Thursday , May 26 2022

Sa vaccination plan… SPEAKER VELASCO SINABIHANG SUMUNOD (Gov’t funds, sariling interes ‘wag unahin)

“SUMUNOD sa vaccination plan ang Kamara”

Ito ang paalala ni Preventive Education and Health Reform Advocate Dr. Anthony Leachon kay House Speaker Lord Allan Velasco bilang reaksiyon sa naging pahayag na priority ang mass vaccination para sa 8,000 mambabatas at kawani ng House of Representatives sa oras na maging available na ang bakuna laban sa CoVid-19.

Ayon Leachon, bago pa man magpahayag ng mga ganitong pangako si Velasco ay dapat alamin niya muna kay vaccination czar Secretary Charlie Galvez kung kasama o makokober ang lahat ng mga taga-Kamara sa priority list.

Ang ganitong pronouncements na mauuna sila o prayoridad agad sila sa bakuna ay maaaring magdulot ng kaguluhan at tiyak umanong mababatikos lalo’t limitado ang inisyal na dating ng bakuna at kailangang ibigay ito sa mga nasa priority list.

Sinabi ni House Secretary General Mark Llandro “Dong” Mendoza, hindi problema ang funding sa CoVid-19 vaccine dahil priority ito ni Speaker Velasco.

“Isa ‘yan sa thrust na gusto gawin ni House Speaker Velasco. Nag-initial discussion na kay Sec. Galvez with regard doon sa vaccination,” paliwanag ni Mendoza matapos maiulat ang 98 cases ng CoVid sa Kamara mula nitong 10 – 20 ng Nobyembre.

Gayonman, sinabi ni Leachon, kahit pa man magmadali ang Kamara at may nakatabing pondo para sa kanilang pagpapabakuna ay kailangan nilang mag-apply.

“Even sa ibang bansa may template ‘yan in term of prioritization kung sino ang unang mabibigyan, kung gusto nila na mailagay sa priority list ay subject for approval at nakadepende ito sa recommendations ng IATF,” paliwanag ni Leachon.

Sa naging briefing ng Department of Health (DOH) at mga ahensiyang nangangasiwa sa CoVid-19 vaccination sa House Committee on People’s Participation ay tinukoy nito ang mga sektor na priority para makatanggap ng bakuna.

Nasa ika-12 at last priority ang mga estudyante habang ang una ay frontline health workers mula sa public at private sector na umaabot sa 1,762,994; ikalawa ang Indigent senior citizens na nasa 3,789,874; ikatlo ang iba ang senior citizens na nasa 5,678,544; ikaapat ang indigent population na nasa 12,911,193; uniformed personnel na nasa 525,523; ikaanim ang mga guro, school workers sa private at public institution; lahat ng government workers mula sa national agencies and local government units; ikawalo ang essential workers sa agriculture, food industry, transportation, at tourism; pang-siyam ang Sociodemographic groups gaya ng mga nakakulong, persons with disabilities at mga Filipino na naninirahan sa high density areas; ika-10 ang overseas Filipino workers (OFWs); pang-11 ang iba pang remaining work force at ika-12 ang mga estudyante.

Inilinaw ni Dr. Aleli Annie Grace Sudiacal, Director ng Bureau of International Health Cooperation ng DOH, hindi magiging palakasan at kung sino ang makapangyarihan ang mauuna sa bakuna kundi kung sino ang vulnerable sector.

Aniya, ang pagtanggap ng bakuna ng mga nasa priority list ay nakadepende rin sa availability ng supply.

Si Pope Francis ay unang nanawagan sa mga lider sa buong mundo na iprayoridad sa CoVid-19 vacinne ang mahihirap.

“How sad it would be if access to a CoVid-19 vaccine was made a priority for the richest. It would be sad if the vaccine became property of such and such nation and not universal for everyone,” naunang pahayag ng Santo Papa.

Samantala, sinabi ng mga kawani ng Kamara na hindi sila natuwa sa pahayag ni Velasco na prayoridad ang mass vaccination bilang solusyon sa tumataas na kaso ng CoVid cases sa Mababang Kapulungan.

Anila, malayo pang matupad ang pangakong ito ngunit ang kanilang kinakailangan ay agarang solusyon para mapigil ang pagdami ng CoVid cases.

Nakapagtala ang Kamara ng 98 confirmed CoVid cases sa buwan ng Nobyembre na lumitaw na hindi nai-report agad sa local health authorities kaya ngayon pa lamang nagsasagawa ng contact tracing.

 

About hataw tabloid

Check Also

riding in tandem dead

Sa Tuao, Cagayan
BARANGAY CHAIR TODAS SA TANDEM

PATAY ang isang barangay chairman na sakay ng kanyang motorsiklo nang barilin ng hindi kilalang …

explode grenade

Sa San Ildefonso, Bulacan,
BAHAY NG KAPITAN HINAGISAN NG GRANADA

NAWASAK ng shrapnel mula sa inihagis na granada ang ilalim ng pick-up truck, pag-aari ng …

Bulacan Police PNP

6 MWPs sa Bulacan isa-isang naihoyo 

ISA-ISANG nahulog sa kamay ng batas ang anim na kalalakihang pinaghahanap ng batas at sinasabing …

rape

Call center agent na katagay hinalay
TEACHER ARESTADO

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking guro matapos ireklamo ng panghahalay sa isang dalagang …

road traffic accident

Nasipa ng baka
RIDER NASAGASAAN NG TRUCK, PATAY

ISANG rider ang binawian ng buhay nang masagasaan ng isang truck matapos masipa ang kaniyang …

Leave a Reply