BIGO si Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV na maisalang agad sa imbestigasyon ang mga opisyal ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) kaugnay ng kuwestiyonableng P647.11 milyong gastos para sa information caravan ng ASEAN 2017 Committee on Media Affairs and Strategic Communications (CMASC). READ: KAHIT NAGBITIW SI PUYAT, PROBE SA P647.11-M ‘GASTOS’ NG PCOO SA CMASC ASEAN 2017 TULOY — TRILLANES Kahit …
Read More »Angara inihimlay
INIHATID na sa kanyang huling hantungan si dating Senador Edgardo Angara sa loob ng kanilang compound sa Brgy. Reserva, Baler, Aurora kahapon. Pumanaw ang dating Senate President sa edad na 83 noong 13 Mayo. Ayon sa anak na si Senador Sonny Angara, ipinagmamalaki niya ang kanyang ama sa mga nagawang batas na kinabibilangan ng Free School Act, Senior Citizen’s Act …
Read More »Traffic enforcer patay sa salpok ng bus (3 sugatan)
BINAWIAN ng buhay ang isang traffic enforcer makaraan masalpok ng isang provincial bus habang nag-aayos ng traffic cones sa Skyway sa Amorsolo Ext., Makati City, kahapon ng umaga. Isinugod sa Makati Medical Center ang biktimang si Maynard Joel Tolentino, nasa hustong gulang, nakatalaga sa Skyway Corporation, ngunit nalagutan ng hininga sanhi ng matinding pinsala sa katawan. Samantala, hindi na binanggit ng …
Read More »Lasing na kasambahay nalunod sa pool
NALUNOD ang isang kasambahay sa swimming pool dahil sa matinding kalasingan habang naliligo kasama ang pamilya ng kanyang amo sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Hindi umabot nang buhay sa Manila Central University Hospital ang biktimang si Mailin Castillo, 24, stay-in housemaid sa Cadorniga St., Brgy. NBBS, Navotas City. Base sa imbestigasyon nina PO3 Julius Mabasa at PO2 Jose Romeo …
Read More »Sariling bahay sinilaban ng adik (Gustong mamatay)
ARESTADO ang isang lalaking hinihinalang adik sa ilegal na droga makaraan silaban ang kanyang bahay ngunit nadamay ang bahay ng 24 pamilya sa Navotas City, kamakakalawa ng gabi. Kinilala ang suspek na si Vergel Valera, 34, residente sa Isda St., Brgy. North Bay Boulevard North, nahaharap sa kasong arson. Batay sa ulat ni arson investigator FO2 Arbie Locahin, dakong 6:30 pm …
Read More »School principal, 1 pa patay sa karambola ng 4 sasakyan (Sa Camarines Sur)
LIBMANAN, Camarines Sur – Dalawa ang patay habang 11 ang sugatan nang magkarambola ang apat sasakyan sa bayang ito, nitong madaling-araw ng Martes. Sa imbestigasyon ng pulis, nag-overtake ang isang Toyota Avanza na papuntang Naga sa Ford Everest ngunit nakasalubong nito ang Tripolds Bus papuntang Maynila. Isang truck ang nadamay sa karambola ngunit walang nasaktan sa mga sakay nito. Pagkabig …
Read More »2 lola patay sa araro ng kotse (Sa Kennon Road)
DALAWANG lola ang namatay makaraan ararohin ng isang kotse habang nag-aabang ng pampasaherong jeep sa Kennon Road, Baguio City, bandang 6:00 ng umaga nitong Martes. Ayon sa mga saksi sa insidente, naghihintay ng pampasaherong jeep sa gilid ng kalsada sina Rosaline Alberto, 61, at Sioning Pimiliw, 64, nang biglang sagasaan ng rumaragasang kotse. Kasama ni Alberto ang kaniyang dalawang anak …
Read More »NHA ‘binomba’ ni Legarda (Sa bulok na ‘pabahay’)
NAIS ni Senadora Loren Legarda na panagutin ang mga opisyal at mga kontraktor ng National Housing Authority (NHA) dahil sa hindi ligtas at substandard na estruktura ng mga proyektong pabahay. Ayon kay Legarda, sapat na pondo ang ipinagkakaloob ng pamahalaan para matiyak na magkaroon nang maayos na pabahay para sa mga biktima ng kalamidad o sakuna at sa mga relokasyon …
Read More »Anak na bunso, 2 apo ni Digong nabakunahan ng Dengvaxia
NATURUKAN din ng Dengvaxia ang anak na bunso at dalawang apo ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi kahapon ni Special Assistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go, ang presidential daughter na si Veronica “Kitty” Duterte at dalawang anak ni dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte ay nabakunahan ng Dengvaxia, ang kontrobersiyal na anti-dengue vaccine. “May nagtanong kanina kung na-inject raw …
Read More »Sa ilalim ng TRAIN Law, Oil price ‘pag sumirit Palasyo may planong contingency
MAYROONG contingency measure ang Malacañang na handang ipatupad sakaling sumirit nang todo ang presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa. Kapag pumalo sa $80 dollars per barrel ang 3-month average na presyo ng krudo sa pandaigdigang pamilihan, sususpendehin ang excise tax na ipinapataw sa produktong petrolyo na nakasaad sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law. Sinabi ni Presidential …
Read More »Domino effect ng TRAIN babantayan
NANINIWALA si Senadora Grace Poe na dapat malaman ng publiko at ng Senado ang domino effect nang ipinatutupad na Tax Reform on Acceleration and Inclusion ( TRAIN) law sa public services. Ayon kay Poe, nakatanggap siya ng reklamo sa mga residente ng Iloilo hinggil sa sobrang taas ng singil sa koryente dahil aniya sa epekto ng TRAIN law. Bukod dito, …
Read More »2 OFWs patay sa sunog sa Saudi Arabia
NAMATAY ang dalawang overseas Filipino workers (OFWs) sa Saudi Arabia nang masunog ang kanilang tinutuluyan, ayon sa opisyal ng Philippine Consulate General sa Jeddah. Sinabi ni Consul General Edgar Badajos, naganap ang sunog dakong 10:00 pm sa Najran province, isang probinsiya sa Western Region ng Saudi Arabia. Sinabi ni Badajos, nagpadala na sila ng team sa lugar ng insidente para …
Read More »Holdaper todas sa shootout
PATAY ang isang hinihinalang miyembro ng robbery hold-up group nang makipagbarilan sa mga pulis sa isang checkpoint sa Caloocan City, kahapon ng madaling-araw. Ayon sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), National Capital Region (NCR) sa pangunguna ni Chief Insp. Michael John Villanueva, na may plano ang Epoy robbery hold-up group na …
Read More »Dalagita naatrasan ng payloader, DOA sa ospital
ILOCOS NORTE – Nalagutan ng hininga ang isang 15-anyos dalagita nang maatrasan ng payloader sa Brgy. Lanao, sa bayan ng Bangui, ayon sa naantalang ulat ng pulisya kahapon. Batay sa imbestigasyon, nakaangkas noong Biyernes ang biktima sa motorsiklo na minamaneho ng kaniyang 17-anyos kuya nang umatras ang payloader. “Nagmo-move backward ang payloader at sinubukang iwasan ito ng motor na nasa …
Read More »Human error sa flyover collapse — DPWH chief
INIHAYAG ni Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar, na human error ang sanhi ng pagguho ng flyover sa Imus, Cavite. Paliwanag ni Villar, ayon sa inisyal na imbestigasyon, nagkaroon ng pagkakamali sa panig ng operator sa pagkakabit ng huling girder sa concrete beam sa flyover na nagresulta sa pagguho nito. “Base sa preliminary findings namin, human error …
Read More »Ex-boxing champ kalaboso sa shabu
SWAK sa kulungan ang isang dating boksingerong kampeon makaraan mahulihan ng ilegal na droga sa buy-bust operation sa Trece Martires, Cavite, kamakalawa. Ayon sa ulat ng pulisya, nakompiskahan ng mga awtoridad ng dalawang pakete ng hinihinalang shabu, at P200 buy-bust money ang dating WBC Flyweight Division champion na si Randy Mangubat. Umamin si Mangubat na nauwi siya sa pagtutulak ng …
Read More »Sotto in, Koko out (Sa Senado)
INIHALAL na si Senador Vicente “Tito” Sotto III bilang bagong Senate President o pinuno ng Senado kapalit ni Senate President Koko Pimentel. Mismong si Pimentel ang nag-nominate kay Sotto para sa posisyon ng Senate President na papalit sa kanyang puwesto. Magugunitang bago ang palitan sa pagitan nina Sotto at Pimentel ay nabunyag na mayroong isang resolusyon na nilagdaan ng 15 senador …
Read More »DOTr asec sinibak ni Digong
SINIBAK ni Pangulong Rodrigo Duterte si Department of Transportation Assistant Secretary Mark Tolentino dahil sa pakikipag-usap sa presidential sister kaugnay ng Mindanao railway project. Sa press briefing , sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang pakikipag-usap sa isang malapit na kamag-anak ni Pangulong Duterte ang naging dahilan ng pagsibak kay Tolentino. Ani Roque, ang pakikipag-usap sa sinomang kamag-anak ng Pangulo na …
Read More »Montano nag-resign
TINANGGAP na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw ni Cesar Montano bilang Chief Operating Officer ng Tourism Promotions Board. Kinompirma ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go na sa kanyang tanggapan ipinadala ni Montano ang resignation letter at agad na tinanggap ito ng Pangulo kahapon. “I am truly grateful for the trust and the opportunity you have bestowed …
Read More »‘Judiciary fixer’ inilaglag ng Palasyo (Stepfather ng kontrobersiyal na apong debutante)
NAGBABALA ang Palasyo sa publiko, lalo sa judges at justices na mag-ingat sa “judiciary fixer” na asawa ng dating manugang ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sa press briefing sa Palasyo kahapon, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na walang kinalaman ang Unang Pamilya sa ginawang pag-iikot ng asawa ng dating manugang ng Pangulo sa mga hukuman para mag-impluwensiya sa mga kaso. “Now …
Read More »Mag-ama sugatan sa atake ng buwaya (Sa Palawan)
KAPWA sugatan ang mag-ama makaraan atakehin ng buwaya sa Balabac, Palawan, nitong Sabado ng hapon. Ayon sa ulat ng pulisya, inaayos ni Karik Buara, 15-anyos, ang kanilang bangka malapit sa dalampasigan ng Brgy. Salang nang sagpangin siya ng isang malaking buwaya. Narinig ng ina ni Karik ang pagsigaw niya ng saklolo kaya agad tinungo ang ama ng binatilyo na si …
Read More »P3.5-M shabu nasabat sa Cebu
CEBU CITY– Umaabot sa P3.5 milyon halaga ng hinihinalang ilegal na droga ang nasabat sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. Labangon sa lungsod na ito, nitong Sabado ng gabi. Nakompiska sa operasyon ang malalaking pakete ng hinihinalang shabu na 300 grams ang timbang, ayon kay Supt. Glenn Mayam ng Philippine National Police Drug Enforcement Group. Habang nakatakas ang target ng …
Read More »Itinatayong flyover gumuho (Sa Imus, Cavite)
GUMUHO ang gitnang bahagi ng itinatayong flyover sa Imus, Cavite nang mawala sa balanse ang isa sa ikinakabit na support beam, dakong 11:45 pm nitong Sabado. Nagkalat ang tipak-tipak na mga semento at iba pang materyales sa Emilio Aguinaldo Highway nang gumuho ang gitnang bahagi ng itinatayong flyover. Masuwerteng walang naitalang nasugatan sa insidente ngunit nadaganan ng gumuhong beams ang …
Read More »Impeachment vs Sereno ‘wag ibasura — solon
TINAWAG na karuwagan ang planong huwag nang ituloy ang impeachment proceeding laban kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Pahayag ito ni Akbayan Party-list Rep. Tom Villarin hinggil sa plano ni House Justice Committee Chairman Reynaldo Umali na ihinto ang nasabing proceeding ngayong pinatalsik na ng Supreme Court ang punong mahistrado na puwedeng magdulot ng constitutional crisis. Ayon sa mambabatas, …
Read More »2 La Union top cops sinibak sa Eriguel slay
SINIBAK ng Philippine National Police ang provincial director ng La Union gayondin ang police chief ng bayan ng Agoo nitong Sabado, upang bigyang daan ang mga bagong opisyal na hahawak sa imbestigasyon hinggil sa pagpaslang kay dating Rep. Eufranio “Franny” Eriguel. Sina C/Insp. Alfredo Padilla, Jr., hepe ng Agoo Police, at La Union Provincial Police Office head, S/Supt. Genaro Sapiera …
Read More »