Thursday , June 4 2026

Kahit #1 red-tagger Duterte BFF ng communist China

KAHIT nangunguna sa red-tagging sa ilang progresibong mamba­ba­­tas at organisasyon sa Filipinas, itinuturing ni Pangulong Rodrigo Duterte na BFF o best friend forever ang komunistang bansang China.

Kilalang red-tagger at ninanais ipatanggal ni Pangulong Duterte sa 1987 Constitution ang probisyon kaugnay sa partylist system upang hindi na makalahok sa eleksiyon ang mga progresibong partylist representatives na iniuugnay niya sa Communist Party of the Philippines (CPP) na kritikal sa kanyang administrasyon.

Ngunit sa sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na pre­syong BFF ang ibinigay ng China sa Filipinas para sa baku­nang Sinovac, inirason niyang komunistang bansa ito kaya hindi mahilig tumubo.

“Alam ninyo kasi ang China, hindi ‘yan kapitalistang bansa. Komunista ‘yan. So their prices are not driven by market forces,” depensa ni Roque sa kritisismo sa pangalawa sa pinakamahal na CoVid-19 vaccine ang Sinovac.

“I can assure you, nabigyan po tayo ng presyo na ukol lamang sa kanilang BFF,” ani Roque.

Bagama’t todo-depensa sa Sinovac, ayaw kompirmahin ng Palasyo ang inihayag ni  Sen. Sonny Angara na nasa P3,629.50 ang Sinovac para sa dalawang doses, ang ikalawang pinaka­mahal sa brands kasunod ng bakuna ng Moderna na nasa P4,504/dalawang dose.

“I’m not at liberty but I can say, sa lahat po ng oorderin natin, hindi po pinakamahal ang Sinovac. Kung hindi po ako nagkakamali, pangatlong pinaka­mahal lang po siya out of six brands. It is in the mid-range. So wala pong katuturan ang inginangawa ng mga kritiko na napakamahal ng Sinovac,” depensa ni Roque

Nag-apply kaha­pon para sa emergency use authorization (EUA) ang Sinovac upang agad na maga­mit kapag dumating na ang 25 milyong dose sa susunod na buwan.

Kahapon ay gina­waran ng EUA ng Food and Drug Administration (FDA) ang Pfizer Inc., at ang German partner nitong BioNTech SE ang isa pa sa ginawaran ng EUA ng Food and Drug Administration (FDA).

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …