Tuesday , September 27 2022
shabu drug arrest

2 timbog sa P346-K halaga ng shabu (Nasita sa curfew dahil walang suot na face mask)

KULONG ang dalawang hinihinalang sangkot sa droga matapos makuhaan ng mahigit sa P.3-milyong halaga ng shabu makaraang masita ng mga awtoridad dahil sa paglabag sa curfew at hindi pagsusuot ng face mask sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang naarestong mga suspek na si Henison Tanghal, alyas Entong, 42 anyos, at Christopher Reyes, 44 anyos na  isang  pedicab driver, kapwa residente sa Celia 2 St., Barangay Bayan-Bayanan ng nasabing lungsod.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drug Act  of 2002 ang dalawang suspek na ngayon ay nasa detention cell ng Malabon city police.

Sa ulat ni Col. Tamayao kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Ronaldo Ylagan, dakong 11:00 pm habang nagsasagawa ng Oplan Galugad na may kaugnayan sa Simultaneous Enhanced Managing Police Operation (SEMPO) ang mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 7 sa pangunguna ni P/Lt. Robert Kodiamat sa kahabaan ng Celia 2 Barangy Bayan-Bayanan, nakita nila ang mga suspek na lumabag sa curfew at walang suot na face mask.

Agad dinakip ang dalawa at nang kapkapan ay nakuha sa kanila ang 41 piraso ng plastic sachets na naglalaman ng aabot sa 51 gramo ng hinihinalang shabu, may standard drug price na P346,800 ang halaga, dalawang weighing scale, isang kulay asul na medicine kit at P3,300 cash.

Kaugnay nito, pinuri ni Gen. Ylagan ang Malabon Police sa pamumuno ni Col. Tamayao dahil sa matagumpay na pag-aresto sa dalawang hinihinalang drug suspects na nagresulta sa pagkakakompiska ng ilegal na droga. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

arrest posas

Miyembro ng kilabot na criminal gang nasakote

ARESTADO ang isang hinihinalang miyembro ng kilabot na criminal gang na nakatala bilang isang high …

Angat Dam

Sa kabila ng patuloy na pag-ulan…
TUBIG SA ANGAT DAM BUMABABA PA RIN

SA kabila ng patuloy na pag-ulan sa Metro Manila at mga karatig-lugar, patuloy na bumababa …

Bong Revilla Jr Lani Mercado

Sen Bong wala nang balak tumakbo sa mas mataas na posisyon

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “SA kanila na ang posisyon!” Ito ang iginiit ni Sen Bong Revilla nang …

Sta Maria Bulacan

Sa Sta.Maria, Bulacan…
2 PUSAKAL NA TULAK NASAKOTE

NAGWAKAS ang maliligayang araw ng dalawang hinihinalang tulak na responsable sa pagkakalat ng ilegal na …

pinuno ng pamahalaan Bulacan

Matibay at umaayon sa pagbabago <br> MGA PINUNO NG BULACAN, NAGKAISA SA PAGRESOLBA NG MGA ISYU NG LALAWIGAN

SA isang pambihirang pagkakataon, nagsama-sama ang mga pinuno ng pamahalaan sa Bulacan sa pangunguna nina …

Leave a Reply