NASA kustodiya na ng Las Piñas City Police ang kasambahay at driver na umamin sa kanilang partisipasyon sa pagpaslang sa amo nilang dean ng isang medical school nitong nakalipas na Biyernes. Kinilala ng pulisya ang dalawang suspek na ang live-in partners na sina Juvy Bandoy Acero, alyas Tata, 43, at Dindo Engcoy Legano, 39-anyos. Naunang inaresto ng pulisya si Acero …
Read More »1,000 SK bets hindi agad ipoproklama (Kapag nanalo sa eleksiyon)
KAPAG nanalo, ang proklamasyon ng 1,000 youth candidates ay isususpende ng Commission on Elections makaraan makompirmang nilabag ang anti-dynasty provision ng Sangguniang Kabataan elections o lumagpas sa age requirement para sa SK officers Sinabi ni Comelec acting chairperson Al Parreño, 4,000 hanggang 5,000 katulad na kaso ang under review bagama’t tapos na ang 2018 Barangay and Sangguniang Kabataan elections (BSKE) …
Read More »Vote-buying beberipikahin
INILINAW ni Philippine National Police (PNP) chief, Director General Oscar Albayalde kahapon, hindi maikokonsiderang “massive” ang vote-buying sa barangay at SK elections hangga’t hindi ito nabeberipika ng mga awtoridad. “Kaya ‘massive’ ang reports kasi one party will report vote-buying then the other party will also report vote-buying, kaya we have to verify it,” pahayag ni Albayalde sa press conference sa …
Read More »Barangay, SK polls sa 3 lungsod payapa
NAGING mapayapa at walang iniulat na untoward incidents sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa siyam na barangay ng Muntinlupa City kahapon, ayon sa ulat ng pulisya. Kaugnay nito, may iniulat na isang inaresto makaraan ireklamo ng vote buying sa Bicutan, Taguig City. Habang sa Pasay City ay may anim katao ang dinampot ng mga awtoridad na sinasabing flying voters …
Read More »33 patay sa eleksiyon
NAKAPAGTALA ang Philippine National Police (PNP) ng 33 katao napatay sa hinihinalang election-related incidents sa buong bansa mula sa pagsisimula ng election period noong 14 Abril. Hanggang 6:00 am nitong 14 Mayo, sinabi ni PNP chief Director General Oscar Albayalde, nakapagtala sila ng kabuuang 35 suspected at pitong validated election related incidents. Sa 42 incidents, 33 ang shooting, dalawa ang …
Read More »1,100 pulis nagsilbing BEIs — PNP
INIHAYAG ni Philippine National Police Director General Oscar Albayalde nitong Lunes, 1,100 police officers ang nagsilbi bilang Board of Election Inspectors (BEIs) sa 2018 Barangay and Sangguniang Kabataan (SK) elections. Sinabi ni Albayalde, 180 police officers ang nagsilbi bilang BEIs sa Sulu; 45 sa Basilan; 177 sa Maguindanao; 400 sa Lanao del Sur; 119 sa Cotabato City; at 109 sa …
Read More »Barangay, SK polls inisnab ni Digong (Unang eleksiyon sa kanyang administrasyon)
HINDI lumahok si Pangulong Rodrigo Duterte sa kauna-unahang halalan sa ilalim ng kanyang administrasyon kahapon. Tikom ang bibig ng Palasyo kung ano ang dahilan nang hindi pagboto ni Pangulong Duterte sa barangay at SK elections sa Davao City. Ilang minuto makalipas ang 3:00 ng hapon, kinompirma ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, hindi na boboto si Pangulong …
Read More »Pagbasura sa drug charges vs Taguba, 8 iba pa iniapela
INIAPELA ng Department of Justice (DOJ) ang pagbasura ng Valenzuela City court sa drug transportation and delivery charges laban kay umano’y Customs fixer Mark Ruben Taguba II at walong iba pa kaugnay sa P6.4-billion shabu shipment mula China nitong nakaraang taon. Sa motion for reconsideration na may petsang 8 Mayo, hiniling ng panel ng DOJ prosecutors kay Judge Arthur Melicor …
Read More »Relasyong PH-Kuwait plantsado na
BUMALIK na sa normal ang relasyong Filipinas-Kuwait matapos lagdaan ang memorandum of agreement hinggil proteksiyon ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Gulf state. “Normal na po ang samahan ng Philippines at Kuwait. Ang hinihintay lang po talaga ng parehong panig ay iyong paglagda ng memorandum of agreement,” ani Roque pagdating kamakalawa ng gabi mula sa Kuwait. Nakasaad sa MOA ang pagbibigay ng 12-oras na pahinga sa OFW, hindi pagkompiska sa pasaporte at cell phone, pagbuo ng 24/7 hotline na puwedeng pagsumbungan ng pang-aabuso sa OFW, at isang special unit na maaaring sumaklolo sa kanila. Matatandaan, nagkaroon ng lamat ang relasyon ng dalawang bansa nang matagpuan ang bangkay ng isang OFW na si Joana Demafelis sa loob ng freezer. Habang nagalit ang Kuwaiti government sa kumalat na video sa social media hinggil sa rescue operations sa distressed OFWs sa Gulf state na walang koordinasyon sa kanila. Naging daan ito upang pauwiin ng Kuwait ang kanilang ambassador sa Filipinas at arestohin ang mga Filipino na kasali sa rescue operations. Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, hihimukin niya si Pangulong Rodrigo na wakasan na ang deployment ban sa Gulf State. Kasamang umuwi ng bansa nina Bello at Roque ang 87 distressed OFWs. …
Read More »Ex-Senador Angara pumanaw na
PUMANAW na si dating Senador Edgardo Angara sa gulang na 83, kinompirma ng kanyang anak na si Sen. Sonny Angara nitong Linggo. Sa kanyang social media account, sinabi ng nakababatang Angara na ang kanyang ama ay pumanaw “from an apparent heart attack.” Natapos ng nakatatandang Angara ang kanyang Bachelor of Laws degree noong 1958 sa University of the Philippines (UP), at kalaunan siya ay nagsilbi bilang pangulo ng unibersidad mula 1981 hanggang 1987. Nagtapos din siya ng Master of Laws sa University of Michigan sa Estados Unidos. Nagsimula ang public life ni Angara nang siya ay maging delegado ng 1971 Constitutional Convention, at iniakda niya ang constitutional provisions katulad ng proteksiyon sa public domain mula sa pang-aabuso ng developers. Siya ay naging senador mula 1987 hanggang 1998, at nagsilbi bilang Senate President mula 1993 hanggang 1995. Si Angara ay naging lead proponent ng Free High School Act, Government Assistance To Students and Teachers In Private Education Act, …
Read More »Ex-Gen Loot nakaligtas sa ambush
NAKALIGTAS ang isang Cebu town mayor na tinukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte na kabilang sa “narco-generals” sa ambush nitong Linggo. Si dating police chief superintendent at ngayon ay Daanbantayan town Mayor Vicente Loot ay tinambangan kasama ng kanyang driver, mga anak at kasambahay dakong 7:30 ng umaga sa Brgy. Maya. Kinompirma ng pulisya na si Loot ang puntirya sa nasabing …
Read More »Barangay at SK polls kasado na
MAKARAAN ang dalawang beses na pagkabinbin, kasado na ang May 14 Sanggunian Kabataan and Barangay polls, ayon sa Commission on Elections (Comelec) nitong Linggo. Ang mga opisyal ng 42,000 barangays ay nag-over-stay mula 2013 habang ang SK ay naiwang bakante mula 2010 dahil sa ilang batas na ipinasa para iliban ang nasabing eleksiyon. Sa eleksiyon ngayong Lunes na isasagawa sa pamamagitan ng manual voting, ay masusubukan ang pagpapatupad ng anti-dynasty provision ng SK Reform Act sa unang pagkakataon makaraan lagdaan bilang batas noong 2016 ni dating Pangulong Benigno Aquino III. “Handang-handa na po tayo,” pahayag ni Comelec spokesperson James Jimenez. “So far, we haven’t really monitored any big showstopper event so we’re very hopeful that we will be able to pull off the opening of the polls without a …
Read More »Acting secretary ng DICT, DSWD itinalaga ni Duterte
ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Eliseo Mijares Rio bilang acting secretary ng Department of Information and Communication Technology (DICT), at si Virginia Nazarrea Orogo bilang acting secretary ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Pinalitan ni Orogo si DSWD officer-in-charge Undersecretary Emmanuel Leyco. Noong Setyembre 2016 nang italaga ni Pangulong Duterte si Orogo bilang undersecretary ng DSWD. Itinalaga rin …
Read More »4 Pinoy drivers sa Kuwait pinalaya na
INIURONG na ng gobyerno ng Kuwait ang kasong kidnapping laban sa apat na Filipino drivers na una nang inaresto at ikinulong dahil sa pagsama sa rescue operation sa distressed overseas Filipino workers (OFWs). Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sa ngayon ay nakauwi na ang apat driver sa kani-kanilang bahay sa Kuwait. Gayonman, sinabi ni Roque na hindi uuwi ng …
Read More »4 bata, 2 nanay patay (2 sugatan) sa sunog sa Parañaque
ANIM katao ang namatay na kinabibi-langan ng apat na bata, at dalawang nanay, nang hindi makalabas sa nasunog na lumang residential building sa Brgy.Tambo, Parañaque City, nitong Miyerkoles ng gabi. Magkakasamang natagpuan sa ground floor ang bangkay ng tatlong biktimang sina Marie Joy De Jesus, 28, at mga anak niyang sina Jomarie Canaria, 6, at Daniel Luis Canaria, 10-anyos. Gayondin …
Read More »3 miyembro ng pamilya arestado sa child abuse (Sa Zamboanga City)
KALABOSO ang tatlong miyembro ng isang pamilya dahil sa kasong child abuse sa Governor Camins, Zambaonga City. Kinilala ang inarestong mga suspek nitong Miyerkoles, na si Ariel Crisostomo, 51, kaniyang misis na si Rose, 48, at kanilang anak na si Archie, 28-anyos. Ayon sa ulat, dumulog sa Sta. Maria Police Station 7 ang biktimang 13-anyos dalagita, kasama ang kaniyang ina …
Read More »65-anyos lola ginahasa, pinatay ng kamag-anak
GINAHASA at pinatay ang isang 65-anyos lola ng umano’y kanyang kaanak na nagtangkang magnakaw habang nag-iisa ang biktima sa kaniyang bahay sa Zamboanga del Norte. Ayon sa ulat ng pulisya, kinilala ang biktimang si Adelina Balasi, 65-anyos. Napag-alaman, natagpuang walang saplot ang bangkay ng biktima sa hindi kalayuan sa kaniyang bahay sa bayan ng Sergio Osmeña. Hinala ng mga awtoridad, …
Read More »BIFF commander, 10 tauhan sumuko sa Maguindanao
SUMUKO sa militar sa Maguindanao ang 11 kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF), kabilang ang isang may ranggong commander, nitong Huwebes ng umaga. Ayon kay Lieutenant Colonel Harold Cabunoc, commanding officer ng 33rd Infantry Battalion, mas pinaigting na military operations at pakikipag-ugnayan sa komunidad ang dahilan ng pagsuko ng mga rebelde. “We have engaged the people to change perceptions …
Read More »Caticlan operations ng Cebu Pacific sususpendehin (Sa pagsasara ng Boracay)
PANSAMANTALANG sususpendehin ng Cebu Pacific ang lahat ng flights patungo at mula sa Caticlan, Aklan bunsod ng mahinang demand dahil sa pagsasara ng Boracay Island. Ang suspensiyon sa lahat ng operasyon ay epektibo sa 17 Mayo 2018 hanggang 27 Oktubre 2018. Bago ito, pinanatili ng Cebu Pacific ang daily flights sa pagitan ng Manila at Caticlan; gayondin ang Cebu at …
Read More »2 holdaper utas sa parak
PATAY ang dalawa sa apat hinihinalang holdaper makaraang makipagbarilan sa mga pulis sa San Juan, Gen. Trias City, Cavite, kahapon ng madaling-araw. Ayon sa ulat kay Police Regional Office IV-A director, C/Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng dalawang napatay na mga suspek. Nauna rito, dakong 2:25 am, nagsasagawa ng surveillance sa lugar ang mga …
Read More »Street-sweeper patay, dyowa timbog sa Cavite buy-bust
CAVITE – Patay ang isang lalaki habang arestado ang kaniyang kinakasama sa buy-bust operation sa Kawit, Cavite, nitong Martes ng gabi. Kinilala ang napatay na si Jervie Garcia, alyas Pungkol, na target ng operasyon ng pulisya. Ayon sa ulat, dakong 10:00 pm nang isagawa ang operasyon ng Kawit police laban sa dalawang suspek sa Brgy. Samala-Marquez. Bumili ang poseur buyer …
Read More »Mag-amang Japanese arestado sa pagmaltrato sa 13 jap teenagers (Sa Samal Island)
KALABOSO ang mag-amang Hapon dahil sa inireklamong pag-abuso sa 13 kabataang kapwa nila Hapon sa Samal Island. Arestado ang mag-amang sina Hajime, 61, at Yuya Kawauchi, 35, at ang kanilang kasambahay na si Lorena Mapagdalita, 56-anyos. Ayon sa ulat ng pulisya nitong Martes, umaabot sa 13 menor de edad na Japanese national ang inabuso umano ng tatlo sa Island Garden …
Read More »1.5-M gov’t workers tatanggap ng midyear bonus (Sa 15 Mayo 2018)
MATATANGGAP ng 1.5 milyong government workers sa 15 Mayo ang kanilang midyear bonus para sa taong 2018. Katumbas ang bonus ng kanilang buong isang buwan sahod. Kasama sa tatanggap ng bonus ang mga empleyado ng gobyerno na nakapagtrabaho na sa pamahalaan nang apat buwan pataas. Pasok din ang mga empleyado na nakakuha ng satisfactory performance rating sa kanilang appraisal period. …
Read More »Ex-GF na titser pinatay, pulis nagpakamatay (Ayaw makipagbalikan)
NAGBARIL sa ulo ang isang pulis makaraan patayin ang kanyang dating girlfriend na isang guro sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon. Agad binawian ng buhay ang biktimang si Lyka Jane Arciaga, 27, residente sa Block 3, Kaunlaran Village, Brgy. 22, Caloocan City, sanhi ng mga tama ng bala sa kaliwang pisngi, kanang balikat, dibdib at leeg. Habang nagpakamatay sa pamamagitan ng …
Read More »11 pulis ipinatapon sa Mindanao (Bashers ni Albayalde)
INIUTOS ni Philippine National Police (PNP) chief, Director General Oscar Albayalde ang pagtatalaga sa 11 police personnel na nag-bash sa kanya sa social media, sa Mindanao. Sinabi ni PNP spokesperson C/Supt. John Bulalacao, ang utos ni Albayalde ay epektibo kahapon, 9 Mayo. Ang 11 police personnel na ipinatawag ng Office of the Chief PNP, ay itatalaga sa Police Regional Office …
Read More »