HINIMOK ni Magdalo Rep. Gary Alejano na harapin ang isyung isiniwalat ng dating opisyal ng Philippine National Police – Drug Enforcement Group na si Eduardo Acierto imbes atakehin at ibintang sa oposisyon. Ayon kay Alejano, libo-libo na ang namatay sa war on drugs ng pangulo at dapat nang maimbestigahan. “Address the issue head on instead of brushing it aside and …
Read More »Kongresista sa Napoles list muling ilabas
MATUNOG na naman sa mga balita ngayon ang pangalan ni Janet Lim-Napoles, na binansagang “Pork Barrel Queen” na inakusahang kumurakot sa P10 bilyong halaga ng pondo ng taongbayan, kasama ang mga kasabwat na senador at kongresista. Naungkat itong muli nang magpahayag ng opinyon si Patricia Moreira, managing director ng Transparency International, isang pandaigdigang organisasyong sumusuri ng pananaw ng mga tao …
Read More »Dinismis ng piskalya… Suspek sa Silawan ‘murder’ hulihin — Digong
IPINAAARESTO muli ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suspe sa pagpatay kay Christine Silawan na pinalaya ng piskalya. Sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa Koronadal, South Cotabato kamakalawa ng gabi na tinawagan niya ang fiscal sa Cebu City na nagpasya na pakawalan ang suspek sa pagpatay sa dalagitang binalatan ang mukha. Ayon sa Pangulo, binigyang diin niya sa fiscal na dapat …
Read More »Mananalo pa rin si Mar Roxas — Pres. Duterte
NANINIWALA si Pangulong Rody Duterte na mananalo si Mar Roxas bilang senador sa paparating na eleksiyon. Bagama’t makailang ulit nang binira ng Pangulo sa kampanya ng Hugpong ng Pagbabago sa Cagayan de Oro, sinabi niyang malaki pa rin ang tsansa ni Roxas na makapasok sa magic 12. Ayon kay Pangulong Duterte, ang apelyidong Roxas ang magiging dahilan para iboto pa …
Read More »Water impounding Facilities kailangan — Manicad
NANAWAGAN si broadcast journalist at kandidato para sa Senado na si Jiggy Manicad sa pamahalaang Duterte na magpatayo ng maraming water impounding facilities o imbakan ng tubig para sa mga sakahan habang may krisis sa tubig sa bansa. Ani Manicad, ang mga water impounding facilities ay subok na sa pagpaparami ng naaani at sa pag-ayuda sa mga magsasaka tuwing tagtuyot. …
Read More »Grace Poe ‘most trusted’ senatorial bet
MULING nanguna si reelectionist Senator Grace Poe sa isang independent/non-commissioned survey na isinagawa ng isang polling firm sa bansa. Sa survey ng Publicus Asia Inc., noong 16-17 Marso sa 1,800 registered voter sa Metro Manila na ginawa sa pamamagitan ng face-to-face interview, lumalabas na si Poe ang may pinakamataas na voting preference o 72.56% at trust rating na 80.22%. Pumangalawa …
Read More »31 artista sa narco-list ilantad at kasuhan
DAPAT ilantad at kasuhan ng mga awtoridad ang 31 artista na nasa narco-list ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kung may sapat na ebidensiyang magsasangkot sa kanila sa illegal drugs. Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang pagsasapubliko ng mga pangalan sa nasabing narco-list ay dapat munang ipagpaalam kay Pangulong Rodrigo Duterte. Tiniyak ni Panelo na hindi makikialam ang Palasyo …
Read More »Kontrata ni Yang bilang economic adviser tapos na — Medialdea
HINDI na economic adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kontrobersiyal na Chinese businessman na si Michael Yang. Inihayag kahapon ni Executive Secretary Salvador Medialdea na nagtapos ang kontrata ni Yang bilang economic adviser noong 31 Disyembre 2018. “Michael Yang’s One Peso per annum contract expired on December 31, 2018,” ani Medialdea sa text message sa mga reporter. Si Yang ay …
Read More »Paratang ni Acierto dapat imbestigahan
NANAWAGAN kahapon si Magdalo Rep. Gary Alejano na paimbestigahan ang mga alegasyon ni Eduardo Acierto laban sa Pangulong Rodrigo Duterte. Seryoso aniya ang alegasyon at dapat lamang na maimbestigahan. Si Acierto ay isang mataas na opisyal ng PNP Drug Enforcement Group. “I call on relevant local authorities and international institutions to look into this matter. This issue should not be …
Read More »Kung sangkot sa ilegal na droga… Yang ‘papatayin’ ni Digong — Panelo
‘PAPATAYIN’ ni Pangulong Rodrigo Duterte si Michael Yang kapag napatunayang sangkot sa illegal drugs. Ito ang tiniyak kahapon ni Presidential Spokesman Salvador Panelo. Sinabi ni Panelo na kilala naman nang lahat si Pangulong Duterte pagdating sa usapin ng ilegal na droga. Giit ni Panelo, simula pa man, galit na si Pangulong Duterte sa ilegal na droga kaya hindi papayag na …
Read More »Bill Waiver Plan ikinasa ng Manila Water
INIANUNSYO ngayon ng east zone concessionaire Manila Water ang plano nilang bill waiver para sa customers na labis na naapektohan ng kasalukuyang water service interruption. Ang waiver plan na ito ay alinsunod sa patuloy na hakbang na ginagawa ng kompanya upang maibalik sa normal na operasyon ang supply ng tubig. Matapos makipagkonsulta sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), ang …
Read More »163 Pinoys sa luxury cruise pinuri ng Oslo
INIHAYAG ng Department of Foreign Affairs (DFA) na umani ng papuri ang 163 Filipino crew members ng Viking Sky Cruise Ship sa ginawa nilang pagtulong sa mga pasahero, makaraang tumagilid sa gitna ng karagatan ng Norway nang tamaan ng malaking alon dahil sa sama ng panahon. Kasunod ng ginawang pagliligtas sa 436 guests ng cruise ship at 479 pasahero ng …
Read More »2 brodkaster 8 taon kulong sa cyberlibel
HINATULAN ng Regional Trial Court ng North Cotabato ng walong taong pagkakabilanggo ang dalawang radio blocktimer dahil sa kasong cyberlibel na inihain ni governor Emmylou Mendoza dahil sa malisyosong artikulo laban sa kaniya. Magugunitang binatikos ng mga radio blocktimer na sina Larry Subillaga at Eric Rodinas sa kanilang programa ang anila’y korupsiyon at pagbubulsa ng pondo ng pamahalaang panlalawigan ni …
Read More »NDF consultant misis, 1 pa arestado (May patong na P7.8-M sa ulo)
ISA pang consultant ng National Democratic Front (NDF) kasama ang kanyang asawa na mataas na opisyal din ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang inaresto sa bayan ng Liliw, sa lalawigan ng Laguna. Iniulat ng pulisya na dinakip nila si Francisco “Frank” Fernandez, 71 anyos, spokesperson ng NDF sa Negros. Pang-anim si Fernandez sa 23 miyembro ng NDF peace …
Read More »4 arestado sa droga
APAT na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang dalawang babae ang arestado sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Valenzuela City. Ayon kay Valenzuela Police chief, S/Supt. David Nicolas Poklay, unang ikinasa ng mga operatiba ng SDEU sa ilalim ng pangangasiwa ni C/Insp. Jowilouie Bilaro ang buy bust operation sa Que Grande St., Brgy. Ugong na nagresulta …
Read More »Dagdagan natin ang babae sa Senado — Grace Poe
HINILING ni Senadora Grace Poe sa sambayanang Filipino na iboto ang mga babae sa Senado upang mabalanse ang representasyon sa kalalakihan. Sa pagsasalita sa National Women’s Month Celebration sa Tagbilaran City, Bohol kamakailan, hiniling ni Poe na iboto ng sambayanan ang mga kandidatong kababaihan sa eleksiyon sa 13 Mayo 2019. “Ang lakas ng kababaihan ay lakas ng sambayanan. Ngayong Mayo, …
Read More »Fact checking sa candidates kailangan — Mayor Lim
HINIMOK ng nagbabalik na alkalde ng Maynila, Alfredo S. Lim ang mga botante sa lungsod na magsagawa ng masusing ‘fact-checking’ o pag-alam sa pagkatao ng lahat ng kandidato upang makagawa ng matalinong desisyon, kasabay ng paghayag ng suporta sa mensahe ni President Rodrigo Duterte na ‘you are what you vote (for).’ Binigyang-diin ni Lim na gaya ni Duterte, siya man ay …
Read More »Digong sapaw ni Sara sa pagpili ng speaker sa Kamara
MASASAPAWAN ni Davao City Mayor Sara Duterte ang kanyang ama sa pagpili kung sino ang magiging speaker ng Kamara sa susunod ng Kongreso. Ayon kay Buhay party-list Rep. Lito Atienza malaki ang impact ng endorsement ni Sara kompara kay Digong. Si Sara ang nagmaniobra ng pagkakatanggal kay dating Speaker Pantaleon Alvarez matapos makasagutan ang mayor. “Malaki ang impact ng endorsement …
Read More »Coco Martin saludo sa Ang Probinsyano Party-List
SUPORTADO ng award-winning na aktor na si Coco Martin ang Ang Probinsyano Party-List (AP-PL) dahil sa mga plataporma nito para sa mas magandang kinabukasan ng mga Filipino. Dahil galing sa hirap, batid ni Martin na kailangan ng mga Filipino ang mga oportunidad upang maiangat ang kanilang mga pamumuhay. Kaya naman todo ang suporta ni Martin sa AP-PL. Sa oras na …
Read More »Kagawad todas, tanod arestado sa boga’t granada (Mag-utol na taga-barangay)
WALANG buhay na bumulagta matapos makipagpalitan ng putok sa mga awtoridad ang isang barangay kagawad na sinabing notoryus na tulak ng ilegal na droga at nasa listahan ng high value target (HVT) drug personality nang Hainan ng search warrant ng pulisya, kamakalawa nang madaling araw. Sa isinumiteng ulat ni Supt. Elmer Decena, hepe ng Apalit Police, sa tanggapan ni Chief Supt. Joel Napoleon Coronel, …
Read More »Suporta sa local festivals tiniyak ng Ang Probinsyano Party-list
PANININDAGAN ng Ang Probinsyano Party-list (AP-PL) ang pagiging “festival capital” ng buong mundo ang Filipinas sa oras na maupo sa House of Representatives. Ayon sa AP-PL, araw-araw ay may piyestang ipinagdiriwang sa iba’t ibang barangay sa bansa ngunit kaunti ang kaalaman sa pinagmulan nito. Dahil dito, sinabi ni Alfred delos Santos, nominee ng AP-PL, na kabilang sa mga batas na isusulong …
Read More »Manicad nangakong gutom ay wawaksan (Coverage sa Yolanda ginunita)
SA kanyang kampanya sa Tacloban, Leyte noong Martes, nangako ang broadcast journalist at kandidato para sa Senado na si Jiggy Manicad na wawakasan ang gutom para sa mga Filipino, lalo na’t personal niyang nasaksihan ang pagdurusa ng mga taga-Leyte noong wala silang makain matapos ang bagyong Yolanda noong 2013. “Ang number one plataporma ko ay pagkain kasi nakita ko po …
Read More »2 tulak patay sa enkuwentro
NAPATAY ang dalawang tulak matapos manlaban sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa City of San Jose del Monte (CSJDM), Bulacan. Sa ulat mula kay Lt. Colonel Orlando Castil, hepe ng CSJDM police, kinilala ang isa sa mga suspek na si Johnrick Amoncio habang ang isa pa ay kasalukuyang inaalam ang pagkakakilanlan. Dahil nasa drug watch list, nagsagawa ng …
Read More »Refund sa Manila Water consumers, iginiit ni Senator Grace Poe
INIREKOMENDA ni Senadora Grace Poe na magkaroon ng refund ang Manila Water para mga consumer at kompensasyon sa local government units na nakararanas ng water crisis sa Metro Manila. “Hindi puwedeng walang kompensasyon dahil kinunsumi at inabala ang mga tao. Pansamantala, dapat tulungan ang mga barangay na wala pa ring tubig sa pamamagitan ng mas madalas na pagdadala ng water …
Read More »PSA sa Parañaque pinasok ng kawatan
PINASOK ng mga kawatan ang opisina ng Express Lane Office (ELO) ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa Parañaque City hall at tinangay ang P132,000 ang halaga ng mga gadgets, cash at iba pang gamit kamakalawa nang hapon. Sinabi ni Parañaque police chief S/Supt. Rogelio Rosales, nadiskubre ang pagnanakaw, dakong 1:00 pm nang bumalik ang mga empleyado na nakatalaga sa ELO …
Read More »