PATAY ang isang 4-anyos totoy nang hindi makalabas sa nasusunog nilang tahanan sa North Fairview, Quezon City, kamakalawa ng gabi. Ang biktima ay kinilalang si Elixer Jumalon, nakatira sa No. 24 Boulevard St., Brgy. North Fairview, Quezon City. Sa imbestigasyon ng Quezon City Bureau of Fire Protection, ang sunog ay sumiklab dakong 9:39 pm na nagtagal nang mahigit isang oras …
Read More »Mag-utol na sangkot sa ilegal na droga itinangging tauhan ng Parañaque mayor
ITINANGGI ni Parañaque city mayor Edwin Olivarez, na personal niyang bodyguard ang nahuling magkapatid sa isang operasyon ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) na sinabing sangkot sa ilegal na droga kamakailan. Matatandaang ikinasa ng NCRPO sa pangunguna ni NCRPO chief Director Guillermo Eleazar ang operasyon laban sa magkapatid na kinilalang sina Salah at Salman Mohamad, residente sa Ninoy Aquino Ave., …
Read More »Duterte dumalaw sa puntod ng ina
DINALAW ni Pangulong Rodrigo Duterte ang puntod ng kanyang ina sa Davao Public and Roman Catholic Cemetery kamakalawa ng gabi. Ang pagbisita ay kaugnay ng ika-pitong taong paggunita sa death anniversary ni Nanay Soledad “Nanay Soling” Roa Duterte na pumanaw noong 2012. Ayon kay dating Special Assistant to the President Christopher Lawrence “ Bong” Go, 11:00 pm sila dumating ng Pangulo …
Read More »Comelec handa na sa 2nd round ng BOL plebiscite
HANDA ang Commission on Elections (Comelec) sa pamamahagi ng mga election paraphernalia para sa ikalawang bahagi ng plebisito ng Bangsamoro Organic Law (BOL). Sinabi ni Dir. Frances Arabe, Special Monitoring Team Over-all Head, lahat ng election form at mga kagamitan para sa plebisito ngayong araw (6 Pebrero ) sa Lanao del Norte at North Cotabato ay nasuri na kung kompleto …
Read More »14 rape case isinampa vs 18-anyos kelot (13-anyos ilang ulit ginahasa)
SINAMPAHAN ng 14 bilang ng kasong rape at ikinulong ang isang 18-anyos na binatilyo matapos gahasain ang kanyang 13-anyos textmate. Inaresto ang suspek na sinabing no. 1 most wanted person sa Dupax del Sur, Nueva Vizcaya sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Paul Atolba ng Regional Trial Court Branch 30 sa Bambang, Nueva Vizcaya. Ipinahayag ni …
Read More »4-anyos nene warat sa 22-anyos kapitbahay
MAAGANG napariwara ang buhay ng isang batang babae na sa musmos na gulang ay walang awang ginahasa ng hayok na kapitbahay sa Pandi, Bulacan kahapon. Kinilala ni Chief Insp. Avelino Protacio, hepe ng Pandi police, ang suspek na si Mark Jason Monilla, 22-anyos at residente sa Brgy. Cacarong, sa naturang bayan. Nabatid sa ulat, ang biktima, isang 4-anyos nene, residente …
Read More »5 patay 40 sugatan sa salpukan ng 2 bus (Sa Compostela Valley)
LIMA ang patay at mahigit 40 ang sugatan nang magbangaan ang dalawang bus sa Compostela Valley nitong Lunes ng hapon. Sa imbestigasyon ng awtoridad, biglang pumutok ang gulong ng Metro Shuttle bus at nawalan ng kontrol sa manibela ang driver, dahilan para mapunta ang bus sa kabilang linya at sumalpok sa Bachelor bus. Agad isinugod sa ospital ang mga sugatan …
Read More »Philippine Reclamation Authority (PRA) isinailalim sa pangulo
TINANGGAL sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang kontrol sa Philippine Reclamation Authority (PRA) at inalis din sa kapangyarihan ng National Economic Development Authority (NEDA) ang pag-aproba sa reclamation projects. Inilipat sa kapangyarihan ng Pangulo ng Filipinas ang kontrol at pamamahala sa PRA maging ang pagbibigay ng ‘go signal’ sa reclamation projects, batay sa Executive Order No. 74 …
Read More »Reklamasyon ng Manila Bay target ng EO74
MABILIS na reklamasyon ng Manila Bay ang tunay na pakay ng paglalabas ng Executive Order No. 74 para sa mga kaibigang negosyanteng Chinese ng Duterte administration. Ayon kay Anakpawis Rep. Ariel Casilao kasama sa mga mapapaboran ng EO 74 ay ang 265-hectare Pearl Harbor City project sa Pasay City na pagmamay-ari ng kaalyado ng pangulong si Dennis Uy. Ang Philippine …
Read More »Chinese lunar year panibagong inspirasyon sa PH at China
KAISA si Pangulong Rodrigo Duterte ng Filipino-Chinese community sa pagdiriwang ng lunar new year. Sa kaniyang mensahe, sinabi ng pangulo ang pagkakaibigan at kooperasyon na naselyohan sa pagitan ng Filipinas at China ay hindi lamang nagdulot ng malaking kaginhawaan at paglago ng ekonomiya para sa parehong bansa, kundi nagbigay din ng pagkakataon para mapangalagaan ang kakaibang kultura ng bawat isa. Hangad …
Read More »Sa ikatlong pagkakataon… Batas militar sa Mindanao walang basehan — oposisyon
WALA nang basehan ang batas militar na ipinaiiral sa Mindanao sa pangatlong pagkakataon alinusnod sa ilalim ng Saligang Batas. Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, sa petisyong inihain sa Korte Suprema kahapon, walang sapat na basehan ang pagpalawig ng batas militar sa Mindanao dahil wala namang nagaganap na rebelyon. Sinabi ni Lagman at anim pang miyembro ng oposisyon sa Kamara, …
Read More »2 patay, 800 pamilya nawalan ng bahay sa sunog sa Cainta (Kandila iniwang nakasindi ng adik?)
DALAWA ang kompirmadong patay sa tinatayang P6-milyong sunog na 800 pamilya ang nawalan ng tahanan at ngayon ay nasa covered court sa Sabuena Compound, Cainta, Rizal. Kinilala ng Cainta Fire Department ang mga biktimang namatay na sina Maria Refol Cabucas, 81 anyos, at Jhon Bell Lorenzo, 26 anyos, kapwa residente sa lugar. Sa inisyal na imbestigasyon, dakong 5:00 pm kamakalawa …
Read More »Access sa SALN malabo
HINDI klaro ang paliwanag ni House Majority Leader at Capiz congressman Fredenil Castro na mas madaling makaa-access ang publiko sa SALN ng mga mambabatas sa pinagtibay na House Resolution 2467. Ito ay ang pangangailangang maaprobahan muna ng mayorya sa plenary session nang higit 200 kongresista ang isang kahilingang maisapubliko ang SALN ng isang mambabatas. Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, …
Read More »Digong ‘asar’ sa kupad ng mga mambabatas (2019 national budget nakabitin)
DESMAYADO si Pangulong Rodrigo Duterte sa kabagalan ng mga mambabatas na maipasa ang 2019 national budget. Sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea, malaki ang magiging epekto nito para maantala ang mga proyektong pang impraestruktura ng administrasyong Duterte. Umaasa pa rin aniya ang Palasyo na gagawin ng mga mambabatas ang kanilang constitutional duties at maihabol na maipasa ang 2019 budget bago …
Read More »Sabong pasok sa GAB
ISASAILALIM na sa Games and Amusement Board ang larong sabong at iba pang electronic betting games. Inaasahang aaprobahan ito ng Kamara sa pangatlo at huling pagbasa bago mag-adjourn sa linggong ito. Kasama sa mga awtor ng bill ang napatay na si Ako Bicol party-list Rep. Rodel Batocabe at Abra Rep. Joseph Sto. Niño Bernos. Sa kasalukuyan, ang pangasiwaan ng GAB, na …
Read More »ROTC bubuhayin ng Kamara
MATAPOS burahin sa curriculum ng kolehiyo ang Reserve Officers Training Corps (ROTC) dahil sa mga katiwalian at karahasan na naganap, ibabalik itong muli ng Kamara at inaasahang iaaprub bago mag-adjourn sa 7 Pebrero 2019. Ang ibabalik na ROTC ay ipapatupad sa Grades 11 at 12 o sa senior high school. Ayon kay Batangas Rep. Raneo Abu, isa sa mga awtor …
Read More »‘Manghuhula’ nanggoyo bagsak sa hoyo
KASONG robbery extortion ang kinakaharap ng isang manghuhula matapos maaresto sa entrapment operation nang pagbantaan na mamamatay ang kanyang biniktima at kanilang pamilya sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ang suspek na si Jesusa Cabrito, 55-anyos, residente sa King Solomon St., Del Rey Ville, Camarin na nadakip ng mga elemento ng Caloocan Police Community Precinct (PCP) 5. Dakong 3:20 …
Read More »Bangkay lumutang sa Pasig river
LULUTANG-LUTANG sa ilog nang matagpuan ang bangkay ng hindi pa kilalang lalaki sa Pasig riverside Bgy. Cembo Makati City hahapon ng umaga. Natagpuan nina PO3 Jose Cinco at PO1 Jay Geronimo ng Police Community Precint (PCP) Makati na malapit sa detachment dakong 7:00 ng umaga. Inilarawan ang biktima na nakasuot ng itim na polo shirt na may stripe na kulay …
Read More »Chairwoman, driver slay, solved — QCPD
ITINUTURING ng Quezon City Police District (QCPD) na lutas na ang kaso ng pamamaslang kay Brgy. Bagong Silangan chairwoman, Crisell Beltran at sa driver niyang si Melchor Salita makaraang maaresto ang apat na suspek sa follow-up operation sa lungsod. Sa ulat ni QCPD Director, Chief Supt Joselito Esquivel, nadakip na sina Teofilo Formanes, 48 anyos, market inspector sa Commonwealth Market; at …
Read More »Ipagdasal n’yo ako… Duterte ‘pinatay’
IPAGDASAL na mapunta sa langit ang kanyang kaluluwa. Ito ang pauyam na pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kumalat na balita na siya’y pumanaw na. Tatlong video ang inilathala ng kanyang partner na si Honeylet Avancena sa kanyang Facebook account upang pabulaanan ang ulat na pumanaw na ang Pangulo. Sa ikalawang video, sinabi ng Pangulo na para sa mga naniniwala …
Read More »I love you haters! — Mar Roxas
PAGMAMAHAL na lang ang kayang isukli ni senatorial candidate Mar Roxas sa kanyang social media bashers, mga kritiko at haters. Ayon kay Roxas na dating Trade and Industry at DILG secretary, ang tingin niya sa mga kritiko ay parang mga kaibigan na lamang na nagpapaalala sa kanya na gumawa lagi nang tama at magsulong ng mga programa para sa bayan. …
Read More »P1-M shabu kompiskado 3 babaeng tulak arestado
AABOT sa mahigit P1 milyong halaga ng shabu ang nakompiska sa tatlong babaeng drug pusher sa isinagawang buy-bust operation sa Navotas City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Navotas Police deputy chief for ddministration at Station Drug Enforcement Unit (SDEU) head Chief Insp. Ilustre Mendoza ang mga naaresto na sina Christina Gitag, alyas Nene, 26-anyos; Corazon Marcos, alyas Cora, 58-anyos; at Annalyn …
Read More »2 Chinese todas sa P2-B ‘shabu’
DALAWANG Chinese nationals ang napaslang sa malaking buy-bust operation na inilunsad ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Cavite na nagresulta sa pagkakatuklas at pagkakakompiska sa dose-dosenang pakete ng white substance na pinaniniwalaang shabu sa Cavite, iniulat kahapon. Ang nakompiskang shabu ay umaabot sa 274 kilo at tinatantiyang nasa P1.9 bilyones ang street value. Sa ulat, sinabing ang mga operatiba …
Read More »Pinay DH pinugutan sa Saudi
NAPUGUTAN ang isang 39-anyos Pinay domestic helper matapos hatulan ng kamatayan nitong Martes sa Saudi Arabia dahil sa kasong murder, ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Elmer Cato, kahapon. Nagpaabot ang DFA ng pakikiramay sa pamilya ng Pinay matapos hatulan ng kamatayan ng Saudi Supreme Judicial Council. Tumanggi si Cato na magbigay ng karagdagang detalye sa pagkakakilanlan ng …
Read More »NDF peace talks consultant pinaslang sa bus
BINARIL ang peace talks consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) habang natutulog sa sinasakyang bus sa Nueva Vizcaya kahapon ng madaling araw. Agad namatay matapos barilin si NDFP (NDFP) peace consultant Randy Felix P. Malayao habang nasa bus stop ang sinasakyan. Ayon sa ilang saksi, sumakay ang suspek, saka nilapitan at binaril si Malayao na agad niyang …
Read More »