Thursday , June 4 2026
ILANG barkong pangkargamento ang nabalaho at hindi na nakaalis sa isang bahagi ng Pasig river dahil sa kapal ng mga water lily. Agad itong hinila ng dalawa pang tugboat upang tuluyang makalabas sa ilog. (Bong Son)

Pasig River Ferry System suspendido sa water lilies

SUSPENDIDO ang operasyon ng Pasig River Ferry System (PRFS) dahil sa makapal na water hyacinth sa ilog Pasig.

Ang suspensiyon ay inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa makapal na water lily sa Ilog Pasig ay nahirapang makabiyahe nang maayos ang mga ferry boat.

Naging mabilis umano ang pagdami ng water lily sa ilog tuwing sasapit ang tag-ulan kaya’t hadlang ito para sa operasyon ng ferry.

Gayonman tuluy-tuloy pa rin ang clean-up activities ng MMDA sa ilog Pasig sa pamamagitan ng trash boat at trash trap.

Sa sandaling maging malinis o maayos na at maialis ang mga water hyacinth muling magbibigay ng abiso ang nasabing ahensiya para sa muling pagbubukas ng operasyon ng river ferry sa ilog Pasig. (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …