Saturday , December 6 2025

News

P286-M pinsala iniwan ng bagyong Quinta sa Bicol (Sa pananim at impraestruktura)

TINATAYANG hindi bababa sa P286 milyong halaga ng mga pananim at impraestruktura ang napinsala ng bagyong Quinta nang manalasa sa rehiyon ng Bicol simula noong Linggo, 25 Oktubre. Sa ulat kahapon, 27 Oktubre, ng Office of Civil Defense ng Bicol, naitala ang P286,200,000 halaga ng pinsala sa agrikulutura at pangingisda, habang umabot sa P26,000,000 ang pinsalang naitala sa impraestruktura. Ayon …

Read More »

Quinta nanalasa sa Oriental Mindoro

NATUKLAP ang mga bubong, nabuwal ang mga puno at mga poste ng koryente at bumaha sa maraming lugar sa lalawigan ng Oriental Mindoro, nang hagupitin ng malalakas na hangin at matinding pag-ulan dulot ng bagyong Quinta nang mag-landfall nitong Lunes ng umaga, 26 Oktubre. Sa kanilang Facebook post, sinabi ng mga awtoridad ng Oriental Mindoro na nagsasagawa na sila ng …

Read More »

Obrero ng PTV-4 at IBC-13, nganga sa Duterte admin

WALANG nakikitang pag-asa ang mga obrero ng state-run TV networks na maibibigay ang umento sa sahod at mababayaran ang mga utang sa kanila sa mga benepisyo hanggang matapos ang administrasyong Duterte sa 2022. Nagturuan ang dalawang opisyal ng Palasyo kung sino ang tutugon sa tanong hinggil sa labor issues sa People’s Television Network Inc. (PTNI) at Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC-13) …

Read More »

Isang araw matapos ang kaarawan ni Yorme: Nanay Rosario Domagaso, pumanaw, edad 74 anyos

PUMANAW sa edad 74 anyos ang ina ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, na si Rosario Domagoso nitong Linggo ng umaga, 25 Oktubre. Naiwan ni Nanay Rosario ang kaniyang nag-iisang anak na si Mayor Isko, isang araw matapos ang ika-46 kaarawan ng alkalde. Inanunsiyo ang pagkamatay ni Nanay Rosario ng Archdiocesan Shrine and Parish of Santo Niño de Tondo sa …

Read More »

Aguinaldo tigbak sa parak

dead gun

TODAS ang isang hinihinalang drug personality nang tangkaing barilin ang isang nagpapatrolyang pulis sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Dead-on-the-spot ang suspek na kinilalang si Ronald Aguinaldo, 40 anyos, residente sa Barangay 176, Bagong Silang ng nasabing lungsod sanhi ng tama ng bala sa katawan, Bago ang insidente, nagsasagawa ng foot patrol si P/Cpl. Joe Laurence Balinggao ng Bagong Silang …

Read More »

Menor de edad, 3 miyembro ng Robledo group, tiklo sa droga

shabu

ARESTADO ang apat-katao sa ilegal na droga na pinaniniwalaang mga miyembro ng kilabot na sindikatong Robledo Group, kamakalawa ng gabi, 24 Oktubre, sa lungsod ng Marikina. Kinilala ni P/Col. Restituto Arcangel, hepe ng Marikina PNP, ang mga nadakip na suspek na sina Lester Cortez, 42 anyos; John Clark dela Cruz, 20 anyos; Remart Reyes, 21 anyos; pawang nakatira sa Barangay …

Read More »

Aktibistang IP inaresto sa Kalinga

DINAKIP ang aktibistang nakikipaglaban para sa mga karapatan ng mga katutubo at kababaihan na si Beatrice “Manang Betty” Belen nitong Linggo, 25 Oktubre, sa kaniyang tahanan sa lalawigan ng Kalinga dahil sa bintang na kasong illegal possession of firearms and explosives. Kasalukuyang nakapiit si Belen sa Kalinga Provincial Police Station sa bayan ng Tabuk matapos salakayin ng mga pulis ang …

Read More »

Bagyong ‘Quinta’ lalong lumakas: Trabaho, klase sa Bicol, Oriental Mindoro suspendido

IDINEKLARA ng mga lokal na pamahalaan sa mga lalawigan ng Albay, Sorsogon, lungsod ng Naga City sa Camarines Sur, at Oriental Mindoro ang suspensiyon sa trabaho at mga klase sa lahat ng pampubliko at pribadong mga paaralan dahil sa bagyong Quinta (international name: Molave), ngayong Lunes, 26 Oktubre. Sinabi ni Albay Governor Al Francis Bichara sa kaniyang advisory, kasama sa …

Read More »

Buhay, kaligtasan at kalusugan ng mamamayan, protektahan – Go

HINIKAYAT ni Senator Christopher “Bong” Go, ang chairperson ng Senate Committee on Health, ang mga lokal na awtoridad at tourism stakeholders na protektahan ang buhay, kaligtasan at kalusugan ng mga mamamayan habang maingat na binabalanse ang pagsusumikap na buksan muli ang ekonomiya sa Boracay Island at tumanggap ng mga turista, sa gitna ng pandemyang CoVid-19. “Binuksan na po ang Boracay, …

Read More »

Lider na negosyante kailangan ng bansa, at sagot sa kahirapan

SA KABILA ng krisis ng bansa dulot ng pandemya, isinusulong ngayon ng ilang negosyante at professional para mamuno sa ating bansa ang Filipino businessman na si Ramon See Ang ang may pinakamalaki at kontrol na conglomerate ng kompanyang San Miguel Corporation at ang Eagle Cement Corporation. Naniniwala ang ilang negosyante at professional na malulutas ang kahirapan sa bansa kung si …

Read More »

2 babae, binatilyo patay sa pamamaril sa QC

gun QC

TATLO katao kabilang ang dalawang babae ang namatay, at isa pa ang malubhang nasugatan makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang ‘gunman’ habang naglalakad sa eskinita sa Barangay Batasan Hills, Quezon City, nitong Sabado ng gabi. Kinilala ang mga namatay na biktimang sina Marites Betito, 47, kasambahay; Raquel Madunga, 39, at Jimel Donaire, 23, binata, telecom rigger, pawang residente sa Livelihood St., …

Read More »

Ayuda ni Yorme 2-linggo food assistance sa 400 nagpositibo sa CoVid-19

MAKATATANGGAP ng dalawang linggong ayuda mula kay Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang 400-katao na binubuo ng mga driver ng pedicabs, tricyles, jeepneys, at e-trikes, public market vendors, at empleyado ng malls, hotels, restaurants at supermarkets na nagpositibo sa CoVid-19 sa ikinasang mass swab testing sa lungsod. Sumailalim sa mass swab testing ang nasa 5,000 katao at natukoy na 400 …

Read More »

‘Age of sexual consent’ vs child marriages itaas — Gatchalian

MATAPOS magbabala ang mga eksperto na maaaring umakyat ang bilang ng child marriages kasunod ng pandemya, binigyang diin ni Senador Win Gatchalian na dapat itaas ang kasalukuyang age of sexual consent sa bansa na 12-taon gulang bilang bahagi ng pagsugpo sa isang maituturing na paglabag sa karapatang pantao. Ang pagpapakasal ng isang menor de edad ay maituturing na child marriage …

Read More »

Gordon hindi natinag sa pangako ng Palasyo na magbabayad sa PRC

HINDI natinag si Senator Richard Gordon, chairman ng Philippine Red Cross, sa anunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na babayaran ng gobyerno ang halos P1 bilyon utang ng Philhealth para sa mga isinagawang swab tests. Hindi tinanggap na garantiya ni Gordon ang naging pahayag ni Pangulong Duterte. Diin ni Gordon, dapat ay bayaran muna ng PhilHealth ang higit P930 milyong utang …

Read More »

Bayanihan 2 dapat isakatuparan na — Sen. Bong Go

HINIMOK, kasunod ng panawagan ni Senate Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go ang Executive Department na tiyakin ang mas pinalakas na whole-of-goverment approach sa pagpapatupad ng iba’t ibang hakbang sa ilalim ng Republic Act No. 1194 o ang Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2. Sinabi ni Go, mahalagang malinaw sa mga ahensiya ng gobyerno ang …

Read More »

De Lima nanawagan sa POC gastos sa PHISGOC ipaliwanag

30th Southeast Asian Games SEAG

SANG-AYON si Senator Leila de Lima sa panawagan ng Philippine Olympic Committee (POC) na ipaliwanag ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) ang ginastos sa nagdaan 30th Southeast Asian Games sa bansa noong nakaraang taon. Naglabas ng pahayag sa isyu si De Lima nang malaman na hindi pa rin malinaw kung magkano ang talagang kinita at ginastos ng sporting …

Read More »

Palasyo dumistansiya sa House probe ng 2019 SEA Games

DUMISTANSIYA ang Palasyo sa ulat na planong imbestigahan ng Kongreso ang ginastang pondo ng bayan sa 30th Southeast Asian (SEA) Games na idinaos sa Filipinas noong nakaraang taon. Inihayag ito ni Presidential Spokesman Harry Roque kasunod ng mga panawagan para busisiin ng Kongreso ang umano’y mga iregularidad sa 2019 SEA Games lalo na ang usapin na may utang na P387 …

Read More »

Inamin ni Parlade: Colmenares tinitiktikan

“ACTIVISM in not terrorism.” Inihayag ito ng ilang opisyal ng administrasyong Duterte na nagsulong na maipasa ang kontrobersiyal na Anti-Terror Act ngunit taliwas ito sa ginagawa sa ilang aktibista, artista, at kilalang personalidad sa mga progresibong organisasyon. Walang kagatol-gatol na inamin kahapon ni AFP Southern Luzon Command (SolCom) commander Lt. Gen. Antonio Parlade, Jr., tinitiktikan o under surveillance ng military …

Read More »

P232.97-M ICT ng PTNI kinuwestiyon ng COA

NAGBABALA ang Commission on Audit (COA) na sususpendihin ang P232.97 milyong transaksiyon ng state-run People’s Television Network Inc. (PTNI) kaugnay sa pagbili ng information and communications technology equipment noong nakaraang taon. Ayon sa 2019 COA report, nabigo ang PTNI na makakuha ng permiso sa Department of Information and Communications Technology (DICT) bago binili ang P232.97 milyong halaga ng ICT equipment. …

Read More »