Saturday , December 6 2025

News

Barangay chairman sa Kidapawan ligtas sa ambush

gun shot

NAKALIGTAS ang isang barangay chairman sa lungsod ng Kidapawan, lalawigan ng Cotabato, nang tambangan ng dalawang hindi kilalang mga suspek nitong Martes ng gabi, 19 Enero. Kinilala ni P/Col. Ramel Hojilla, hepe ng Kidapawan City police, ang biktimang si Albert Espina, 38 anyos, chairman ng Brgy. Sto. Niño, sa naturang lungsod. Nabatid na minama­neho ni Espina ang kanyang pickup truck …

Read More »

Tricycle sinalpok ng rumaragasang van 2 patay, 1 sugatan

road accident

BINAWIAN ng buhay ang dalawang pasahero ng tricycle habang sugatan nang mabangga ng ruma­ragasang van sa Maharlika Highway, sa bayan ng Calauag, lalawigan ng Quezon, nitong Martes ng gabi, 19 Enero. Sa ulat ng Calauag police nitong Miyerkoles, 20 Enero, kinilala ang mga namatay na sina Modesto Lazaga at Cesar Epa, kapwa pasahero ng tricycle na minamaneho ni Renato Oriendo. …

Read More »

Pulis, lover, tiklo sa droga (Sa Camarines Norte)

shabu drug arrest

ARESTADO ang isang pulis at kaniyang kasinta­han sa isang search operation na ikinasa ng mga awtoridad sa bayan ng Daet, lalawigan ng Camarines Norte, nitong Miyerkoles ng umaga, 20 Enero. Kinilala ni P/Lt. Col. Chito Oyardo, hepe ng Daet police, ang nadakip na suspek na si P/SMSgt. Jacky Palomar, 40 anyos, nakatalaga sa 2nd Police Mobile Force Company ng lalawigan, …

Read More »

Holdaper sa Sampol market sugatan sa enkuwentro (Umaatake tuwing madaling araw)

dead gun

SUGATAN ang isang holdaper matapos manla­ban at makipagbarilan laban sa mga awtoridad sa Brgy. Bagong Buhay I, sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan, nitong Martes ng madaling araw, 19 Enero. Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, Provincial Director ng Bulacan PNP, ang sugatang suspek na si Philip Espellogo, residente sa Brgy. Sta. Cruz 1, sa nabanggit na …

Read More »

Rapists ng kolehiyala tiklo

prison rape

SA MAIGTING na Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO), inaresto ng mga awtoridad ang tatlong lalaking kabilang sa most wanted persons na isinasangkot sa gang rape ng isang 19-anyos kolehi­yala, nitong Martes, 19 Enero. Ayon kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan Police Provincial Office, kinilala ang mga nadakip na suspek na sina John Cedric Ocampo, top 18 regional …

Read More »

Isinarang 3 LRT-2 stations sa sunog, balik-operasyon na

INIANUNSYO ni Light Rail Transit Authority (LRTA) Spokesperson Atty. Hernando Cabrera na magbabalik-operasyon na ngayong linggong ito ang tatlong estasyon ng LRT Line 2, na pansamantalang isinara noong 2019 dahil sa sunog na tumupok sa power rectifier ng rail line sa Quezon City. Ayon kay Cabrera, maaari nang mag-operate muli ang kanilang Santolan, Katipunan, at Anonas stations dahil natapos na …

Read More »

Duque, Galvez, mag-walkout kayo — Duterte (Kapag binastos sa Senate hearing)

INUTUSAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dalawa niyang opisyal na mag-walkout sa Senate hearing kaugnay sa national vaccination program kapag binastos ng mga senador. Narinig umano ni Presidential Spokesman Harry Roque ang direktiba ni Pangulong Duterte kina Health Secretary Francisco Duque III at vaccine czar Carlito Galvez, Jr., sa kanilang pulong noong Lunes. Humingi aniya ng pahintulot si Galvez sa …

Read More »

Duterte, Sotto hinimok ni Go na magkasundo sa bakuna

HINIMOK ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go sina Pangu­long Rodrigo Duterte at Senate President Vicente “Tito” Sitto III na magkaisa para ganap na maipatupad ng pamahalaan ang road map sa bakuna kontra CoVid-19. Ayon kay Go, kung patuloy ang pagka­karoon ng iringan sa pagitan ng dalawang sangay ng pamahalaan ay tiyak na magka­karoon ng epekto sa ating programa sa pagbabakuna …

Read More »

2022 elections ‘di mapipigilan ng pandemya

BUO ang paniniwala ni Senadora Imee Marcos na kahit ang kasalukuyang pandemyang kina­haha­rap ng bansa at ng buong mundo ay hindi madi­diskaril o mapipigilan ang nakatakdang 2022 presidential elections. Ito ay matapos ang unang pagdinig ng Senate Committee on Electoral Reforms na pinamu­munuan ni Marcos ukol sa pagtitiyak na matu­tuloy ang 2022 national at local elections. Magugunitang ma­ging ang Pangulong …

Read More »

Roque ‘sumabog’ sa hamon ng UP prof na tuligsain si Lorenzana

ni ROSE NOVENARIO MISTULANG machine gun na niratrat ni Secretary Harry Roque si The Source anchor Pink Webb nang hingin ang kanyang reaksiyon sa hamon ni UP journalism professor Danilo Arao sa lahat ng UP faculty at alumni na matataas na opisyal ng administrasyong Duterte na tuligsain ang pagkansela ni Lorenzana sa kasunduan. “There is one more reaction sir that …

Read More »

Kanselasyon ng 1989 UP-DND accord diskarte ni Lorenzana (Duterte ‘di kinonsulta)

ni ROSE NOVENARIO SARILING diskarte ni Defense Secretary Delfin Lorenzana at hindi ikinonsulta kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkansela sa 1989 UP-DND Accord, ang kasunduang nagbabawal sa mga pulis at militar na pumasok at kumilos sa loob ng mga campus ng University of the Philippines (UP). Inamin ito ni Presidential Spokesman Harry Roque isang araw matapos ihayag na suportado ng …

Read More »

‘Bato’ natagpuan sa bahay guro sa CamSur arestado

shabu drug arrest

NADAKIP ang isang guro ng public school matapos mabuking ng mga awtoridad sa kaniyang bahay ang tinatayang limang gramo ng hinihinalang shabu sa bayan ng Goa, lalawigan ng Camarines Sur noong Lunes ng gabi, 18 Enero. Kinilala ni P/Maj. Jeric Don Sadia, hepe ng Goa Municipal Police Station (MPS), ang nadakip na suspek na si Melvin Bumanglag, 48 anyos, matapos …

Read More »

Buntot ni Digong ‘nabahag’ sa Senado

WALA pang 24-oras mula nang banatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Senado sa imbestigasyon sa vaccine procurement deal ng administrasyon at akusahan ang ilang senador na pinapaboran ang paggamit ng mga bakuna ng Pfizer ay inatasan niya si vaccine czar Carlito Galvez, Jr., na ipaalam kay Senate President Tito Sotto ang mga kasunduan sa pagbili ng gobyerno ng CoVid-19 vaccines. …

Read More »

294 pamilyang nasunugan pinaasistehan ni Fresnedi

Muntinlupa

MAGBIBIGAY ng pinansiyal na tulong para sa 294 pamilyang naapektohan ng sunog sa Barrio Bisaya, Alabang, nitong nakalipas na Linggo. Ayon kay Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi, magpapasa ng isang resolusyon ang Muntinlupa City Council para sa ipagkakaloob na financial assistance, bukod pa sa mga pangunahing panga­ngailangan. Itinakda ang P10,000 financial assistance na ibibigay sa house owners, P5,000 sa house …

Read More »

Duterte vs Kongreso sa new ABS-CBN franchise bill

NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte na kahit may prankisa ang isang kompanya ay hindi niya papayagan mag-operate kung hindi babayaran ang mga obligasyon sa gobyer­no. “I assure you, all franchises will not be implemented. I will not implement them until they settle their full accounts with the government,” sabi niya sa kanyang public address kamakalawa ng gabi. “For all I …

Read More »

Pagkamatay ng 25 Norwegians, ipinanakot ni Duterte sa mga senador

GINAWANG panakot ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga senador na sinabing kursunada ang Pfizer CoVid-19 vaccine ang pagkamatay ng 25 Norwegian elders na naturukan ng bakunang gawa ng pharmaceutical company. “Ayan ‘yung sa Pfizer, gusto ninyong Pfizer, kayong mga senador, in Norway, 25 persons died after receiving Pfizer vaccination. Gusto ninyo? Mag-order kami para sa inyo,” ayon kay Duterte sa …

Read More »

Ayon kay Ping: 44 Milyong free dose ng Covid-19 vaccine muntik makalusot

UMUSOK ang kontro­bersiya mula mismo sa mga opisyal na inimbitahan sa Senado. Sinabi ito ni Senador panfilo “Ping” Lacsin kaugnay ng kontrobersiya sa bakunang Sinovac na sinabing pinapaboran ng administrasyon. “So the controversy is their own doing. It’s not the Senate, it’s not the senators. We’re performing our job, oversight. We did it in the Bureau of Customs, PhilHealth, and …

Read More »

Protestang anti-terror ikinasa sa Diliman (Sa pagbasura ng UP-DND accord)

NAGTIPON nitong Martes, 19 Enero, sa University of the Philippines (UP) Diliman campus, sa lungsod ng Quezon ang mga miyembro ng iba’t ibang sektor upang magsagawa ng kilos-protesta laban sa pagsasawalang-bisa ng Department of National Defense (DND) sa UP-DND Accord na nagba­bawal sa presensiya ng militar at pulisya sa mga campus ng UP nang walang pahintulot mula sa mga opisyal …

Read More »

Duterte pabor sa kanselasyon ng 1989 UP-DND Accord

ni ROSE NOVENARIO PABOR si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkansela ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa 1989 UPD-DND Accord o ang kasunduang nagbabawal sa mga pulis at militar na pumasok at kumilos sa loob ng mga pamantasan ng University of the Philippines (UP) System. “Si Secretary Loren­zana is an alter ego of the President. Of couse, the President supports the …

Read More »

Ginang binaril sa mata

gun dead

PATAY ang isang ginang nang malapitang barilin sa mata habang naglalaro ng game sa cellphone sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Pag-asa, Quezon City, nitong Lunes ng madaling araw. Sa ulat kay P/Brig. Gen. Danilo Mancerin, Quezon City Police District (QCPD) Director, ang biktima ay kinilalang si Yolanda Cariaga, alyas Dian, 47 anyos, walang asawa, residente sa T. Sora …

Read More »

13th person of interest sa Dacera case hawak na ng NBI (Cellphones ng respondents isusunod na)

ISUSUNOD ng National Bureau of Investigation (NBI) na isailalim sa forensic examination ang cellphone na ginamit ng mga respondent sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera. Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, ito ay kasunod na rin ng pagtatapos ng NBI forensic team sa pagsusuri sa tissues na nakuha ng NBI sa katawan ng 23-anyos flight attendant bago …

Read More »

Harry Roque vs Vice Ganda, panlaba hanggang bakuna nag-upakan sa social media

BINUWELTAHAN ng Palasyo si Unkabogable Phenomenal Star Vice Ganda sa pagbatikos sa administrasyong Duterte sa pahayag na hindi dapat maging choosy sa CoVid-19 vaccine dahil libre naman. Matatandaan, bilang sagot sa pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi puwedeng maging pihikan ang mga Pinoy sa CoVid-19 vaccine, sinabi ng Kapamilya comedian sa isang tweet, “Sa sabong panlaba nga choosy …

Read More »

‘Pandemic quarantine’ gamit sa political agenda ng Duterte regime

ni ROSE NOVENARIO SINASAMANTALA ng rehimeng Duterte ang pandemya upang isulong ang political agenda mula Anti-Terror Law hanggang Charter change at supilin ang mga protesta. Inihayag ito ng Second Opinion, isang grupo ng mga doktor at siyentista na nagsisilbing alternatibong boses sa mga usapin kaugnay ng CoVid-19. “Quarantine is now being used to quell dissent while the Duterte regime pushes …

Read More »

4 pulis-gapo, asset timbog sa 300 kg shabu (Shabu lab sa SBMA nabuking)

NASAKOTE ng mga awtoridad ang apat na pulis ng Olongapo City PNP kasama ang kanilang asset na hinihinalang nagbebenta ng ilegal na droga nitong Biyernes ng madaling araw, 15 Enero, na nagresulta sa pagkakabisto ng shabu laboratory sa loob ng Subic Free Port. Sa pahayag ni SBMA Chairman at Administrator Wilma Eisma, naglunsad ng anti-narcotics operation ang pinagsanib na puwersa …

Read More »