Saturday , November 9 2024
Duterte face mask

Bilyones na pera ng bayan, napunta sa korupsiyon – Duterte

INAMIN ni Pangulong Rodrigo Duterte na bilyones na pera ng bayan ang ‘naaksaya’ bunsod ng korupsiyon sa gobyerno kaya nais niyang  sagutin ng pamahalaan ang gastos para sa pamamahagi ng libreng Beep cards sa mga pasahero.

 

“Card lang naman ‘yan, ibigay na ‘yan libre. Bakit pabayaran pa ‘yan? We have been wasting so many billions to corruption tapos ‘yan hindi maibigay?”  anang Pangulo sa kanyang public address kagabi.

 

Giit ng Pangulo, kakausapin niya si Transportation Secretary Art Tugade upang gawan ng paraan na maipamudmod nang libre ang Beep cards na gagamitin sa EDSA Busway ng mga pasahero.

 

Trabaho aniya ng gobyerno na protektahan ang kapakanan ng mga mamamayan at sakaling kapos sa pondo ang DOTr, hahanap siya ng paraan upang maibigay nang libre ang Beep cards.

 

“You know, it breaks your heart really to… For those na iyang day-to-day trabaho ninyo but kami dito sa itaas nakikita namin and how it affects the human person. E trabaho namin ‘yan e. So if there is not — if there is no relief in sight, or it cannot be done immediately, I suggest that we find the money and give it to the public free para walang gulo at saka lahat mayroon,” dagdag niya.

 

Sa kanyang pagluklok bilang ika-16 na Pangulo ng bansa ay paulit-ulit niyang sinasabi na susugpuin ang korupsiyon, illegal drugs, at kriminalidad ngunit mahigit isang taon na lang ang natitira sa kanyang termino, wala pa siyang naipapakulong na ‘big fish’ o sangkot sa pandarambong. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

DOSTR02 conducts SalikLakbay in Search for GIs

ICYMI: DOSTR02 conducts SalikLakbay in Search for GIs

Cabarroguis, Quirino – DOST Region 02 thru the Provincial Science and Technology Office Quirino searches …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

Pet Clinic, Animal Shelter sa Vitas Honey Lacuna

Pet Clinic, Animal Shelter sa Vitas, bukas na — Mayor Honey

GOOD news para sa  pet lovers. Binuksan na ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan  ang pet …

Alan Peter Cayetano Chemical Weapons Convention OPCW

Panukalang palakasin tindig ng bansa laban sa chemical weapons

NAGPAHAYAG ng suporta si Senador Alan Peter Cayetano sa panukalang batas na naglalayong palakasin ang …

Donald Trump Kamala Harris

2024 US election results  
TRUMP WAGI vs KAMALA

TINALO ni Donald Trump si Kamala Harris upang maging ika-47 Presidente ng Estados Unidos — …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *