UMABOT na sa 48 locally stranded individuals (LSIs) na namalagi sa Rizal Memorial Stadium ang nagpositibo sa rapid test sa coronavirus disease 2019 o COVID-19. Dahil dito, nakatakdang isailalim sa isang araw na lockdown ang stadium upang magsagawa ng decontamination o disinfection sa buong lugar. Matatandaan na umabot sa libo-libong LSIs ang dumagsa sa stadium sa layong makapagpa-rapid …
Read More »14 Pinoy seafarers sa Brazil nagpositibo sa COVID-19
LABING-APAT pang Pinoy seafarers na nasa Brazil, ang nagpositibo sa COVID-19, ayon kay Brazil Philippine Ambassador Marichu Mauro. Sa report, sinabing nasa 11 seafarer ang naka-recover, 2 ang nananatili sa ospital at isa ang pumanaw. “Mayroon tayong Filipno seafarers, hindi po sila nakatira rito sa Brazil ngunit dumaong ang ship sa Brazilian ports, mayroon po tayong mga 14 …
Read More »Titser na pinapasok sa iskul sa Maynila, nagpositibo sa COVID-19
NAGPOSITIBO ang isang guro ng Manuel A. Roxas Senior High School sa Maynila matapos makaramdam ng sintomas ng COVID-19. Sa ulat, ang naturang guro ang pangulo ng The Teachers’ Dignity Coalition (TDC), Manila chapter na si Ildefonso “Nono” Enguerra III. Ayon sa report, 22 Hulyo nang sumailalim ang nasabing guro sa swab test matapos magkaroon ng mataas na lagnat, …
Read More »19 bodega sa Tondo naabo
TINUPOK ng apoy ang isang commercial area sa Bambang Street, Maynila, nitong Miyerkoles ng gabi. Ayon kay Fire Senior Superintendent Geranndie Agonos, District Fire Marshall ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), dalawang malalaking warehouse building na nagsisilbing bodega sa 19 establisimiyento ang natupok. Sa report, pawang mga tela, laruan, medical supplies at furniture ang laman ng warehouse …
Read More »3 akusado sa hazing na ikinamatay ni Dormitorio inilipat sa Baguio City Jail
ILILIPAT sa Baguio City Jail ang tatlong kadete ng Philippine Military Academy (PMA) na sangkot sa hazing at pagpatay kay 4th cadet class Darwin Dormitorio. Kasunod ito ng kautusan ni Baguio Regional Trial Court Branch 5 Presiding Judge Maria Ligaya Itliong-Rivera. Sa kanyang kautusan, sina PMA 3rd class cadets Shalimar Imperial, Felix Lumbag, at Julius Tadena ay pinalilipat …
Read More »16-anyos timbog sa shabu (Nasita sa paglabag sa curfew)
ARESTADO ang isang 16-anyos binatilyo na sinabing sangkot sa ilegal na droga matapos makuhaan ng shabu nang sitahin dahil sa paglabag sa curfew hour sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw. Ayon kay Caloocan police chief, Col. Dario Menor, dakong 3:40 am, nakatanggap ng tawag ang Caloocan Police Sub-Station 5 mula sa concerned citizen hinggil sa nagaganap na illegal …
Read More »Ospital ng Maynila 10 araw isasarado
DAHIL sa sunod-sunod na pagkakasakit ng medical frontliners sa Ospital ng Maynila, pansamantala itong isasara sa publiko sa loob ng 10 araw. Ayon kay Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, isasara ang naturang ospital simula 12:01 am 31 Hulyo hanggang 9 Agosto. Isasailalim sa disinfection ang naturang ospital makaraang tumaas ang bilang ng COVID-19 patient at mahawaan ang ilang …
Read More »PH ibinabaon sa utang at kahirapan ni Duterte (Bawat Pinoy may utang na P83K) — KMP
IDINADAHILAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kampanya kontra coronavirus disease (COVID-19) para ibaon sa utang at kahirapan ang sambayanang Filipino. Inihayag ito kahapon ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) sa kanilang kalatas. “Kailangan daw mangutang para sa ‘new normal’ at muling pagbubukas ng ekonomiya pero ang limpak na mga bagong utang ay para sa mga proyektong impraestruktura na ipinapakete bilang …
Read More »PBMA Supreme Master Ruben Ecleo, Jr., nasakote sa Pampanga
NATUNTON na ng National Capital Region Police Office (NCRPO) si Ruben Ecleo, Jr., ang no.1 top most wanted person ng Department of Interior and Local Government (DILG) na naaresto sa Balibago, Angeles City, Pampanga, kahapon ng madaling araw. May pabuyang P2 milyon, si Ecleo ay matagal nang nagtatago at gumagamit ng pangalang Manuel Riberal, 60 anyos, ng Lot 6, Block …
Read More »Mega web of corruption: IBC-13 Technical upgrade para sa DepEd project ‘drawing’
ni Rose Novenario SUNTOK sa buwan ang panukalang P1.5 bilyong technical upgrade budget para sa state-run Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC-13) na ikinasa ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) at nais paaprobahan sa Kongreso bilang paghahanda sa layunin nitong maging “DepEd Official Channel.” Ayon sa source, kapos na ang panahon para paghandaan ang ambisyosong TV-based learning project dahil magbubukas na ang …
Read More »‘Burarang’ kampanya ng gov’t sinisi (Sa pagtaas ng COVID-19 cases)
‘BURARA’ ang implementasyon ng administrasyong Duterte sa kampanya laban sa coronavirus disease (COVID-19) kaya patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa sakit. Mismong sa inilabas kahapon ng Palasyo na Resolution No. 60 ng Inter-Agency Task Force (IATF) on the Management of Emerging Infectious Disease na nagsasaad ng direktiba ng Department of Health (DOH) sa Department of Interior and …
Read More »Ayuda ipinambili ng Lamborghini
KUNG tumaas ang inyong kilay matapos mabalitaan ang babaeng nagpa-rebond ng kanyang buhok makaraang tumanggap ng ayuda mula sa gobyerno sa gitna ng pandemyang coronavirus, basahin n’yo ang kuwento ni David Hines. Makaraang tumanggap ng US$4 milyon sa COVID-19 relief loans mula sa federal government, isa sa unang binili ni Hines ay isang super-luxury na Lamborghini Huracan Evo — na …
Read More »Nobya ni Jang Lucero dinukot ng armadong kalalakihan sa Laguna
HINIHINALANG dinukot ang nobya ni Jang Lucero, ang babaeng driver na natagpuang patay dahil sa maraming saksak sa katawan, nitong Miyerkoles, 29 Hulyo sa Bay, Laguna. Sa panayam sa telepono, sinabi ng hepe ng Laguna Police Public Information Office na si P/Lt. Col. Citadel Gaoiran puwersahang dinukot ng 10 lalaki si Meyah Amatorio at pamangkin na kinilalang si Adrian Ramos …
Read More »Binatilyo tinangay ng baha patay (Sa Bohol)
BINAWIAN ng buhay ang isang 17-anyos binatilyo nang maanod ng baha sa isang barangay sa bayan ng Jagna, sa lalawigan ng Bohol, sa kasagsagan ng malakas na ulan noong Miyerkoles, 29 Hulyo. Kinilala ang biktimang si Niño Cagasan, residente sa Barangay Odiong sa naturang bayan, na patungong palengke upang maghatid ng panindang gulay, nang tangayin ng baha habang papatawid …
Read More »P3.7-M ‘bato’ nakompiska sa OFW at trader (Sa Zamboanga)
ARESTADO ang isang babaeng overseas Filipino Worker (OFW), at isang negosyante sa lalawigan ng Zamboanga matapos magbenta sa isang undercover police agent ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P3.7 milyon noong Martes ng hapon, 28 Hulyo. Sa ulat nitong Miyerkoles ng umaga, 29 Hulyo, kinilala ni Zamboanga Peninsula (PRO-9) Director P/BGen. Jesus Cambay, Jr., ang mga nadakip na …
Read More »4 Chinese fishermen, arestado sa Navotas
NASAKOTE ng Maritime Group ng Phillipine National Police (PNP) ang apat na mangingisdang Chinese nang mamataan silang bumababa sa isang sasakyang pandagat sa Navotas Fish Port Complex. Kinilala ni Col. Ricardo Villanueva, hepe ng Regional Maritime Unit-National CapitalRegion Office (RMU-NCR) ang apat na naaresto na sina Huang Yongjie, 42 anyos; DaiShiwen, 56 anyos; Yafeng Zhou, 47[ at Tan Riyang, …
Read More »2 tulak timbog sa P.3-M shabu
DALAWANG hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang arestado matapos makompiskahan ng mahigit sa P300,000 halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operations ng mga awtoridad sa mga lungsod ng Caloocan at Navotas. Ayon kay Caloocan police chief, Col. Dario Menor, dakong 12:50 am nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni …
Read More »Sekyu kalaboso sa panghahalay
KALABOSO ang isang guwardiya na inakusahang nanghalay sa kanyang 11-anyos stepdaughter sa Muntinlupa City kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang suspek na si Edwin Acorda, 36 anyos, ng New Tensuan Site, Barangay Poblacion. Ang biktima ay itinago sa pangalang Abby, estudyante, ng nabanggit na lugar. Noong 15 Hunyo, nagsampa ng reklamo ang biktima kasama ang kanyang pinsan laban sa suspek sa …
Read More »COVID-19 cases tumaas pa sa Muntinlupa
UMAKYAT na sa 1,286 kabuuang bilang ang kompirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Muntinlupa. Sa datos kahapon ng Muntinlupa City government sa nasabing bilang ay 643 ang active cases ng COVID-19. Umabot 1,009 ang bilang na itinuturing na probable case at 676 ang suspected cases ng virus mula sa mga Barangay ng Tunasan, Poblacion, Putatan, Alabang, Ayala …
Read More »Donasyon ng Korea tinanggap ng DFA
TINANGGAP ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teddy Locsin, Jr., mula kay Ambassador Han Dong-man ang karagdagang medical supplies mula sa Republic of Korea para labanan ang COVID-19. Kabilang sa pinakabagong package ang 600,000 piraso ng KF-94 protective masks na nagkakahalaga ng $500,000 o katumbas ng P25 milyon maging ang pitong “walk-through testing booths” na ibinigay sa mga …
Read More »800 LSIs nasa Rizal Memorial Stadium pa rin
TINATAYANG nasa 800 locally stranded individuals (LSIs) ang nananatili sa Rizal Memorial Stadium sa Maynila habang naghihintay ng biyahe pauwi sa kanilang probinsiya. Nauna nang nakaalis ang 1,000 LSI nitong Miyerkoles ng umaga patungong Caraga Region. Noong nakaraang linggo, libo-libong mga papauwing probinsiya ang naipon sa stadium sa ilalim ng Hatid Tulong program ng gobyerno. Sa pagdagsa …
Read More »Tanod huli sa ‘shabu’
ARESTADO ang 27-anyos barangay tanod matapos mahulihan ng hinihinalang shabu malapit sa riles ng PNR sa Sampaloc, Maynila nitong Martes. Kinilala ang suspek na si Terencio Palo, barangay tanod sa Barangay 422. Sa report, nakuha sa suspek ang shabu na may timbang na kalahating gramo at aabot sa P2,000 ang halaga. Nasa kustodiya ng Sampaloc Police ang …
Read More »3 Sayaff nalambat ng NBI sa Taguig at Sampaloc, Maynila
NALAMBAT ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong miyembro ng Abu Sayaff Group (ASG) sa serye ng operasyon nitong Hulyo 17, 20 at 21 sa magkakahiwalay na lugar sa Taguig at Sampaloc, Maynila. Kinilala ni NBI Director Eric Distor ang mga ASG member na sina Ben Saudi alyas Erie; Ajvier Kuhutan, alyas Jaber; at kapatid …
Read More »Mas estriktong mass testing ipatutupad sa Malabon City
NAPAGKASUNDUAN ng Malabon City Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (MCTF-MEID) na maaaring hulihin at kasuhan ang mga taong ayaw magpa-test, lalo ang mga nakasama sa contact tracing at natukoy ng Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTs). Ayon kay City Administrator at MCTF-MEID Member Atty. Voltaire dela Cruz, dalawang batas ang gagamitin upang estriktong ipatupad ang …
Read More »400 contact tracers sumailalim sa puspusang pagsasanay (Sa Caloocan City)
APAT na araw na puspusang contract tracing training ang isinagawa sa Caloocan City nitong Hulyo (mula 21, 22, 23 hanggang 27). Ito ay dinaluhan ng mga bagong contact tracers tulad ng psychologists, encoders, at volunteers mula sa iba’t ibang departamento; mga dentista at nurses na nakatalaga sa health centers; at BHERTs (Barangay Health Emergency Response Team) na galing sa hanay …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com