Sunday , October 24 2021

Maagang paghahanda sa Pasko at Pistang Nazareno panawagan ni Mayor Isko Moreno

NANAWAGAN si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa pamunuan ng Simbahang Katoliko na maagang bumuo ng mga plano para  maobserbahan ang ligtas na Simbang Gabi o Misa de Gallo sa darating na kapaskuhan.

 

Kasabay nito, hinimok ni Mayor Isko na magsagawa na rin ng preparasyon at plano para sa pinakamalaking kapistahan sa bansa, ang paggunita sa araw ng Itim na Poong Nazareno, nang sa gayon ay hindi malabag ang health & safety protocols na ipinatutupad ng pamahalaan ngayong panahon ng pandemyang CoVid-19.

 

Sinabi ng alkalde, ngayon pa lamang ay dapat nang talakayin at plantsahin ang mga plano para sa mahahalagang relihiyosong okasyon.

Ayon kay Isko, nakahanda ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan na makipagpulong sa mga pinuno ng Simbahang Katoliko upang makabuo ng plano para sa Simbang Gabi at sa pista ng Nazareno.

 

“I hope that they (Church authorities) will already begin planning among themselves on how we are going to practice the traditions while keeping everyone safe from CoVid-19. Kami naman ay handang makipag-ugnayan sa kanila,” ayon sa alkalde.

 

Wala man perpektong formula, naniniwala si Mayor Isko na makabubuo ng magandang plano ang mga lider ng simbahan para rito.

 

Umapela ang alkalde na maging maagap ang Simbahan dahil may mga bagay na hindi kayang kontrolin pero puwede naman iwasan. (BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

102221 Hataw Frontpage

Bato kabado sa ICC probe vs drug war killings sa PH

ni ROSE NOVENARIO IBINISTO ni Pangulong Rodrigo Duterte na kabado si dating PNP chief, Sen. …

Blind Item, Woman, man, gay

BF ni sikat na aktres boylet din ni batang matinee idol

ANO kaya ang sasabihin ng magaling at sikat na aktres kung makakarating sa kanya ang tsismis …

Aiko Best Supporting Actress sa 34th Star Awards for TV

Aiko Best Supporting Actress sa 34th Star Awards for TV

MA at PAni Rommel Placente ITINANGHAL na Best Supporting Actress si Aiko Melendez para sa mahusay niyang …

‘Party drugs’ distributor sa Bulacan, atbp., timbog sa Marikina

NAKOMPISKA ang may 103 piraso ng ‘ ecstasy ’ na tinatayang nagkakahalaga ng P185,400 mula …

Chest X-Ray

Mga empleyado ng Kapitolyo, PDLs sa Tanglaw sumailalim sa libreng TB screening, chest x-ray

SA LAYUNING mahanap ang mga may aktibong Tuberculosis (TB), maipalaganap ang kaalaman, at mabawasan ang …

Leave a Reply