Thursday , June 4 2026
drugs pot session arrest

Chinese national, 1 pa arestado sa P.1M droga

NAPASAKAMAY ang dalawang suspek ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit  (SDEU) kabilang ang isang Chinese national na empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) nang sitahin at makompiskahan ng P108,000 halaga ng shabu, drug paraphernalia at hinihinalang party drugs o ecstacy, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Acting Pasay Police chief, P/Col. Cesar Paday-os ang mga suspek na sina Wang Fei, 30, Chinese national, pansamantalang naninirahan sa R-8 Fontana Apartment, Clark City Pampanga; at Dexter Abao y Bayon, 43, driver, at residente sa Saint Louie Comp., Brgy. Sun Valley, Paranaque City.

Base sa imbestigasyon ni P/SSgt. Scott Arcilla, naaresto ang mga suspek dakong 4:30 am sa Barangay 76, Pasay City.

Sinita ng mga operatiba ng SDEU ang mga suspek na sakay ng kulay violet na Toyota Innova may plakang CAV1162 nang pumarada kaugnay sa umano’y ilegal na droga na isinusuplay at natuklasan ang dalang 10 pirasong zip locked plastic sachets na naglalaman ng shabu; 10 pirasong red tablet na hinihinalang Ecstacy; at 5 canister na pawang naglalaman ng 5 spiral palstic tube na pinaniniwalaang gamit sa pagsinghot  ng shabu.

Nakatakdang isalang sa inquest proceedings sa Pasay City Prosecutor’s Office ang dalawa sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o Republic Act 9165.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …