Thursday , June 4 2026

Kois negative sa COVID-19

NEGATIBO ang resulta ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 si Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso matapos ang ilang araw nitong official business trip sa United Kingdom.

Sa abiso ng Manila Public Information Office, lumabas ang resulta ng lab test ng alkalde kaha­pon ng tanghali 15 Marso.

Bukod kay Isko, negatibo rin ang kanyang chief of staff na si Cesar Chavez na kasama rin sa kanilang biyahe sa London, UK.

Ayon kay Chavez, dumating sila sa Maynila, 11 Marso ng gabi at agad silang nagpa-self quarantine at sumailalim sa test upang matiyak ang kanilang kalusugan laban sa COVID-19.

Aniya, tumagal ang kanilang self quarantine na namalagi lamang sa kani-kanilang opisina mula 11 Marso hanggang 15 Marso.

Samantala, sinabi ni Manila PIO chief Julius Leonen, ngayon lamang siya sasailalim sa test. Si Leonen ay kasama rin sa UK trip ng alkalde. (VV)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …