Thursday , June 4 2026

‘Wag sana kaming mawalan ng trabaho… Technohub workers umapela kay Digong

HINDI pa man gumu­gulong ang imbestiga­syon sa lease contract sa pagitan ng Ayala Land Inc (ALI) at ng Uni­versity of the Philippines (UP) ay aminado ang mga empleyado sa Technohub, partikular ang BPO workers, na nababahala sila sa sitwasyon at ngayon pa lamang ay nanga­ngamba nang mawalan ng trabaho.

“Sa mga nangyayari ngayon at sa mga nababasa mo, nakaka­takot na baka isang araw magising ka na lang na wala ka na palang mapa­pasukan kasi ipinasara na,” pahayag ni Virmel Villareal, 31, at nagta­trabaho sa Synnex-Concentrix, isang BPO company sa Tehnohub.

Ayon kay Virmel, sa dalawang taon niyang pagtatrabaho sa Techno­hub ay wala siyang na­ging problema, maali­walas at ligtas sa kanyang pinagtatrabahuan, accessible sa lahat at  may maayos na panuntunan sa buong complex kaya naman nang marinig niyang iimbestigahan ang UP Technohub Complex ay nalungkot siya kasama na ng kanyang mga kasamahan sa trabaho.

“Nananawagan kami kay Pangulong Duterte, huwag naman sana kaming mawalan ng trabaho. Napakahirap mawalan ng trabaho sa panahong ito,” pahayag ni Virmel.

Ganoon din ang senti­miyento ni Paula Biazon, nagtatrabaho rin sa Synnex-Concentrix.

Aniya, huwag sanang madamay ang kanilang trabaho sa gagawing imbestigasyon sa Technohub deal dahil mahirap maghanap ng trabaho ngayon.

Apela ni Ma. Cristina dela Vega, isang call center agent sa Con­vergys, huwag sanang magpabigla-bigla ang Malacañang at bigyan ng pagkakataon ang Ayala Land na magpaliwanag.

Hindi, aniya, siya naniniwalang may anomalya sa kontrata lalo pa’t ang Technobub ay partnership sa UP na hindi naman umano basta maloloko at papasok sa kontrata na sila mismo ay malulugi.

Sinabi ni Ferdinand Abelardo, call center agent din sa Convergys, umaasa siyang isasaa­lang-alang ng Palasyo  ang kanilang trabaho sa gagawin nitong imbesti­gasyon sa Technohub.

Binigyang-diin niya na hindi siya tatagal sa Technohub kung hindi maganda ang palakad ng ALI, sa katunayan umano ay masaya sila at maayos na nagtatra­baho roon dahil sa magandang benepisyo na kanilang natatang­gap.

“Malaki ang pasa­salamat naming mga BPO worker at na-develop ng Ayala ang lupain ng UP. Dati kasi ay puro talahib lang ito, hindi napakikinabangan at tapunan pa ng mga bangkay,” dagdag niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …