Sunday , November 24 2024

News

31 patay, 49 missing kay Urduja (9,775 katao stranded)

UMABOT sa 31 ang patay habang 49 ang nawawala sa mga eryang hinagupit ng bagyong Urduja, ayon sa ulat ng Malacañang, nitong Lunes ng hapon. Inihayag ni Presidential spokesperson Harry Roque, Jr. ang update sa news conference sa Naval State University bago ang pagdating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Biliran para sa situational briefing. Sa 31 bilang ng mga namatay, …

Read More »

3 PNP officials 57 police scalawags sinibak ni Digong

AABOT sa 60 pulis, kasama ang tatlong police superintendent, sa sisibakin sa serbisyo dahil sa pagkakasangkot sa mga sindikatong kriminal. “Mga 3 superintendent, minimum of 60 police, umalis kayo sa PNP. I am starting the purging,” sabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa birthday party ni Sen. Manny Pacquiao sa General Santos City, kamakalawa ng gabi. “I’m just warning …

Read More »

Bato nakipag-jam sa Bilibid inmates

BAGO ang kanyang pag­ka­katalaga sa Bureau of Corrections (BuCor), ang magreretirong si Philippine National Police chief, Director General Ronald dela Rosa ay nakipag-jam sa mga preso sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City, nitong Biyernes. Ayon sa ulat, umawit si Dela Rosa sa harap ng daan-daang mga preso sa NBP. Napag-alaman, habang umaawit si Dela Rosa ay sinasabayan ito …

Read More »

Sa Bilibid: Drug lords ibabalik sa Bldg. 14 — Gen. Bato

INIHAYAG ni Philippine National Police chief, Director General Ronald “Bato” Dela Rosa nitong Linggo, nais niyang ang mga drug lord sa New Bilibid Prison (NBP) ay maibalik sa “Building 14.” Sinabi ni Dela Rosa, magsasagawa siya ng “accounting” sa lahat ng drug lords sa national penitentiary kapag nakaupo na siya sa puwesto sa Bureau of Corrections. “Ibalik ko silang lahat …

Read More »

Garin, Abad haharap sa technical malversation sa Dengvaxia

POSIBLENG maharap sa kasong technical malversation sina dating Health secretary Janette Garin at dating Budget secretary Florencio Abad bunsod ng pagkakasangkot sa P3.5 bilyon pagbili ng Dengvaxia vaccine, ayon kay Senador JV Ejercito, nitong Linggo. Ayon kay Ejercito, ang nasabing halaga na ginamit sa vaccination program ay hindi bahagi ng General Appropriations Act for 2015. Nabatid din sa gina-nap na …

Read More »

Walang Christmas truce sa NPA — Palasyo

Malacañan CPP NPA NDF

NANINDIGAN ang Palasyo, hindi magdedeklara ng ceasefire ang pamahalaan sa New People’s Army (NPA) ngayong Kapaskuhan. “Our defenders would not stand down as there has been call on the other side to launch offensives against state forces,” ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque. Markado aniya ang NPA na lumalabag sa tigil-putukan at naglulunsad pa rin nang pag-atake laban sa mga …

Read More »

Digong pabor sa same-sex marriage

PABOR Si Pangulong Rodrigo Duterte sa same-sex marriage. Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Dutere sa pagtitipon ng lesbian, gay, bisexual, transgender (LGBT) sa Davao City kahapon. “Ako gusto ko same-sex marriage, ang problema, we’ll have to change the law. Ang batas kasi marriage is a union between a man and a woman. I don’t have a problem making it… …

Read More »

Vinta susunod sa landas ni Urduja

ANG bagyong papasok sa Philippine Area of Res-ponsibility (PAR) ay maaaring sumunod sa landas na dinaanan ng bagyong Urduja, ayon sa pahayag ng PAGASA weather forecaster, nitong Linggo ng umaga. Ayon sa ulat, ang bagyong Vinta ay maaaring pumasok sa PAR sa Martes o Miyerkoles at tahahakin ang dinaanan ni Urduja. “Posible pong tatahakin ng paparating na bagyo ang daan …

Read More »

232 areas sa 2 rehiyon sa Visayas binaha

flood baha

MAHIGIT 200 areas sa dalawang rehiyon ng Visayas ang nalubog sa baha bunsod ng malakas na buhos ng ulan dulot ng bagyong Urduja. Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa kanilang 10:00 pm bulletin nitong Sabado, ka-buuang 232 areas sa Eastern at Western Visayas ang nalubog sa baha. Hanggang nitong Linggo ng umaga, tanging …

Read More »

Takot kay Yolanda binuhay ni Urduja (Sa Tacloban)

TUMINDI ang pagbaha sa Tacloban bunsod nang ilang araw na pag-ulan dulot ng bagyong Urduja, kaya muling bumalik ang takot ng mga residente sa kanilang naranasan bunsod ng super typhoon Yolanda na lubusang puminsala sa lungsod, apat taon na ang nakararaan, ayon sa local officials kahapon. Tatlo katao ang namatay bunsod ng bagyong Urduja (international name: Kai-tak) na patuloy na …

Read More »

26 patay, 23 missing sa Biliran landslide

UMABOT na sa 26 katao ang kompirmadong namatay habang 23 ang nawawala bunsod ng landslide at pagbaha sa ilang mga lugar sa lalawigan ng Biliran, ayon sa ulat ng local officials, nitong Linggo ng hapon. Ayon kay Biliran Governor Gerry Boy Espina, inirekomenda ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na isailalim ang buong lalawigan sa state of …

Read More »

Walang pasok sa 26 Disyembre, 2 Enero 2018

WALANG pasok sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan sa 26 Disyembre 2017 at sa 2 Enero 2018. Ito ang nakasaad sa Memorandum Circular No. 37 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon. “Further to Proclamation Nos. 5 (s. 2016) and 269 (s. 20170 issued by the President decla-ring 25 December 2017 (Christmas Day) and 01 January 2018 (New Year’s Day) …

Read More »

Pulmano absuwelto sa Sandiganbayan

sandiganbayan ombudsman

IBINASURA ng Sandiganbayan ang kasong isinampa laban kay Parañaque city treasurer Anton Pulmano. Idinismis ng Sandiganbayan ang kasong kriminal na isinampa laban kay Pulmano dahil sa umano’y pagbibigay ng tax amnesty na isinasagawa ng pamahalaang lungsod noong 2013. Ang kasong kriminal laban kay Pulmano ay nagmula sa isang reklamo na isinampa ni Konsehala Maritess de Asis at ng kanyang abogado …

Read More »

Tesorero, tanod patay sa ambush (Tserman, driver sugatan)

dead gun police

BINAWIAN ng buhay ang dalawa katao habang dalawa ang sugatan makaraan pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek sa Brgy. Annanuman, bayan ng San Pablo, Isabela, nitong Miyerkoles. Ayon sa imbestigas-yon, lulan ng owner-type jeep sina barangay captain Briscio Gammaru, barangay treasurer Rey Mabborang, barangay tanod Bonifacio Lumabi at driver na si Kingberly Antonio ng Brgy. Dalena, San Pablo. Papunta sila …

Read More »

Mag-lola sugatan sa landslide sa Tacloban (Bahay nabagsakan ng poste)

SUGATAN ang dalawa katao makaraan mabagsakan ng poste ng koryente ang kanilang bahay sa naganap na landslide sa Tacloban City, nitong Huwebes ng tanghali. Ayon sa ulat, nangyari ang landslide sa Artemio Mate Avenue bandang 12:00 ng tanghali. Salaysay ni Remedios Cebu, nakarinig sila ng malakas na ingay at pagkaraan ay nabagsakan ng poste ang kanilang bahay. Nasugatan sa paa …

Read More »

GMA pinayagan magbiyahe

PINAHINTULUTAN ng korte na makalabas ng bansa si dating pangulo at ngayon ay Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal Arroyo. Ito ay kaugnay sa kinakaharap niyang kasong electoral sabotage sa Pasay City court. Sa ipinalabas na release order ni Pasay City Regional Trial Court (RCT) Branch 112 Presiding Judge Jesus Mu­pas, pinayagan ng korte na makabiyahe patungo sa Japan, Hong Kong at Myanmar ang …

Read More »

TRAIN bill ratipikado na sa Senado (Take home pay ng 7-M obrero tataas)

PINAGTIBAY ng Senado nitong Miyerkoles ang report ng dalawang kapulungan ng Kongreso kaugnay sa pagsasabatas ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) bill. Ang batas na ito ang sisiguro sa pagtaas ng take home pay ng mahigit pitong milyong manggagawa sa buong bansa. Bagama’t nauna nang inaprobahan ng dalawang Kapulungan na ilibre sa buwis ang taunang sahod na may …

Read More »

Urduja lumakas nagbanta sa Timog Luzon, Visayas

BAHAGYANG lumakas ang tropical storm Urduja at inaasahang mag-landfall sa Eastern Samar ngayong Biyernes, ayon sa state weather bureau PAGASA, kahapon. Sa 5:00 am bulletin, sinabi ng PAGASA, ang bagyong Urduja ay may taglay na lakas ng hangin hanggang 65 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugsong hanggang 90 kilometro kada oras. Ang bagyo ay huling namataan sa …

Read More »

Empleyado ng Las Piñas City hall patay sa vendor (Sa clearing operation)

Stab saksak dead

PATAY ang isang 60-anyos empleyado ng Las Piñas City Hall makaraan pagsasaksakin ng vendor nang paalisin ang paninda dahil nakaaabala sa kalsada sa clearing ope-ration sa lungsod, kahapon ng umaga. Hindi umabot nang buhay sa Las Piñas District Hospital ang biktimang si Benjamin Lopez y Dela Cruz, Jr., tinamaan ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan. Habang arestado …

Read More »

14,000 pulis babantayan ng PNP (Tinurukan ng Dengvaxia)

INIUTOS ni Philippine National Police chief, Director General Ronald “Bato” Dela Rosa ang pag-monitor sa kondisyon ng 14,000 pulis na tinurukan ng dengue vaccine Dengvaxia. “To those unfortunately vaccinated by this, I am giving instructions to Dr. [Edward] Carranza, director of Health Service, to monitor everything…kawawa naman kung may mangyari,” pahayag ni Dela Rosa makaraan bisitahin ang mga sugatang pulis …

Read More »

Aquino humarap sa Dengvaxia probe sa senado (Pagbili ng Dengvaxia idinepensa)

HUMARAP si dating Pangulong Benigno “Noy­noy” Aquino III sa mga senador sa unang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa kontrobersiyal na dengue vaccine. Katulad ng inaasahan, mariing pinabulananan ni Aquino ang lahat ng mga akusasyon sa kanya ukol sa kontrobersiyal na bakuna. Ayon kay Aquino, walang ano mang anomalyang naganap sa naging transaksiyon sa naturang programa ng pamahalaan …

Read More »

Kahit si Noynoy ‘di sasantohin sa Dengvaxia probe — Palasyo

WALANG sasantohin ang adminis­tras­yong Duterte sa imbestigasyon sa Dengvaxia scam kahit umabot pa kay dating Pangulong Benigno Aquino III at iba pang matataas na opisyal ng kanyang gobyerno. “Basta ang sabi ni Presidente, ituloy ang imbestigasyon ng DoJ, ituloy ang imbestigasyon ng Senado, at kung mayroong dapat managot, pananagutin niya,” tugon ni Roque sa pag-usisa ng media kung hanggang kay …

Read More »

77-anyos lolo, 1 pa patay sa posporo (5 sugatan, Senior citizen nawawala)

fire sunog bombero

PATAY ang dalawa katao habang lima ang sugatan at isa ang nawawala makaraan masunog ang ilang kabahayan sa Loreto St., Sampaloc, Maynila, nitong Miyerkoles ng umaga. Ayon sa ulat ng pulisya, tinatayang 30 pamilya ang nawalan ng tirahan makaraan matupok ang 10 bahay. Napag-alaman, nagsimula ang sunog bandang 10:20 at naapula dakong 11:23 am. Umabot ang sunog sa ikaapat na …

Read More »

Martial law extented sa Disyembre 2018 (Digong nagpasalamat sa Kongreso)

NAGPASALAMAT si Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso sa pagpayag sa kanyang hirit na palawigin ang martial law sa Mindanao hanggang Disyembre 2018. “I would like to thank Congress for understanding the plight of Filipinos… Mahirapan talaga ako ‘pag walang martial law sa Mindanao,” aniya sa talumpati sa Fort Bonifacio kagabi. Ang pasya ni Duterte ay batay sa rekomendasyon ng Armed Forces …

Read More »

Curfew ordinance sa Navotas ihahabol sa Simbang Gabi

POSIBLENG maihabol ang pagpasa ng bagong ordinansa sa “curfew” sa Navotas City na una nang ibinasura ng Korte Suprema dahil sa mga paglabag sa karapatang-pantao ng mga menor-de-edad. Sinabi ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco na “for signature” ang bagong ordinansa na iniakda ni Konsehal EJ Arriola at inaasahang maipalalathala na ngayong ikalawang linggo ng Disyembre. “The draft ordinance …

Read More »