Sunday , July 20 2025

All systems go for MORE power — ERC

TAPOS na ang pro­blema sa supply ng koryente sa Iloilo City at makaaasa ang libo-libong residential, com­mercial at industrial power users ng tuloy tuloy na serbisyo mula sa bagong Distribution Utility na More Electric and Power Corp., (MORE Power).

Sa isang statement na ipinalabas ng Energy Regulatory Commission (ERC) sinabi ni Chair­person Agnes Deva­nadera, tuluyan nang natuldukan ang isyu sa pagitan ng More Power at Panay Electric Co. (PECO), kinikilala umano ng ahensiya ang More Power bilang distribution utility sa Iloilo City na may lehitimong legislative franchise na inisyu ng Kongreso at may hawak ng Certificate of Public Convenience and Necessity (CPCN) na aprobado ng ERC.

“With the ERC’s issuance of a Provisional Authority to MORE, it is clear that MORE is the bona fide and legitimate distribution utility in Iloilo City,” nakasaad sa statement ni Devana­dera.

Ani Devanadera, wala nang karapatan ang PECO na mag-operate sa Iloilo City matapos kanselahin ng ERC ang provisional CPCN na ibinigay nito noong 18 Enero 2019.

Ang provisional CPCN ay inisyu ng ERC sa PECO nang hindi mai-renew ang kanilang prankisa, layon lamang ng provisional permit na maging maayos ang transition period o paglilipat ng operasyon ng PECO.

Ngayong tapos na ang transition process at full takeover na ng MORE Power ang distribution system ay wala na rin papel ang PECO sa operasyon ng koryente sa lalawigan.

“The Commission issued the Provisional Authority to protect consumer’s interest by ensuring uninterrupted electric service to consumers in Iloilo City and prevent chaos and confusion among said customers as to who is authorized to operate the distribution system in the area,” paglilinaw ni Devanadera.

Nitong 5 Marso 2020, ipinalabas ng ERC ang CPCN ng MORE Power bilang umpisa ng monthly billing ng mga consumer para roon na rin sila magbayad ng distribution charges.

Sa panig ng MORE Power sinabi ng kanilang President at Chief Operating Officer (COO) na si Roel Castro, umaasa sila ng maayos na takeover ng kompa­nya sa Iloilo City, sa mga kritiko nito ay mainam umano na tignan ang batas at desisyon ng ERC sa usapin.

“We strongly urge the consumers to visit the ERC website to check if who is the legitimate distribution utility for the city,” ani Castro.

Nangako si Castro na mas magandang ser­bisyo ang naghihintay sa mga consumer dahil sa ipatu­tupad nilang moder­nization at pag­papalit ng mga lumang distribution lines at equipment sa buong Iloilo.

“We promise to light up the streets of the city with an efficient and professional staff dedicated to be good com­munity partners of Ilonggos,” dagdag ng opisyal.

Sa ilalim ng prankisa ng MORE Power, mayroon silang 25 taon para mag-supply ng koryente sa Iloilo City habang winakasan ang 95-taon operasyon ng PECO kasunod ng mga reklamo sa serbisyo nito mula sa palpak na cus­tomer service hanggang sa mahal na singil, palagiang blackout at pagkasunog ng mga electric poles na banta sa seguridad sa buong la­la­wigan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Nursing Home Senior CItizen

Maling akala vs panukalang “Parents Welfare Act” klinaro

NAIS itama ni Senador Panfilo “Ping” Lacson ang ilang maling akala at malisyosong paratang ng …

071825 Hataw Frontpage

Legal adoption at anti-human trafficking nais palakasin
‘BABIES FOR SALE’ ONLINE ISASALANG SA SENADO

ni Niño Aclan “BABIES are not commodities.” Binigyang-diin ito ni Senadora Pia  Cayetano kasabay ng …

Antonio Carpio SC Supreme Court

Dahil sa pagiging co-equal branch of government
SC PINAALALAHANAN NI CARPIO SA PAG-USIG vs MAMBABATAS

PINAGHIHINAY-HINAY ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio ang Korte Suprema kaugnay sa pagkuwestiyon …

Huli sa aktong pagkatay sa sinikwat na motorsiklo lalaki sa Bulacan tiklo

Huli sa aktong pagkatay sa sinikwat na motorsiklo, lalaki sa Bulacan tiklo

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking pinaniniwalaang kabilang sa grupo ng agaw-motorsiklo sa lungsod …

Batangas Money

Batangas SP nananawagan ng pagkakaisa para sa sesyon

NANANAWAGAN ng pagkakaisa ang mga board members at lupon ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Batangas …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *