Covid-19 dead

14 katao namatay sa CoVid-19 (Sa Bulacan)

NAKAPAGTALA ang lalawigan ng Bulacan ng panibagong 14 kataong binawian ng buhay dahil sa CoVid-19.

Sa datos mula sa Provincial Health Office hanggang nitong Biyernes, 4 Disyembre, ipinakita na 15 ang bagong kaso ng CoVid-19 sa lalawigan, na nagdala sa kabuuan ng kompir­madong kaso ng Bulacan na 9,312, nasa 544 ang aktibong kaso, samantala ang mga nakarekober ay nasa 8,432.

Sa kabuuan, ang bilang ng mga namatay sa Bulacan sa CoVid-19 ay nasa 336 na.

Patuloy na nagpapaalala sa mga residente ang Provincial Health Office upang sumunod sa minimum health protocols tulad ng pagsusuot ng facemask at face shield gayondin ang ‘one-meter physical distancing’ sa pagitan ng bawat tao.

(MICKA BAUTISTA)