SINABI kahapon ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na aabot sa 10 milyon hanggang 25 milyon trabaho ang lilikhain ng malayang merkado para sa telco tower builders. “The rationalization of the telcos and the cell site builders and operators will accrue to the benefits of millions of subscribers in particular, and the Filipinos in general,” wika ni acting DICT …
Read More »Dahil sa delay na nat’l budget… 9-M aso walang bakuna —Suarez
NAGBABALA si House minority leader Danilo Suarez kahapon sa dumaraming aso na walang bakuna. Ayon kay Suarez umaabot na sa 9 milyon ang aso sa bansa at 10 porsiyento lamang dito ang may bakuna. Sa kabila nito, sinabi rin ni Suarez na walang anti-rabies vaccine ang mga ospital ng gobyerno sakaling makagat ng dumaraming asong walang bakuna. “May nakagat ng …
Read More »Narco-list ng politicians isasapubliko inangalan
ANG paglalabas ng listahan ng narco-politicians ay labag sa karapatang pantao at paraan ng panlalamang ng gobyernong Duterte sa nga kalaban sa politika. Ayon kay Akbayan Rep. Rep Tom Villarin, ang listahan ay isang “virtual death warrant” para hiyain ang politiko at kanyang pamilya sa publiko. Ani Villarin, magiging target rin ito ng mga death squad habang ang mga kaalyado …
Read More »75 barangay sa Dasmariñas City nakatangap ng patrol cars
TUMANGGAP ng mga patrol car ang 75 barangay sa Dasmariñas City mula kay Rep. Jenny Barzaga at kay Mayor Elpidio F. Barzaga, Jr., kahapon. Ayon kay Cong. Barzaga kailangan ng mga barangay ang patrol cars, na may nakakabit na CCTV, para sa kaligtasan ng mga tao at para sugpuin ang kriminalidad na bumaba sa halos 50%. Kasama sa mga ibinigay kahapon …
Read More »Laborer patay, kapatas sugatan sa P.1-M holdap sa Naga City
PATAY ang isang isang construction worker samantala sugatan ang kapatas nang holdapin sa kanila ang P.1 milyong pangsahod sa Naga, Camarines Sur. Kinilala ang namatay na si Aldrin Pida, 32, tubong Tigaon, Camarines Sur habang sugatan si Gelito Canoog, 57, foreman, ng Cebu City. Sa panayam kay P/Maj. Joey Curre, hepe ng Naga City Police Station 4, sinabi nitong sakay …
Read More »Motorsiklo bilang public transportation, lusot na sa komite sa Senado
INAPROBAHAN na ng Senate committee on public services ang panukalang magpapahintulot sa paggamit ng mga motorsiklo bilang pampasaherong sasakyan tulad ng Angkas. Hiwalay na inakda ang Senate Bill Nos. 2173 at 2180 at Senate Resolution 993 nina Senadora Grace Poe, Senate President Pro-Tempore Ralph Recto at Sen. JV Ejercito at nakalusot na bilang alternatibong public transportation sa ikalawang public hearing …
Read More »Magna carta for SMEs ‘salbabida’ ng maliliit na negosyante — Mar Roxas
ANG batas na ginawa ni dating senador Mar Roxas ukol sa Magna Carta for Small-Medium Enterprises ang sumagip sa maraming maliliit na negosyante nang kanyang ipatupad noong siya ay Trade and Industry secretary. Sa multi-sectoral forum sa unang araw ng Marso sa Calamba, Laguna, inulan ng tanong ang dating senador na si Roxas kung paano makapagsisimula ng negosyo ang mga …
Read More »Sa hamong debate… Neri Col inisnab ng Palasyo
IBINASURA ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang hamon na debate ni senatorial candidate Neri Colmenares kaugnay sa loan agreements ng Filipinas at China. Sinabi ni Panelo na nais lang ni Colmenares na makakuha ng atensiyon sa media para maisulong ang kandidatura. “Challenging a publicly visible government official to a debate attracts media attention. Surely Mr. Neri Colmenares knows how to …
Read More »Dahil sa tagtuyot… 5 bayan isinailalim sa state of calamity
IDINEKLARANG nasa state of calamity ang limang bayan sa Cotabato dahil sa matinding tagtuyot na nararanasan sa Mindanao. Ayon kay Engineer Arnulfo Villaruz, warning and action officer ng Cotabato Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), at sa pagsubaybay ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), napabilang ang Rehiyon 12 sa “low amount of rainfall” at halos …
Read More »Tatlong lalaki tiklo sa pekeng yosi
INARESTO ng pulisya ang tatlong lalaki na naaktohang nagbebenta ng mga pekeng sigarilyo sa Bocaue, Bulacan. Kinilala ang mga suspek na sina Carlo Lopez, 22-anyos; Anthony Lopez, 19-anyos; at Mark Anthony Dimaranan, 25-anyos. Isinagawa ang operasyon laban sa tatlong suspek ng mga kagawad ng Bocaue police at Bulacan Provincial Special Operation Group (PSOG). Nabatid na inaresto ang tatlo matapos makakuha …
Read More »Pag-aangkat ng nakalalasong kemikal, ipinagbabawal ng dalawang batas
MAHIGPIT na ipinagbabawal ang pag-aangkat ng mga nakalalasong kemikal gaya ng chemical fertilizers at pesticides sa ilalim ng Republic ACT 6969 na pinirmahang maging batas ni dating Pangulong Corazon Aquino noong 1990. Pinagtibay ito ng Republic Act 10068 o Agricultural Organic Act na naging batas sa ilalim ng administrasyon ni Gloria Macapagal-Arroyo na ngayon ay kinatawan ng pangalawang distrito ng …
Read More »Manicad: Bagong dugo kailangan sa Senado
NANAWAGAN ang broadcast journalist at kandidato para sa Senado na si Jiggy Manicad na kailangan ng bagong dugo sa Senado upang magpatupad ng mga makabagong ideya at malikhaing solusyong tutugon sa mga problema ng bansa. Si Manicad, isang batikang mamamahayag na ngayon lamang sumabak sa politika, ay partikular na nagsusulong ng agarang reporma sa sektor ng agrikultura at sa mga …
Read More »Medical officer ng DOH, lady varsity player, 4 pa arestado sa drug bust (Sa Mandaluyong condo)
ARESTADO ang isang doktor at tennis varsity player kasama ang apat na iba pa sa drug operations ng PDEA sa California Garden Condominium, Bgy. Highway Hills, Mandaluyong City. Kinilala ni PDEA Director General Aaron Aquino ang naaresto na si Dr. Vanjoe Rufo de Guzman, 44 anyos, Medical Officer IV ng Department of Health (DOH-NCR); Keanu Andrea Flores, 21 anyos, marketing …
Read More »Arestadong hired killers pinagbabaril sa Maynila
PATAY ang dalawang nadakip na hired killer nang tambangan ng motorcycle riding-in-tandem gunmen habang lulan ng mobile patrol pagkagaling sa inquest proceedings pabalik sa police station sa Sampaloc, Maynila. Naganap ang pananambang dakong 4:15 pm, sa kahabaan ng A.H. Lacson Avenue ilang metro mula sa panulukan ng Fajardo St., sa Sampaloc, nang biglang sumulpot ang tatlong riding-in-tandem saka hinarang ang …
Read More »Oil companies wala nang lusot sa BIR
WALA nang lusot ang mga gasolinahang hindi nag-iisyu ng resibo sa kanilang mga kliyente o hindi nagdedeklara ng tamang sales na pumapasok sa kanilang kompanya. Sinabi ni Finance assistant secretary Tony Lambino, sa pamamagitan ng fuel marking program, awtomatikong malalaman kung ilang litro ang inilalabas ng isang gas station maging ng oil refineries. Sa ilalim ng programa na nakapaloob sa …
Read More »Chinese workers huwag hayaang dumami sa PH — Grace Poe
MULING nagpahayag si Senadora Grace Poe ng labis na pagkabahala sa pagdami ng hindi dokumentadong Chinese na nagtatrabaho sa Filipinas dahil tila mawawalan ng trabaho ang mga Filipino. Giit ni Poe, hindi dapat pumasok ng bansa ang mga nasabing dayuhan sa pagkukunwari bilang turista ngunit magtatrabaho naman pala. Aniya, dapat mas maging mahigpit ang Department of Labor and Employment (DOLE) …
Read More »Holdaper ng taxi driver tinutugis
PINAGHAHANAP na ngayon ng mga awtoridad ang isang holdaper na nag- viral sa isang social media matapos makunan ng dashboard camera sa loob ng taxi ang ginawang panghoholdap sa taxi driver sa Caloocan City. Sa kuha ng dashcam ng taxi na ipinapasada ng driver na si Wilmor Capellan, makikita ang isang lalaking pasahero na naka-jacket at sombrero. Ayon kay Capellan, …
Read More »Seguridad, regional issues tatalakayin kay US Sec. Pompeo
TATALAKAYIN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pangunahing “regional issues” partikular ang aspekto ng seguridad sa nakatakdang pulong nila ni US Secretary of State Mike Pompeo sa Malacañang bukas. “Any subject matter that is mutually beneficial to both countries will be discussed or any matter for he Secretary to rise,” ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo hinggil sa Duterte-Pompeo meeting. …
Read More »PLDT ipasasara (Kapag hindi nagdagdag ng linyang public service)
NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte na ipasasara ang Philippine Long Distance Telephone (PLDT) company kapag hindi nagdagdag ng linya para magamit na hotlines sa mga reklamo ng publiko sa mga serbisyo ng gobyerno. Ayon kay Pangulong Duterte, may utang sa gobyerno na P8 bilyon ang PLDT. “If you see corruption, tell me. Call 8888. Bong, add another trunk line. The …
Read More »Digong nag-sorry kay Nur
NAG-USAP sa Palasyo sina Pangulong Rodrigo Duterte at Moro National Liberation Front (MNLF) founding chairman Nur Misuari kamakalawa ng gabi. Sa press briefing sa Malacañang kahapon, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na 15 minutong nakapag-usap ang dalawa. Ayon kay Panelo, si Pangulong Duterte ang maraming nasabi kay Misuari. Humingi aniya ng paumanhin ang Pangulo kay Misuari dahil hindi pa …
Read More »‘Drug war’ ni Digong bigo — solon (Sa pagpasok ng bulto-bultong cocaine)
ANG pagbagsak ng bulto-bultong cocaine at iba pang uri ng illegal na droga sa bansa ay isang malinaw na indikasyon na bigo ang Pangulong Duterte sa kanyang madugong “war on drugs.” Ayon kay Akbayan Rep. Tom Villarin, ‘yung mga nahuling “cocaine bricks” sa karagatan ng bansa ay isang babala sa mas malaking shipment ng droga. “The recent seizures of cocaine …
Read More »Body cam sa pulis at PNP patrol car, gawing mandatory — Mar Roxas
GUSTO ni former DILG secretary Mar Roxas na maging mandatory ang body camera sa mga pulis at sa mga patrol car na ginagamit sa kanilang operasyon laban sa mga kriminal. Ayon kay Roxas, sa pamamagitan ng mga camera na naka-on 24/7 habang nakakabit sa katawan ng mga pulis at sa mga sasakyan nila; matitiyak na makukunan ang lahat ng pangyayari …
Read More »Higit 2 sako ng illegal campaign posters nakompiska sa Oplan Baklas sa Samar
NAKOMPISKA ng pulisya sa Palapag, Northern Samar ang mahigit sa dalawang sako ng campaign poster sa isinagawang Oplan Baklas. Sinabi ni Police Major Arnold Gomba Jr., hepe ng Palapag MPS, karamihan sa kanilang binaklas na campaign tarpaulins, posters, streamers at banners ay mula sa mga kumakandidatong senador. Muling nagbabala ang awtoridad sa mga kandidato na huwag maglagay o magpadikit ng …
Read More »Laborer umalingasaw bangkay natagpuan
NADISKUBRE ang naagnas na bangkay ng isang laborer dahil sa masangsang na amoy sa loob ng inuuupahang bahay sa Muntinlupa City, iniulat kahapon. Kinilala ang biktimang si Dennis Deocareza, 28, may kinakasama, at nangungupahan sa Phase 4, Block 49 Lot 34, Southville 3 NHA, Barangay Poblacion, Muntinlupa City. Base sa ulat ng Southern Police District (SPD), dakong 7:00 am, natagpuan …
Read More »Kalayaang natamo sa EDSA 1 pahalagahan — Duterte
PAHALAGAHAN nang husto ang kalayaang natamo sa 1986 People Power Revolution. Ito ang panawagan sa publiko ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdiriwang ng ika-33 anibersaryo ng 1986 People Power Revolution. Mensahe ng Pangulo, umaasa siyang hindi makalimutan ng sambayanang Filipino ang demokrasyang umiiral sa bansa sa kasalukuyan ay bunga nang pakikibaka ng mga mamamayan. “I am hopeful that this occasion …
Read More »