Saturday , January 28 2023
suntok punch

Nanay golpe-sarado sa 54-anyos anak na lalaki

ARESTADO ang isang anak na lalaki nang gulpihin ang sariling ina sa Malate, Maynila.

Kinilala ang suspek na si Dexter Hayag, 54, may asawa, vendor ng 1166 San Isidro St., Malate; at ang biktima na si Salud Hayag, vendor, ina ng suspek.

Sa ulat, 6:30 pm nang maganap ang insidente sa bahay ng pamilya Hayag.

Ayon sa salaysay ni Aling Salud, naghahanda siya ng pagkain nang pagsusuntukin siya sa ulo at mukha ng anak sa hindi pa malamang kadahilanan.

Natigil ang pananakit sa matanda nang dumating ang kanyang apong babae, na anak ng suspek na si Dexter.

Nagsumbong ang ginang sa barangay at inaresto si Dexter.

Hinala ng pulisya, nawala sa katinuan si Dexter nang gawin ang pananakit sa ina.

Nahaharap sa kasong physical injury si Dexter.

About hataw tabloid

Check Also

Arnell Ignacio OWWA

Health and wellness ng mga OWWA employee tututukan ni Admin Arnell

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBILIB ang concern ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Arnell Ignacio hindi …

SAF 44 National Day of Remembrance bulacan

Bulacan cops ginunita ang Fallen SAF 44 sa National Day of Remembrance

PARA sa National Day of Remembrance ng 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF), …

Arrest Posas Handcuff

Puganteng rapist at kilabot na kawatan, timbog

Dalawang lalaki na kabilang sa most wanted person sa Bulacan ang magkasunod na naaresto sa …

dead gun

Ika-5 suspek sa pagpatay sa 2 pulis sa Mabalacat, Pampanga, patay sa shootout

ANG ikalimang  suspek at lider ng Flores group na pumatay sa dalawang anti-drug cops ng …

dead gun

Wanted patay sa engkuwentro

Patay ang  lalaking wanted sa kasong robbery nang manlaban sa mga awtoridad na aaresto sa …

Leave a Reply