KONTROBERSIYAL ang larawan na kuha mula sa Japan, kasama ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tatlong House Speaker wannabes na sina Taguig Rep. Alan Peter Cayetano, Marinduque Rep. Lord Allan Velaso, at Leyte Rep. Martin Romualdez, pero para sa isang political analyst marami man ang naglalaban sa House Speakership sa bandang huli ay kung sino ang nakakasama ng Pangulo sa umpisa …
Read More »Walang korupsiyon garantiya ni Duterte sa Japanese investors
TOKYO – Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga negosyanteng Hapones na walang makasasagabal sa kanilang pamumuhunan sa Filipinas dahil papatayin niya ang problema. Aabot sa P300-B ang ilalagak na kapital ng Japanese investors sa Filipinas na lilikha nang mahigit 80,000 trabaho para sa mga Pinoy batay sa mga trade agreement na nilagdaan ng Filipinas at Japan sa pagbisita ng …
Read More »Asec. Delola ng DOE ‘sinilip’ sa Kongreso
IPINABUBUSISI ng Kongreso ang kahinahinalang pagpabor ni Department of Energy (DoE) Asec. Redentor Delola sa isang kompanya ng supplier ng koryente sa Mindanao. Kinakitaan umano ng “conflict of interests” o espesyal na proteksiyon sa isang kompanya na ipinagbabawal saanmang ahensiya ng pamahalaan. “Kailangan maimbestigahan ang isyung ito. Dahil kung siya nga ay may pinoprotektahan o pumabor sa isang kompanya. Aba, …
Read More »Garapalan sa Speakership… Vote buying suportado ng tycoons
DESMAYADO ang isang mambabatas sa aniya’y lantarang pagpopondo ng isang business tycoon sa isang top contender sa House Speakership sa pamamagitan ng panunuhol o vote buying sa mga kongresista para makuha ang kanilang boto. Sinabi ni Alliance of Concerned Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio hindi na bago ang isyu na may malalaking negosyante ang nasa likod ng pagpopondo sa mga …
Read More »Comelec nagbabala sa mga nanalong kandidato: Walang SOCE, ‘di makauupo sa puwesto
BINALAAN ng Commission on Elections (Comelec) ang mga nagsipanalong kandidato sa katatapos na midterm elections nitong 13 Mayo na hindi sila makauiupo sa puwesto kapag hindi sila nakapagsumite ng kanilang statement of contributions and expenditures (SOCE) bago o sa 13 Hunyo. Sa opisyal na pahayag, ipinaliwanag ni Comelec education and information director James Jimenez na: “sa ilalim ng batas, kinakailangan …
Read More »Gov’t officials pinagbawalang pumunta sa Canada
ANG pagbabawal sa mga opisyal ng pamahalaan na magpunta sa Canada ay bahagi ng patakaran ng administrasyong Duterte na dumistansiya sa Ottawa dahil sa pagkaantala nang pagbabalik ng basura ng Canada mula sa Filipinas, ayon sa Palasyo. Kamakailan ay inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng pamahalaan na itigil ang pagbibigay ng mga travel authority para sa official …
Read More »Alejano sa PMA Mabalasik Class: Huwag tularan upper classmen na naging corrupt
PINAALALAHANAN ni Magdalo Rep. Gary Alejano ang Mabalasik Class ng Philippine Military Academy na nagtapos ngayon na laging alalahanin ang idealismo na natutuhan sa Academy. “Laging isapuso ang pagmamahal sa bayan, at ang pagiging tapat sa tungkulin sa lahat ng panahon. Kayo ay sundalo ng bayan at hindi ng iilan. Samot-sari ang tukso sa serbisyo kaya dapat maging matatag. Alalahaning …
Read More »Payo kay ex-SAP Bong Go: Politika, karahasan iwasan — Duterte
HUWAG magpadala sa politika at iwasan ang paggamit ng karahasan. Ito ang payo ni Pangulong Rodrigo Duterte kay incoming senator Christopher “Bong” Go sa ginananp na thanksgiving party para sa kanyang longtime aide kamakalawa sa Davao City. Anang Pangulo, maaaring tumagal nang hanggang 12 taon sa Senado si Go kapag ginampanan nang mabuti ang tungkulin at bigyan prayoridad ang mga …
Read More »Mag-ina tumilapon sa bangga ng jeepney, Baby utas ina kritikal
PATAY ang isang-buwang gulang na sanggol habang kritikal ang kalagayan sa pagamutan ng kanyang ina matapos mabangga ng humaharurot na pampasaherong jeep habang naglalakad sa gutter ng kalsada sa Navotas City, kahapon ng umaga. Isinugod ng nagrespondeng JRY ambulance si Kaehll Ejija Mariano sa Navotas City Hospital na hindi na umabot nang buhay sanhi ng pinsala sa ulo at katawan. …
Read More »Proyekto ng Manila Water para sa ‘cross-border water sharing’, patuloy na isinasagawa
Nakapaglatag na ang Manila Water ng 300 mm na pipeline sa kahabaan ng Tandang Sora Avenue sa Quezon City. Nagbigay-daan ito upang maibahagi ang hanggang 2.5 million liter per day (MLD) na tubig mula sa West Zone concession area ng Maynilad papuntang East Zone ng Manila Water sa pamamagitan ng “cross-border sharing”. Nangako ang Maynilad na magbabahagi ito nang hanggang …
Read More »Sa Shangrila BGC… Negosyante arestado sa P8.5-M party drugs
NAARESTO ng mga operatiba ng Taguig police at Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) ang isang lalaking negosyante na hinihinalang miyembro ng sindikato. Nakompiska ang aabot sa P8.5 milyong halaga ng party drugs sa isang five-star hotel sa naturang lungsod kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang suspek na si Domingo Tanyao Uy Jr., 44, Filipino Chinese, negosyante, may address na 2803 Balete …
Read More »5-taon basura ng Canada ‘itatapon’ pabalik ni Duterte
NAPIKON na si Pangulong Rodrigo Duterte kaya gagastusan na ang pagbabalik sa Canada ng mga basura nilang limang taon nang nakatambak sa bansa. “President Rodrigo Roa Duterte is upset about the inordinate delay of Canada in shipping back its containers of garbage. We are extremely disappointed with Canada’s neither here nor there pronouncement on the matter,” ayon kay Presidential Spokesman …
Read More »PhilSA aprub
PASADO sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang panukalang batas na layong buuin ang Philippine Space Agency (PhilSA). Ipinanukala ni Sen. Benigno “Bam” Aquino IV, ang Senate Bill No. 1983 o ang “Act Establishing the Philippine Space Development and Utilization Policy and Creating the Philippine Space Agency.” Ayon kay Aquino, ang paglulunsad sa isang space program ay makapagbibigay sa …
Read More »Gastos pag-uwi ng labi ni Dayag mula Kuwait kinargo ng DFA
SASAGUTIN ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang gastusin sa pagpapauwi ng labi ng overseas Filipino works (OFWs) na napatay ng kanyang employer sa Kuwait kamakailan. Nagpaabot ng pakikiramay ang ahensiya sa pangunguna ni Secretary Teodoro “Teddy” Locsin sa pamilya ng OFW na namatay nang dalhin sa Al-Sabah Hospital, Kuwait nitong 14 Mayo na idineklarang dead on arrival. Kinilala ang …
Read More »‘Pabayang’ Comelec execs kinasuhan sa Ombudsman
SINAMPAHAN ng kasong administratibo ng Mata Sa Balota Movement at ng ilang non-government organizations (NGOs) ang mga ‘non impeachable’ officials ng Commission on Election (Comelec) sa Office of the Ombudsman bunsod sa hindi pagpapatupad ng pinakamahalagang bahagi ng Automated Election System (AES) law na nagdulot ng kaliwa’t kanang ulat ng kapalpakan ng mga makina at proseso sa katatapos na 13 …
Read More »Cannabis (MJ) oil sa vape cartridge nasabat sa CMEC
HINULI ng mga tauhan ng Philippines Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang Filipino American national nang kunin sa Central Mail Exchange Center ang 30 vape cartridge na naglalaman ng cannabis oil sa Domestic Road, Pasay City kahapon. Dakong 12:30 pm nang hulihin ang suspek na si Hamre Tamayo Orion Alfonso, 27, ng Wisconsin USA na nagmamay-ari ng shipment mula China, kasalukuyang …
Read More »Flexible time sa trabaho aprobado sa Senado
INAPROBAHAN ng Senado ang panukalang batas na layong gawing “flexible” ang araw at oras ng trabaho ng mga manggagawang Filipino. Sa botong 17-0, inaprobahan ang bill na inihain ni Sen. Joel Villanueva. Isa ito sa mga panukalang batas na tinalakay ng Senado sa unang araw ng sesyon nitong Lunes matapos ang eleksiyong 13 Mayo. Sa ilalim ng bill, puwede huwag …
Read More »Kiko nagbitiw sa LP (Drilon nalungkot, Pangilinan pinuri ng Palasyo)
NAGBITIW na si Senador Francis Kiko Pangilinan sa puwesto bilang pangulo ng Partido Liberal sa kanyang isinumiteng liham kay LP Chairperson, Vice President Leni Robredo. Nakasaad sa liham ni Pangilinan, nagbitiw siya bilang pangulo ng LP matapos ang pagkatalo ng lahat ng kandidato ng Otso Diretso. Bilang siya ang tumatayong campaign manager, ay tinatanggap ang lahat ng full responsibility sa …
Read More »Federalismo at con-ass nararapat nang harangin
PINAALALAHANAN ni Albay Rep. Edcel Lagman ang mga miyembro ng papasok na Kongreso na harangin ang pagpasa ng federalismo at pagpapalit ng Kongreso sa Constituent Assembly. Ani Lagman, ang pag-iisa ng Kamara at ng Senado bilang Constituent Assembly, na maraming alyado ng pangulo, ay magmimistulang ‘rubberstamp’ ng Malacañang. “The subservience to the administration which is now happening in the House …
Read More »Sa pananatili sa NYC… Cardema ipinasisiyasat ng Palasyo
PINAIIMBESTIGAHAN ng Palasyo sa Department of Justice (DOJ) ang ulat na nag-preside pa rin sa pulong sa National Youth Commission (NYC) si Ronald Cardema bilang chairman kahit naghain na siya ng petition upang maging substitute nominee ng Duterte Youth party-list group. “We refer the case of Cardema to the DOJ because we have received reports that despite his filing of …
Read More »Bakasyon naunsiyami… Ex-Omb Morales ‘di pinayagan makapasok sa HK
PINASAKLOLOHAN ng Palasyo si dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales na hinarang ng Immigration authorities sa Hong Kong. Batay sa ulat, hindi pinayagan makapasok ng Hong Kong si Morales para magbakasyon kasama ang kanyang pamilya bilang ‘paghihiganti’ umano ng China sa isinampang reklamong crimes against humanity ng dating Ombudsman laban kay Chinese President Xi Jin Ping sa International Criminal Court (ICC). “I …
Read More »5-anyos nene isinilid sa bag na sako matapos saksakin at tusukin ng icepick (Sa Laguna)
SINAMPAHAN ng pulisya ng kasong murder ang suspek sa karumal-dumal na pagpaslang sa isang 5-anyos batang babae sa bayan ng Sta. Cruz, lalawigan ng Laguna. Kinilala ni P/Maj. Jojo Sabeniano, tagapagsalita ng Laguna police, ang suspek na si Glenn Ford Manzanero, 30 anyos. Kinasuhan si Manzanero dahil sa pagpatay sa nasabing bata na noong Linggo pa naiulat na nawawala sa …
Read More »Milktea shop sa Glorietta 2 aksidenteng nasunog — BFP
HINDI arson kundi aksidente ang nangyaring sunog sa Coco Milktea Shop nitong Linggo ng gabi sa Glorietta 2 Ayala Center sa nasabing lungsod. Lumitaw sa isinagawang imbestigasyon ng mga tauhan ng Makati City Bureau Fire Protection na aksidente ang nangyaring sunog sa Coco Milktea Shop nitong Linggo ng gabi at hindi sinadya. Sinabi ni F02 Lester Batalla, arson investigator ng …
Read More »Brigada Eskwela umarangkada na
BILANG paghahanda sa pagbubukas ng klase sa darating na Hunyo, nakibahagi ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa programa ng Department of Education (DepEd) na paglilinis ng mga silid-aralan at iba pang pasilidad sa ilang pampublikong eskuwelahan sa Metro Manila. Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, 400 tauhan ng Metro Parkways Clearing Group (MPCG) ang itinalaga ngayong araw sa 20 …
Read More »Petisyon vs pag-upo ni Cardema sa Duterte Youth inihain sa Comelec
GRUPO ng mga kabataan ang naghain ng petisyon sa Commission on Elections (Comelec) laban sa pag-upo ng hepe ng National Youth Commission (NYC) na si Ronald Cardema kapalit ang asawa bilang unang nominee sa Duterte Youth party-list. Sinabi ng grupong National Union of Students of the Philippines (NUSP), College Editors Guild of the Philippines (CEGP), at University of the Philippines …
Read More »