted sa kasong attempted rape at child abuse sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City, kamakalawa. Ayon kay Valenzuela police chief, Sr. Supt. Ronaldo Mendoza, dakong 4:00 pm nang arestohin ang suspek na si Ronell Ibañez, 27, sa Bagong Nayon St., Brgy. Bagbaguin, ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) at PCP-1, …
Read More »19-anyos ‘holdaper’ itinumba sa Kyusi
PATAY ang isang 19-anyos na hinihinalang holdaper makaraan pagbabarilin sa Barangay Payatas-A, Quezon City, nitong Linggo. Ayon sa ulat, naglalakad pauwi galing sa inoman sa bahay ng kanyang tiyahin ang biktimang si Kevin Mendez nang barilin siya ng dalawang ‘di kilalang lalaki sa Rosal Street, salaysay ng mga kaibigang nakiusap na huwag pangalanan. Ayon sa barangay tanod na si Sofronio …
Read More »Indian nat’l nangmolestiya ng empleyada (Biktimang dalagita missing)
ARESTADO ang isang Indian national sa pagmolestiya sa isang 15-anyos dalagita, iniulat na nawawala makaraan dukutin sa Makati City, nitong Sabado ng madaling araw. Kinilala ang suspek na si Raddy Krishna, inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration – Fugitive Search Unit. Si Krishna ay may warrant of arrest dahil sa umano’y pananakit at pagmolestiya sa dalagita noong 5 …
Read More »60 hubad-baro, tomador sa kalye arestado
UMABOT sa 6o katao ang nadakip sa Maynila dahil sa paglabag sa city ordinance gaya ng hubad-baro at umiinom ng alak sa publiko. Sa inilatag na seguridad para sa ASEAN Summit, nagkasa ng operasyon ang Manila Police District sa Malate, nitong Biyernes ng gabi, at dinampot ang mahigit 60 katao na walang damit pang-itaas at umiinom ng alak sa mga …
Read More »Southern Leyte niyanig ng magnitude 4.4 lindol
NIYANIG ng magnitude 4.4 earthquake ang lalawigan ng Southern Leyte, nitong Linggo, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Naganap ang lindol dakong 2:33 pm at natunton ang epicenter 14 kilometers southwest sa bayan ng Pintuyan, ayon sa Phivolcs. May lalim na 19 kilometers, naramdaman ang lindol sa Intensity 3 sa kalapit na Surigao City. Ang …
Read More »Abogada arestado sa tangkang suhol sa NBI
INARESTO ang isang abogada nang tangkaing suhulan ang hepe ng National Bureau of Investigation (NBI) Special Task Force, kamakalawa. Nagsagawa ng entrapment operation ang NBI Special Task Force at nahuli sa akto ang abogadang si Exel Antolin na nag-abot ng sobreng may lamang P200,000. Ito umano ay suhol niya sa ahensiya para hindi ituloy ang pagsampa ng kaso sa kaniyang …
Read More »Customs police todas sa broker
CAGAYAN DE ORO CITY – Patay ang isang customs police officer makaraan makipagbarilan sa isang broker, sa Brgy. Macasandig sa lungsod na ito, nitong Huwebes ng gabi. Natagpuang patay sa tabi ng kaniyang sasakyan ang biktimang si Roy Ancajas, tinamaan ng tatlong bala sa katawan. “According sa security guard na nakakita, may narinig silang malakas na bundol ng sasakyan tapos …
Read More »Lady trader ginilitan, tinadtad ng saksak ng ‘lover’
SELOS ang hinihinalang dahilang kung bakit natagpuang patay, may gilit sa leeg at tadtad ng saksak ang isang 42-anyos negosyanteng babae sa loob ng kanyang silid sa Parañaque City, nitong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ang biktimang si Menchie Modesto, ng Unit A, Verdant, Teoville 3, West Lourdes St., Brgy. BF Homes, ng nabanggit na lungsod. Habang tinutugis ng mga awtoridad …
Read More »Target ni Duterte: ASEAN sasabay sa globalisasyon
NAIS ni Pangulong Rodrigo Duterte na patatagin at pagbuklurin ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) bilang isang ekonomiya na ma-kikipagsabayan sa globa-lisasyon gaya ng European Union. “I will bring this matter forcefully in the ASEAN Summit. We have to have integration, cohesiveness, and we must act as one. Europe can do it with its union and America is starting …
Read More »2 parak sinibak sa sipol (UP student binastos)
TANGGAL sa puwesto ang dalawang pulis ng Quezon City dahil sa pagsipol sa estudyante ng University of the Philippine (UP) nitong 2 Nobyembre sa Katipunan Avenue, ng lungsod. Sa direktiba ni Quezon City Police District (QCPD) director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, iniutos niya ang pagsibak kina PO2 Ric Taguilan at PO1 Domingo Cena, mula sa Proj. 4 Police Station …
Read More »PAF nagpugay sa pagdating ni Isabel Granada
ISANG funeral honor and service ang inihandog para sa yumaong aktres na si Isabel Granada ng Philippine Air Force, ito ay pagpupugay sa kanya bilang isang dating PAF reservist. Sinabi ng pamunuan, lubos ang pagdadalamhati ng PAF, at nakikiisa sila sa pamilya at mga kamag-anak ng aktres sa kanilang kalungkutan. “The Philippine Air Force would like to express its profound …
Read More »‘Salome’ magpapaulan sa South Luzon at Visayas
BAHAGYANG lumakas ang bagyong Salome habang kumikilos patu-ngong southern Luzon, ayon sa state weather bureau PAGASA nitong Huwebes. Dakong 11:00 am kahapon, sinabi ng PAGASA, si Salome ay namataan sa 50 km south southwest ng Juban, Sorsogon. Ito ay may maximum sustained winds na 55 kph malapit sa gitna at may pagbugsong hanggang 90 kph. Itinaas ang signal no. 1 …
Read More »Bagsak na Piso sinisi ng Meralco (Singil sa koryente itataas ngayong Nobyembre)
INIHAYAG ng Meralco, tataas ang si-ngil sa elektrisidad ngayong Nobyembre dahil sa mas mataas na generation charge. Magtataas ng P0.34 kada killowat hour (kWH) ang singil sa koryente kaya papatak ang ka-buuang bayarin ng P9.63 kada kWH. Ibig sabihin, ang mga kabahayang kumokonsumo ng 200 kWH nga-yong buwan ay kailangang magbayad ng dagdag na P68.72. Paliwanag ng Meralco, ang dagdag-singil …
Read More »Drug courier nabuking sa checkpoint kalaboso
INARESTO ang isang hinihinalang drug courier makaraan makompiska-han ng shabu at P350,000 cash sa checkpoint na inilatag ng Quezon City Police District (QCPD) Fairview Police Station (PS-5), kahapon ng umaga. Sa ulat ni Supt. Tomas Nuñez, hepe ng PS 5, kay QCPD Director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, kinilala ang suspek na si Bernhard Gagarin, 37, tricycle driver, residente sa …
Read More »Lady cop pinatay ng ex-BF (Tumanggi sa kasal)
INARESTO ang suspek sa pagbaril at pagpatay sa isang babaeng pulis sa Cebu, nitong Martes. Ayon sa ulat ng pulisya, kinilala ang suspek na si Felix Taytayan, 32, ng Bantayan Island, dating kasintahan ng biktimang pulis na si PO1 Mae Sasing. Itinuro ng tatlong saksi si Taytayin na huling kausap ng biktimang si Sasing na binaril habang sakay ng motorsiklo …
Read More »Palawan alas ng PH sa South China Sea
KOMPIYANSA si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi ganap na makapupuntos ang China laban sa Filipinas sa isyu ng militarisasyon sa West Philippine Sea (WPS). Ang estratehikong lokasyon ng isla ng Palawan ang alas ng Filipinas kontra sa lumalakas na presensiyang militar ng Beijing sa WPS. “Ours is strategic in the sense that facing all the armaments there and the bodies, …
Read More »Security escorts ng ‘prinsesa’ ng drug queen sibakin — Bato
INIUTOS ni PNP chief, Director General Ronald dela Rosa ang pagsasampa ng kasong administratibo laban sa dalawang pulis na nagsilbing security escorts ng mga anak na babae ni convicted drug queen Yu Yuk Lai. “We will be filing administrative case against dito sa dalawang pulis,” ayon kay Dela Rosa, tumutukoy kina PO3 Walter Vidad at PO2 Faizal Sawadjaan, kapwa miyembro …
Read More »MPC umalma sa pakikialam ni Mocha
UMALMA ang Malacañang Press Corps (MPC) sa hirit ni Communications Assistant Secretary for Social Media Mocha Uson na tanggalin bilang miyembro ng MPC ang isang online news site. “The MPC deplores any attempt to curtail press freedom and will continue to ensure a strong free press, keep public informed and the government in check,” anang kalatas ng MPC. Sinabi sa …
Read More »P5-M shabu kompiskado sa 2 Nigerian
ARESTADO ang dalawang Nigerian national makaraan makompiska-han ng P5-milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Cavite, nitong Miyerkoles ng madaling-araw. Kinilala ang mga suspek na sina Solomon Lewi Anochiwa, 34-anyos, ng Kawit, Cavite, at Desmond Chima Ozoma, 35, ng Parañaque City. Isang kilo ng hinihinalang shabu, P5 milyon ang halaga, ang naibenta ng dalawang suspek sa isang poseur buyer …
Read More »