AYAW suportahan ng mga kongresista ang quo warranto case na isinampa ni Solicitor General Jose Calida laban sa ABS-CBN. Ani House Deputy Speaker Johnny Pimentel, isang uri ng pananakot ito sa mga kongresistang sumusuporta sa renewal ng prankisa ng dambuhalang media company. Sa panig ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, ang quo warranto sa ABS-CBN ay labag sa Saligang …
Read More »Nabuking ng COA… Anomalya sa Kaliwa dam deal
NASILIP ng Commission on Audit (COA) ang ilang iregularidad sa paggagawad ng kontrata para sa konstruksiyon ng P12.2-bilyong proyekto para sa Kaliwa Dam project sa Infanta, Quezon sa isang Chinese firm. Sa walong-pahinang audit observation memorandum na may petsang 10 Hunyo 2019, sinabi ng COA na nabigo ang technical working group (TWG) ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na …
Read More »Utos ni Digong kay Panelo dada lang, ‘di dokumentado
DOKUMENTO at hindi dada ang puwedeng maging basehan sa pagbasura sa Visiting Forces Agreement (VFA). Ito ang inamin ng Palasyo kasunod nang pag-alma nina Executive Secretary Salvador Medialdea at Defense Secretary Delfin Lorenzana sa pahayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na inutusan ni Pangulong Duterte si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., na simulan ang pagpoproseso sa pagbasura ng VFA. Sinabi …
Read More »Chinese na nanagasa, nandura, ‘ipinatatapon ni Manila Mayor Isko
NAIS ni Mayor Francisco “Isko” Domagoso na ideklarang undesirable alien o ipatapon sa labas ng bansa ang Chinese national na nanagasa at nandura sa pulis nang sitahin dahil sa paglabag sa number coding. Sa kanyang capital report, inatasan ng alkalde ang MPD Special Mayors Reaction Team (SMaRT) na makipag-ugnayan sa Bureau of Immigration (BI) para sa tamang proseso patawan ng …
Read More »‘Komisyoner’ sa maralita… Nanghihingi ng ‘picture’ isumbong kay Isko
HUMIHINGI ng tulong si Mayor Francisco “Isko” Domagoso sa mga Manileño upang tuluyan nang matuldukan ang mga ‘enterprising individuals’ na nagpapahirap sa maralitang taga-lungsod. Kaugnay nito, hinikayat ni Mayor Isko ang mga residente ng lungsod na agad ipaalam sa kanya ang mga tinaguriang ‘Eddie’ at ‘Patty’ na tila mga ‘komisyoner’ na nanghihingi ng komisyon o ‘picture’ sa mga pinagkakalooban ng …
Read More »Kelot nasakote sa P.1-M shabu
NASABAT ng mga awtoridad ang halos P100,000 halaga ng hinihinalang shabu sa isang lalaki sa ikinasang buy bust operation sa Las Piñas City, kahapon ng madaling araw. Sasailalim sa inquest proceedings para sa ka-song Comprehensive dangerous Drugs Act of 2002 sa Las Piñas Prosecutor’s Office ang suspek na si Antonio Chua, alyas Ponga, 50 anyos, residente sa Love Street, Saint …
Read More »Koreano galing sa casino hinoldap saka pinagbabaril
ISA sa sinisilip na motibo ng Pasay City Police ang panghoholdap sa nangyaring pamamaril sa isang driver na may sakay na dalawang Korean national mula sa casino nang harangin ng mga hindi kilalang suspek ang sinasakyang Starex Van ng mga biktima sa Pasay City, nitong Sabado. Patuloy na inoobserbahan sa San Juan de Dios Hospital ang driver na si Resty …
Read More »Duterte nababahala sa ekonomiya dahil sa nCoV
NABABAHALA si Pangulong Rodrigo Duterte sa epekto sa ekonomiya ng bansa dahil sa 2019 novel coronavirus outbreak. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ginagawan na ng paraan ng administrasyon para matugunan ang naturang problema. Nauna nang inihayag ni Socio Economic Planning Secretary Ernesto Pernia na aabot sa P133 bilyon ang mawawala sa ekonomiya kung tatagal ang krisis sa nCov hanggang Disyembre. Ayon …
Read More »PH handa sa community transmission ng nCoV — DOH
NAKAHANDA ang Department of Health sakaling magkaroon ng community transmission ng 2019 novel coronavirus sa bansa, ayon sa Palasyo. Tiniyak ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na may sagot na ang pamahalaan sakaling magkaroon ng kaso ng community transmission. Sa pinakahuling talaan ng DOH, umabot na sa 267 katao ang imino-monitor ng kanilang hanay na posibleng tinamaan ng coronavirus. Ayon kay …
Read More »Pinoys sa quarantine ipagdasal — Palasyo
NANAWAGAN ang Palasyo sa publiko na ipagdasal na makauwi nang walang aberya sa kani-kanilang pamilya ang 30 Pinoy mula sa China at ang repatriation ream matapos ang 14-day quarantine period. “Let us pray for our fellow countrymen, as well as of the members of the repatriation team for their well being and that they do not show any symptom of …
Read More »Chinese at Romanian national… Bangkay ng 2 ‘alien’ iimbestigahan sa nCoV
DALAWANG dayuhan ang namatay sa karagatan ng Filipinas ang isinasailalim ngayon sa imbestogasyn kaugnay ng 2019 novel coronavirus (nCoV). Ang isang bangkay ay natagpuang walang buhay at palutang-lutang sa tubig, isang Chinese national na may sukbit pang backpack sa tapat ng MJ Cafe sa Manila Bay sidewalk, Malate, Maynila kahapon ng umaga. Base sa ulat ng Manila Police District (MDP) …
Read More »Mula sa PSALM pantugon sa nCoV crisis… Power firm ni Ramon Ang dapat singilin sa P19-B utang
SA HARAP ng ginagawang pagbusisi sa mga onerous contract na pinasok ng gobyerno sa mga nakaraang administrasyon, hinamon ng Makabayan bloc si Pangulong Rodrigo Duterte na habulin at pagbayarin ang mga negosyanteng malapit sa kanya na may malaking pagkakautang sa pamahalaan. Ayon kina Bayan Muna Chairman Neri Colmenares at Bayan Muna Rep. Isagani Carlos Zarate, makikita ang sinseridad ng administrasyon …
Read More »BABALA: Ian Darcy bistadong hindi rehistrado
NABERIPIKA ng Center for Cosmetics Regulation and Research ng Food and Drug Administration (FDA), alinsunod sa ginawang monitoring at sample purchase ng pabango na hindi rehistrado ang pabangong Ian Darcy Eau de Parfum. Sa ilalim ng batas, kinakailangang mag notify o magrehistro sa FDA ang lahat ng produktong cosmetics, kabilang ang mga pabangong ibebenta sa publiko. Ito ay upang masigurado …
Read More »Traffic enforcer tinakasan… Tsekwang alien nasakote droga nakuha sa SUV umarestong parak sinumpit ng laway
NASAKOTE ng Manila Police District (MPD) ang isang 50-anyos Chinese national na nahaharap sa patong-patong na kaso makaraang takasan ang dalawang miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) sa isang traffic violation kahapon ng umaga sa Binondo na nagtapos sa panulukan ng Tayuman at Abad Santos Avenue Tondo sa lungsod ng Maynila. Sa ulat, kinilala ang suspek na si …
Read More »Amo namatay sa nCoV… Ikalawang Pinay DH sa HK isinailalim sa 14-araw quarantine
INIHAYAG ng Konsulado ng Filipinas sa Hong Kong (HK) ang ikalawang Pinay domestic helper (DH) na isinailalim ngayon sa 14-araw na quarantine bilang protocol ng HK government. Ang ikalawang Pinay ay nalantad sa kanyang employer nang magpositibo sa 2019 novel coronavirus-Acute Respiratory Disease (nCoV-ARD) at namatay. Ayon sa Konsulado, katulad rin ng unang kaso ng Pinay worker na nalantad sa …
Read More »Pinay DH sa Dubai patay sa ‘virus’
ISANG 58-anyos Filipina domestic worker sa Dubai ang iniulat ng pahayagang The Filipino Times (TFT) na namatay dahil sa respiratory illness. Kinompirma ito ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa nasabing pahayagan sa Dubai. Ayon kay Bello, humihingi ng tulong ang pamilya ng Filipina upang maiuwi ang kanilang kapamilya na nakatakdang sunugin sa Dubai. Sa panayam ng TFT, nabatid kay …
Read More »Pangatlong positibong kaso ng 2019 nCoV kinompirma ng DOH
TINIYAK ng Department of Health (DOH) ang pangatlong kaso na nagpositibo sa 2019 novel coronavirus. Isang 60-anyos babaeng Chinese na isinama sa talaan ng patients under investigation (PUIs) ang kompirmadong positibo sa 2019-nCoV Acute Respiratory Disease (2019-nCoV ARD) sa bansa. Dumating sa Cebu City mula Wuhan, China via Hong Kong noong 20 Enero 2020 ang pasyente at bumiyahe sa Bohol. Nitong 22 Enero, …
Read More »Digong sasalubong sa 42 Pinoys mula China
NAIS ni Pangulong Rodrigo Duterte na personal na salubungin ang mga Pinoy na ililikas mula China bago dalhin sa quarantine site sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija sa Sabado. Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, umuusad ang talakayan sa Presidential Management Staff (PMS) at Presidential Security Group (PSG) kung papayagan ang Pangulo na makahalubilo ang mga Pinoy mula sa lugar na …
Read More »Mag-asawang senior citizens, senglot patay sa Baseco, QC fire
TATLO katao na kinabibilangan ng mag-asawang sexagenarian ang namatay sa sunog na naganap sa Novaliches Quezon City at sa Baseco Compound, Port Area, Maynila nitong Martes at Miyerkoles ng madaling araw. Hindi nakalabas ng bahay ang mag-asawang senior citizens sa sunog na naganap sa Novaliches, Quezon City, nitong Martes ng madaling araw. Kinilala ang mag-asawa na sina Crisencio Catig, 66, at …
Read More »Banta ni Bong Go: ‘Fake news’ mongers i-quarantine
MAS mainam na ilagay sa quarantine ang mga nagpapakalat ng ‘fake news’ o mongers kaugnay ng pinangangambahang 2019 novel coronavirus (nCoV) ng publiko. Sinabi ito kahapon ni Committee on Health chairman Senador Christopher “Bong” Go, sa pagbubukas ng pagdinig sa senado ukol sa isyu ng 2019 novel coronavirus. Ayon kay Go, walang magawa ang mga nagpapakalat ng ‘fake news’ sa …
Read More »Magtulungan imbes magsisihan
IMBES magsisihan, magtulungan na lang tayo para harapin ang pinangangambahang novel coronavirus. Ito ang pahayag ni Senator Christopher “Bong” Go bilang tugon sa batikos at paninisi ng ilang grupo at indibiduwal sa pamahalaan partikular kay Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit hindi agad ipagbawal ang biyahe mula at papuntang China. Sinabi ni Go, imbes magsisihan, mas mabuting ipakita ang bayanihan ng mga Filipino …
Read More »Koreano sa Maynila Pinoy sa Tripoli, kapwa biktima ng nCoV ‘fake news’
UMAPELA ang Embahada ng Filipinas sa Tripoli na hangga’t maaari ay tamang impormasyon ang ilathala. Kaugnay ito ng mga Pinoy na biktima ng fake news sa Middle East. Hindi lamang Koreano ang biktima ng fake news sa Filipinas kung maging mga Pinoy ay biktima na rin ng fake news sa Middle East. Labis na ikinalungkot ng Embahada ng Filipinas sa …
Read More »Dahil sa travel ban… 300 aliens stranded sa PH airports
MAY 300 Chinese at iba pang foreign nationals ang stranded sa Ninoy Aquino international Airport (NAIA) at iba pang airport sa bansa. Sa Laging Handa press briefing sa Palasyo kahapon, sinabi ni Bureau of Immigration spokesman Dana Sandoval, galing sa China ang foreign nationals na hindi na pinapasok sa bansa dahil sa travel ban na ipinatupad ng pamahalaan bunsod ng 2019 …
Read More »Hazard pay para sa health workers welcome sa RITM
MALUWAG na tatanggapin ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sakaling may magsusulong na dagdagan ang hazard pay ng health workers na direktang nagkaroon ng kontak sa mga nagpositibong pasyente ng novel coronavirus at iba pang uri ng mapanganib na sakit. Ayon kay Celia Carlos, director ng RITM, malugod na tatanggapin ng kanilang hanay kung may dagdag na hazard pay. …
Read More »Labi ng ‘expired’ nCoV patient sa PH ikini-cremate — DOH
SINUNOG ang mga labi ng Chinese na nagpositibo sa 2019-nCoV ARD at namatay sa Filipinas, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III nitong Lunes, 3 Pebrero. “Mayroon tayong tinatawag na burial saka ‘yung pangangasiwa ng pumanaw at ng katawan nito… at sa pinakahuling ulat sa akin, ike-cremate,” pahayag ni Duque sa isang panayam. Dagdag ng kalihim, hindi na maipapasa ang …
Read More »