WELCOME sa Palasyo ang desisyon ng Ombudsman na sibakin at sampahan ng kasong murder ang pulis-Maynila na pumatay sa isang 23-anyos epileptic sa anti-illegal drugs operation sa Tondo, Maynila noong 2017. Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kailanma’y hindi kinokonsinti ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pang-aabuso ng mga awtoridad. “We welcome it as PRRD says his administration will not …
Read More »Magdyowang may gatas pa sa labi timbog sa P.1-M omads (Pambili ng gatas ni beybi)
KULONG ang live-in partners na kapwa menor de edad nang makompiskahan ng marijuana na nagkakahalaga ng P120,000 sa isang buy bust operation habang arestado rin ang magkapatid at isa pang binatilyo na naaktohan namang nagsasagawa ng pot session sa Quezon City, ayon sa ulat ng pulisya kahapon. Sa ulat ni P/Lt. Col. Giovanni Hycenth Caliao, hepe ng Quezon City Police District …
Read More »Grace Poe, inendoso ni Coco Martin
INENDOSO ng sikat na aktor na si Coco Martin ang kandidatura ng reeleksiyonistang si Sen. Grace Poe sa paglahok sa motorcade kasama ang panganay ng senadora na si Brian sa “Queen City of the South” nitong Linggo, 31 Marso sa mga bayan ng Dumanjug, Santander at Tuburan at Danao City. “Hinihingi ko po sana sa inyo ang suporta, dahil sa …
Read More »Utang ng PH sa China ipinabubusisi
IPINABUBUSISI ni Magdalo Rep. Gary Alejano ang mga utang ng bansa sa China. Ayon kay Alejano dapat magkaroon ng oversight committee on debt management na titingin sa mga nakabibigat na utang na pinasok ng gobyernong Duterte sa China. “While we recognize the power given to the President when it comes to incurring loans meant to spur growth and promote equity …
Read More »Fact finding investigation sa ‘Negros 14’ isinusulong
MARIING kinokondena ng iba’t ibang grupo ng mga magsasaka, human rights groups, at ng Simbahang Katoliko ang pagpatay sa 14 magsasaka sa lungsod ng Canlaon, at dalawa pang bayan ng Negros Oriental, at pinasinungalingan ang pahayag ng mga pulis na ang mga biktima ay mga rebeldeng komunista. Nanawagan ang Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA) ng hiwalay na imbestigasyon …
Read More »Tokhang-style execution… Negros 14 nanlaban — Palasyo
NANLABAN ang Negros 14 kaya napatay ng mga awtoridad sa mga lehitimong police operation sa Negros Oriental kamakalawa. Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kaugnay sa pagpaslang sa 14 katao sa Negros Oriental, walo sa kanila’y mga magsasaka, habang isinisilbi ng mga pulis ang search warrants. “It’s a legitimate police operation. Search warrants were issued by competent court, …
Read More »Memo ni Duterte sinisi ng RMP sa pagpatay sa 14 magsasaka
SINISI ng Rural Missionaries of the Philippines (RMP), ang Memorandum Circular No. 32 ni Pangulong Rodrigo Duterte na ugat ng pagpaslang sa 14 magsasaka sa Negros Oriental nitong 30 Marso. Giit ng RMP, isang organisasyon ng mga layko, pari at madre, ang pagpatay sa 14 magsasaka ay bunsod ng Memorandum Circular No. 32 ni Duterte at anila’y nagbigay-daan sa matinding militarisasyon …
Read More »Senior Citizens Party-list sumuporta kay Bong Go
MATAGUMPAY na nagdaos ng motorcade kamakalawa ang Senior Citizens Party-list mula sa harapan ng Quezon City Hall na bumaybay sa Commonwealth Avenue hanggang Quirino Avenue sa Novaliches ng nasabing lungsod. Halos 500 iba’t ibang sasakyan at 300 motorsiklo ang inalalayan ng mga pulis sa motorcade na pinangunahan ni Congressman Francisco Datol Jr., kasama ang iba pang nominee ng Senior Citizen …
Read More »Lalaking ‘exhibitionist’ sa loob ng jeepney tukoy na ng pulisya (Sa Bulacan)
PINAGHAHANAP na ng pulisya ang isang lalaki sa nag-viral na video sa Facebook na nilalaro ang ari habang nasa loob ng pamapasaherong jeepney sa Bulacan. Kuha ang video noong 20 Marso na isang lalaki ang nilalaro ang kaniyang ari kaharap ang isang babaeng pasahero sa loob ng jeepney. Ayon sa biktima, nakasakay niya ang lalaki sa jeep na biyaheng Pulilan …
Read More »2 sangkot sa droga arestado
ARESTADO ang dalawang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga sa isinagawang buy bust operation laban sa illegal selling of firearms ammunition sa Navotas City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni District Special Operation Unit (DSOU) P/Lt. Melito Pabon ang mga naarestong suspek na si Raymond Mirabel, 30 anyos, at Paulo Magalo, 18anyos kapwa taga-Market 3, Brgy. NBBN. Batay sa ulat ni …
Read More »Nasa listahan na, tumira pa… Soltero timbog sa shabu
BAGSAK sa kulungan ang isang lalaking kabilang sa drugs watch list matapos mahulihan ng ilang pakete ng umano’y shabu sa isang buy bust operation, kamakalawa ng gabi. Nahaharap sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 2002) ang suspek na si Perlito Pelagio, alyas Litot, 38, binata, ng Matulungin Street, Barangay 181, Pasay City. Ayon sa ulat, nagsagawa …
Read More »67 dinakip sa SACLEO
UMABOT sa 67 katao ang hinuli ng Pasay City Police sa ikinasang Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operations (SACLEO), nitong Sabado ng gabi. Bandang 11:30 pm nang ipresinta sa media ni Pasay City Police chief PLtCol. Bernard Yang, ang mga hinuling suspek kabilang ang isang may standing warrant of arrest sa kasong frustrated murder na kinilalang si Rodrigo dela Cruz, …
Read More »Pedicab driver tigbak sa tarak
PATAY ang isang mister matapos pasukin at pagsasaksakin ng kapwa pedicab driver na lagi umanong binu-bully ng biktima sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Dead on the spot si Roderick Depaz alyas Michael, 41-anyos, residente sa Santo Niño St., Brgy. Concepcion sanhi ng mga saksak sa tiyan habang pinaghahanap ng mga pulis upang maaresto ang suspek na si Benjie Claro, …
Read More »Inaway ng GF, nagbigti
NAGBIGTI ang isang binata makaraang dibdibin ang pagtatalo nila ng kanyang girlfriend sa Quezon City, ayon sa ulat ng pulisya kahapon. Kinilala ni P/Insp. Roldan Dapat ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) ang biktima na si Darwin Rama Cortez, 21, residente sa Sitio Uno Kaliwa, Brgy. Batasan Hills, QC. Sa imbestigasyon ni PO1 …
Read More »‘Masaker’ sa 14 magsasaka imbestigahan — ACT Teachers
KINONDENA nina ACT Teachers Reps. Antonio Tinio at France Castro ang pinaniniwalaan nilang masaker ng militar at pulisya sa 14 magsasaka sa Canlaon City, Negros Oriental nitong Sabado, 30 Marso. Bukod sa mga napaslang, sinabing 12 iba pa ang inaresto at isa ang nawawala matapos ang operasyon ng pulis at militar laban sa mga namumuno ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas …
Read More »14 magsasaka patay sa ops ng PNP, Army
PATAY ang 14 magsasakang pinaghihinalaang miyembro ng rebeldeng komunista sa dalawang bayan at isang lungsod sa Negros Oriental nitong Sabado, Marso 30 sa operasyon na inilunsad ng pinagsanib-puwersang operasyon ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Army kontra illegal firearms. Sugatan ang isang pulis habang nadakip ang 15 subject ng search warrant na dala ng mga operatiba ng pulisya at …
Read More »Coco Martin sumama sa ‘patrolya’ ng Ang Probinsayno Party-List, AP-PL bagyo sa Cebu
Parang bagyo ang pagdating ng Ang Probinsyano Party-List sa Cebu nang lumapag sa naturang vote-rich province bitbit ang back-up na mutli-awarded action star at director na si Coco Martin. Iniidolo bilang si ‘Kardo’ sa TV show na “Ang Probinsyano,” sumama si Coco sa pagronda ng AP-PL sa mga lokalidad ng Dumanjug, Santander, Tuburan, Danao at Mandaue upang kumustahin ang kalagayan …
Read More »May ‘fake news’ pero ‘wag ‘gamiting’ rason
POSIBLENG may “fake news” na kumalat patungkol sa umano’y pagnanakaw ng Yolanda funds, ngunit hindi dapat kalimutan ng publiko ang pagpapabaya at pagkukulang ng pamahalaan sa nangyaring krisis. Ito ang pahayag ng broadcast journalist at kandidato para sa Senado na si Jiggy Manicad bilang sagot sa isang statement mula sa kampo ni dating Department of Interior and Local Government (DILG) …
Read More »Pasado na ang batas “Expanded Maternity Leave”!
Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang R.A. 11210 o ang “Expanded Maternity Leave Law” noong Pebrero 20, 2019. Ang isa sa mga pangunahing sumulong nito ang dating Democratic Independent Workers Association (DIWA) Party-list representative Emmeline Aglipay-Villar. Ang dating 60 araw na maternity leave ay pinahaba at ginawang 105 araw na “bayad” na maternity leave. Mayroon din itong probisyon na …
Read More »‘Home-to-school roads’ prayoridad ng Ang Probinsyano Party-List
NAGSISILIBING hamon para sa popular congressional candidate na Ang Probinsyano Party-List ang malalayong paaralan mula sa mga bahay ng mga estudyante at guro sa probinsya. Base sa datos ng Department of Education (DepEd), nasa 8,000 ang tinatawag na “Last Mile schools” o malalayong eskuwelahan sa buong bansa. “Madalas sa malalayong lugar, kailangan maglakad nang kilo-kilometro ang mga guro sa mga …
Read More »Umali ‘magpapalusot’ ng P500-M pondo kahit election ban (Novo Ecijanos tumutol)
NAGHAIN ng opposition letter sa Commission on Elections ang mga kandidato ng ruling party na Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban) at ng local party na Bagong Lakas ng Nueva Ecija (BALANE) upang hadlangan ang pagnanais ng pamahalaang panlalawigan ng Nueva Ecija na magpalusot ng multi-milyong pisong pondo sa kabila ng umiiral na election ban. Sa apat-pahinang opposition …
Read More »Pinay sa Kazakhstan tutulungan ng Embassy
TUTULUNGAN ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pamamagitan ng embahada ng Filipinas sa Moscow ang isang sugatang Pinay na nakasama sa multiple-vehicle collision sa Kazakhstan, na ikinasawi ng dalawa katao at pagkasugat ng 27 pa. Kinasasangkutan ng tatlong bus, dalawang passengers car at isang ambulansiya ang insidente ng kolisyon ng mga sasakyan. Ayon kay Ambassador to Russia Carlos Sorreta, nalaman na ang …
Read More »Lady lawyer todas sa ‘katagpo’
ISANG abogada ang napaslang sa saksak ng hindi pa kilalang salarin na sinabing katatagpuin ng biktima sa Barangay Talon 5 Las Piñas City kahapon ng madaling araw. Nalagutan ng hininga habang ginagamot sa Las Piñas Medical Center sanhi ng mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Charmaine Mejia, 31, ng 626 Unit B RO …
Read More »Starstruck survivor arestado sa hit & run
ARESTADO ang Filipino-Australian singer actor sa isang television network matapos mabundol ang dalawang empleyado ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Makati City kamakalawa ng gabi. Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in physical injuries and damage to property si Starstruck Ultimate Survivor Douglas Errol Dreyfus Adecer, mas kilala sa kanyang screen name na Migo Adecer, 19 anyos. Nagpapagamot sa Ospital …
Read More »Acierto ginagamit ng dilawan vs Duterte
GINAGAMIT ng dilawan si dating police colonel Eduardo Acierto para batikusin ang administrasyon, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte. “Ito ‘yung involvement ng ibigay ko sa’yo — ng pulis kasi ginagamit sa mga yellow ngayon. Pero nandiyan lahat,” ayon sa Pangulo sa kanyang talumpati sa Koronadal, South Cotabato. Anang Pangulo, kabilang si Acierto sa mga ninja cop o mga pulis na …
Read More »