NAGPALIWANAG kay National Capital Region Police Office (NCRPO) director, C/Supt. Guillermo Eleazar ang sinibak na hepe ng CCP Complex Police Community Precinct (PCP) 1 kaugnay sa kanyang pagtakas mula sa kanyang tanggapan sa isinagawang sorpresang inspeksiyon sa Pasay City, nitong Lunes ng madaling araw. Tinanggal si Chief Inspector Allan Estrada nang hindi makita at makontak nang mag-inspeksyon sa PCP-1 sa CCP Complex sa …
Read More »Barangay execs aarmasan ni Digong
IKINOKONSIDERA ni Pangulong Rodrigo Duterte na armasan na rin ang mga kapitan ng barangay sa buong bansa. Sinabi ito ng Pangulo sa harap ng mahigit 2,800 bagong halal na chairman ng barangay sa Region 3 na nanumpa sa kanya kahapon sa Clarkfield, Pampanga. Ang plano ng Pangulo ay base sa gitna ng dumaraming bilang ng mga opisyal ng barangay na namamatay sa pagtupad ng tungkulin kaugnay ng kampanya kontra ilegal na droga. Ayon sa Pangulo, …
Read More »Ika-120 taon ng araw ng kalayaan ginunita
GINUNITA ang ika-120 anibersaryo ng Kalayaan na may temang “Pagbabagong Ipinaglaban, Alay sa Masaganang Kinabukasan” sa bantayog ni Gat Andres Bonifacio sa Monumento Circle, Caloocan City, kahapon ng umaga. Pinangunahan nina Mayor Oscar Malapitan, 1st District Cong. Along Malapitan, 2nd District Cong. Egay Erece, Vice Mayor Maca Asistio III, Caloocan Police chief, S/Supt. Restituto Arcanghel at Danny Lim, chairman ng Metro Manila …
Read More »Duterte binulaga ng lightning rally sa Cavite
HINDI natinag si Pangulong Rodrigo Duterte sa lightning rally na isinagawa ng may sampung aktibista sa harap niya bago magtalumpati sa 120th Independence Day sa Kawit, Cavite kahapon ng umaga. “Hayaan mo lang. It’s a freedom of speech. You can have it. Okay lang. I will understand,” ani Duterte habang hinihila palayo ng mga pulis at mga kagawad ng Presidential …
Read More »VP Leni: Tindig na mas matibay kailangan sa West PH Sea
MARIING inihayag ni Vice President Leni Robredo ang pangangailangan na maigting na maisaboses ang mga kaganapan sa West Philippine Sea, ang teritoryong pinipilit angkinin ng China. Sa kaniyang talumpati sa isang forum sa University of the Philippines-Diliman nitong Lunes, muling idiniin ni Robredo na kailangang mas pagtibayin ng pamahalaan ang paninindigan para sa ating mga teritoryo, dahil apektado ang lahat …
Read More »Pasay CCP-PCP1 chief sinibak ni Eleazar
INALIS ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director, Chief Supt. Guillermo Eleazar sa puwesto ang hepe ng isang Police Community Precinct (PCP-1) sa Pasay City. Ito ay makaraan ang sorpresang inspeksiyon ng NCRPO chief sa tanggapan si Chief Inspector Allan Estrada, hepe ng CCP Complex PCP-1 ng Pasay City Police kahapon ng madaling araw, ngunit hindi siya natagpuan sa kanyang …
Read More »No drug test, no driving policy
KAILANGAN sumailalim sa drug test ang mga tsuper ng bus bago sumabak sa long trip o mahahabang biyahe. Ito ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte bunsod ng naitalang mga trahedya sa kalsada kamakailan. Ani Duterte, lumang tugtugin na ang alibi na nawalan ng preno kaya’t nakaaksidente ang isang bus driver kaya ang kailangan ipatupad ang “no drug test, no driving policy” …
Read More »500 Pinoy nurses wanted sa Germany — POEA
NAGHAHANAP ang European country ng daan-daang nurses para punuan ang bakanteng posisyon sa kanilang healthcare industry, ayon kay POEA administrator Bernard Olalia. “Nagkukulang po kasi ang kanilang healthcare workers,” ani Olalia. Aniya, ang interesadong nurses ay maaaring mag-apply sa pamamagitan ng POEA website o sa accredited private recruitment agencies. Ang assistant nurses, o ang mga hindi pa pumapasa Sa Germany’s …
Read More »Kaso vs responsable sa NCCC mall fire kasado na — DILG
READ: Imbestigasyon sa NCCC matutulad lang sa RWM MAY rekomendasyon na ang Department of the Interior and Local Government (DILG) kung sino ang dapat kasuhan sa pagkasunog ng NCCC Mall sa Davao City noong 27 Disyembre 2017. Kabilang sa mahaharap sa kasong kriminal at administratibo ang NCCC management at contractor ng NCCC building, ilang mga opisyal at tauhan ng Bureau …
Read More »Barangay execs sisibakin — Duterte
NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte na sususpendehin o tatanggalin sa puwesto ang barangay officials na may mataas na drug-related crimes sa kanilang komunidad. Sinabi ng Pangulo, kailangan magpaliwanag ang barangay chairman kay Department of Interior and Local Government (DILG) officer-in-charge Eduardo Año kapag nanatiling talamak pa rin ang illegal drugs at krimen sa kanilang pamayanan. “If there are many drug …
Read More »Chief fiscal sibak din sa Okada case
READ: Hamon kay Guevarra : Chief fiscal sibakin sa $10-M Okada estafa cases READ: Fiscal sibak sa US$10-M Okada estafa cases READ: ‘Whitewash’ sa Okada case leakage pinalagan READ: Piskal lagot sa DOJ (Sa leak ng ‘lover’ ni Okada) READ: Piskal ipinahamak ng ‘lover’ ni Okada NASIBAK sa US$10-milyong estafa cases laban kay Japanese gaming tycoon Kazuo Okada ang chief …
Read More »Pari itinumba sa simbahan
READ: 72-anyos pari itinumba sa Nueva Ecija READ: PNP nagbuo ng special team (Para sa pinaslang na pari) READ: Pari itinumba sa harap ng altar (Pagkatapos magmisa) READ: Palasyo ‘tahimik’ (Sa pagpatay sa isang pari matapos siyang magmisa) PINAGBABARIL ang isang pari sa Nueva Ecija sa loob mismo ng simbahan matapos siyang magmisa kagabi. Batay sa inisya na ulat, pumasok …
Read More »Rep. Nograles dapat nang kalusin — TNVS drivers
TULUYAN nang napundi ang libo-libong TNVS drivers kay PBA Party List Koko Nograles dahil sa sinabing patuloy na panggigipit ng mambabatas sa kanila. Kung dati ay tikom-bibig ang TNVS drivers, ngayon ay inihayag ng TNVS driver leaders na isusulong nila ang demanda laban kay Nograles na siya umanong dahilan kung bakit nagkakawindang-windang ang kanilang kabuhayan. “Dalawang buwan nang wala ‘yang P2 …
Read More »Chief fiscal sibakin sa $10-M Okada estafa cases
READ: Fiscal sibak sa US$10-M Okada estafa cases READ: ‘Whitewash’ sa Okada case leakage pinalagan READ: Piskal lagot sa DOJ (Sa leak ng ‘lover’ ni Okada) READ: Piskal ipinahamak ng ‘lover’ ni Okada HINAHAMON si Justice Secretary Menardo Guevarra na panindigan ang kanyang pangako na ibabalik niya ang tiwala ng publiko sa justice system sa pamamagitan ng pagsibak sa mga …
Read More »Duterte inatake ng migraine
TINIYAK ng Palasyo na maayos ang kalagayan ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte. Pahayag ito ng Malacañang matapos ibunyag ng Pangulo na nagsusuka siya sa eroplano bunsod ng migraine habang nasa biyahe mula sa tatlong araw na official visit sa South Korea pabalik ng Filipinas noong Martes ng gabi. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, walang dapat na ipag-alala ang …
Read More »8 Israelis, 482 Pinoys timbog sa Pampanga
ARESTADO sa mga operatiba ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group ang walong Israeli at 482 Filipino sa Clark Freeport Zone sa Angeles City, Pampanga dahil sa umano’y panloloko ng multi-milyong dolyar sa mga biktima sa online stock trading scam. Ang walong Israeli, at 232 lalaki at 242 babaeng Filipino ay nadakip sa sabay-sabay na operasyon nitong Martes ng umaga sa …
Read More »13 Nigerian tiklo sa ‘love scam’
ARESTADO ang 13 Nigerians na sangkot sa “love scam” na binibiktima ang mga Filipina sa Facebook at dating sites, sa pagsalakay ng mga awtoridad sa Imus, Cavite, kamakalawa. Ayon sa ulat, pinasok ng Imus Police ang bahay ng target ng kanilang operasyon, agad pinadapa at pinosasan ang mga dinatnang Nigerian nationals na ang ilan, natutulog pa sa kuwarto. Nagtangka pang …
Read More »Tapyas sa singil inianunsiyo ng Meralco
INIANUNSIYO ng Meralco nitong Huwebes ang kanilang bawas-singil sa presyo ng koryente ngayong Hunyo. Ayon sa Meralco, tatapyasan ng P0.15 kada kilowatt hour (kWh) ang singil sa koryente bunsod ng pagbaba sa presyo ng generation at transmission charges. Anila, posibleng umabot sa P25 ang makakaltas sa bill ng bahay na kumukonsumo ng 200kWh. Nauna nang nagbawas-singil ang Meralco noong Mayo.
Read More »Lolo napisak sa natumbang puno sa GenSan
GENERAL SANTOS CITY, South Cotabato – Binawian ng buhay ang isang 59-anyos lalaki makaraan mabagsakan ng puno ng Balete sa Brgy. San sa lungsod na ito, nitong Miyerkoles ng hapon. Nagbibisikleta ang biktimang si Rogelio Tomis nang tiyempong natumba ang puno dahil sa malakas na hangin at nabuwal sa matanda, ayon sa ilang residente. Idineklarang dead on arrival sa ospital …
Read More »10-taon kulong vs Intramuros ex-administrator (Sa anomalous property lease)
HINATULAN ng Sandiganbayan si dating Intramuros Administration chief Dominador Ferrer Jr., ng anim hanggang sampung taon kulong dahil sa maanomalyang pag-lease sa dalawang government properties ng pribadong kompanya noong 1998. Si Ferrer ay napatunayang guilty sa pagkakaloob ng “unwarranted benefits” sa Offshore Construction and Development Company (OCDC) para sa lease contracts nito sa Baluarte de San Andres at Baluarte de …
Read More »Diyarista itinumba sa Davao Del Norte
PATAY ang isang mamamahayag makaraan pagbabarilin sa Panabo City, Davao del Norte, nitong Huwebes. Kinilala ng mga awtoridad ang biktimang si Dennis Denora, isang diyarista sa Panabo City. Sa inisyal na imbestigasyon, nasa sasakyan si Denora sa kasama ang kanyang driver, nang lapitan at barilin ng hindi pa kilalang mga suspek na nakasakay sa motorsiklo. Patuloy ang imbestigasyon ng mga …
Read More »2 dalagitang hipag niluray ng bagets
ZAMBOANGA CITY – Inaresto ng pulisya ang isang 17-anyos lalaki makaraan gahasain ang kaniyang dalawang hipag na kapwa menor de edad sa lungsod na ito, nitong Miyerkoles ng gabi. Ayon sa ina ng mga dalagita, naiwan sa kanilang bahay ang binatilyo at mga biktimang edad 13 at 16 dahil may inasikaso siya sa banko kasama ang isa pa niyang anak …
Read More »3 tiklo sa shabu session sa Pasay
HULI sa aktong bumabatak umano ng ilegal na droga ang isang lalaki at dalawang babae sa isang bahay sa Pasay City, nitong Miyerkoles ng gabi. Nakapiit ngayon sa detention cell ng pulisya ang mga suspek na sina Ramon Robillos, Ritchel Telen at Joan Prias, pawang nasa hustong gulang, at nakatira sa Brgy. 75, Pasay City. Base sa ulat na ipinarating …
Read More »Jeepney terminal ginawang drug den, 2 timbog
ARESTADO ang dalawang lalaki makaraan isumbong ng guwardiya sa himpilan ng pulisya habang bumabatak ng hinihinalang shabu sa terminal ng jeep sa Makati City, kahapon ng umaga. Kinilala ang mga suspek na sina Jofrey Siroy, 52, at Francis Gallos, 26, kapwa residente sa Batangas St., Brgy. Pio del Pilar sa nasabing lungsod. Ayon sa ulat ng pulisya, nakatanggap sila ng …
Read More »‘Pag pumalag vs China, kudeta vs Duterte
NANINIWALA si Pangulong Rodrigo Duterte na patatalsikin siya ng pulisya’t militar kapag isinabak niya ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa digmaan kontra China sa agawan sa teritoryo sa West Philippine Sea (WPS). Sa press conference sa NAIA Terminal 2 sa kanyang pagdating mula sa 3-day official visit sa South Korea, inihayag ng Pangulo, …
Read More »