Thursday , June 4 2026

Lola, 2 Maria patay 3 sugatan sa sunog sa QC at Tagbilaran

NALITSON nang buhay ang 65-anyos lola habang dalawang paslit na Maria ang nilamon ng apoy sa mga sunog na naganap sa Quezon City at lungsod sa Tagbilaran, nitong Linggo ng gabi.

Iniulat na tatlo ang sugatan nang hindi maka­labas sa nasusunog nilang tahanan sa Bara­ngay Sto. Domingo, Quezon City.

Kinilala ni Maj. Gilbert Valdez, Deputy Fire Mashal ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Quezon City ang nama­tay na si Angelita Unite, nakatira sa Don Pepe St., Brgy. Sto. Domingo sa lungsod.

Tatlo katao ang naitalang nasugatan na kinilalang sina Fr. Jie Die, 63; Manny Vilien, 48, at John Regalado, 4 anyos.

Sa  imbestigasyon ng BFP, nabatid na ang sunog ay sumiklab da­kong 6:00 pm, 19 Enero, sa ikatlong palapag na tahanan ng isang Crisanta Padilla.

Hindi pa matukoy ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog na umakyat sa ikalimang alarma at nagtagal nang dalawang oras bago tuluyang naa­pula ganap na 8:00 pm.

Ayon sa report, naging mabilis ang pag­kalat ng apoy dahil dikit-dikit ang mga bahay na gawa sa light materials.

Nasa 180 pamilya ang nawalan ng tahanan sa sunog na ngayon ay pansamantalang nana­natili sa covered court ng barangay.

Agad namahagi ang mga awtoridad ng mga tent at relief goods sa mga nasunugan.

ni ALMAR DANGUILAN

2 PASLIT
NA MARIA TODAS
SA KANDILA

TAGBILARAN CITY — Dalawang batang babae na magkapatid, ang nama­tay sa sunog na luma­mon sa mga kaba­hayan sa bayang ito ni­tong nakaraang araw ng Linggo.

Kinilala ng mga awto­ridad ang mga biktima na sina Mary Jade Arayan, 8 anyos, at Mary Joy Arayan, 5.

Ang nakatatandang kapatid na si Mary Jane, 9, ay nakatakas sa nag­lalagablab na apoy.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Tagbilaran, ang mga bata ay iniwan sa bahay ng kanilang inang puna­pasok sa trabaho.

Naniniwala ang BFP na aksidente ang nang­yaring sunog na maaaring nagsimula sa kandila.

Ayon kay Mary Jane,  siya at ang kanyang mga kapatid nasa loob ng bahay nang bumagsak sa foam ang kandilang may sindi.

Aniya, wala silang koryente kaya kandila ang kanilang ginagamit.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …