SINABI ni Senador Christopher “Bong” Go na posibleng maglabas ng executive order ang Pangulong Rodrigo Duterte na naglalayon na magtatag ng LGBT Commission habang hindi pa naipapasa ang panukalang Sogie bill o anti-discrimination bill. Sinabi ni Go, nagpahayag ng suporta ang pangulo sa naturang panukalang batas na inaasahang maisasabatas bago matapos ang kanyang termino. Inamin ni Go na nagtungo nitong …
Read More »Duterte nagbabala sa pasaway na foreign vessels
NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi magugustuhan ang magiging trato ng gobyerno ng Filipinas kapag hindi kumuha ng permiso ang foreign vessels kung maglalayag sa Philippine waters. “To avoid misunderstanding in the future, the President is putting on notice that beginning today, all foreign vessels passing our territorial waters must notify and get clearance from the proper government authority …
Read More »DPWH naglaan ng P400-500-M kada distrito
SA LAKI ng inilaan ng kongreso sa bawat distrito ng mga kongresista, mukhang mawawala na ang mga lubak sa kalsada ng San Jose del Monte City at sa iba pang bayan sa bansa. Ayon kay Cayetano, isinumite na ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar ang tig-P400 – P500 milyong halaga ng proyekto sa bawat distrito …
Read More »49 Navotas inmates nagtapos sa ALS
UMABOT sa 49 inmates sa Navotas City Jail ang mapalad na nakakuha ng diploma sa pamamagitan ng Alternative Learning System (ALS) na ang 15 sa kanila ay nagtapos sa elementarya at 34 ang nagtapos sa high school. Sa talumpati ni Mayor Toby Tiangco sa harap ng inmates, kanyang hinikayat ang mga nagsipagtapos na ipagpatuloy ang magandang gawain at magsikap na …
Read More »Number coding scheme suspendido
SUSPENDIDO ngayong araw, Miyerkoles, ang pagpapatupad ng Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o Number Coding Scheme sa mga pangunahing lansangan sa Kalakhang Maynila. Inihayag ito ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kahapon. Sa Traffic Advisory ng MMDA at bilang paggunita sa ika-36 kamatayan ni dating Senador Benigno Aquino Sr. suspendido ang pagpapatupad ng number coding ngayon araw . Sa …
Read More »Campus ‘militarization’ mahigpit na kinondena sa UP system-wide protest
MULA sa University of the Philippines (UP) Diliman Campus na simbolikong isinara ng mga estudyanteng nagpoprotesta ang makasaysayang Palma Hall upang ipaabot sa pamahalaan na tutol sila sa mungkahing magtalaga ng mga pulis at sundalo sa loob ng UP campuses, sumabay ang iba pang mag-aaral sa UP Visayas. Hindi bababa sa 100 mag-aaral mula sa UP Visayas ang lumahok sa …
Read More »Nueva Ecija governor sinibak ng Ombudsman
INATASAN ng Office of the Ombudsman ang Department of Interior and Local Government (DILG) na ipatupad ang kanilang desisyon na nagtatanggal sa puwesto kay Nueva Ecija Governor Aurelio Umali, matapos mapatunayang guilty sa ilegal na paggamit ng kanyang pork barrel noong siya congressman pa. Bukod sa pagpapatanggal bilang gobernador, kasama rin sa November 14, 2016 decision na pirmado ni Graft …
Read More »120 Chinese workers na-Dengue sa Bataan
HINDI bababa sa 120 empleyadong Chinese nationals ng isang coal-fired power plant ang tinamaan ng dengue virus sa bayan ng Mariveles, sa lalawigan ng Bataan. Ayon kay Godofredo Galicia, Jr., chairman ng committee on health ng Bataan provincial board, dinala sa pagamutan ang mga apektadong Tsino upang malapatan ng lunas. Nabatid na nagtatrabaho ang mga nasabing dayuhan sa GN Power …
Read More »Autopsy sa casualty ng police ops pabor sa Palasyo
HINDI hahadlangan ng Palasyo ang panukala ni Senador Francis Pangilinan na gawin nang mandatory ang pagsasagawa ng autopsy sa mga napapatay sa police operation na nasa ilalim ng questionable circumstances. Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na malaya si Pangilinan na maghain ng mga panukalang batas na sa tingin niya ay makabubuti sa bansa at hindi makikiaalam ang ehekutibo sa …
Read More »Direktiba ni Digong sa renewable energy dedma kay Cusi
BINATIKOS ng grupo ng mga kinatawan ng consumer na tagapagtaguyod ng environment at clean energy, at ‘coal-affected communities’ ang Department of Energy (DOE) na pinamumunuan ni Sec. Alfonso Cusi dahil sa hindi pagsunod sa direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang State of the Nation Address (SONA), na paunlarin ang Renewable Energy (RE) at bawasan ang paggamit ng uling o …
Read More »Palasyo duda na sa nakaiiritang ‘Friendship’ ng China
HINDI gawain ng isang kaibigan ang paulit-ulit na pagdaan ng Chinese Navy sa Sibutu Strait nang walang pahintulot ang Filipinas. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, sang-ayon ang Palasyo sa pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na nakaiirita na ang ginagawa ng China. Ani Panelo, maaaring paglabag sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) ang ginagawa …
Read More »Foreign recruiters blacklisted, tiwaling agencies suspendido
UMABOT sa 21 foreign recruitment agencies at direct employers ang inilagay sa blacklist habang 19 pasaway na local recruitment agency ang pinatawan ng suspensiyon o kinansela ang lisensiya sa patuloy na kampanya ng gobyerno upang linisin ang overseas placement industry, ayon sa labor department. Sa ulat ni administrator Bernard Olalia ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) kay Labor Secretary Silvestre …
Read More »Dahil sa korupsiyon… Pondo ng PhilHealth delikadong masaid
NANGANGANGANIB mawalan ng pondo ang Philhealth sa susunod na taon bunsod ng mga anomalyang nagaganap dito. Ayon kay Anakalusugan Party List Rep. Mike Defensor, haharangin niya ang pondo ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) para sa 2020 hanga’t hindi maipaliwanag ang mga umaalingawngaw na korupsiyon dito. Ayon kay Defensor, kuwestiyonable ang pagharang ng PhilHealth sa Commission on Audit (COA) na …
Read More »2 Cabinet members nakasalang sa PACC
DALAWANG miyembro ng gabinete ang iniimbestigahan ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) dahil sa umano’y pagkakasangkot sa katiwalian. Ayon kay PACC commissioner Greco Belgica, matatapos sa Oktubre ang kanilang pagsisiyasat sa dalawang cabinet members na hindi niya pinangalanan. Isusumite aniya ng PACC kay Pangulong Rodrigo Duterte ang resulta ng imbestigasyon at kung kinakailangan ay irerekomenda nila sa Ombudsman na sampahan ng …
Read More »Feeling Pogi at Maid in the Philippines patok sa Dabarkads viewers
Yes hindi lang ang mga may itsura ang binibigyan ng pagkakataon ng Eat Bulaga na masilayan o mabigyan ng exposure sa telebisyon. Maging ang mga nagpi-feeling Pogi ay may lugar na rin sa kanilang programa at patok na patok ang “Feeling Pogi” segment na araw-araw ay may dalawang kalahok na pasiklaban ng talento at ang daily winner ay mag-uuwi ng …
Read More »Poe desmayado kay Lim sa hindi pagdalo sa padinig sa Senado
PINUNA ni Senator Grace Poe ang hindi pagsipot ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim sa pagdinig ng senado kaugnay sa traffic sa EDSA. Sinabi ni Poe, nagpasabi si Lim na dadalo siya sa pagdinig ng kaniyang komite pero hindi sumipot. Ani Poe, napapaisip tuloy siya kung talaga bang seryoso si Lim na matugunan ang problema sa traffic …
Read More »Hong Kong iwasan muna — Palasyo
NANAWAGAN ang Palasyo sa mga Filipino na ipagpaliban muna ang pagpunta sa Hong Kong dahil sa nagaganap na kilos-protesta roon. “Kung gusto mong pumunta ngayon sa Hong Kong, this is not the right time to go there kasi ‘yong flight mo biglang naka-cancel. E ‘di avoid muna going there. That’s the advice. Kasi you’re not sure whether you’re going to …
Read More »9 Koreano timbog sa kasong Phishing
NADAKIP ang siyam na Korean nationals sa operasyon na ikinasa ng National Bureau of Investigation – Special Action Unit (NBI-SAU) matapos magnakaw ng impormasyon ang mga suspek upang gamitin sa transaksiyong pampinansyal at ilipat sa ibang bakanteng tarheta sa Angeles, Pampanga, noong Sabado. Kinilala ni NBI Director Dante Gierran ang mga suspek na sina Jung Ju Wan, Kim Tae Yang, …
Read More »Sa Kamara… Reyna ng Appro ‘kusinera’ rin ng PDAF scam
NAMUMUO ang isang bagong iskema ng korupsiyon sa Kamara ng mga Representante na posibleng maghunos bilang “bagong Napoles scam.” Ayon sa ilang taga-Committee on Appropriations, ang nilulutong iskema ay tila inobasyon ng tradisyonal na ‘pork barrel scheme’ na kinokontrol ng binansagang “Reyna ng Appro” na sinabing retiradong director. Katuwang ng retiradong director ang inirekomenda niyang pamangkin para makontrol ang badyet …
Read More »Sotto nagmungkahi: “No Parking Zone” sa Metro Manila
IMINUNGKAHI ni Senate President Vicente Tito Sotto III sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services na pinamumunuan ni Senadora Grace Poe ang “No Parking Zone” sa buong Metro Manila. Para tuluyang mabawasan ang matinding trapik sa EDSA dapat nang ipatupad ang “No Parking Zone” sa buong Kalakhang Maynila. Ayon kay Sotto, matagal na niyang iminumungkahi ito ngunit walang nakikinig …
Read More »P200 bawas sa 200 kW konsumo ng koryente (RA 11371 nilagdaan ni Digong)
AABOT sa halos P200 ang mababawas sa buwanang bill ng mga consumer na kumukonsumo ng 200 kilowatt hour sa paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Republic Act 11371 o Murang Kuryente Act. Batay sa bagong batas, mababawasan ang singil sa koryente sa pamamagitan ng paglalaan ng pamahalaan ng net government share mula sa Malampaya fund upang ipambayad sa utang ng …
Read More »NBI agent umarbor ng drug suspect arestado sa buy bust
ISANG nagpakilalang intelligence officer ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dinakip at dinisaramahan sa isinagawang buy bust operation ng ng Makati police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) nang tangkaing arborin ang kasong droga ng kanyang tiyuhin na kabilang sa walong hinuli sa operation sa lungsod, nitong Lunes ng gabi. Kinilala ni P/Col. Rogelio Simon, hepe ng Makati Police ang …
Read More »Grupo ng Japanese at Taiwanese nagrambol sa kulangot
PINAHIRAN ng kulangot sa mukha ng Taiwanese ang isang Japanese dahilan upang mauwi sa bangayan at rambolan ang magkabilang grupo sa loob ng isang bar sa Ermita, Maynila. Ayon sa ulat, ang magkakaanak na sina Shisaku Fujita, negosyante; Kieth Ravina, 27; at Louigie Villanueva, 22, ay dinala sa tanggapan ng MPD-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) para imbestigahan sa nangyaring …
Read More »Sa Calbayog… Bangka lumubog 49 pasahero, ligtas
NAILIGTAS ang hindi bababa sa 49 pasahero ng isang bangkang de motor na lumubog sa karagatan ng lungsod ng Calbayog, sa lalawigan ng Samar noong Lunes ng umaga, 12 Agosto. Nabatid na kaaalis ng M/B Miar Romces ng Calbayog City Port dakong 11:00 am nang makasalubong ang malalakas na hangin at alon na mas malaki pa sa bangka. Patungo ang …
Read More »Pulis sa unibersidad ‘di solusyon laban sa rekrutment ng kaliwa
HINDI mapipigilan ng presensiya ng mga pulis sa mga eskuwelahan ang pagrerekrut ng mga bagong miyembro ng mga makakaliwang grupo. Naniniwala si Presidential Spokesman Salvador Panelo na ang paglaganap ng krimen ang puwedeng maiwasan sa pagkakaroon ng mga pulis sa mga paaralan pero ang recruitment ng leftist groups ay hindi dahil lihim ang pangangalap ng kanilang kasapian. “Ang presence ng …
Read More »